TL;DR
Papunta na ang metaverse sa yugto kung saan magiging mabilis ang pag-develop. Ang mas maliliit na proyekto ng crypto, creator, at laro ay gumagawa ng mga content at meta platform kasabay ng mga bigatin sa teknolohiya gaya ng Google at Facebook (Meta). Habang lumalaki ang trend, ang mga bigatin sa teknolohiya na may mga platform na bagay na sa metaverse ay nagsimula na ng sarili nilang mga development. Halimbawa, pasimple ang ginagawang diskarte ng Google na nagbibigay-diin sa augmented reality para pagkonektahin ang digital na mundo at totoong buhay.
Kabilang direksyon naman ang tinahak ng Meta, na dating kilala bilang Facebook, at halata ang mga ginawa nitong aksyon patungo sa metaverse. Kasama rito ang isinapublikong pagpapalit nito ng pangalan. Mayroon nang mahalagang VR hardware ang kumpanya at may sarili itong proyekto ng cryptocurrency, ang Libra.
Nakatuon ang Microsoft sa mga virtual na opisina at kapaligiran sa pagtatrabaho sa metaverse. Gagawa ang mga kumpanya ng mga hindi nawawalang virtual space para sa kanilang mga empleyado kung saan sila makakapagtrabaho at makakapagtulungan nang mas malalim pa kaysa sa mga karaniwang video call.
Bagama't hindi aktibong nagde-develop sa metaverse ang Binance, nagbibigay naman ito ng mahalagang imprastraktura ng crypto. Halimbawa, pinagsasama-sama ng Marketplace ng Binance NFT ang mga bumibili at nagbebenta ng mga digital na asset sa metaverse. Nag-aalok din ang Binance ng mga liquid na merkado para sa mga metaverse token kung saan puwedeng mag-trade.
May dalawang pangunahing diskarte sa metaverse ang Epic Games. Una, gusto nitong pagandahin ang base at teknolohiya nito para sa karanasan ng user para masuportahan ang mas maraming player. Gusto rin nitong tulungan ang mga creator na gumawa ng mga propesyonal na 3D asset para sa metaverse.
Ang Tencent ng China ay isa sa pinakamalalaking publisher ng video game at tagapagbigay ng serbisyo sa pagmemensahe sa buong mundo. Nabanggit nila sa publiko ang pagtuon nila sa gaming bilang pagpasok sa metaverse gamit ang dati na nilang teknolohiya.
Panimula
Kailangan ng oras at pagsisikap para mabuo ang metaverse. Pero sino ang nagde-develop ng imprastrakturang kinakailangan nito? Isa sa pinakamagagandang bagay tungkol sa metaverse ay hindi ito puwedeng gawin ng iisang entity lang. Kumbinasyon ito ng maraming aspekto ng buhay, trabaho, at laro. Magkakapantay ang maliliit na team at malalaking pandaigdigang kumpanya, at kahit sino ay makakatulong na buuin ang metaverse. Natalakay na dati sa Binance Academy ang mas maliliit na proyekto ng crypto sa metaverse, pero dito, titingnan natin ang ilan sa mas malalaking player sa industriya ng teknolohiya.
Paano natin binubuo ang metaverse?
Bakit interesado ang mga kumpanya na buuin ang metaverse?
Marami sa mga kumpanyang babanggitin namin ang nagmamay-ari na ng mga nangungunang platform sa mahahalagang bahagi ng metaverse. Nasa Tencent ang WeChat, nasa Meta ang Facebook at Instagram, at nasa Epic Games ang Fortnite, bilang ilang halimbawa. Mukhang malamang na magiging sangkot ang mga platform na ito sa metaverse sa kung anong paraan, kaya tama lang na ang mga kumpanyang ito mismo ang mag-develop ng mga solusyon sa metaverse.
Sa isang panayam sa Bloomberg, ipinaliwanag ng CEO ng Google na si Sundar Pichai ang pananaw niya sa metaverse bilang "nagbabagong computing sa immersive na paraan gamit ang augmented reality." Sa katunayan, marami nang karanasan ang Google sa augmented reality sa produkto nitong Google Glass. Noong Nobyembre 2021, pinagsama rin ng Google ang VR at AR department nito sa bagong Google Labs team kung saan kasama ang holographic na video conferencing tool, ang Project Starline.
Mas pinagtutuunan ngayon sa Google ang pagkone-konekta sa atin sa pamamagitan ng mga augmented avatar kung saan pinagsasama ang digital at pisikal na mundo. Bagama't hindi pa tayo nakakakita ng napakahusay na mungkahi sa metaverse mula sa Google, iyon ang tinitingnan ng mga pundasyon.
Facebook (Meta)
Isa ang Facebook sa mga nangungunang nagtutulak ng malawakang pag-develop sa metaverse. Nagpalit pa nga ng pangalan ang kumpanya at ginawa itong Meta, na nagpapakita ng pagiging seryoso nito sa usapin, kung saan napapailalim lahat sa brand ang Facebook, Instagram, at Oculus VR. Halata naman na nagmamay-ari na ang Meta ng marami sa mahahalagang elemento ng metaverse. Sa mas maliit na saklaw, nakikita na natin ang ilan sa kanilang mga pag-develop sa metaverse:
Microsoft
Ang pangunahing iniaalok ng Microsoft para sa metaverse ay ang software nitong Mesh for Teams na ire-release sa 2022. Direkta itong nagmumula sa work-from-home trend na lumakas noong panahon ng pandemya kasabay ng bagong pagkahumaling sa metaverse. Magiging available ang software sa mga karaniwang device at VR headset para makagawa ng tuloy-tuloy na karanasan sa virtual na opisina.
Ang pinakamahalagang bahagi ng karanasan sa Mesh for Teams ay ang paggawa ng virtual avatar na magsisilbing digital na pagkakakilanlan mo. Pagkatapos, magagamit mo ang avatar na ito para tumuklas ng mga virtual na lugar at espasyo sa digital na mundo, na isang mahalagang aspekto ng anumang metaverse.
Binance

Epic Games
Nasa Epic Games ang isa sa mga pinaka-developed na platform ng metaverse sa kasalukuyan: ang Fortnite. Ang nagsimula lang bilang isang laro ay naging isa nang napakalawak na social platform at virtual na mundo na may lampas 350 milyong player. Kasama sa mga virtual event ang iba't ibang celebrity, brand, at partnership para sa mga awards ceremony at concert.
May dalawang pangunahing layunin ang Epic pagdating sa metaverse. Una, gusto nitong palawakin ang Fortnite para maging platform na puwedeng humimok at sumuporta sa mahigit sa kasalukuyan nitong 60 milyong buwanang user. Gusto rin ng Epic na "gawing mas accessible ang 3D, AR, at VR content at palaguin ang ecosystem ng creator, na napakahalaga sa bukas at magkakakone-konektang Metaverse." Magbibigay-daan ito sa kahit sino na makagawa ng propesyonal na 3D content at makakatulong itong pagandahin ang kalidad ng karanasan sa metaverse.

Tencent
Nagpapatakbo ang Tencent bilang isa sa pinakamalalaking vendor ng laro sa buong mundo at pagmamay-ari din nito ang mga social network at platform ng pagmemensahe sa China, ang WeChat at Tencent QQ. Parehong mahalaga ang mga bahaging ito sa pag-develop ng metaverse. Halimbawa, nag-aalok na ang Tencent QQ ng mga kakayahan sa gaming, e-commerce, musika, mga pelikula, at voice chat sa web portal nito. Nagbibigay ang WeChat ng mobile app para sa pagbabayad na puwedeng i-link sa mga social media platform nito.
Sa isang tawag tungkol sa mga kita, binanggit ng mga executive ng Tencent ang kahalagahan ng kanilang imprastraktura ng gaming sa pag-develop ng metaverse. Marami nang gumaganang application at proyektong magagamit ang Tencent. Plano nitong pasimulan ang gamification sa metaverse at gamitin ang karanasan nito sa industriya.
Gayunpaman, nakita ng publiko na hindi masyadong binigyang-diin ng Tencent ang kahalagahan ng VR hardware kaysa sa iba. Sa halip, mas pinapahalagahan nito ang mga solusyong software para dagdagan ang pakikisangkot ng isang player sa metaverse. Nauugnay ito sa stake nila sa Epic Games, sa mga gumawa ng Fortnite, at sa Riot Games, ang nag-publish ng League of Legends. Dahil dito, malamang na gagamitin ng Tencent ang mga video game bilang kanilang partikular na posisyon sa metaverse.
Mga pangwakas na pananaw
Tumatakbo na ang karera sa pag-develop sa metaverse. Pero hindi tulad ng iba pang teknolohiya, maraming lugar para gumawa ng bago sa metaverse nang hindi nagkakapare-pareho. Pagkatapos ng tagumpay na nakita sa crypto at metaverse, balak na itong isama ng mga bigating tulad ng Google at Meta (Facebook) sa kanilang mga plano. Pero dito tayo posibleng makakita ng direktang kumpetisyon sa pagitan ng mga kumpanyang may malalaking badyet at maliliit na crypto team. Sinuman ang "manalo," malamang na magiging mabilis ang inobasyon at pag-develop.