TL;DR
Ang mga NFT ay mga natatanging digital collectible sa blockchain. Dahil sa feature na ito, nagiging angkop ang mga ito na gamitin sa mga laro bilang mga representasyon ng mga character, consumable, at iba pang item na puwedeng i-trade.
Sumikat ang mga NFT game sa mundo ng Game-fi bilang paraan para kumita. Puwede mong ibenta ang iyong mga in-game NFT sa iba pang kolektor at manlalaro at puwede ka ring kumita ng mga token sa mga play-to-earn na modelo.
Kapag inililipat mo ang iyong mga gaming NFT, siguraduhing ililipat mo ang mga iyon sa isang compatible na wallet. Mag-ingat din sa mga karaniwang scam sa tuwing ipapadala mo ang NFT sa isang marketplace ng NFT o ibang user. Bilang pangwakas, basahin nang mabuti ang mga panuntunan ng anumang NFT game na nilalaro mo para makita kung may anumang tsansang malugi.
Ang mga NFT game ay pangunahing nasa Ethereum at Binance Smart Chain (BSC). Nag-aalok ang iba ng karanasan sa pakikipaglaban na may mga collectible character gaya ng CryptoBlades at Axie Infinity, at gumagamit naman ng mga collectible card ang iba gaya ng Sorare.
Nag-aalok din ang Binance ng Mga NFT Mystery Box, na nagbibigay sa mga may-hawak ng tsansang magmay-ari ng Mga NFT na may iba't ibang rarity. Kasama ang Mga Box na ito sa Mga Koleksyong nakikipag-partner sa mga NFT game.
Panimula
Mula noong nag-umpisa ang mga ito sa pagkahumaling sa CryptoKitties, umunlad na ang mga NFT game at nagsimula nang mag-alok ng mga play-to-earn na modelo. Sa Game-Fi, gaya ng pagkakakilala rito, pinaghahalo ang mga mundo ng pananalapi at gaming, na nagbibigay sa mga manlalaro ng mga pagkakataong kumita habang naglalaro sila. Hindi mo na kailangang umasa na lang sa pagkapanalo, paghahanap, o pag-breed ng bihirang collectible na nagkakahalaga ng libo-libong dolyar. Makakapagpasya na ngayon ang mga manlalaro na mag-eksperimento sa maraming modelo ng gaming sa iba't ibang tema maliban sa mga collectible na hayop.
Ano ang mga NFT?
Paano gumagana ang mga NFT game?
Iba ang mga NFT game sa paghawak lang ng mga crypto-collectible sa iyong wallet. Ang isang NFT game ay gagamit ng mga NFT sa mga panuntunan, mekanismo, at interaksyon ng mga manlalaro nito. Halimbawa, posibleng kinakatawan sa isang laro ang iyong natatanging character o avatar bilang NFT. Posibleng mga NFT rin ang mga digital item na mahahanap mo habang naglalaro. Pagkatapos, puwede mong i-swap o i-trade ang iyong mga NFT sa iba pang manlalaro para kumita. Sa mas bagong play-to-earn na modelo, puwede ka ring kumita sa mga NFT game na mas tatalakayin natin mamaya.
Halimbawa, ang CryptoKitties ay may kaunting pangunahing kontrata na bumubuo sa istruktura ng laro. Ang pinakasikat ay ang kanilang geneScience contract na tumutukoy sa random na mechanics na bumubuo ng mga bagong pusa. Noong una, isinikreto ng mga game developer ang code nito. Gumawa pa ng mga tool ang mga interesadong manlalaro para masuri ang mga tsansang lumabas ang mga partikular na katangian ng mga pusa. Gamit ang impormasyong ito, puwedeng i-optimize ng mga manlalaro ang mga tsansa nilang makabuo ng rare na breed na nagkakahalaga ng mas malaki.
Ano ang mga play-to-earn na NFT game?
Nagbibigay ang mga play-to-earn na NFT game sa mga user ng tsansang makabuo ng pinagmumulan ng kita sa pamamagitan ng paglalaro. Kadalasan, nabibigyan ang isang manlalaro ng mga reward na token, at paminsan-minsan, mga NFT, at mas marami siyang makukuha kung mas matagal siyang maglalaro. Kadalasang kailangan ang mga nakukuhang token bilang bahagi ng proseso ng paggawa ng laro.
Ang paraang gumagamit ng token ang kadalasang mas stable sa dalawa, dahil tuloy-tuloy na nakukuha ang mga token sa pamamagitan ng paglalaro habang mas nakasalalay sa pagkakataon ang mga NFT drop. Naging partikular na sikat ang play-to-earn sa mga user sa mga bansang mababa ang kita bilang alternatibo o pandagdag sa fixed na kita o social security.
Gumagamit ng SLP ang mga breeder para mag-breed ng mga bagong Axie, kaya nagkakaroon ng merkado para sa item. Partikular na sumikat ang Axie Infinity sa Pilipinas, kung saan maraming user ang nagsimulang umasa sa play-to-earn na modelo nito bilang panustos sa araw-araw. Maraming user ang kumikita ng $200 hanggang $1000 (USD) kada buwan, at higit pa riyan para sa iba depende sa market price at sa inilaang oras.
Ano ang mga in-game NFT?
Ang CryptoKitties ay isang halimbawa ng larong umaasa lang sa collectibility ng mga in-game NFT. Walang paraan para patuloy na makapaglaro at magkaroon ng tuloy-tuloy na kita nang walang elemento ng pagkakataon. Nag-aalok ang karamihan ng mga mas bagong NFT game ng kumbinasyon ng play-to-earn at mga in-game NFT.
Paano kumikita ang mga NFT game?
Nakadepende ang halaga ng perang puwede mong kitain sa paglalaro ng NFT game sa mechanics at demand sa merkado ng partikular na laro. Magmumula ang kikitain mong pera sa iba pang user na nagbibigay ng halaga sa mga NFT o cryptocurrency na nakukuha sa laro. Kakailanganin mong mag-cash out sa pamamagitan ng pagbebenta ng iyong mga produkto sa isang merkado, palitan, o auction house. Sa mga NFT game, nakukuha ang halaga sa collectibility o gamit sa laro ng NFT o token. Humahantong din sa ispekulasyon ang dalawang salik na ito.
Puwede ba akong mawalan ng pera sa paglalaro ng mga NFT game?
Posibleng mawalan ng pera sa paglalaro ng mga NFT game. Nakadepende ang eksaktong halaga sa uri ng game na nilalaro mo, sa mechanics nito, at sa halaga ng mga NFT na pinapangasiwaan mo. Kung mawawalan ka ng pera, hindi naman iyon nangangahulugan na sina-scam ka. Dahil ispekulatibo ang mga NFT at nakadepende ang halaga ng mga ito sa inilalagay rito ng mga tao, nakadepende rin sa mga puwersa sa merkado ang iyong mga pagkalugi. Gaya ng anumang pamumuhunan sa crypto, dapat ka lang gumastos ng kaya mong mawala sa iyo.
Puwede bang mawala sa akin ang mga NFT ko?
Sa halagang mayroon ang ilang NFT, karaniwan ang takot na mawala ang mga iyon habang naglalaro o ginagamit ang blockchain. Binili mo man ang iyong mga NFT o nakuha mo ang mga iyon sa laro, dapat mong siguraduhin na papanatilihin mong secure ang mga iyon. Sa madaling salita, posibleng mawala ang iyong mga NFT kung hindi ka mag-iingat. Gayunpaman, maliit ang tsansang mawala sa iyo ang mga iyon kung susundin mo ang pinakamahuhusay na kagawian na ibabalangkas namin mamaya.
May ilang posibleng paraan kung paano puwedeng mawala sa iyo ang NFT mo:
- 1. Sinubukan mo itong ilipat mula sa iyong wallet papunta sa isa pang wallet na hindi sumusuporta sa pamantayan ng token ng iyong NFT.
- 2. Biktima ka ng scam o panloloko, at ipinadala mo ang iyong NFT sa isang scammer.
- 3. Nagbigay ka ng mapaminsalang pahintulot sa smart contract para ma-access ang iyong wallet, at kinuha nito ang NFT mo.
- 4. Nawala ito sa iyo bilang bahagi ng mga panuntunan ng isang laro.
Maliban sa huli, maiiwasan mo ang mga sitwasyon sa itaas sa pamamagitan ng dagdag na kaalaman tungkol sa mga NFT, teknolohiya ng blockchain, at mga scam sa pangkalahatan. Tulad ng hindi ka gagamit ng PayPal o internet banking nang hindi mo naiintindihan kung paano ito gamitin nang tama, ganoon din sa mga NFT. Para matiyak na hindi mawawala sa iyo ang mga NFT mo, dapat mong gawin ang mga sumusunod:
- 1. Kumpirmahin na kung ipapadala mo ang iyong NFT sa ibang wallet, hindi ka napaniwala sa isang scam. Makikita mo ang mga pinakakaraniwang scam sa aming gabay na 5 Karaniwang Scam sa Cryptocurrency at Paano Iwasan ang Mga Ito.
- 2. Intindihin ang mga uri ng mga token at blockchain na sinusuportahan ng iyong wallet o platform. ERC-721 at ERC-1155 ang mga pinakakaraniwang protocol ng token ng NFT para sa Ethereum, at BEP-721 at BEP-1155 ang pinakakaraniwan para sa Binance Smart Chain (BSC). Laging siguraduhin na sa tamang address mo ipapadala ang mga iyon at huwag na huwag ipagpapalagay na compatible ang mga ito.
- 3. Gumamit lang ng mga smart contract mula sa mga proyektong may magandang reputasyon at mapagkakatiwalaan mo. Kung papayagan mong gamitin ng isang smart contract ang iyong wallet, alamin ang panganib na posibleng alisin ng kontrata ang mga pondo mo.
- 4. Tingnan nang mabuti ang mga panuntunan ng nilalaro mo. Sa ilang NFT game, puwede kang mag-trade sa iba pang user o gumamit ng mga NFT consumable. Halimbawa, posibleng mga item o potion ang mga ito. Maging pamilyar sa laro para maiwasan ang anumang hindi gustong sorpresa.
Mga sikat na NFT game
Maraming iba't ibang available na NFT game, at nasa BSC at Ethereum ang karamihan sa mga ito. Ang ilan ay nag-aalok ng mas tradisyonal na mga karanasan sa video game, pangunahin namang nakadepende ang iba sa collectibility ng mga NFT.
Axie Infinity
Gaya ng nabanggit namin kanina, sumusunod ang Axie Infinity sa isang modelong katulad ng Pokemon na may mga collectible na creature at labanan. Ang Axie Infinity ay nasa blockchain ng Ethereum at nagbibigay sa mga user ng potensyal na kita batay sa pag-trade ng mga Smooth Love Potion (SLP), Axie, at Axie Infinity Shard (AXS). Parehong available na i-trade ang SLP at AXS sa Binance.

Sorare
Ang Sorare ay isang fantasy football game na may mga manlalaro ng soccer mula sa totoong buhay na puwedeng kolektahin at i-trade. Gagawa ka ng koponan ng soccer na may limang manlalaro gamit ang mga libreng card para sa mga baguhang manlalaro o sa pamamagitan ng pagbili ng mga tokenized na card. Puwede kang makakuha ng mga puntos para mag-level up para sa bawat larong mananalo ka, goal na maipupuntos mo, o iba pang event na makukumpleto mo.

Gods Unchained
Ang Gods Unchained ay isang NFT card game na puwedeng i-trade sa Ethereum na katulad ng Magic The Gathering o Hearthstone. Bumubuo ang mga gamer ng mga deck na may iba't ibang kapangyarihan at lakas para malabanan ang iba pang manlalaro. Habang nananalo ka, makakakita ka ng mga in-game na item na magagamit o maibebenta. Kung mananalo ka sa mga Ranked na laro, puwede kang magsimulang makakuha ng Flux na magagamit mo para gumawa ng malalakas na NFT card. Pagkatapos, puwede mong kunin ang mga kinita mo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ito o muling pamumuhunan sa mga bagong card at ituloy ang proseso.

Mga Koleksyon ng NFT sa Binance

Naglalaman ang Mga Koleksyon ng NFT ng ilang NFT at Mystery Box na nakasentro sa isang tema o proyekto. Sa ngayon, Mga Game-fi Mystery Box Collection ang ilan sa mga pinakasikat. Tingnan natin ang ilan:
Mga pangwakas na pananaw
Kinukuha ng NFT gaming ang mga digital collectible at gumagawa ito ng mga panuntunan para makipag-ugnayan ang mga manlalaro sa mga NFT ng isa't isa. Bagama't mahalaga sa ilang tao ang mga NFT dahil sa collectibility ng mga ito, gusto naman ito ng iba dahil sa gamit ng mga ito. Maraming NFT game ang gumagana tulad ng trading card game, pero hindi lahat ng nangongolekta ng mga card ay gustong maglaro. Nakagawa na ngayon ang Game-fi ng mga bagong merkado sa NFT gaming na bumago sa paraan kung paano puwedeng kumita ang mga tao gamit ang mga NFT. Para kumita ng pera, hindi na lang suwerte at pangongolekta ang kailangan; kailangan na ring maglaro.