Isang Gabay sa Mga Crypto-collectible at Non-fungible Token (NFT)
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang non-fungible token (NFT)?
Paano gumagana ang mga NFT?
Para saan puwedeng gamitin ang mga NFT?
Paano ako gagawa ng mga NFT?
Paano ako bibili ng mga NFT?
Ang kuwento ng CryptoKitties at Ethereum 
Mga sikat na proyekto na gumagamit ng mga NFT at mga crypto collectible
Mga pangwakas na pananaw
Isang Gabay sa Mga Crypto-collectible at Non-fungible Token (NFT)
HomeMga Artikulo
Isang Gabay sa Mga Crypto-collectible at Non-fungible Token (NFT)

Isang Gabay sa Mga Crypto-collectible at Non-fungible Token (NFT)

Intermediya
Published Feb 26, 2020Updated Oct 20, 2021
10m


Panimula

Ipinakilala ng paggawa sa Bitcoin ang konsepto ng digital scarcity na hindi nangangailangan ng tiwala. Bago ito, halos walang gastos sa pagkopya ng isang bagay sa digital na paraan. Sa pagdating ng teknolohiya ng blockchain, naging posible ang programmable digital scarcity – na nagbibigay-daan sa ating imapa ang digital na mundo sa tunay na mundo.
Pinapalawak pa ng mga non-fungible token (NFT), kadalasang tinatawag na mga crypto-collectible, ang ideyang ito. Hindi tulad ng mga cryptocurrency, kung saan magkakatumbas ang bawat token, ang mga non-fungible token ay natatangi at may limitadong bilang. 
Ang mga NFT ay pangunahing piyesa sa pagbuo ng isang bagong digital na ekonomiyang pinapagana ng blockchain. Maraming proyekto ang nakapag-eksperimento na sa mga NFT sa iba't ibang sitwasyon ng paggamit, kasama na ang gaming, digital na pagkakakilanlan, paglilisensya, mga certificate, at fine art. Higit pa rito, nagbibigay-daan din ang mga NFT sa pagmamay-ari ng bahagi ng mga item na may mataas na halaga. 
Mas madali na ngayong mag-isyu ng mga NFT, at dumarami ang mini-mint araw-araw.  Tatalakayin sa artikulong ito kung ano ang mga NFT, kung saan magagamit ang mga ito, at kung paano na-congest ng larong tinatawag na CryptoKitties ang blockchain ng Ethereum noong huling bahagi ng 2017.


Ano ang non-fungible token (NFT)?

Ang non-fungible token (NFT) ay isang uri ng cryptographic token sa isang blockchain na kumakatawan sa isang natatanging asset. Puwede itong mga ganap na digital asset o tokenized na bersyon ng mga asset sa totoong buhay. Dahil hindi napagpapalit ang mga NFT sa isa't isa, puwedeng gumana ang mga ito bilang patunay ng authenticity at pagmamay-ari sa digital na mundo.
Ang ibig sabihin ng fungibility ay napagpapalit ang mga indibidwal na unit ng isang asset at hindi matutukoy ang pinagkaiba ng mga ito sa isa't isa. Halimbawa, fungible ang mga fiat currency dahil napagpapalit ang bawat unit sa anupamang katumbas na indibidwal na unit. Puwedeng ipagpalit ang sampung dolyar na bill sa anupamang tunay na sampung dolyar na bill. Napakahalaga nito para sa isang asset na naglalayong kumilos bilang medium ng palitan. 

Ang pagiging fungible ay isang kanais-nais na katangian para sa isang currency dahil nagbibigay-daan ito sa malayang palitan, at sa teorya, walang paraan para malaman ang kasaysayan ng bawat indibidwal na yunit. Gayunpaman, hindi iyon isang kapaki-pakinabang na katangian para sa mga collectible item. 

Paano kung puwede tayong gumawa ng mga digital asset na katulad ng Bitcoin pero sa halip ay magdaragdag tayo ng natatanging identifier sa bawat yunit? Dahil dito, maiiba ang bawat isa sa mga ito sa lahat ng iba pang yunit (ibig sabihin, non-fungible). Sa madaling salita, ito ang NFT.


Paano gumagana ang mga NFT?

May iba't ibang framework para sa paggawa at pag-isyu ng mga NFT. Ang pinakasikat sa mga ito ay ERC-721, isang pamantayan para sa pag-isyu at pag-trade ng mga non-fungible na asset sa blockchain ng Ethereum.
Isang mas bago at pinahusay na pamantayan ang ERC-1155. Nagbibigay-daan ito para maglaman ng mga fungible at non-fungible token ang iisang kontrata, na nagbubukas ng bagong hanay ng mga posibilidad. Nagbibigay-daan ang pag-standardize sa pag-isyu ng mga NFT sa mas mataas na antas ng interoperability, na sa huli ay mapapakinabangan ng mga user. Sa madaling sabi, ang ibig sabihin nito, madaling maililipat-lipat ang mga natatanging asset sa iba't ibang application. 

Ang Binance Smart Chain (BSC) ay may mga sariling pamantayan sa NFT: ang BEP-721 at BEP-1155. Nagbibigay ang dalawang ito ng katulad na functionality sa mga naunang nabanggit na pamantayan ng Ethereum. Naging nakakahikayat na ang dalawa para sa mga creator na gustong mag-mint ng mga NFT dahil di-hamak na mas mababa ang gastos kaysa sa Ethereum. 

Kung gusto mong i-store at pagmasdan ang ganda ng iyong mga NFT, magagawa mo iyon sa Trust Wallet. Tulad na lang ng iba pang token ng blockchain, nasa isang address ang iyong NFT. Dapat tandaan na hindi magagaya o maililipat ang mga NFT nang walang pahintulot ng may-ari – kahit ng nag-isyu ng NFT.
Puwedeng i-trade ang mga NFT sa mga bukas na marketplace, kasama na ang Treasureland, BakerySwap, at Juggerworld sa BSC, at OpenSea sa Ethereum. Ikinokonekta ng mga merkadong ito ang mga mamimili sa mga nagbebenta, at natatangi ang halaga ng bawat token. Siyempre, malamang na magbago ang presyo ng mga NFT bilang tugon sa supply at demand ng merkado. 
Pero paano nagkakaroon ng halaga ang mga ganitong bagay? Tulad na lang ng anupamang mahalagang item, hindi likas ang halaga sa mismong bagay, pero itinatalaga ito ng mga taong nagtuturing ditong mahalaga. Samakatuwid, ang halaga ay magmumula sa sama-samang paniniwala. Hindi na mahalaga kung ito ay fiat money, mga precious metal, o sasakyan – may halaga ang mga bagay na ito dahil naniniwala ang mga tao na may halaga ang mga ito. Ganito nagiging mahalaga ang bawat mahalagang item, kaya bakit hindi ang mga digital collectible?


Para saan puwedeng gamitin ang mga NFT?

Magagamit ang mga NFT ng mga desentralisadong application (DApp) para mag-isyu ng mga natatanging digital item at crypto-collectible. Ang mga token na ito ay puwedeng collectible item, produkto ng pamumuhunan, o iba pa. 

Hindi na bago ang mga ekonomiya ng gaming. At dahil maraming online game ang mayroon nang sariling mga ekonomiya, pinapahusay lang itong lalo ng paggamit ng blockchain para i-tokenize ang mga asset ng gaming. Sa katunayan, posibleng malutas o maibsan ng paggamit ng mga NFT ang karaniwang problema ng inflation na mayroon ang maraming laro.

Bagama't namamayagpag na ang mga virtual na mundo, ang isa pang kapana-panabik na paggamit sa mga NFT ay ang tokenization ng mga asset sa totoong buhay. Puwedeng kumatawan ang mga NFT na ito sa mga bahagi ng mga asset sa totoong buhay na puwedeng i-store at i-trade bilang mga token sa isang blockchain. Puwede itong magdala ng kailangang-kailangang liquidity sa maraming merkado na wala masyado nito, gaya ng fine art, real estate, mga rare collectible item, at marami pang iba.
Ang digital na pagkakakilanlan ay isa ring sektor na puwedeng makinabang sa mga katangian ng mga NFT. Kapag na-store ang data ng pagkakakilanlan at pagmamay-ari sa blockchain, madaragdagan ang integridad ng privacy at data para sa maraming tao sa buong mundo. Gayundin, sa mga paglilipat ng mga asset na ito sa paraang madali at hindi nangangailangan ng tiwala, posibleng mabawasan ang hidwaan sa pandaigdigang ekonomiya.


Paano ako gagawa ng mga NFT?

Ang paggawa ng mga sarili mong NFT sa BSC o Ethereum ay isang simpleng prosesong iniaalok ng maraming platform at palitan ng NFT. Ang kailangan mo lang para makapagsimula ay ilang crypto na pambayad sa iyong pag-mint at isang bagay na gagawing NFT. Kakailanganin mo ring mamili sa pagitan ng pag-mint ng iyong NFT sa Ethereum o sa Binance Smart Chain.

Tradisyunal na sa Ethereum mahahanap ang mga NFT at dito rin binubuo ang mga ito. Mayroon itong malaking user base at matatag na komunidad ng NFT, pero napakamahal ng bayarin sa transaksyon. Dahil dito, mahal para sa mga user ang maliliit na pagbili, pagbebenta, at transaksyon. Ang BSC ay isang mas bagong blockchain pero malaki na ang naging paglago nito sa mga merkado nito ng NFT. Di-hamak ding mas mura ang mga transaksyon.

Sa aming gabay kung Paano Gumawa ng Mga Sarili Mong NFT, matututuhan mo kung paano gawing mga non-fungible token ang mga gawa mo.


Paano ako bibili ng mga NFT?

Gaya ng nabanggit namin, sa mga marketplace ng NFT ka dapat unang tumingin kung gusto mong bumili ng mga non-fungible token. Pero hindi lang iyon ang kailangan mong impormasyon. Hindi ka puwedeng basta na lang bumili ng mga NFT gamit ang credit card o PayPal. Mahalaga sa proseso ang crypto wallet at ilang crypto.

Para sa mga NFT sa Binance Smart Chain, halos laging nasa BNB ang mga presyo. Karaniwang ether (ETH) ang gagamitin ng mga NFT sa Ethereum. Ang dalawang cryptocurrency na ito ay parehong available na bilhin sa palitan ng Binance. Kapag nabili mo na ang napili mong crypto, ilipat ang mga pondo sa isang wallet na magagamit sa mga marketplace ng NFT.
Ang Binance Chain Wallet at MetaMask ay mga mainam na opsyon para sa mga browser extension wallet. Pareho itong puwedeng ikonekta sa isang marketplace ng NFT. Kailangan mo lang ilipat ang iyong crypto mula sa Binance papunta sa wallet mo, pumunta sa website ng marketplace, at ikonekta ang iyong wallet (karaniwang nasa kanang sulok sa itaas ang button para sa pagkonekta). Mag-ingat sa mga peke o kahina-hinalang website. I-double check ang URL at pag-isipan itong i-bookmark kung madalas mo itong ginagamit.

Kung mas gusto mo ng karanasan sa mobile, tingnan ang Trust Wallet. Available ito sa iOS at Android at sumusuporta rin ito sa maraming blockchain. Huwag kalimutan na hindi libre ang paggamit ng Ethereum at BSC! Laging mainam magkaroon ng sobrang crypto para sa bayarin sa transaksyon.


Ang kuwento ng CryptoKitties at Ethereum 

Ang isa sa mga unang proyekto ng NFT na nakakuha ng makabuluhang pag-usad ay ang CryptoKitties, isang laro na binuo sa Ethereum na nagbibigay-daan sa mga manlalaro na mangolekta, mag-breed, at makipagpalitan ng mga virtual na pusa.


Bawat CryptoKitty ay puwedeng magkaroon ng kumbinasyon ng ilang iba't ibang katangian, gaya ng edad, lahi, o kulay. Dahil dito, natatangi ang bawat isa sa mga ito, at hindi mapagpapalit sa isa't isa ang mga ito. Indivisible din ang mga ito, ibig sabihin, hinding-hindi mahahati ang isang CryptoKitty token sa mas maliliit na bahagi (gaya ng gwei para sa ether).
Medyo nakilala ang CryptoKitties pagkatapos nitong ma-congest ang blockchain ng Ethereum dahil sa maraming aktibidad na nilikha nito sa network. Tinatayang 25% ng trapiko ng Ethereum noong Disyembre 2017 ang nauugnay sa mga collectible na pusang ito. Malinaw na nagkaroon ng malaking epekto sa network ng Ethereum ang laro, pero nag-ambag din dito ang iba pang salik, kasama na ang biglang pag-angat ng Initial Coin Offering (ICO).
Ang CryptoKitties ay isang naunang halimbawa ng sitwasyon ng paggamit ng blockchain na hindi currency, pero isang bagay na ginagamit bilang libangan at pampalipas-oras. Sa pangkalahatan, milyon-milyong dolyar ang gumalaw dahil sa mga virtual na pusang ito, at naibenta ang ilang rare na yunit sa halagang daan-daan libong dolyar bawat isa.


Mga sikat na proyekto na gumagamit ng mga NFT at mga crypto collectible

Maraming iba`t ibang proyekto ang gumagamit na ng mga NFT bilang collectible at puwedeng ma-trade na mga item. Tingnan natin ang isang hanay ng ilan sa mga pinakasikat.


Decentraland

Ang Decentraland ay isang desentralisadong virtual reality na mundo kung saan ang mga manlalaro ay puwedeng magmay-ari at makipagpalitan ng mga piraso ng virtual na lupa at iba pang in-game na item na NFT. Ang Cryptovoxels ay isang katulad na laro kung saan ang mga manlalaro ay puwedeng magtayo, mag-develop, at makipagpalitan ng virtual na ari-arian.


Alchemy Toys

Ang Alchemy Toys ay isang laro ng BSC na gumagamit ng mga NFT para kumatawan sa mga laruan na may mga natatanging serial number. Mapipili ng mga manlalaro na kolektahin ang mga laruang ito bilang mga NFT, pagsama-samahin ang mga ito para gumawa ng mga laruang may mas mataas na antas, o isakripisyo (i-burn) ang mga ito para sa mga diyos-diyosan. Puwedeng i-trade ang mga laruan, na nagdaragdag ng pampinansyal na aspekto at nagbibigay sa laro ng nauugnay na merkado.

Para manalo sa laro, kailangang makolekta lahat ng isang manlalaro ang 127 laruan at kailangan niyang isakripisyo ang mga ito para “magkaroon ng kaliwanagan.” Ang unang manlalarong magkakaroon ng kaliwanagan sa bawat round (epoch) ay makakakuha ng bahagi ng temple treasure (na babayaran sa BNB).


PancakeSwap

Ang PancakeSwap ay ang pinakamadalas gamiting automated market maker ng BSC batay sa dami, at nandito ang isa sa mga pinakasikat na NFT. Nagre-release ang proyekto ng mga collectible na bunny sa mga giveaway at kumpetisyon sa mga user ng platform. Pandekorasyon lang ang ilan, at ang iba naman ay puwedeng ipagpalit sa CAKE, ang katutubong token ng platform.


Gods Unchained

Ang Gods Unchained ay isang digital collectible card game kung saan ibinibigay ang mga card bilang mga NFT sa blockchain. Dahil natatangi ang bawat digital card, puwedeng magmay-ari at mag-trade nito ang mga manlalaro nang may parehong antas ng pagmamay-ari na para bang mga pisikal na card ang mga ito.


CryptoPunks

Ang mga CryptoPunks ay mga collectible na piraso ng digital art, na bawat isa ay nagpapakita ng natatanging 8-bit-style na character ng NFT. Naging inspirasyon ang proyekto para sa pamantayan ng ERC-721 token at isa ito sa mga unang halimbawa ng kinahumalingang crypto art. Mula noon, naibenta na ang CryptoPunks sa halagang milyong-milyong dolyar at nagbigay-inspirasyon ito sa maraming katulad na proyekto sa buong mundo.


My Crypto Heroes

Ang My Crypto Heroes ay isang multiplayer na role-playing game (RPG) kung saan puwedeng magpa-level up ng mga bayani sa kasaysayan ang mga manlalaro sa pamamagitan ng mga quest at laban. Ibinibigay ang mga bayani at in-game na item bilang mga token sa blockchain ng Ethereum.


Mga Collectible at NFT sa Binance

Nagpapamigay ang Binance ng mga NFT sa mga espesyal na giveaway, pati na rin sa mga user batay sa kanilang aktibidad sa Binance. Mula sa pag-trade ng futures hanggang sa mga NFT para sa Pizza Day, regular kang makakakuha ng mga collectible sa Binance na puwede ring i-trade.


Isa pang halimbawa ang Mga Collectible sa Binance. Ito ay mga NFT na ibinibigay sa pakikipagtulungan sa Enjin. Kung gusto mong magkaroon nito, siguraduhing i-follow ang Binance sa Twitter at abangan ang mga susunod na giveaway! Kung gusto mong lumahok sa NFT giveaway, sundin ang maiikling hakbang na ito:

1. Mag-download ng wallet na sumusuporta sa Ethereum, gaya ng Trust Wallet. 

2. Kopyahin ang iyong Ethereum address at ibigay ito ayon sa mga panuntunan ng giveaway. Baka kailangan mo itong isumite sa pamamagitan ng form o iwanan ito bilang komento sa Twitter. Siguraduhing i-double check ang mga panuntunan para malaman kung ano ang kailangan mong gawin para makasali.

3. Kung nanalo ka ng NFT at naipamahagi na ito, makikita mo ito sa tab na Mga Collectible sa Trust Wallet. Mula sa puntong iyon, mapipili mong mag-HODL o magbenta sa marketplace ng P2P.


Malapit nang ilunsad ng Binance ang Marketplace ng NFT nito, na magbibigay-daan sa mga user na mag-mint at mag-trade ng mga NFT na mga sarili nilang gawa. Kasama rito ang mga eksklusibong NFT mula sa mga sikat na creative sa buong mundo, kasama ang musikerong si Lewis Capaldi at ang crypto artist na si Trevor Jones. Nag-aalok din ang platform ng mga royalty sa mga creator para sa anumang maibebenta sa pamamagitan ng marketplace.


Mga Crypto Stamp

Ang mga Crypto Stamp ay ibinibigay ng Austrian Postal Service at nagkokonekta ng digital na mundo sa totoong buhay. Ginagamit ang mga selyong ito para magpadala ng koreo gaya ng anupamang selyo. Pero sine-save din ang mga ito bilang mga digital na larawan sa blockchain ng Ethereum, kaya naman nate-trade na digital collectible ang mga ito.


Mga pangwakas na pananaw

Nagbubukas ang mga digital collectible para sa teknolohiya ng blockchain ng mga bagong landas na bukod pa sa mga nakasanayang pampinansyal na application. Sa pamamagitan ng pagkatawan sa mga pisikal na asset sa digital na mundo, ang mga NFT ay posibleng maging napakahalagang bahagi ng ecosystem ng blockchain at ng mas malaking bahagi ng ekonomiya.

Maraming iba't ibang sitwasyon ng paggamit, at malaki ang posibilidad na makakaisip ang maraming developer ng mga bago at kapana-panabik na inobasyon para sa teknolohiyang ito na puno ng potensyal.