TL;DR
2021 na, at ang ibig sabihin noon, puwede kang kumita ng pera sa paglalaro at pag-breed ng mga virtual pet. Para mas madaling maintindihan kung ano ang Axie Infinity, isipin ang isang blockchain game kung saan pinagsasama-sama ang Pokémon, CryptoKitties, at mga elemento ng card game.
Sa mas partikular, ang Axie Infinity ay isang NFT game at ecosystem na binuo sa blockchain ng Ethereum. Ang mga native cryptocurrency nito ay ang mga ERC-20 token na Axie Infinity Shard (AXS) at Smooth Love Potion (SLP). Isa ring governance token ang AXS, at ginagamit ang SLP sa pag-breed ng mga bagong Axie. Available din ang AXS bilang mga BEP-20 token sa Binance Smart Chain (BSC).
Bawat Axie creature ay may ibang class at binubuo ng iba't ibang parte ng katawan, stats, at iba pang attribute. Para makapaglaro, mangangailangan ka ng isang team ng mga Axie na puwedeng bilhin o ibigay ng isa pang manlalaro. Puwede mong i-store ang iyong mga token at NFT sa isang Ethereum wallet o Ronin wallet. Nagbibigay-daan ang sidechain ng Ronin para sa mga halos agarang transaksyon at pinapayagan nito ang mga manlalaro na makipagtransaksyon gamit ang mga token at Axie nang hindi ginagamit ang blockchain ng Ethereum, na nakakabawas sa gastusin sa transaksyon.
Sa hinaharap, makakabili ka rin ng mga Land NFT. Parehong mabibili sa Binance at maililipat sa iyong Ronin wallet ang AXS at SLP. Puwede mo ring gamitin ang Ronin Bridge para magpadala ng mga token mula sa isang Ethereum wallet papunta sa isang Ronin Wallet.
Panimula
Ano ang Axie Infinity?
Sa ecosystem, puwedeng gumamit ng mga Axie team ang mga manlalaro sa Adventure mode (PvE – Player vs. Environment) para lumaban sa mga monster sa Lunacia – ang kaharian ng Axie Infinity. Puwede rin nilang piliin ang Arena mode (PvP – Player vs. Player) para makipaglaban sa iba pang Axie trainer sa totoong buhay. Kapag nanalo ka, makakakuha ka ng asset na tinatawag na Smooth Love Potion (SLP), na ginagamit sa pag-breed ng mga Axie. Ang SLP ay isa ring ERC-20 token at puwedeng i-trade sa mga palitan gaya ng Binance.
Ano ang Axie Infinity Shard (AXS)?
ANg AXS coin (Axie Infinity Shard) ay hindi lang isang governance token, nagbibigay-daan din ito sa mga may-hawak na mag-stake at makatanggap ng mga reward na AXS. Nanggagaling ang mga reward sa Treasury ng Komunidad, na napupunan ng bayarin sa marketplace at mga pagbili sa laro. 270,000,000 ang magiging kabuuang supply ng AXS. Inilaan ang ilang token sa pagbebenta sa publiko, ang ilan naman ay para sa mga play-to-earn na feature, at ang ilan ay sa Sky Mavis at mga tagapayo ng proyekto. Mas mababa lang nang kaunti sa 60,000,000 ang inisyal na supply sa unang pagbebenta sa publiko. Inaasahang dumami ang mga token na nire-release taon-taon hanggang 2026.
Mga gamit ng AXS
Gusto ng Axie Infinity na maging isang mature na laro kung saan mahuhumaling ang mga manlalaro sa isang matibay na komunidad at namamayagpag na ecosystem. Para sa mga fan ng Pokémon o Final Fantasy, nag-aalok ang Axie Infinity ng masayang karanasan sa paglalaro na puwedeng kahumalingan.
Noong Agosto 2021, umabot ang Axie Infinity sa isang milyong aktibong manlalaro araw-araw. Pagkalipas ng dalawang buwan, lumapit sa marka ng dalawang milyon ang numerong ito. Kung magkakaroon ang laro ng mas malaki pang player base, siguradong tataas pa ang halaga ng ecosystem. Gaya ng nabanggit namin kanina, naipatupad na ang sidechain ng Ronin para mahikayat ang higit pang paglago. Ganito rin dapat ang mangyari kapag nagkaroon ng free-to-play na bersyon sa hinaharap.
Sa paglalaro ng Axie Infinity, puwedeng kumita ng mga AXS at SLP token ang mga manlalaro. Pagkatapos, puwedeng ipapalit ang mga token na ito sa iba pang cryptocurrency. Marami nang gamer ang kumikita ng pera mula sa paglalaro ng Axie Infinity.
Paano mag-store ng AXS
Ano ang Ronin wallet?
Ano ang Ronin Bridge?
Sa Ronin Bridge, makakapaglipat ka ng mga token mula sa blockchain ng Ethereum papunta sa side chain ng Ronin. Ang ETH na ipinapadala sa blockchain ay nagiging wrapped ETH at magagamit para bumili ng mga Axie creature, SLP, at iba pang item. Puwede ka ring maglipat ng mga token mula sa blockchain ng Ronin papunta sa Ethereum para ibenta ang mga ito sa mga merkado gaya ng Binance.
Ano ang Smooth Love Potion (SLP)?
Ang Smooth Love Potion (SLP) ay isang ERC-20 token sa network ng Ethereum. Ang mga SLP token ay ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga manlalaro. Puwedeng ibenta ang mga ito o gamitin para sa pag-breed ng mga bagong Axie. May walang limitasyong supply ang token at puwede itong makuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pang-araw-araw na quest at pakikipaglaban sa iba pang manlalaro. Binu-burn ang mga SLP token kapag nagamit na ang mga ito sa pag-breed, at limitado ang dami ng puwede mong i-farm araw-araw.
Mga gamit ng SLP
May tatlong pangunahing gamit ang SLP na humihimok ng demand nito:
Ang mga gamit na ito ang mismong nakatulong sa paggawa ng play-to-earn na modelo na nakikita natin sa Axie Infinity. Handang magbayad ang mga user para sa token, at handa ang mga farmer na kitain ito. Sa paggawa ng mga simpleng paraan ng pag-farm ng SLP, puwedeng magsimulang kumita ang sinumang may Axie starter team.
Paano magsimula sa Axie Infinity gamit ang Ronin bridge
Paano bumili at maglipat ng ETH sa Ronin Wallet



Paano iugnay ang ETH gamit ang Ronin Bridge










Paano bumili ng Axie sa Axie Marketplace


Huwag kalimutan na nangangailangan ng tatlong Axie ang isang buong team. May mga diskarte at gabay sa pagbuo ng team na available sa komunidad ng Axie Infinity, kaya siguraduhing magsaliksik bago ka gumastos ng iyong pera.
Paano i-download ang Axie Infinity

Awtomatiko itong magda-download ng client para sa iyong desktop o laptop computer. Tandaan na kung pipiliin mong i-install ang pang-iOS na bersyon para sa iyong iPhone, kakailanganin mong i-enable ang TestFlight sa iyong device. Magbibigay-daan ito sa iyong mag-install ng mga application na dine-develop pa. Para sa Android, kakailanganin mong i-install ang .apk file na na-download mula sa splash screen.

Pangkalahatang-ideya ng isang Axie
Ang bawat Axie ay isang maliit na fantasy creature na binubuo ng kumbinasyon ng iba't ibang attribute at katangian. Ito ang class, stats, at mga parte ng katawan ng mga ito. Mula Oktubre 2021, may 9 na iba't ibang class ng Axie.
Ano ang mga base class ng Axie?
Ang Axie Infinity ay may siyam na class, kung saan ang tatlo ay mga espesyal na class (ipinapakita nang naka-bold sa ibaba) na walang natatanging Parte ng Katawan o Card ng Class.
Aquatic | Grupo 1 |
Bird | Grupo 1 |
Dawn | Grupo 1 |
Bug | Grupo 2 |
Beast | Grupo 2 |
Mech | Grupo 2 |
Plant | Grupo 3 |
Reptile | Grupo 3 |
Dusk | Grupo 3 |
Ang class ng isang Axie ay mahalagang bahagi ng kung paano ito nakikipaglaban. Ang bawat class ay may kahinaan sa pakikipaglaban sa ibang uri ng class pero mas malakas ito laban sa iba. Nauugnay rin ang mga card sa mga partikular na class, na nagbibigay sa mga ito ng 10% attack bonus kapag ginamit ng mga ito ang card laban sa mahihinang uri.
Halimbawa, ang mga Aquatic, Bird, o Dawn Axie ay may extra damage laban sa mga Bug, Beast, o Mech Axie, pero nagtatamo ang mga ito ng extra damage mula sa mga Plant, Reptile, at Dusk class. Sa madaling salita, ang mga class sa Grupo 1 ay malakas laban sa Grupo 2, pero mahina laban sa Grupo 3. Ang mga Axie sa Grupo 2 ay malakas laban sa Grupo 3 pero mahina laban sa Grupo 1. Bilang pangwakas, ang mga Axie sa Grupo 3 ay malakas laban sa Grupo 1 pero mahina laban sa Grupo 2, na kumukumpleto sa cycle.
Ano ang mga Ability/Card ng Axie?
May 132 card sa Axie Infinity na nauugnay sa anim sa siyam na available na class. Puwede mo ring hati-hatiin ang mga card sa mga kaugnay na parte ng katawan, sa hanay ng mga ito, at halaga. Bagama't puwedeng gumamit ng card ang anumang class ng Axie, may bonus damage kung nauugnay ito sa partikular na class nito.
Ano ang stats ng Axie?
Ang mga Axie ay may koleksyon ng stats na tumutukoy sa mga partikular na katangian:
HP | Nagbibigay ng kabuuang health o hit points ng bawat Axie. Kayang magtamo ng mas maraming damage ng mga Axie na may mas malaking HP. |
Skill | Nagdaragdag ng bonus damage sa mga combo attack. |
Morale | Nakasalalay ang tsansang maka-critical strike ng bawat Axie sa Morale nito, pati na rin sa dami ng Last Stand na mayroon ang mga ito. |
Bilis | Ang mga Axie na may mas mataas na speed ang unang umaatake sa battle. Pinapababa rin ng speed ang tsansang maka-critical hit kapag dumedepensa. |
Ano ang mga parte ng katawan ng Axie?
Bawat Axie ay may kumbinasyon ng anim na parte ng katawan: ang mga tainga, mata, sungay, likod, bibig, at buntot. Ang huling apat ang tumutukoy sa mga eksaktong card na magagamit ng iyong Axie sa battle, at nakakaapekto rin ang bawat isa sa stats ng creature.
Magkano magsimulang maglaro ng Axie Infinity?
Paano makakuha ng mga libreng Axie sa pamamagitan ng mga scholarship
May dalawang posibleng paraan para makakuha ng mga libreng Axie. Una, puwede kang makakuha ng mga Scholarship mula sa iba pang manlalarong nagbibigay ng mga libreng team. Pagkatapos, bawat scholar ay magbibigay sa donor ng isang parte ng mga Smooth Love Potion na nakuha nila. Isa itong sikat na paraan dahil pinapayagan lang ang mga user na magkaroon ng isang account sa Axie. Samakatuwid, may katuturan naman na gamitin ng mga tao ang Axie nila.
Isang alternatibong paraan ang hintaying ma-release ang Battles Version 2.0. Sa update na ito, may maa-unlock na mga bagong mode ng laro na magbibigay sa mga user ng libreng Axie na magagamit sa pakikipaglaban. Gayunpaman, hindi kikita ng mga maibebentang token ang mga creature na ito. Kung balak mong gamitin ang Axie Infinity bilang play-to-earn na laro, kakailanganin mo pa ring bumili ng team o kumuha ng scholarship.
Ano ang nakakaapekto sa mga presyo ng Axie?
Puwedeng mag-iba-iba ang mga presyo ng Axie mula humigit-kumulang $130 hanggang mahigit sa $100,000. Bagama't pangunahing nakasalalay ang halaga ng mga ito sa lakas at gamit ng mga ito sa laro, marami ring kasamang ispekulasyon. Karaniwang mas malaki ang halaga ng mga Origin Axie mula noong nag-uumpisa pa lang ang laro. Mayroon ding mga Mythical Axie na mas makulay at partikular na rare. Kadalasan, ang mga mas rare na attribute ay nagbibigay ng pinakamaraming gamit sa laro at nagkakaroon ng mas matataas na presyo. Dahil napakasikat ng Axie Infinity, ang merkado para sa mga creature ay apektado na ngayon hindi lang ng mga manlalaro, pero pati na rin ng mga kolektor ng NFT.
Paano magsimulang mag-farm ng SLP sa Axie Infinity
Puwedeng mag-farm ng SLP ang mga user mula sa mga laban sa Arena (PvP) o sa Adventure mode (PvE). Gagamit ka ng energy sa pakikipaglaban sa dalawang aktibidad na ito. Kapag naubos na ang iyong energy, makakakumpleto ka lang ng mga adventure para mag-farm ng SLP mo.
Nakadepende ang dami ng energy mo sa dami ng mga Axie na mayroon ka. Makikita mo kung gaano karaming energy ang mayroon ka sa pamamagitan ng pangunahing menu ng laro sa itaas ng screen.

Tandaan na puwede ka pa ring maglaro kahit na maubusan ka ng energy. Gayunpaman, hindi ka makakakuha ng mga reward na SLP sa mga PvP match, at hindi ka makakakuha ng anumang experience sa mga PvE match. Pero puwede pa ring tumaas ang rank mo o puwede ka pa ring gumawa ng mga pang-araw-araw na quest.
Paano i-claim ang iyong SLP sa Axie Infinity
Kapag nakakuha ka ng SLP, kakailanganin mo itong i-claim nang manu-mano. Isang beses mo lang puwedeng i-claim ang iyong SLP bawat 14 na araw.

Ano ang mga Axie Land?
Ang Axie Land ay mga parcel ng lupa sa Lunacia, ang mundo kung saan nakatira ang mga Axie creature. Ang universe ay binubuo ng 301x301 grid na ipagbibili sa ilang bentahan. Available ang 25% sa unang bentahan, at tataas nang 10% ang lahat ng presyo sa mga bentahan sa hinaharap.

Magho-host ang mga pink na parisukat ng mga pandaigdigang event, dungeon, lokasyon ng pag-spawn ng chimera, at pampublikong resource node. Naglalaman din ang mapa ng isang lugar na kilala bilang Luna’s Landing para sa mga content creator at mga kalsada para sa paglalakbay. Mabibili ang mga chest na naglalaman ng mga uri ng lupa, at maglalaman ng mga lupang nasa magkakatabing espasyo ang maraming chest na sama-samang binili.
Paano bumili at maglipat ng AXS sa Ronin wallet
Magagamit ang AXS sa pamamahala, pag-stake, o pag-breed. Kung isa kang breeder o gusto mong magsimulang mag-breed ng mga Axie, puwede kang magpadala ng AXS nang direkta mula sa Binance papunta sa iyong Ronin wallet nang wala ang Ronin bridge. Kapag ginawa mo ito, makakatipid ka sa bayarin sa gas sa Ethereum dahil puwede mong laktawan ang hakbang ng paglilipat sa panlabas na wallet. Tulad ng ETH, mabibili ang AXS sa Binance.









Mga pangwakas na pananaw
Nakasalalay ang hinaharap ng mga AXS at SLP token sa tuloy-tuloy na playability at kasikatan ng Axie Infinity. Ang gameplay ay masaya, kumpleto, at malaki pa ang igaganda sa reputasyon nito bilang isang play-to-earn na laro. Wala ring dudang napatunayan nito ang sarili nito sa mga nakalipas na taon, at palaging gumagawa ng mga update at bagong feature ang team para mahikayat na sumali ang mas marami pang manlalaro. Panahon lang ang makakapagsabi kung patuloy na mapapalaki ng Axie Infinity ang user base nito nang matagumpay, pero siguradong isa ito sa mga kawili-wiling NFT game sa larangan ng blockchain.