Ledger Nano X – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022
Home
Mga Artikulo
Ledger Nano X – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022

Ledger Nano X – Mga Review ng Hardware Wallet ng 2022

Baguhan
Na-publish Mar 12, 2020Na-update Apr 21, 2023
3m

Mga Nilalaman


Mga detalye ng Ledger Nano X

Mga Dimensyon (cm)

7.2 x 1.86 x 1.18

Timbang

34 g

Screen

128 x 64 OLED

Input

Dalawang button

Koneksyon

USB-C, Bluetooth

Baterya

100 mAh Lithium-ion

Compatibility

  • Mga 64-bit na desktop PC (Windows 8+, macOS 10.8+, Linux), hindi kasama ang mga ARM processor
  • Mga iOS 9+ o Android 7+ smartphone

Mga sinusuportahang coin at token

~1200+

GitHub

https://github.com/LedgerHQ



Ano ang nasa kahon?

  • Ledger Nano X
  • USB Type-C cable
  • Leaflet para sa pagsisimula
  • 3 recovery sheet
  • Keychain strap


Pangkalahatang-ideya ng Ledger Nano X

Ang Ledger Nano X ay isang compact device na kasyang-kasya sa bulsa, kaya madali mong mapapamahalaan ang mga hawak mong crypto on the go. Kumpara sa Ledger Nano S, medyo mas malaki ang screen nito at mas maganda ang posisyon ng mga button nito na mas madaling pindutin.

Puwede mong i-set up ang Ledger Nano X gamit ang desktop computer, o iOS, o Android device. Sa kabuuan ng aming pagsubok, tuloy-tuloy at madali ang proseso ng unang pag-set up – na angkop kahit sa mga baguhan. Gumana ang pagpapares ng device gamit ang USB-C at Bluetooth nang tuloy-tuloy at walang anumang kumplikasyon. Ayon sa Ledger, nasa 8 oras ang tagal ng baterya, at nasa 5 taon dapat ang lifespan ng baterya.

Ang pinakamadaling paraan para pamahalaan ang mga hawak na crypto sa isang Ledger device ay sa pamamagitan ng Ledger Live app – na available sa desktop at mobile. Ibinibigay nito ang lahat ng karaniwang functionality na aasahan mo, gaya ng pagtingin ng mga balanse, o pagpapadala at pagtanggap ng mga asset. Pero nag-aalok din ito ng mas advanced na mga feature, gaya ng mga transaksyon sa SegWit, integration ng palitan, at kakayahang i-export ang extended public key (xpub). Mahalagang banggitin na native ding sinusuportahan ng Binance DEX ang Ledger Nano X. Bagama't mapapamahalaan mo ang maraming asset sa Ledger Live sa native na paraan, kakailanganin mo pa ring gumamit ng wallet software mula sa third party para sa ilang coin.
Isa sa mga limitasyon ng Ledger Nano S ay ilang app lang ang puwede mong i-install nang sabay-sabay. Sa kabaliktaran, kayang mag-store ng Ledger Nano X ng hanggang 100 app nang sabay-sabay, kaya angkop ito sa pamamahala ng malawak na portfolio.



Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Mga bentahe at kahinaan ng Ledger Nano X

Mga Bentahe

  • Puwede itong i-set up at gamitin gamit ang smartphone o tablet.
  • Napaka-portable at may naka-built in na baterya.
  • Sumusuporta sa lahat ng pangunahing blockchain at maraming iba't ibang token.
  • Madaling gamitin.
  • Mabilis at madaling magdagdag ng mga coin.
  • Sumusuporta sa maraming wika.
  • Ang Ledger ay isang kilala nang kumpanyang tumatakbo mula pa noong 2014.

Mga Kahinaan

  • Posibleng magdulot ng panganib sa seguridad ang function ng Bluetooth. Pero ayon sa kumpanya, walang napakahalagang data (gaya ng mga pribadong key o seed) ang naipapadala sa pamamagitan ng Bluetooth.


Presyo ng Ledger Nano X

Mula noong Enero 2020, ipinagbibili ang Ledger Nano X sa halagang $119. 

Ipinapayong laging bumili ng mga hardware wallet mula mismo sa manufacturer. Sa pagbili ng mga segunda manong hardware wallet, may panganib na makompromiso ang mga pribadong key.


Mga pangwakas na pananaw

Ang Ledger Nano X ay ang pinakabagong produkto mula sa isa sa mga pinakakilalang manufacturer ng hardware wallet sa industriya ng crypto. Ang nauna rito, ang Ledger Nano S, ay isa sa mga pinakasikat na cryptocurrency hardware wallet dahil sa dali ng paggamit at walang kaproble-problemang karanasan ng user dito. Ang Ledger Nano X ay may kasamang dagdag na kapasidad para sa mga coin at koneksyon ng Bluetooth.

Bilang buod, ang Ledger Nano X ay isang madaling gamitin at accessible na hardware wallet, na angkop sa mga baguhan at advanced na user.