Ano ang Bitcoin ETF?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Bitcoin ETF?

Ano ang Bitcoin ETF?

Baguhan
Na-publish Mar 20, 2021Na-update Dec 28, 2022
5m

TL;DR

Nagpapatatag ang Bitcoin para maging isang lehitimong asset ng pamumuhunan kung saan puwedeng mamuhunan ang kahit na sino. Kung tutuusin, hindi naman lahat, dahil makakalahok lang ang ilang institusyon at indibidwal kung may mahigpit na pagkontrol. Maraming naniniwala na kayang gampanan ng Bitcoin exchange-traded fund (ETF) ang ganitong layunin.

Ang mga Bitcoin ETF ay mga pool ng mga asset na nauugnay sa Bitcoin na iniaalok sa mga tradisyonal na palitan ng mga brokerage para i-trade bilang mga ETF. Nagbibigay ito sa mga tradisyonal na namumuhunan ng access sa Bitcoin nang hindi kailangang aktwal na magmay-ari ng anumang BTC.     

May mga Bitcoin ETF na sa Canada at US, na nakakatulong para mas magamit ang mga cryptocurrency ng mga namumuhunan sa mainstream. Tingnan natin kung ano ang ETF at kung ano ito kaugnay ng Bitcoin.

Panimula

Malayo na ang narating ng Bitcoin (BTC) at ng pangkalahatang merkado ng cryptocurrency. Hindi hihigit sa isang dekada na ang nakalipas, ang teknolohiyang ito ay gamit lang ng isang maliit na komunidad ng mga interesadong tao, kung kailan ang presyo ay nasa humigit-kumulang 10,000 BTC pa lang para sa dalawang pizza

Pagkalipas ng ilang taon, nasaksihan natin ang pagtatayo ng maraming negosyo sa industriyang ito, hindi mabilang na mga proyekto ng cryptocurrency, ang pag-usbong ng DeFi, at maraming iba pa. Lumalawak din ang paggamit ng mga institusyon — Nakapag-convert ang MicroStrategy ng higit sa $2 bilyon ng kanilang balance sheet sa Bitcoin, at posibleng malapit mo nang mabili ang pinakabagong Tesla gamit ang BTC mo.

Pero ano pang mga pundasyon ang kailangan para maging pangunahing asset ang Bitcoin sa pandaigdigang makro-ekonomikong kapaligiran? Posibleng ang isa sa mga ito ay isang framework ng regulasyon na tutulong sa pagpapataas ng exposure ng BTC para sa mga institusyon at mainstream na namumuhunan. Ayon sa iba, ang pinakamainam na paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng Bitcoin ETF.

Ano ang Bitcoin ETF?

Isa munang pangkalahatang-ideya. Ang ETF ay isang exchange-traded na pondo, ibig sabihin, isa itong pondo ng pamumuhunan na sumusubaybay sa presyo ng isang pinagbabatayang asset. May mga ETF sa maraming iba't ibang industriya at asset class. Halimbawa, ang mga ETF ng ginto, na ilang dekada nang nariyan, ay sumusubaybay sa presyo ng ginto.

Sa madaling salita, ang Bitcoin ETF ay isang exchange-traded na pondong naglalaman ng Bitcoin o mga asset na naka-link sa presyo ng Bitcoin. Ang mga ETF ay mga kontroladong produktong pampinansyal, ibig sabihin, tine-trade ang Bitcoin at iba pang cryptocurrency ETF sa mga tradisyonal na merkado gaya ng NASDAQ o New York Stock Exchange (NYSE) at hindi sa isang palitan ng cryptocurrency. Gayunpaman, puwede itong magbago sa hinaharap dahil sa unti-unting pagkawala ng mga harang na naghihiwalay sa tradisyunal na pananalapi at industriya ng cryptocurrency. 

Layunin ng mga Bitcoin ETF na bigyan ng access sa Bitcoin ang mga mainstream na namumuhunang hindi kumportable sa pagte-trade ng cryptocurrency sa pamamagitan ng isang paraang pamilyar para sa kanila. 

Bakit mahalaga ang Bitcoin ETF?

Hindi Bitcoin ang pinakamadaling gamiting asset. Ang kustodiya, halimbawa, ay puwedeng maging sakit ng ulo para sa isang malaking institusyon. Kung sabagay, hindi basta-basta maglalagay ang Goldman Sachs ng hardware wallet sa isang laptop at maglilipat ng $2 bilyong halaga ng Bitcoin doon. Hindi tumatakbo ang malalaking pinansyal na institusyon na gaya ng mga indibidwal na namumuhunan — kailangan nila ng kumplikadong framework ng regulasyon at iba pang pinansyal na sistema para makilahok sa espasyong ito.

Ito ang dahilan kung bakit posibleng maging mahalaga ang ETF para sa pagpapataas ng paggamit at pagpaparami sa potensyal na namumuhunan. Puwede itong mag-alok ng price exposure sa mga kalahok sa mga tradisyunal na merkado nang hindi nila kailangang mag-alala sa maliliit na detalye ng aktwal na pagmamay-ari ng mga coin.

Bukod sa Bitcoin, puwedeng maglaman ng iba't ibang asset ang isang Bitcoin ETF, kabilang ang Bitcoin, Ethereum, Tesla stock, at ginto, na magbibigay ng mga benepisyo ng pag-diversify sa mga namumuhunan.

Isang maikling pangkalahatang-ideya ng mga Bitcoin ETF

Kapag pinag-uusapan ng mga tao ang mga Bitcoin ETF, karaniwan nilang tinutukoy ang mga ETF na nasa merkado ng US. Pero may mga ETF sa maraming iba't ibang merkado. Halimbawa, ang unang Bitcoin ETF na tinatawag na Purpose Bitcoin ETF ay inilunsad sa stock market sa Canada at nagte-trade ito sa Toronto Stock Exchange sa ilalim ng ticker na BTCC.

Gayunpaman, sa loob ng mahabang panahon, nakatutok ang karamihan sa mga regulator sa US at kung papayagan ba nila o hindi ang isang US Bitcoin ETF. Sa wakas, noong Oktubre 2021, tinanggap ng US Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang aplikasyon para ilista ang ProShares Bitcoin Strategy ETF (BITO) sa NYSE. 

Dati, tinatanggihan ang karamihan sa mga aplikasyon dahil sa volatility, hindi nakokontrol na mga merkado ng Bitcoin, at ang pananagutan nila sa pagmamanipula ng merkado. Bagama't puwedeng totoo ang mga ito sa ilang sitwasyon, posibleng totoo rin ang mga ito para sa maraming iba pang pinansyal na merkado na mayroon nang mga ETF.

Marami sa mga pinansyal na sistemang kinakailangan para maging isang lehitimong macro asset class ang Bitcoin ay nagawa na noong huling bear market. Kung ginusto ng MicroStrategy na bumili ng bilyon-bilyong dolyar na halaga ng Bitcoin ilang taon ang nakalipas, posibleng naging napakahirap nitong gawin. Pero ngayon, parehas nang nariyan ang imprastraktura at liquidity para maging posible ang mga ganoong kalalaking pamumuhunan.

Ang patuloy na pag-mature ng mga merkado ng Bitcoin ang posibleng nagpabago ng pananaw ng mga regulator na sa paglaon ay nagresulta sa pagkakaroon ng US Bitcoin ETF na mayroon tayo ngayon.

Ano ang Bitcoin futures ETF?

Hindi lahat ng Bitcoin ETF ay sinusuportahan ng BTC na hinahawakan sa mga wallet, na kilala bilang mga Bitcoin physical ETF. Marami sa mga Bitcoin ETF, gaya ng BITO, ay gumagamit ng mga BTC futures contract bilang mga pinagbabatayang asset ng mga ito. 

Sa ngayon, pinapaboran ng SEC ang mga futures ETF na nauugnay sa Bitcoin futures ng Chicago Mercantile Exchange (CME), isang kontroladong pinansyal na security. Ginagamit ng Bitcoin futures ETF ang presyo ng Bitcoin Reference Rate (BRR) ng CME, sa halip na spot price. Ibig sabihin, ang pagkakaiba lang ng Bitcoin physical ETF at Bitcoin futures ETF ay kung saan nagmumula ang presyo ng mga ito.

Dapat ba akong mamuhunan sa isang Bitcoin ETF?

Ang Bitcoin ETF ba ang akmang instrumentong pampinansyal para sa iyong pamumuhunan sa Bitcoin? Kung gusto mo lang protektahan ang ipon mo laban sa bumababang value ng fiat, baka mas mabuti ngang bumili ka ng Bitcoin. 

Tutal, layunin ng Bitcoin ang demokratisasyon ng pananalapi, bagama't kumakatawan din ito sa iba't ibang bagay sa iba't ibang tao. Pero higit sa lahat, makapangyarihan ang pagkakaroon ng direktang kontrol sa ipon mo. Bilang karagdagan, mayroon ding iba't ibang paraan na puwede kang kumita ng yield o humiram gamit ang Bitcoin mo. 

Sa mga nabanggit na ito, may mga bentahe sa pamumuhunan sa isang Bitcoin ETF. Kung kapaki-pakinabang para sa iyo ang alinman sa mga iyon, posibleng maging isang magandang opsyon sa pamumuhunan ang ETF.

Mga pangwakas na pananaw

Nagbibigay-daan ang mga Bitcoin ETF na magkaroon ng exposure sa Bitcoin ang mga namumuhunan sa mga tradisyunal na merkado sa isang kontroladong paraan at puwede itong magresulta sa mas malawak na pagtanggap ng mga institusyon sa cryptocurrency bilang isang asset class. Ngayong naitayo na ang mga pundasyon sa US, aabangan natin kung hanggang saan kaya ng mga namumuhunan na i-expose sa BTC ang kani-kanilang portfolio.