TL;DR
Kasama sa spot trading ang direktang pagbili o pagbebenta ng mga pampinansyal na instrumento at asset tulad ng mga cryptocurrency, forex, mga stock, o mga bond. Madalas na agad-agad na inihahatid ang asset. Nangyayari ang spot trading sa mga spot market, na puwedeng batay sa palitan o over-the-counter (direkta sa pagitan ng mga trader). Kapag nagte-trade sa mga spot market, puwede ka lang gumamit ng mga asset na pagmamay-ari mo - walang leverage o margin.
Pinapamahalaan ng mga sentralisadong palitan para sa spot trading ang pagsunod sa regulasyon, seguridad, pag-iingat, at iba pang salik para gawing mas madali ang pag-trade. Bilang kapalit, kumukuha ang mga palitan ng bayarin sa transaksyon. Nagbibigay ang mga desentralisadong palitan ng parehong serbisyo pero sa pamamagitan ng mga smart contract ng blockchain.
Nag-aalok ang spot trading ng simpleng paraan para mamuhunan at mag-trade. Sa pamumuhunan sa crypto, malamang na ang unang karanasan mo ay isang spot na transaksyon sa spot market, halimbawa, pagbili ng BNB sa market price at
pag-HODL.
May mga spot market sa iba't ibang uri ng asset, kasama ang mga cryptocurrency, mga share, mga commodity, forex, at mga bond. Malamang na mas pamilyar ka sa mga spot market at spot trading kaysa sa inaakala mo. Ang ilan sa mga pinakasikat na merkado, tulad ng NASDAQ o NYSE (New York Stock Exchange), ay mga spot market.
Ang spot market ay isang pampinansyal na merkado na bukas sa publiko kung saan kaagad na naite-trade ang mga asset. Bumibili ang isang mamimili ng asset gamit ang fiat o isa pang medium ng palitan mula sa isang nagbebenta. Madalas na agad-agad ang paghahatid ng asset, pero depende ito sa kung ano ang tine-trade.
Kilala rin ang mga spot market bilang mga cash market dahil nagbabayad muna ang mga trader. May iba't ibang anyo ang mga spot market, at kadalasang pinapangasiwaan ng mga third party, na kilala bilang mga palitan, ang pag-trade. Puwede ka ring direktang makipag-trade sa iba sa mga over-the-counter (OTC) na pag-trade. Idedetalye pa natin ito mamaya.
Sinusubukan ng mga spot trader na kumita sa merkado sa pamamagitan ng pagbili ng mga asset at pag-asang tataas ang halaga ng mga ito. Puwede nilang ibenta ang kanilang mga asset sa ibang pagkakataon sa spot market para kumita kapag tumaas ang presyo. Puwede ring
i-short ng mga spot trader ang merkado. Kasama sa prosesong ito ang pagbebenta ng mga pampinansyal na asset at pagbili nang marami kapag bumaba ang presyo.
Ang kasalukuyang market price ng asset ay kilala bilang spot price. Gamit ang isang
market order sa isang palitan, puwede kang bumili o puwede mong ibenta kaagad ang mga hawak mo sa pinakamataas na spot price na available. Gayunpaman, walang garantiya na hindi magbabago ang market price habang ipinapatupad ang iyong order. Baka wala ring sapat na
dami para mapunan ang iyong order sa presyong gusto mo. Halimbawa, kung ang iyong order ay para sa 10
ETH sa spot price, pero 3 lang ang iniaalok, kakailanganin mong punan ang natitirang order mo ng ETH sa ibang presyo.
Nag-a-update nang real-time ang mga spot price at nagbabago ito habang tumutugma sa mga order. Iba naman ang paggana ng
over-the-counter na spot trading. Puwede kang mag-secure ng isang nakatakdang halaga at presyo nang direkta mula sa isa pang partido nang walang order book.
Depende sa asset, agad-agad ang paghahatid o kadalasan sa loob ng T+2 araw. Ang T+2 ay ang petsa ng trade na may dagdag na dalawang araw ng negosyo. Sa karaniwan, kinakailangan sa mga share at equity ang paglilipat ng mga aktwal na sertipiko. Dati, naglilipat din ang
foreign exchange market ng mga currency sa pamamagitan ng aktwal na cash, wire, o pagdeposito. Ngayong digital na ang mga system, halos agad-agad na nangyayari ang paghahatid. Gayunpaman, tumatakbo ang mga merkado ng crypto nang 24/7 na kadalasang nagbibigay-daan sa mga instant na pag-trade. Gayunpaman, puwedeng mas matagal ang paghahatid para sa
peer-to-peer trading o OTC.
Hindi nalilimitahan ang spot trading sa iisang lugar lang. Habang nagsasagawa ang karamihan ng mga indibidwal ng spot trading sa mga palitan, puwede ka ring direktang makipag-trade sa iba nang walang third party. Tulad ng nabanggit, kilala ang mga pagbebenta at pagbiling ito bilang mga over-the-counter na pag-trade. May kanya-kanyang pagkakaiba ang bawat spot market.
Mga sentralisadong palitan
May dalawang anyo ang mga palitan: sentralisado at desentralisado. Pinapamahalaan ng sentralisadong palitan ang pag-trade ng mga asset tulad ng
mga cryptocurrency, forex, at mga commodity. Nagsisilbi ang palitan bilang tagapamagitan sa mga kalahok sa merkado at bilang
tagapag-ingat ng mga na-trade na asset. Para gumamit ng sentralisadong palitan, kailangan mong lagyan ang iyong account ng fiat o crypto na gusto mong i-trade.
Kailangang tiyakin ng isang seryosong sentralisadong palitan na magiging maayos ang mga transaksyon. Kasama sa iba pang responsibilidad ang pagsunod sa regulasyon,
KYC (Know Your Customer), makatwirang pagpepresyo, seguridad, at proteksyon ng customer. Bilang kapalit, naniningil ang palitan ng bayarin sa mga transaksyon, listing, at iba pang aktibidad sa pag-trade. Dahil dito, puwedeng kumita ang mga palitan sa mga
bull at
bear market, hangga't mayroong sapat na mga user at dami ng pag-trade ang mga ito.
Mga desentralisadong palitan
Ang
desentralisadong palitan (decentralized exchange o DEX) ay isa pang uri ng palitan na pinakakaraniwang nakikita sa mga cryptocurrency. Nag-aalok ang DEX ng marami sa mga pangunahing serbisyo na ibinibigay ng isang sentralisadong palitan. Gayunpaman, itinutugma ng DEX ang mga buy at sell order sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ng
blockchain. Sa karamihang sitwasyon, hindi kailangan ng mga user ng DEX na gumawa ng account at puwede silang makipag-trade nang direkta sa isa't isa, nang hindi kinakailangang maglipat ng mga asset sa DEX.
Nangyayari ang mga pag-trade nang direkta mula sa mga
wallet ng mga trader sa pamamagitan ng
mga smart contract. Ang mga ito ay mga self-executing na piraso ng code sa isang blockchain. Mas gusto ng maraming user ang karanasan ng DEX dahil nagbibigay ito ng higit na privacy at kalayaan kaysa sa karaniwang palitan. Gayunpaman, mayroon itong kapalit. Halimbawa, puwedeng maging problema ang kawalan ng KYC at suporta sa customer kung sakaling magkaroon ka ng mga isyu.
Gumagamit ang ilang DEX ng modelo ng order book, tulad ng Binance DEX. Ang pinakakamakailang nabuo ay ang modelong
Automated Market Maker (AMM) tulad ng
Pancake Swap at
Uniswap. Gumagamit din ang mga AMM ng mga smart contract pero nagpapatupad ito ng ibang modelo para matukoy ang mga presyo. Gumagamit ang mga mamimili ng mga pondo sa isang
liquidity pool para i-swap ang kanilang mga token. Ang mga provider ng liquidity na nagbibigay sa mga pondo ng pool ay naniningil ng bayarin sa transaksyon para sa sinumang gumagamit sa pool.
Over-the-counter
Sa kabilang banda, mayroon tayong over-the-counter trading, na kung minsan ay kilala bilang off-exchange trading. Direktang tine-trade ang mga pampinansyal na asset at seguridad sa pagitan ng mga broker, trader, at dealer. Gumagamit ang spot trading sa merkado ng OTC ng maraming paraan ng komunikasyon para magsaayos ng mga pag-trade, kasama ang mga telepono at instant na pagmemensahe.
May ilang benepisyo ang mga OTC na pag-trade dahil hindi na kailangang gumawa ng
order book. Kung nagte-trade ka ng asset na may mababang liquidity, tulad ng mga coin na may maliit na limitasyon, puwedeng magdulot ng
slippage ang isang malaking order. Kadalasan, hindi ganap na mapupunan ng palitan ang iyong order sa presyong gusto mo, kaya kailangan mong kumuha ng mas matataas na presyo para kumpletuhin ang order. Dahil dito, madalas na nakakakuha ng mas magagandang presyo ang mga OTC na pag-trade.
Tandaan na kahit ang mga liquid na asset tulad ng BTC ay puwedeng makaranas ng slippage kapag masyadong malaki ang mga order. Kaya puwede ring makinabang ang malalaking order ng BTC mula sa mga OTC na pag-trade.
Nabanggit na natin na gumagawa ng mga instant na trade ang mga spot market na may halos agad-agad na paghahatid. Sa kabilang banda, ang futures market ay may mga kontratang binayaran para sa isang petsa sa hinaharap. Nagkasundo ang mamimili at nagbebenta na mag-trade ng isang partikular na dami ng mga produkto para sa isang partikular na presyo sa hinaharap. Kapag nag-mature na ang kontrata sa petsa ng settlement, kadalasang nauuwi sa settlement sa cash ang mamimili at nagbebenta sa halip na ihatid ang asset.
Ang
margin trading ay available sa ilang spot market, pero iba ito sa spot trading. Gaya ng nabanggit noong nakaraan, sa spot trading, kinakailangan mong agad na bilhin nang buo ang asset at kumuha ng paghahatid. Sa kabaligtaran, nagbibigay-daan sa iyo ang margin trading na humiram ng mga pondo nang may interes mula sa isang third party, na nagbibigay-daan sa iyong pumasok sa mas malalaking posisyon. Kaya naman, ang paghiram ay nagbibigay sa trader ng margin ng posibilidad na magkaroon ng mas malalaking kita. Gayunpaman, pinapalaki rin nito ang mga posibilidad ng pagkalugi, kaya kailangan mong mag-ingat na hindi mawala ang lahat ng iyong inisyal na puhunan.
Ang spot trading sa Binance ay isang simpleng proseso kapag nag-sign up ka na para sa isang account sa Binance. Tingnan natin ang classic na view ng palitan ng Binance at i-explore kung paano mag-spot trade. Makikita mo ang platform sa pag-trade sa pamamagitan ng pag-hover sa [Mag-trade] at pag-click sa [Classic] sa
Homepage ng Binance.
Makikita mo na ngayon ang classic na view ng pag-trade, na naglalaman ng ilang iba't ibang seksyong dapat tingnan.
1. Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na piliin ang pares ng cryptocurrency na gusto mong i-trade sa spot market. Hindi lang pagbili ng mga cryptocurrency gamit ang
fiat ang magagawa mo. Puwede mo ring ipalit ang mga iyon para sa iba pang coin at
token sa spot market.
2. Dito makikita mo ang view ng chart na may nako-customize na data ng dating presyo. Naka-built in sa window ang
TradingView, na nagbibigay ng maraming iba't ibang tool sa technical analysis na magagamit. Kung gusto mong matuto ng ilang pangunahing diskarte sa TradingView, tingnan ang aming gabay
dito.
3. Inililista ng order book ang lahat ng bukas na buy at sell order ng isang asset na nakaayos ayon sa presyo. Ang mga berdeng order ay mga buy order, at ang pula ay mga sell order. Kapag gumawa ka ng market order para bumili ng asset, kukunin mo ang pinakamababang presyo na iniaalok. Kung kailangan pa ng iyong order ng mas marami para mapunan ito, aakyat ito sa susunod na pinakamababang
ask price.
4. Dito ka sa seksyong ito gagawa ng iyong mga buy o sell order. Makikita mong nasa seksyong [Spot] ito sa kasalukuyan. Sa ibaba, puwede kang pumili sa pagitan ng mga [
Limit]. [Market], at [
Stop-limit] order.
Tingnan natin ang pinakadirektang spot trade na magagawa mo: isang market order. Sa ating halimbawa, gusto mong bumili ng $1,000 (
BUSD) na halaga ng
bitcoin (BTC). Para magawa ito, ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang 1,000 sa field na [Kabuuan] at i-click ang [Bumili ng BTC]. Ihahatid kaagad ng palitan ang BUSD sa nagbebenta, at tatanggap ka ng BTC na nagkakahalaga ng $1,000 (BUSD).
May kanya-kanyang bentahe at disbentahe ang bawat uri ng pag-trade at diskarte na mararanasan mo. Ang pag-unawa sa mga ito ay tutulong sa iyong mabawasan ang panganib at makapag-trade nang mas may kumpyansa. Ang spot trading ay isa sa mga mas simpleng pag-trade, pero mayroon pa rin itong mga kalakasan at kahinaan.
Mga bentahe ng mga spot market
1. Transparent ang mga presyo at umaasa lang sa supply at demand sa merkado. Ang aspektong ito ay kabaligtaran ng futures market na madalas na naglalaman ng maraming reference price. Halimbawa, ang
mark price sa futures market ng Binance ay
hango sa ibang impormasyon, kasama ang rate ng pagpopondo, index ng presyo, at Moving Average (MA) Basis. Sa ilang tradisyonal na merkado, puwede ring maapektuhan ng mga rate ng interes ang mark price.
2. Madaling sumali sa spot trading dahil sa mga simple nitong panuntunan, reward, at panganib. Kapag namuhunan ka ng $500 sa spot market sa
BNB, madali mong makakalkula ang iyong panganib batay sa presyo ng pagpasok mo at sa kasalukuyang presyo.
3. Puwede kang “magtakda at lumimot.” Hindi katulad ng mga derivative at
margin trading, sa spot trading, hindi mo kailangang mag-alala na ma-liquidate o makakuha ka ng margin call. Puwede kang pumasok o lumabas sa isang trade kailan mo man gusto. Hindi mo rin kailangang patuloy na tingnan ang iyong pamumuhunan, maliban na lang kung gusto mong gumawa ng mga panandaliang pag-trade.
Mga disbentahe ng mga spot market
1. Depende sa kung ano ang tine-trade mo, puwede kang mabigyan ng mga spot market ng mga asset na nakakaabalang hawakan. Mga commodity ang posibleng pinakamagandang halimbawa nito. Kung bumili ka sa spot market ng krudong langis, kailangan mong asikasuhin ang pisikal na paghahatid ng asset. Sa mga cryptocurrency, ang paghawak sa mga token at coin ay nagbibigay sa iyo ng pananagutang panatilihing secure at ligtas ang mga ito. Sa pamamagitan ng pag-trade ng mga derivative sa futures market, puwede ka pa ring magkaroon ng ganitong mga asset pero puwedeng i-settle ang mga ito sa cash.
2. Sa ilang partikular na asset, indibidwal, at kumpanya, mahalaga ang pagiging stable. Halimbawa, may access dapat sa foreign currency sa forex market ang isang kumpanya na gustong magkaroon ng operasyon sa ibang bansa. Kung aasa ito sa spot market, talagang hindi magiging stable ang pagpaplano ng gastos at ang mga kita.
3. Mas maliit ang mga posibleng kita sa spot trading kaysa sa mga futures o margin trading. Puwede mong gamitin ang parehong halaga ng puhunan para mag-trade sa mas malalaking posisyon.
Ang spot trading sa mga spot market ay isa sa mga pinakakaraniwang paraan ng pag-trade ng mga tao, lalo na ng mga baguhan. Kahit na madali ito, palaging magandang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa mga bentahe, disbentahe, at posibleng diskarte rito. Bukod sa mga batayang kaalaman, dapat mong pag-isipang samahan ito ng maaasahang
technical,
fundamental, at
sentiment analysis.