TL;DR
Ang mga Bitcoin futures contract ay isang produkto ng derivative na katulad ng mga tradisyonal na futures contract. Nagkakasundo ang dalawang partido na magbenta o bumili ng mga naka-fix na dami ng bitcoin sa isang partikular na presyo sa isang partikular na petsa. Ginagamit ng mga trader ang mga ito sa speculative na paraan, pero puwede mo ring gamitin ang mga ito para mag-hedge. Sikat ang pag-hedge lalo na sa mga minerong gustong masagot ang kanilang mga gastusin sa operasyon.
Magandang paraan ang futures para i-diversify ang iyong portfolio, mag-trade sa leverage, at magkaroon ng kaunting stability sa kita mo sa hinaharap. Kung gusto mong alamin ang marami pang advanced na diskarte sa futures, tingnan ang arbitrage. Naghahatid ang cash-and-carry arbitrage at inter-exchange arbitrage ng ilang oportunidad sa pag-trade na mababa ang panganib kapag isinagawa sa tamang paraan.
Panimula
Ang mga Bitcoin futures contract ay isang alternatibong oportunidad para mamuhunan kaysa sa simpleng paghawak lang ng mga coin at token. Dahil mas kumplikado ang produktong ito, kailangan mo ng mas malalim na pag-unawa para mag-trade sa ligtas at responsableng paraan. Bagama't mas mahirap gamitin ang mga ito, nagbibigay ang futures ng mga paraan para mag-lock in ng mga presyo sa pamamagitan ng pag-hedge at kumita mula sa mga pagbaba ng merkado sa pamamagitan ng pag-short.
Ano ang Bitcoin futures?
Bakit gumagamit ang mga tao ng Bitcoin futures?
Ang isang pangunahing pinaggagamitan ng Bitcoin futures ay ang oportunidad para sa mga mamimili at nagbebenta na mag-lock in ng mga presyo sa hinaharap. Ang prosesong ito ay kilala sa tawag na pag-hedge. Dati nang ginagamit ang futures bilang mga instrumento sa pag-hedge sa mga commodity market kung saan nangangailangan ng mga maaasahang kita ang mga producer para masagot ang kanilang mga gastusin.
Mga benepisyo ng pag-trade ng Bitcoin futures
Pag-hedge
Ang futures contract
Puwedeng kumuha ng short na posisyon ang isang minero ng bitcoin sa isang futures contract para protektahan ang mga hinahawakan niyang BTC. Kapag nag-mature na ang futures contract, kailangan ng minero na makipag-settle sa kabilang partido na nasa kasunduan.
Kung ang presyo ng Bitcoin sa futures market (mark price) ay mas mataas kumpara sa forward price ng contract, kakailanganin ng minero na bayaran ang kulang ng kabilang partido. Kung ang mark price ay mas mababa sa forward price ng kontrata, ang kabilang partido na may long na posisyon ang magbabayad ng kulang sa minero.
Ang spot market
Sa araw na mag-mature ang futures contract, ibebenta ng minero ang kanyang BTC sa spot market. Sa pagbebentang ito, makukuha niya ang market price, na dapat ay malapit sa mark price na nasa futures market.
Gayunpaman, epektibong makakansela ng trade sa spot market ang anumang kita o pagkalugi sa futures market. Kapag pinagsama ang dalawang kabuuan, maibibigay sa minero ang naka-hedge na presyong gusto niya. Pagsamahin natin ang dalawang hakbang gamit ang mga numero.
Pagsasama ng futures contract at spot trade
Isang minero ang kumuha ng short na posisyon sa isang kontrata para sa isang BTC sa halagang $35,000 sa loob ng tatlong buwan. Kung ang mark price ay $40,000 sa petsa ng pag-mature, malulugi siya ng $5,000 sa settlement na ibabayad sa may long na posisyon sa kontrata. Kasabay nito, magbebenta ang minero ng isang BTC sa spot market, kung saan ang spot price ay $40,000 din. Makakatanggap ang minero ng $40,000, na sasagot sa $5,000 na nalugi sa kanya, na magreresulta sa na-hedge na presyong $35,000.
Leverage at margin
Sa isang palitan, ipinapakita ang leverage bilang multiplier o porsyento. Halimbawa, minu-multiply ng 10x sa 10 ang iyong kapital. Kaya kung naka-leverage ang $5,000 sa 10x, mayroon kang $50,000 para sa pag-trade. Kapag nagte-trade ka nang may leverage, sinasagot ng inisyal mong kapital ang iyong mga pagkalugi at tinatawag ito na margin mo. Tumingin tayo ng halimbawa:
Bumili ka ng dalawang quarterly Bitcoin futures contract sa halagang $30,000 bawat isa. Pinayagan ka ng iyong palitan na i-trade ito sa 20x na leverage, ibig sabihin, nagbigay ka lang ng $3,000. Ang $3,000 ang magsisilbing margin mo, at dito kukunin ng palitan ang mga pagkalugi mo. Kung lampas $3,000 ang malulugi sa iyo, ili-liquidate ang posisyon mo. Puwede mong kalkulahin ang porsyento ng margin sa pamamagitan ng paghahati ng 100 sa multiple ng leverage. 10% ang 10X, 5% ang 20X, 1% ang 100X. Ang porsyentong ito ang magsasabi sa iyo kung hanggang saan puwedeng bumaba ang presyo mula sa presyo ng iyong contract bago mag-liquidate.
Pag-diversify ng Portfolio
Bitcoin futures sa Binance
Hindi lahat ng futures contract ay magkakapareho. Ang bawat palitan ay may iba't ibang mekanismo, pag-expire, pagpepresyo, at bayarin sa kanilang mga produkto sa Futures. Sa kasalukuyan, nag-aalok ang Binance ng ilang opsyong pangunahing nagkakaiba sa petsa ng pag-expire at pagpopondo.
Petsa ng pag-expire
Ang mga nababanggit pa lang natin ay mga futures na may nakatakdang petsa ng pag-expire. May quarterly futures ang palitan ng futures ng Binance, pero makakakita ka ng mga buwanan at semi-annual na maturity (mga petsa ng pag-expire) sa iba pang palitan. Makikita mo kaagad sa pangalan ng kontrata kung kailan ito mag-e-expire.
Ang mga quarterly contract ng Bitcoin futures sa palitan ng Binance ay may mga sumusunod na cycle sa kalendaryo: Marso, Hunyo, Setyembre, at Disyembre. Ang isang BTCUSD Quarterly 0925 contract ay mag-e-expire sa ika-25 ng Setyembre 2021, 08:00:00 UTC.
Bayad sa pagpopondo
Kapag pumasok ka sa isang Bitcoin quarterly future sa Binance, kailangan mong panatilihin ang iyong margin para masagot ang anumang posibleng pagkalugi. Gayunpaman, babayaran mo lang ang pagkaluging ito kapag na-liquidate ka, o kapag nag-mature ang contract. Sa perpetual futures contract, kailangan mo ring magbayad o makatanggap ng bayad sa pagpopondo kada walong oras.
Ang bayarin sa pagpopondo ay mga peer-to-peer na pagbabayad sa pagitan ng mga trader. Sa pamamagitan ng mga rate na ito, naiiwasan ang pagkakalayo ng forward price ng mga perpetual Bitcoin futures contract at ng mark price. Ang mark price ay katulad ng spot price ng BTC pero idinisenyo ito para maiwasan ang mga hindi patas na liquidation na puwedeng maganap kapag masyadong volatile ang merkado.
Halimbawa, ang isahang beses na pag-trade sa spot market ay posibleng pansamantalang makapagpataas sa presyo nang ilang libong dolyar. Sa ganitong volatility, puwedeng ma-liquidate ang mga posisyon sa futures, pero hindi talaga ito kumakatawan sa tunay na market price. Makikita mo ang rate ng pagpopondo na naka-highlight nang pula sa ibaba at ang oras kung kailan ito dapat bayaran.

Ang positibong rate ng pagpopondo ay nangangahulugang mas mataas ang presyo ng perpetual contract kaysa sa mark price. Kapag bullish ang futures market at positibo ang rate ng pagpopondo, ang mga trader na nasa mga long na posisyon ang magbibigay ng bayad sa pagpopondo sa mga nasa short na posisyon. Ang negatibong rate ng pagpopondo ay nangangahulugang mas mababa ang mga presyo ng mga perpetual contract kumpara sa mark price. Sa ganitong sitwasyon, ang mga nasa short na posisyon ang magbabayad sa mga nasa long na posisyon.
COIN-M futures at USDⓈ-M futures
Nag-aalok ang Binance ng dalawang opsyon sa pag-trade ng futures: COIN-M futures kung saan crypto ang margin at USDⓈ-M futures kung saan BUSD/USDT ang margin. Parehong available ang uri ng kontrata bilang perpetual futures, pero may ilang maliliit na pagkakaiba sa pagitan ng mga ito.
Dapat gamitin ng COIN-M futures ang pinagbabatayang asset ng kontrata bilang collateral sa iyong futures margin account. Sa kabilang banda, pinapayagan ng USDⓈ-M futures ang paggamit mo ng cross-collateral. Sa feature na ito, puwede kang humiram ng USDT at BUSD nang may 0% interes, gamit ang mga crypto asset na nasa iyong spot wallet bilang collateral.
Karaniwang mas sikat ang COIN-M futures sa mga minero na nagpaplanong i-hedge ang kanilang mga posisyon sa Bitcoin. Dahil sa crypto isinasagawa ang settlement, hindi na nila kailangang ilipat ang kanilang BTC sa mga stablecoin, na maglalagay ng dagdag na hakbang sa proseso ng pag-hedge.
Paano magsimulang mag-trade ng mga Bitcoin futures contract?
Kung gusto mong magsimulang mag-trade ng Bitcoin futures sa Binance, kailangan mo lang na mag-set up ng account at maglagay ng mga pondo. Narito ang sunod-sunod na gabay para magkaroon ng una mong Bitcoin futures contract:


4. Piliin ang taas ng leverage na kumportable mong gamitin. Magagawa mo ito sa kanan ng button na [Cross] sa UI ng pag-trade. Tandaan, kung mas mataas ang leverage, mas malamang na ma-liquidate ka dahil sa maliliit na paggalaw ng presyo.

5. Piliin ang dami at uri ng order na gusto mong gamitin, pagkatapos ay i-click ang [Bumili/Mag-long] o [Magbenta/Mag-short] para buksan ang iyong posisyon sa Bitcoin futures.

Mga diskarte ng arbitrage sa Bitcoin futures
Inter-exchange arbitrage
Kapag ang iba't ibang palitan ng cryptocurrency ay may mga futures contract na iba-iba ang presyo, may oportunidad para sa arbitration. Sa pamamagitan ng pagbili ng kontrata sa mas murang palitan at pagbebenta ng iba sa mas mahal na palitan, puwede kang kumita sa sosobra.
Halimbawa, ipagpalagay na ang BTCUSD Quarterly 0925 sa Binance ay $20 na mas mura kumpara sa ibang palitan. Sa pamamagitan ng pagbili ng kontrata sa Binance at pagbebenta ng kontrata sa mas mahal na palitan, maa-arbitrage mo ang pagkakaiba. Gayunpaman, mabilis na nagbabago ang mga presyo dahil sa mga automated na bot sa pag-trade. Kailangan mong maging mabilis dahil puwedeng mawala ang anumang pagkakaiba habang nagte-trade ka. Ikonsidera rin ang anumang bayarin na posibleng kailangan mong bayaran sa pagkakalkula mo ng kita.
Cash-and-carry arbitrage
Hindi na bago ang cash-and-carry arbitrage pagdating sa futures at isa itong posisyong neutral sa merkado. Ang mga posisyong neutral sa merkado ay ang pagbili at pagbebenta ng asset nang sabay sa magkakapantay na dami. Sa sitwasyong ito, ang trader ay kumukuha ng long at short na posisyon sa pantay na dami ng magkaparehong futures contract maliban sa presyo ng mga ito. Nag-aalok ang crypto futures ng lubos na mas mataas na margin ng kita para sa cash-and-carry arbitrage kumpara sa tradisyonal na commodity futures.
Higit na mas mababa ang husay sa pag-trade kumpara sa mga mas lumang merkado at mas malalaki ang oportunidad sa arbitrage. Para matagumpay na magamit ang diskarteng ito, kailangan mong tiyempuhan na mas mababa ang spot price ng BTC kumpara sa futures price.
Sa puntong ito, sabay na pumasok sa short na posisyon sa isang futures contract at bumili ng parehong dami ng bitcoin sa spot market para masagot ang short mo. Kapag naabot na ng kontrata ang maturity, puwede mong i-settle ang short gamit ang binili mong bitcoin at i-arbitrage ang pagkakaibang una mong nakita.
Bakit muna may ganitong oportunidad? Handa ang mga tao na magbayad ng mas mataas na futures price kung wala silang pera para bumili ng BTC ngayon pero sa tingin nila ay tataas ang presyo nito sa hinaharap. Sabihin natin na sa loob ng tatlong buwan, sa tingin mo ay magkakahalaga ang BTC ng $50,000, pero sa kasalukuyan ay $35,000 lang ito.
Wala kang pera ngayon, pero magkakapera ka sa loob ng tatlong buwan. Sa ganitong pagkakataon, puwede kang pumasok sa isang long na posisyon para sa kaunting premium sa $37,000 na babayaran sa loob ng tatlong buwan. Ibig sabihin, hahawakan ng taga-arbitrage ng cash-and-carry ang BTC para sa iyo kapalit ng bayad.