Ano ang Pamamayani ng BTC?
Talaan ng Nilalaman
Panimula 
Pamamayani ng BTC at market capitalization
Mga salik na nakakaimpluwensya sa pamamayani ng BTC
Paggamit ng pamamayani ng BTC sa pag-trade
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Pamamayani ng BTC?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Pamamayani ng BTC?

Ano ang Pamamayani ng BTC?

Baguhan
Na-publish Jun 23, 2022Na-update Dec 23, 2022
6m

TL;DR  

Sinusukat ang pamamayani ng Bitcoin, o pamamayani ng BTC, bilang ratio ng market capitalization ng bitcoin sa market capitalization ng natitirang bahagi ng merkado ng cryptocurrency. Ginagamit ng ilang namumuhunan at trader ng crypto ang pamamayani ng bitcoin bilang gabay para sa pag-adjust ng kanilang mga diskarte sa pag-trade at istruktura ng portfolio. 


Panimula 

Bagama't libo-libo na ngayon ang mga altcoin, ang bitcoin pa rin, na siyang orihinal na cryptocurrency, ang pinakamalaking digital asset ayon sa market capitalization. Sa pag-obserba sa dynamics ng bahagi ng bitcoin sa halaga ng kabuuang merkado ng crypto, nakakita ang mga trader ng ilang partikular na umuulit na pattern ng mga kondisyon sa merkado. Ginamit ng ilan ang pamamayani ng BTC bilang gabay para sa kanilang gawi sa pag-trade. Sa partikular, pinaniniwalaan na nagbibigay ang pamamayani ng BTC ng insight sa kasalukuyang pangkalahatang trend sa merkado. 


Pamamayani ng BTC at market capitalization

Sa madaling salita, tumutukoy ang market capitalization sa kabuuang halaga ng isang partikular na asset na nasa sirkulasyon. Para sa bitcoin, kinakalkula ang market cap sa pamamagitan ng pag-multiply ng kasalukuyang presyo at ng dami ng BTC na namina hanggang sa puntong iyon.

Puwede mong kalkulahin ang pamamayani ng bitcoin gamit ang formula na ito:

Pamamayani ng Bitcoin = Market cap ng Bitcoin/ Kabuuang market cap ng cryptocurrency


Mga salik na nakakaimpluwensya sa pamamayani ng BTC

Mga nagbabagong trend

Bago nagsilabasan ang mga altcoin, pangkaraniwan nang maging mas mataas sa 90% ang pamamayani ng bitcoin. Habang naging mas interesado sa lahat ng altcoin ang mga user at namumuhunan, nawala sa bitcoin at napunta ang halos ganap na pagtuon sa iba pang asset na may mas malalaking pagbabago-bago sa presyo at proyektong may mga ipinagmamalaking bago at kapana-panabik na mapaggagamitan.

Bagama't ginawa ang bitcoin para baguhin kung paano gumagana ang paglilipat ng halaga, nagbago ang mga proyekto ng crypto para makagawa pa ng ibang bagay bukod ito. Hindi tulad ng bitcoin, maraming altcoin ang sangkot sa iba't ibang sektor, kasama na ang gaming, sining, at mga desentralisadong pampinansyal na serbisyo bukod pa sa paglilipat ng pera. Depende sa kasalukuyang trend, posibleng mas maraming interesado at nagte-trade sa isang partikular na uri ng proyekto ng crypto. Halimbawa, posibleng naging sanhi ang paglabas ng mga NFT para medyo mabawasan ang pamamayani ng BTC para sa mga token na may kaugnayan sa NFT. 

Sa paglipas ng panahon, nakilala ang bitcoin bilang isa sa mga mas “stable” na crypto asset. Puwede ring makaapekto sa pamamayani ng bitcoin ang interes ng mga trader sa mas malalaking pagbabago-bago ng presyo at sa mga nauugnay na pagkakataong kumita na iniaalok ng ilang mas bagong altcoin, na humahantong sa pagdaloy ng mga pondo sa mga mas delikadong asset. Sa ganitong sitwasyon, baka hindi masyadong mahalaga ang mga sektor na kinakatawan ng mga altcoin na ito kumpara sa mga potensyal na kita.

Bull o bear market

Sa nakaraang ilang taon, nadagdagan sa pangkalahatan ang kasikatan ng mga stablecoin, na isang trend na naglagay ng tuloy-tuloy na pressure sa pamamayani ng BTC. Sa mas partikular, sa isang bear market o sa mga panahon ng volatility, kadalasang ginagamit ang mga stablecoin para protektahan ang mga pondo ng mga namumuhunan sa crypto sa kabila ng mga bumabagsak na presyo. Ang stablecoin ay isang altcoin na idinisenyo para magpanatili ng halagang katumbas ng isang asset na may mas stable na presyo, gaya ng fiat currency o commodity. Kadalasan, gumagamit ng mga stablecoin ang mga namumuhunan at trader ng crypto para i-lock ang mga kita nang hindi kinakailangang i-convert ang kanilang crypto sa fiat. Kapag nawala sa merkado ng BTC ang mga pondo at lumipat ang mga ito sa mga stablecoin, puwedeng mabawasan ang pamamayani ng BTC.

Malamang na mangyari ang kabaliktaran sa bull market. Kapag angat ang merkado, puwedeng mabigyan ng insentibo ang mga trader na maglipat ng halaga mula sa mga stablecoin papunta sa mga mas volatile na asset na nag-aalok ng mas maraming pagkakataon sa pag-trade, gaya ng bitcoin. Gayunpaman, ang mga trader na malakas ang loob ay puwede ring pumili ng mga mas mapanganib na opsyon at maglagay ng liquidity sa mga altcoin na mas volatile pa kaysa sa BTC, kaya talagang nakadepende sa konteksto ang mga pangkalahatang epekto ng magagandang kondisyon sa merkado.

On-ramping sa pamamagitan ng mga stablecoin

Nag-aalok ang mga stablecoin ng madaling paraan para mag-access ng maraming iba't ibang cryptocurrency kumpara sa paggamit ng fiat. Ito ay dahil bagama't may mga palitang fiat-to-crypto na tinatawag na mga gateway na palitan, posibleng mahigpit ang mga ito at nag-aalok lang ng mga mas sikat na cryptocurrency at stablecoin. Gayunpaman, ang mga palitang crypto-to-crypto ay kadalasang nagbibigay ng mas komprehensibong mapagpipilian ng mga cryptocurrency na puwedeng i-trade sa mga piling stablecoin. Kaya naman, puwedeng pumasok sa merkado gamit ang mga stablecoin ang mga taong gustong mag-trade ng mga partikular na cryptocurrency. Natural lang na kung may malaki-laking halaga ng mga bagong pondo na papasok sa merkado sa pamamagitan ng mga stablecoins at hindi bitcoin, tataas ang kabuuang halaga ng merkado ng crypto, na magdudulot ng paghina ng pamamayani ng BTC.

Paglabas ng mga bagong coin

Kung minsan, mabilis sumisikat ang mga bagong coin na pumapasok sa merkado, kaya nababawasan ang pamamayani ng BTC. Tandaan na “nakikipaglaban” ang bitcoin sa bawat cryptocurrency sa merkado, kaya puwedeng makaapekto rito ang paglabas ng ilang sikat na altcoin. Gayunpaman, may tsansa na mabawasan ang kasikatan ng mga altcoin na ito kapag nawala na ang hype. Kung mangyayari iyon at maililipat ang mga pondo mula sa mga altcoin na ito papunta sa BTC o aalisin ang mga ito nang tuluyan sa merkado ng crypto, puwede na namang madagdagan ang pamamayani ng BTC.


Paggamit ng pamamayani ng BTC sa pag-trade

Wyckoff Method

Ang Wyckoff Method, na binuo noong umpisa ng 1930s, ay isang hanay ng mga prinsipyong idinisenyo para sa mga trader at namumuhunan sa mga tradisyonal na pampinansyal na merkado. Puwedeng gamitin ang ilan sa mga prinsipyong ito, gaya ng law of cause and effect, kapag naghahanap ng mga pagkakataong kumita gamit ang pamamayani ng BTC. 

Maraming trader at namumuhunan ang gumagamit sa Wyckoff Method para tumukoy ng trend sa merkado, tantyahin ang posibilidad na mabaliktad ang isang trade, at magtiyempo ng mga trade. Ayon kay Wyckoff, nakaayos ang gawi sa pag-trade sa apat na yugto: Pag-iipon, markup, pamamahagi, at markdown. Ang pagtukoy kung saan at kailan dadaloy ang mga pondo ay puwedeng maging mahalaga para sa ilang trader na umaasa sa pagtiyempo sa merkado para magpasya kaugnay ng pag-trade nang nakabatay sa kaalaman. 

Kadalasang ginagamit ng mga diversified na trader at namumuhunan ang diskarteng ito para piliin ang mas malakas na trend. Nasa ibaba ang ilang sitwasyon kung saan ginagamit ang Wyckoff Method. 

Paggamit sa pamamayani ng BTC para matukoy ang altcoin season

Sa lumalaking bilang ng mga altcoin sa merkado, hindi na nakakagulat na nababawasan ang pamamayani ng bitcoin. Sa mga kamakailang taon, mas sumikat ang ilang altcoin, kaya naman lumampas sandali sa market cap ng bitcoin ang kabuuang market cap ng lahat ng altcoin. Ang mga panahon kung kailan tuloy-tuloy na lalamangan ng mga altcoin ang bitcoin ay kilala bilang “altcoin season” o “alt season.” Ayon sa mga prinsipyo ng Wyckoff Method, nauulit ang nasabing paggalaw ng mga pondo mula sa bitcoin papunta sa mga altcoin.

Dahil malamang na mas mahusay ang performance ng mga altcoin sa altcoin season, puwedeng humina ang pamamayani ng bitcoin sa yugtong ito ng cycle ng merkado. Samakatuwid, puwedeng subaybayan ng mga taong nagte-trade ng bitcoin at mga altcoin ang pamamayani ng bitcoin para ma-adjust nila ang kanilang mga portfolio nang naaayon.

Paggamit ng pamamayani ng BTC sa kasalukuyang presyo ng bitcoin

Sinusubaybayan ng ilang tao ang presyo ng bitcoin kasama ng pamamayani ng bitcoin para matulungan silang magpasya pagdating sa pag-trade. Bagama't hindi iron law ang mga ito, narito ang ilang potensyal na kahihinatnan na puwedeng isaad ng iba't ibang kumbinasyon ng presyo at pamamayani ng BTC.

Kapag tumataas ang presyo at pamamayani ng BTC, puwedeng isa itong senyales ng potensyal na bull market ng bitcoin. 

Kapag tumataas ang presyo ng BTC pero nababawasan ang pamamayani ng BTC, puwedeng isa itong senyales ng potensyal na bull market ng altcoin. 

Kapag bumababa ang presyo ng BTC pero nadaragdagan ang pamamayani ng BTC, puwedeng isa itong senyales ng potensyal na bear market ng altcoin.

Kapag bumababa ang presyo at pamamayani ng BTC, puwedeng isa itong senyales ng potensyal na bear trend para sa buong merkado ng crypto.

Bagama't hindi isinasaad ng dalawang salik na ito na talagang may bull o bear market, ayon sa mga dating obserbasyon, posibleng may kaugnayan ang mga ito sa isa't isa. 


Mga pangwakas na pananaw

Ang pamamayani ng BTC ay isang tool na makakatulong na bigyang-linaw kung paano nagbabago ang mga cycle ng merkado. Ginagamit ito ng ilang trader para i-adjust ang kanilang mga diskarte sa pag-trade, habang ginagamit naman ito ng iba para pamahalaan ang kanilang mga diversified na portfolio. Tandaan na hindi ginagarantiyahan ng pamamayani ng BTC ang performance ng bitcoin o anupamang crypto pero nagsisilbi itong gabay para matulungan ang mga trader na planuhin ang kanilang diskarte sa pag-trade.