Mga nilalaman
- Ano ang Wyckoff Method?
- Ang tatlong batas ng Wyckoff
- Ang Composite Man
- Wyckoff’s Schematics
- Gumagana ba ang Wyckoff Method?
- Limang Hakbang na Istratehiya ni Wyckoff’s
- Pangwakas na ideya
Ano ang Wyckoff Method?
Karamihan sa mga gawa ni Wyckoff ay hango sa mga trading method ng ibang matagumpay na trader (lalo na si Jesse L. Livermore). Sa kasalukuyan, mataas ang pagtingin kay Wyckoff tulad sa ibang prominenteng tao tulad nina Charles H. Dow, at Ralph N. Elliott.
Nagkaroon ng malawak na pananaliksik si Wyckoff na humantong sa pagbuo ng maraming teorya at trading technique. Ang artikulong ito ay nagbibigay ng pangkalahatang ideya sa kanyang mga gawa. Kabilang sa diskusyong ito ang mga sumusunod:
Tatlong mahahalagang batas;
Ang konsepto ng Composite Man;
Ang metodolohiya sa pagsusuri ng mga chart (Wyckoff’s Schematics);
Ang limang hakbang na istratehiya sa merkado.
Bumuo rin si Wyckoff ng partikular na Buying at Selling Tests, ganun din ang isang natatanging charting method base sa Point and Figure (P&F) charts. Habang nakatutulong ang test sa mga trader para makita ang mga magagandang entry, ang P&F method naman ay ginagamit sa pagtukoy ng trading targets.
Ang tatlong batas ni Wyckoff
Ang Batas ng Supply at Demand
Sinasabi ng unang batas na tumataas ang presyo kapag mas malaki ang demand kaysa sa supply, at bumababa kapag salungat ang nangyari. Ito ang isa sa mga pangunahing prinsipyo ng mga financial market at tiyak na hindi lamang totoo sa gawa ni Wyckoff. Maipapakita ang unang batasa sa tatlong simpleng equation:
Demand > Supply = Tumataas ang presyo
Demand < Supply = Bumababa ang presyo
- Demand = Supply = Walang malaking pagbabago sa presyo (mababang volatility)
Sa madaling salita, sinasabi sa unang batas ni Wyckoff na ang mas mataas na demand kumpara sa supply ang nagdudulot ng pagtaas sa presyo dahil mas maraming tao ang bumibili kaysa nagbebenta. Ngunit sa isang sitwasyon kung saan mas maraming nagbebenta kaysa bumibili, mas mataas ang supply kaysa sa demand na siya namang nagdudulot ng pagbagsak sa presyo.
Maraming mga investor na sumusunod sa Wyckoff Method ang nagkukumpra sa paggalaw ng presyo at volume bilang paraan sa mas maayos na paglalarawan ng relasyon ng supply at demand. Madalas itong nagbibigay ng kaalaman sa mga susunod na paggalaw sa merkado.
Ang Batas ng Sanhi at Epekto
Sinasabi ng ikalawang batas na ang pagkakaiba sa pagitan ng supply at demand ay tiyak. Sa halip, nangyayari ito pagkatapos ng yugto ng preparasyon, bilang resulta ng partikular na mga kaganapan. Sa mga kondisyon ni Wyckoff, ang yugto ng akumulasyon (sanhi) ay kadalasang humahantong sa isang uptrend (epekto). Sa kabilang banda, ang yugto ng distribusyon (sanhi) ay kalaunang humahantong sa isang downtrend (epekto).
Ginamit ni Wyckoff ang isang natatanging charting technique para estimahin ang mga potensyal na epekto ng isang sanhi. Sa ibang salita, lumikha siya ng mga paraan para tukuyin ang mga trading target base sa mga yugto ng akumulasyon at distribusyon. Ito ang nagbigay-daan sa kanya na estimahin ang posibleng paghaba ng isang market trend pagkatapos humiwalay sa isang consolidation zone o trading range (TR).
Ang Batas ng Sikap Kumpara sa Resulta
Nakasaad sa ikatlong batas ni Wyckoff na ang mga pagbabago sa presyo ng isang asset ay resulta ng isang pagsisikap na kinakatawan ng trading volume. Kung ang paggalaw sa presyo ay tugma sa volume, may malaking tiyansa na magpatuloy ang trend. Ngunit kung ang volume at presyo ay magkaroon ng malaking pagkakaiba, maaaring tumigil o mag-iiba ng direksyon ang market trend.
Ang Composite Man
Binuo ni Wyckoff ang ideya ng Composite Man (o Composite Operator) bilang isang likha-likhang identidad ng merkado. Iminungkahi niya na ang mga investor at trader ay dapat pag-aralan ang stock market na tila kontrolado ito ng isang indibidwal lamang. Mapapadali nito ang pagsabay nila sa mga market trend.
Sa madaling sabi, ang Composite Man ay kumakatawan sa malalaking player (market makers), tulad ng mga mayayamang indibidwal at institutional investors. Lagi itong kumikilos ayon sa ikabubuti nito para tiyaking makakabili ito nang mababa at makakabenta nang mataas.
Ang pagkilos ng Composite Man ay salungat sa karamihan ng mga retail investor, na madalas ay pagkatalo sa pera ayon sa obserbasyon ni Wyckoff. Ngunit ayon kay Wyckoff, gumagamit ang Composite Man ng isang madaling mahulaang istratehiya kung saan matututo ang investor.
Gamitin natin ang konsepto ng Composite Man para ilarawan ang mas simpleng market cycle. Ang cycle na ito ay binubuo ng apat na pangunahing yugto: akumulasyon, uptrend, distribusyon, at downtrend.
Akumulasyon
Ang Composite Man ay naglilikom ng mga asset bago ang karamihan sa mga investor. Ang yugtong ito ay kadalasang minamarkahan ng isang palihis na paggalaw. Ang akumulasyon ay nangyayari nang dahan-dahan para maiwasan ang malaking pagbabago sa presyo.
Uptrend
Kapag may hawak na sapat na share ang Composite Man, at ang selling force ay naubos na, magsisimula siyang itulak ang merkado pataas. Likas na ang umuusbong na trend ay makakaakit ng maraming investor, na magdudulot ng pagtaas ng demand.
Dapat tandaan na maaaring may iba’t ibang yugto ng akumulasyon sa kasagsagan ng isang uptrend. Maaari natin itong tawagin na re-accumulation phases kung saan humihinto at nagko-consolidate pansamantala ang malaking trend, bago ito magpatuloy sa pataas na paggalaw.
Habang gumagalaw pataas ang merkado, ang ibang investor ay nahihikayat na bumili. Hindi magtatagal na maging ang publiko ay mahihikayat ding makilahok. Sa puntong ito, ang demand ay masyado nang mataas kaysa sa supply.
Distribusyon
Sunod naman, magsisimula ang Composite Man na i-distribute ang kanyang holdings. Ibebenta niya ang mapagkakakitaang positions sa mga pumapasok sa merkado sa huling yugto. Ang yugto ng distribusyon ay minamarkahan ng pahilis na paggalaw na sumisipsip sa demand hanggat sa ito ay maubos.
Downtrend
Pagkatapos ng yugto ng distribusyon, magsisimula ang merkado na bumalik sa downside. Sa madaling sabi, pagkatapos magbenta ng Composite Man ng malaking bahagi ng kanyang share, magsisimula siyang itulak ang merkado pababa. Kalaunan, magiging mas mataas ang supply kaysa sa demand, at maitatatag ang downtrend.
Wyckoff’s Schematics
Maaaring ang mga schematic ng akumulasyon at distribusyon ang pinapakilalang bahagi ng gawa ni Wyckoff - masasabi ito sa komunidad ng cryptocurrency. Hinihimay nito ang mga yugto ng akumulasyon at distribusyon sa mas maliliit na bahagi. Ang mga bahaging ito ay nahahati sa tatlong yugto (A hanggang E), kasama na ang maraming Wyckoff Events, na ilalarawan sa baba.
Accumulation Schematic

Phase A
Bumababa ang selling force, at nagsisimulang bumagal ang downtrend. Ang yugtong ito ay kadalasang minamarkahan ng pagdagdag sa trading volume. Indikasyon ang Preliminary Suport (PS) na ang ilang buyer ay sumusulpot, ngunit hindi pa rin sapat para patigilin ang pababang paggalaw.
Base na rin sa pangalan, nangyayari ang Secondary Test (ST) kapag bumagsak ang market malapit sa SC region, sinusubok nito kung tapos na o hindi pa ang downtrend. Sa puntong ito, ang trading volume at market volatility ay kadalasang mababa. Bagamat ang ST ay kadalasang lumilikha ng mas mataas na low kaugnay ng SC, hindi laging ganito ang kaso.
Phase B
Base sa batas ng Sanhi at Epekto ni Wyckoff ang Phase B ay maaaring tignan bilang Sahi na humahanto sa isang Epekto.
Maaring maraming Secondary Tests (ST) sa Phase B. Sa ibang kaso, maaari silang makagawa ng ms mataas na mga high (bull traps) at mas mababang mga low (bear traps) ayon sa SC at AR ng Phase A.
Phase C
Ang tipikal na Accumulation Phase C ay naglalaman ng tinatawag na Spring. Madalas itong nagsisilbi bilang huling bear trap bago magsimulang gumawa ng mataas na low ang merkado. Sa kasagsagan ng Phase C, tinitiyak ng Composite Man na may maliit na supply na naiwan sa merkado, dahil ang mga dapat magbebenta ay nakapagbenta na.
Ganupaman, sa ibang kaso, nagagawang manatili ng support levels, at hindi basta-basta nagaganap ang isang Spring. Sa madaling salita, may mga Accumulation Schematics na nagpapakita ng lahat ng ibang elemento maliban sa Spring. Ganunpaman, nagiging mabisa pa rin ang pangkalahatang scheme.
Phase D
Kumakatawan ang Phase D sa pagbabago sa pagitan ng Sanhi at Epekto. Tumatayo ito sa gitna ng Accumulation zone (Phase C) at ang paghihiwalay ng trading range (Phase E).
Sa kabila ng tila nakakalitong terminolohiya, posibleng may higit pa sa isang LPS sa Phase D. Madalas silang may mas mataas na trading volume habang sinusubok ang mga bagong support line. Sa ibang kaso, maaaring gumawa ang presyo ng maliit na consolidation zone bago epektibong basagin ang mas malaking trading range at pumunta sa Phase E.
Phase E
Ang Phase E ang huling yugto ng Accumulation Schematic. Tanda nito ang kapansin-pansing breakout sa trading range na dulot ng mas mataas na demand sa merkado. Dito epektibong napuputol ang trading range, at nagsisimula ang uptrend.
Distribution Schematic
Sa madaling sabi, ang Distribution Schematics ay gumagana salungat ng Accumulation, ngunit may bahagyang pagkakaiba sa terminolohiya.

Phase A
Nangyayari ang unang yugto kapag ang naitatag na uptrend ay nagsimulang bumagal dahil sa pababang demand. Iminumungkahi ng Preliminary Supply (PSY) na sumusulpot na ang selling force, bagamat hindi sapat para patigilin ang pataas na paggalaw. Nabubuo ngayon ang Buying Climax (BC) sa pamamagitan ng malakas na buying activity. Madalas itong dulot ng mga trader na walang kasanayan na bumibili lamang ayon sa bugso ng damdamin.
Sunod dito, ang malakas na paggalaw pataas ay nagdudulot ng Automatic Reaction (AR), habang ang sobrang demand ay sinisipsip ng mga market maker. Sa madaling salita ang Composite Man ay magsisimulang ipamahagi ang kanyang holdings sa mga nahuling buyer. Ang Secondary Test (ST) ay nangyayari kapag ang merkado ay bumalik sa bahaging BC , at kadalasang lumilikha ng mas mababang high.
Phase B
Ang Phase B ng Distribusyon ay kadalasang nagsisilbi bilang consolidation zone (Sanhi) na nauuna sa downtrend (Epekto). Sa yugtong ito, dahan-dahang ibinibenta ng Composite Man ang kanyang mga asset, na sumisipsip at nagpapahina sa market demand.
Kadalasan, ang upper at lower bands ng trading range ay sinusubok nang maraming beses, na maaaring kabilangan ng short-term bear at bull traps. Minsan, gagalaw ang market sa taas ng resistance level na nilikha ng BC, na magreresulta sa isang ST na maaari ring tawaging Upthrust (UT).
Phase C
Sa ibang kaso, magpapakita ang market ng isang huling bull trap pagkatapos ng consolidation period. Tinatawag itong UTAD o Upthrust After Distribution. Salungat ito ng Accumulation Spring.
Phase D
Ang Phase D ng Distribution ay salamin ng Accumulation. Karaniwan itong may Last Point of Supply (LPSY) sa kalagitnaan ng range na siyang lumilikha ng mababang high. Sa puntong ito, nabubuo ang mga bagong LPSY - maaring sa paligid o ibaba ng support zone. Ang maliwanag na Sign of Weakness (SOW) ay nagpapakita kapag ang merkado ay nagbreak sa ibaba ng support lines.
Phase E
Ang huling yugto ng Distribution ay tanda ng simula ng isang downtrend, na may kapansin-pansing break sa ibaba ng tradig range, dulot ng malakas na pangingibabaw ng supply sa demand.
Gumagana ba ang Wyckoff Method?
Kadalasan, hindi eksaktong sumusunod ang merkado sa mga modelong ito. Nakasanayan na ang Accumulation at Distribution Schematics ay nangyayari sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, ang ibang sitwasyon ay maaaring magkaroon ng Phase B na mas matagal kaysa sa inaasahan. Kung hindi, maaaring walang Spring at UTAD Test.
Limang Hakbang na Istratehiya ni Wyckoff
Bumuo rin si Wyckoff ng limang hakban na istratehiya sa merkado, na ibinase sa marami niyang prinsipyo at technique. Sa madaling sabi, ang istratehiyang ito ay maaaring tignan bilang paraan para magamit ang kanyang mga turo.
Ano ang kasalukuyang trend at saan ito posibleng patungo? Ano ang lagay ng ugnayan ng supply at demand?
Gaano kalakas ang asset ayon sa market? Gumagalaw ba ang mga ito sa pareho o magkaibang paraan?
May sapat bang rason para pumasok sa posisyong ito? Sapat ba ang lakas ng Sanhi para masabing sulit ang panganib sa potensyal na gantimpala (Effect)?
Handa bang gumalaw ang asset? Ano ang posisyon nito sa loob ng mas malaking trend? Ano ang iminumungkahi ng presyo at volume? Ang hakbang na ito ay madalas na may kinalaman sa paggamit ng Buying at Selling Tests ni Wyckoff.
Ang huling hakbang ay tungkol sa timing. Madalas may kaugnayan ito sa pagsusuri sa stock kumpara sa pangkalahatang merkado.
Halimbawa, maaaring ikumpara ng trader ang paggalaw ng presyo ng stock kaugnay ng S&P 500 index. Depende sa kanilang posisyon sa indibidwal na Wyckoff Schematic, ang pagsusuring ito ay maaaring makapagbigay ng kaalaman tungkol sa susunod na paggalaw ng mga asset. Kalunan, maaari itong magbigay daan sa pagtatag ng magandang pasok.
Pangwakas na ideya
Mahigit isang siglo mula nang ito ay mabuo, ngunit malawak pa rin ang paggamit sa Wyckoff Method ngayon. Higit pa ito sa isang TA indicator, dahil sakop nito ang maraming prinsipyo, teorya, at technique sa trading.
Sa kabuuan, binibigyan ng Wyckoff Method ng kapasidad ang mga investor na makagawa ng makatwirang desisyon imbes na kumilos base lamang sa emosyon. Ang malawak na gawa ni Wyckoff ang nagbibigay sa mga trader at investor ng serye ng mga kasangkapan para mapababa ang panganib at mapataas ang tiyansa sa tagumpay. Ganunpaman, walang perpektong technique pagdating sa investing. Laging dapat maingat ang isa laban sa mga panganib, lalo na sa loob ng isang labis na pabagu-bagong cryptocurrency market.