Panimula
Ang pag-trade ng mga futures contract ay isang madaling paraan para gumawa ng ispekulasyon tungkol sa presyo ng isang pampinansyal na asset. Pagdating sa pag-trade ng cryptocurrency, isa ang Binance Futures sa pinakamalalaking palitan ng futures na mayroon. Nag-aalok ang Binance ng mahusay na engine para sa pag-trade na nagbibigay-daan sa mga trader at hedger na gumawa ng ispekulasyon tungkol sa maraming iba't ibang cryptocurrency. Nag-aalok din ito ng pag-trade nang may mataas na leverage at maraming opsyon sa collateral.
Karamihan ng mga produkto ng futures na nakalista sa Binance Futures ay mga perpetual futures contract, na nangangahulungang walang petsa ng pag-expire ang mga kontrata. Gayunpaman, maraming paraan para gumawa ng ispekulasyon tungkol sa presyo ng mga pampinansyal na instrumento gamit ang mga futures contract, at isa sa mga ito ang quarterly futures.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano gumagana ang quarterly futures at kung ano ang kailangan mong malaman kung gusto mong mag-trade ng mga ito sa Binance.
Kung gusto mong magbasa pa muna tungkol sa mga futures at forward contract, tingnan ang aming artikulo tungkol sa mga iyon.
Ano ang quarterly futures contracts?
Ang futures contract ay isang kasunduang bumili o magbenta ng asset sa isang paunang tinukoy na presyo sa isang petsa sa hinaharap. Ang petsang ito ay tinatawag na pag-expire – ito ang petsa kung kailan mase-settle ang mga kontrata at maihahatid ang mga asset.
Sine-settle ang quarterly futures sa Binance gamit ang cash. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin lang ng settlement sa cash ay ihahatid ang pinagbabatayang asset sa anyo ng currency. Sa sitwasyon ng quarterly futures sa Binance, BTC ang asset na ito.
Nag-e-expire ang mga quarterly futures contract sa Binance sa huling Biyernes ng bawat quarter. Halimbawa, mag-e-expire ang BTCUSD 0925 contract sa huling Biyernes ng 2020 Q3 – sa Setyembre 25, 2020. Puwede rin itong tawaging petsa ng paghahatid dahil ito ang petsa kung kailan ihahatid ang pinagbabatayang asset (BTC).
Sa mga tradisyonal na pampinansyal na merkado gaya ng stock market, nakakahimok ang mga produktong derivative ng mataas-taas na dami ng pag-trade kaysa sa mga spot market. Nakikita rin natin ito sa mga merkado ng cryptocurrency. Mas mataas ang volume at mas malalim ang liquidity sa mga futures market kung ihahambing sa mga spot market. Kaya kung sa tingin ng mga trader ay magiging mahusay ang performance ng isang partikular na asset, ang pag-trade ng futures ay puwedeng maging napakagandang paraan para gumawa ng ispekulasyon tungkol sa mga paggalaw ng presyo sa hinaharap.
Paano gumagana ang quarterly futures contracts?
BTC ang margin na ginagamit para sa quarterly futures sa Binance, sa BTC sine-settle ang mga kontrata, at sa BTC rin binabayaran ang bayarin sa pag-trade.
Katulad na lang ng iba pang produkto ng Binance, sumusunod ang mga quarterly futures contract sa system ng bayad na maraming tier. Gayunpaman, may dagdag na benepisyo. Nag-aalok din ang ibang tier ng negatibong bayarin (o rebate sa bayad) para sa mga maker. Ibig sabihin nito, binabayaran ang mga trader na nagbibigay ng liquidity sa merkado.
Kung may bukas kang posisyon sa pag-expire, kailangan mong magbayad para sa paghahatid. Tandaang hindi ka makakapagbukas ng mga posisyon sa quarterly futures 10 minuto bago ang pag-expire. Sinusunod ng bayad sa settlement ang Iskedyul ng Bayad at sinisingil ito bilang bayad sa taker para sa lahat ng posisyong na-settle sa petsa ng paghahatid.
$0.10 ang laki ng tick sa mga produkto ng quarterly futures. Ibig sabihin nito, nangyayari ang mga pagbabago sa presyo sa kontrata nang may paunti-unting dagdag na $0.10. Sa kabaliktaran, $0.01 ang laki ng tick ng mga produkto ng perpetual futures ng Binance. Gayundin, alam na alam mo dapat ang liquidation. Bantayang mabuti ang mga kinakailangan sa maintenance margin at siguraduhing magsasagawa ka ng angkop na pamamahala sa panganib.
Mahalaga ring banggitin na kung mas mataas ang gagamitin mong leverage, mas maliit ang maximum na laki ng posisyon na mabubuksan mo. Gusto mo bang malaman ang isang simpleng formula para sa pagsukat ng posisyon? Tingnan kung Paano Kalkulahin ang Laki ng Posisyon sa Pag-trade.
Quarterly futures vs. perpetual futures - ano ang pagkakaiba?
Ngayon, alam na natin ang pangunahing pagkakaiba – nag-e-expire ang quarterly futures, hindi ang perpetual futures. Pero ano pa ang pagkakaiba ng mga ito?
Awtomatikong “magro-roll over” ang ilang futures contract sa susunod na kontrata pagka-expire. Ibig sabihin nito, kapag nag-expire ang kasalukuyang kontrata, naililipat ang mga bukas na posisyon sa susunod na kontrata. Sa katunayan, ganito gumagana ang mga perpetual futures contract sa pangkalahatan, hindi nga lang bawat quarter. Gayunpaman, hindi ganito ang sitwasyon sa quarterly futures sa Binance. Kapag dumating ang petsa ng pag-expire, nag-e-expire ang mga quarterly contract sa average na presyo ng huling oras at sine-settle ito sa BTC.
Salungat sa perpetual futures, ang index ng presyo para sa quarterly futures ay batay sa merkado ng BTC/USD, at hindi sa merkado ng BTC/USDT. Nagbibigay-daan ito sa mga trader na mag-hedge laban sa panganib ng pag-decouple ng USDT sa USD.
Ang presyo ng index ay binubuo ng moving average ng market price ng BTC/USD sa mga sumusunod na palitan: Bitstamp, Coinbase Pro, Kraken, Bittrex, at Binance. Pantay-pantay ang bigat ng mga merkadong ito sa index. Ginagamit ang index na ito para kalkulahin ang Mark Price, na ginagamit para sa mga liquidation. Hindi ka ba sigurado kung ano ang Mark Price? Tingnan ang aming kabanata tungkol dito sa aming gabay sa futures.
Isa pang mahalagang pagkakaiba ay ang bayaring kailangan mong bayaran. Kung nagte-trade ka ng perpetual futures, kakailanganin mong magbayad ng bayad sa pagpopondo bawat 8 oras. Binabayaran ang bayad sa pagpopondo na ito sa pagitan ng mga kalahok sa merkado para mapanatiling malapit sa spot price ang market price ng perpetual futures. Puwede mong isiping katulad ito ng rate ng interes, pero binabayaran ito sa pagitan ng mga trader.
Kapag positibo ang pagpopondo, binabayaran ng mga long na posisyon ang mga short na posisyon, kapag negatibo ang pagpopondo, binabayaran ng mga short ang mga long. Gayunpaman, walang nauugnay na bayarin sa pagpopondo ang quarterly futures. Ito ang dahilan kaya mainam ang mga ito para sa mas pangmatagalang paghawak dahil hindi dahan-dahang babawasan ng bayad sa pagpopondo ang posisyon nang paunti-unti sa paglipas ng panahon. Gayundin, posibleng mas angkop ang perpetual futures kung naghahanap ka ng panandaliang pag-trade. Nakadepende ang lahat ng ito sa iyong profile ng panganib at istilo ng pag-trade.
Kung gusto mong magbasa pa tungkol sa mga perpetual contract, tingnan ang Ano ang Mga Perpetual Futures Contract?.
Ang mga benepisyo ng trading Binance quarterly futures contracts
Isang bentahe ng mga quarterly futures contract sa Binance ay puwede mong gamitin ang BTC bilang margin at sine-settle ang mga ito sa BTC. Ibig sabihin nito, kailangan mo ring i-commit ang iyong inisyal na margin sa BTC.
Bakit ito isang benepisyo? Sa paggamit ng BTC, nagagawa ng malalaking trader (whale) o maging ng mga retail trader na i-hedge ang mga hawak nilang BTC. Paano nila iyon gagawin? Halimbawa, puwede silang magbukas ng short na posisyon. Kung bababa ang presyo ng BTC, puwede nilang kontrahin ang mga pagkalugi nila sa USD gamit ang mga kita nila sa BTC. Sa madaling salita, posibleng bumaba ang halaga sa USD ng BTC, pero makakakuha sila ng mas maraming BTC mula sa kikitain nila sa short na posisyon.
Bilang karagdagan, ang mga kontratang ito ay isang mahusay na paraan para paramihin ang iyong mga hawak na BTC. Dahil nase-settle ang mga ito sa BTC, puwedeng maparami ng mga kita ang iyong pangmatagalang stack ng BTC.
Puwede ring magbukas ang binance quarterly futures ng mga positibong oportunidad sa arbitrage para sa mas malalaking trader. Alamin natin kung paano ito gumagana.
Mayroon tayong dalawang konseptong kailangang maunawaan dito: ang contango at backwardation. Ang contango ay kapag nagte-trade ang mga futures contract nang mas mataas kaysa sa spot price ng pinagbabatayang asset. Ang backwardation ay kapag nagte-trade ang mga futures contract nang mas mababa kaysa sa spot market.
Sa parehong sitwasyon, puwedeng kumita ang malalaking trader (gaya ng mga whale o hedge fund) sa pinagkaiba ng spot price at futures price, gaano man kaliit ang pinagkaiba. Ginagawa nila iyon sa pamamagitan ng pagbili ng mga futures contract at pagbebenta ng mga spot holding nang sabay, o kabaliktaran. Gayunpaman, karaniwang nangangailangan ito ng mga kumplikadong diskarte sa pag-hedge at pamamahala sa panganib at hindi ito inirerekomenda para sa mga baguhang trader.
Mga pangwakas na pananaw
Nagbibigay-daan ang Binance quarterly futures sa mga trader na gumawa ng ispekulasyon tungkol sa presyo ng isang pampinansyal na asset gamit ang kanilang mga bitcoin. Sine-settle ang mga quarterly futures contract sa BTC at posibleng mainam ang mga ito para sa mga swing trade, dahil walang bayad sa pagpopondo na nauugnay sa mga ito.
Ang futures trading ay puwedeng maging napakahusay na paraan para gumawa ng ispekulasyon tungkol sa mga merkado ng crypto. Kung gusto mong magbasa ng komprehensibong gabay tungkol dito, tingnan ang Komprehensibong Gabay sa Pag-trade sa Binance Futures.