TL;DR
Ang pagbabalanse ng portfolio ng crypto ay hindi naiiba sa pagbabalanse ng isang tradisyonal na portfolio. Madali mong mapapababa ang pangkalahatan mong panganib ayon sa iyong profile at diskarte sa pamumuhunan. Ang kailangan mo lang gawin para magsimula ay ang pag-diversify sa mga puhunan mo sa iba't ibang cryptocurrency.
Kuwestiyonable kung hanggang saan ka puwedeng mag-diversify, dahil may mga positibo at negatibong epekto ang parehong panig. Gayunpaman, pangkalahatang tinatanggap na kapaki-pakinabang kung may pag-diversify kang gagawin kahit papaano. Mapapababa mo ang panganib sa iyong mga pamumuhunan sa pamamagitan ng paghawak ng iba't ibang crypto asset (kabilang ang mga stablecoin) at pagtiyak na regular mong ire-rebalance ang iyong asset.
Para mas padaliin ang pamamahala sa iyong portfolio, puwede kang gumamit ng third-party na tracker ng portfolio o puwede mong manu-manong itala ang iyong mga transaksyon sa isang spreadsheet. Puwedeng i-link sa iyong mga personal na wallet at palitan ng cryptocurrency ang ilang tracker, na mas nagpapadali sa proseso.
Panimula
Madali lang magsimula sa pamumuhunan sa crypto sa pamamagitan ng pagbili ng una mong bitcoin (BTC), ether (ETH), o anumang iba pang cryptocurrency. Bagama't may ilang mamumuhunan na mas gustong bumili at humawak ng pinakamalalaking cryptocurrency, mas gusto ng iba na mag-eksperimento sa mga altcoin. Pero ano nga ba ang pinakamagandang gawin? Mas malamang na magiging matagumpay ka sa pamamagitan ng pag-iisip nang mabuti tungkol sa alokasyon ng asset mo at regular na pagbabalanse sa portfolio ng crypto mo. Depende sa panganib na kaya mo, may ilang paraan para gawin ito. Hindi mahirap balansehin ang iyong portfolio, at talagang makikinabang ka sa mga resulta.
Ano ang portfolio ng crypto?
Ano ang alokasyon ng asset at pag-diversify?
Mga nakatuon vs. na-diversify na portfolio ng crypto
Gayunpaman, kapag mas na-diversify ang iyong portfolio, mas masasalamin nito ang pangkalahatang merkado. Gusto ng karamihan sa mga trader at mamumuhunan na higitan ang merkado sa pamamagitan ng mas malalaking kita. Ang isang mas na-diversify na portfolio ay magreresulta sa mga mas katamtamang return kumpara sa isang matagumpay na nakatuong portfolio. Mababalanse ng mahihinang asset ang malalakas kumita.
Nangangailangan din ng higit na oras at pananaliksik ang pamamahala ng isang mas na-diversify na portfolio. Para maging mahusay sa pamumuhunan, nauunawaan mo dapat kung ano ang binibili mo. Kapag malaki ang portfolio, mas lumiliit ang tsansang mauunawaan ang lahat. Kung nasa iba't ibang blockchain ang iyong portfolio, posibleng kailangan mo ng iba't ibang wallet at palitan para ma-access ang iyong mga asset. Ikaw ang magpapasya kung magda-diversify o hindi, pero palaging inirerekomenda na mag-diversify kahit papaano.
Iba't ibang uri ng mga cryptocurrency
Mga coin sa pagbabayad
Mga Stablecoin
Volatile ang merkado ng cryptocurrency, kaya magandang magkaroon ng isang bagay sa iyong portfolio na pinapanatiling kapaki-pakinabang ang value nito. Kung nakabatay ang stablecoin sa isang bagay na nasa labas ng ecosystem ng crypto, hindi ito maaapektuhan ng pagbaba sa merkado ng crypto. Kung gusto mong maglabas ng mga token mula sa isang coin o proyekto, mabilis mong maililipat ang mga iyon sa isang stablecoin na nakabatay sa dolyar gaya ng BUSD para maprotektahan ang mga kita mo. Mas mahabang proseso ang pag-convert sa fiat kumpara sa pag-trade para sa isang stablecoin.
Mga Security token
Mga Utility token
Mga token ng pamamahala
Mga pinansyal na crypto na produkto
Ang pagkakaroon ng portfolio ay hindi lang tungkol sa paghawak ng iba't ibang coin. Makakatulong din ang mga pinansyal na crypto na produkto na mas ma-diversify pa ang iyong portfolio. Ipagpalagay mo ito na parang pamumuhunan sa mga bond ng pamahalaan, ETF, o mutual fund sa halip na paghawak lang ng mga share. Napakaraming produkto kung saan ka puwedeng mamuhunan sa iba't ibang blockchain at DApp.
Paano bumuo ng isang portfolio ng crypto na mahusay na nabalanse
May kanya-kanyang ideya ang bawat mamumuhunan o trader kung ano para sa kanila ang isang portfolio ng crypto na mahusay na nabalanse. Pero may ilang pangkalahatang panuntunang dapat ikonsidera:
1. Paghiwa-hiwalayin ang iyong portfolio sa mga pamumuhunang may mataas, katamtaman, at mababang panganib, at bigyan ng naaangkop na bigat ang mga ito. Siguradong hindi balanse ang isang portfolio na naglalaman ng maraming pamumuhunang mataas ang panganib. Puwede ka nitong bigyan ng tsansang magkaroon ng mas malalaking kita, pero puwede rin itong magdulot ng malalaking pagkalugi. Nakadepende sa iyong profile sa panganib kung ano ang pinakamainam para sa iyo, pero magkahalo dapat ang mga ito.
2. Ikonsidera ang paghawak sa ilang stablecoin para makatulong sa pagbibigay ng liquidity para sa iyong portfolio. Ang mga stablecoin ang susi sa maraming DeFi platform at makakatulong ito sa iyo na makapag-lock in ng mga kita o makalabas ng posisyon sa mabilis at madaling paraan.
3. I-rebalance ang iyong portfolio kung kailangan. Napaka-volatile ng merkado ng crypto, at nababago dapat ang mga desisyon mo depende sa kasalukuyang sitwasyon.
4. Ilaan sa madiskarteng paraan ang bagong kapital para maiwasang mapabigat ang isang bahagi ng iyong portfolio. Kung kumita ka nang malaki kamakailan mula sa isang coin, posibleng nakakaengganyong magkarga pa ng pera. Huwag hayaan ang sarili na maging gahaman, at isipin kung saan mo mas magandang mailalagay ang pera.
6. Ipuhunan lang ang kaya mong mawala. Wala sa tamang balanse ang portfolio mo kung nase-stress ka dahil dito. Hindi dapat magdulot ng malulubhang kahihinatnan ang iyong mga posisyon kung hindi magiging maganda ang resulta ng mga ito.
Mga tracker ng portfolio ng crypto
Ang tracker ng portfolio ay isang programa o serbisyong nagbibigay-daan sa iyong subaybayan ang mga paggalaw ng mga hinahawakan mo. Makikita mo kung ano ang lagay ng kasalukuyan mong alokasyon kung ikukumpara sa iyong mga pangmatagalang layunin at susubaybayan nito ang iyong pag-usad. Narito ang ilang halimbawang puwede mong ikonsidera:
CoinMarketCap
Ang CoinMarketCap ay isang napakasikat na tracker ng presyo na nag-develop ng sarili nitong feature sa portfolio. Available ang tracker ng portfolio nang libre sa mga desktop at mobile device. Para magamit ang tracker ng portfolio, dapat mong idagdag nang manu-mano ang iyong mga hinahawakan dahil hindi ito awtomatikong kumokonekta sa iyong wallet o exchange. May opsyon ding idagdag ang mga presyo ng pagbili mo para tumpak na masubaybayan ang mga kita mo.
CoinGecko
Pangunahing nakilala ang CoinGecko dahil sa pagsubaybay nito sa presyo ng cryptocurrency, pero may opsyon din ito sa portfolio. Libre itong gamitin at available ito sa iyong browser o mobile device. Kung regular ka nang gumagamit ng CoinGecko, maganda ring subukan ang tracker.
Blockfolio
Kung gusto mo ng opsyong makapag-trade habang pinapamahalaan ang iyong portfolio, magandang opsyon ang Blockfolio. Nariyan na ang kumpanya mula pa noong 2014 at kilala ito sa larangan ng crypto. Gayunpaman, para lang ito sa mga mobile device, kaya wala itong iniaalok na kaparehong karanasan sa pag-trade ng crypto sa desktop.
Delta
Ang Delta ay isang mobile app na nagbibigay-daan sa iyong tingnan ang iyong portfolio ng crypto at mga tradisyonal na puhunan nang sabay. Puwede itong kumonekta sa 20 palitan at sa iba't ibang wallet, kabilang ang Binance. May libre at bayad na bersyon, pero hindi ka makakapag-trade sa mismong app.
Mga pangwakas na pananaw
Maraming merkado ng cryptocurrency ang nakadepende sa kalagayan ng Bitcoin. Pero hindi ito dahilan para hindi balansehin ang iyong portfolio. Sa pamamagitan ng magkakaibang puhunan sa crypto, puwedeng mabawi ang ilang pagkalugi na nangyayari sa pagbaba ng Bitcoin, kaya naman sulit magsagawa ng pag-diversify kahit papaano. Tandaan, hindi lang basta paghawak ng magkakaibang coin ang pagbabalanse sa iyong portfolio. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng kaunting diskarte sa paggawa ng isang portfolio na akma sa panganib na kaya mo.