TL;DR
Nagbibigay ang BENQI sa mga user ng Avalanche-based na network na nase-scale, naa-access, at desentralisado. Nakapagtatag ang BENQI ecosystem ng dalawang pangunahing protocol – ang BENQI Liquid Staking at BENQI Liquidity Market.
Ang BENQI Liquid Staking (BLS) ay isang solusyon sa liquid na pag-stake na nagto-tokenize ng naka-stake na AVAX para mabigyang-daan ang mga user na magamit ang asset na may yield sa mga DeFi application.
Nagbibigay-daan ang BENQI Liquidity Market (BLM) sa mga user na magpahiram, manghiram, at kumita ng interes sa kanilang mga crypto asset nang walang kahirap-hirap. Nakakakuha ng yield ang mga depositor na nagbibigay ng liquidity sa protocol, habang makakahiram naman ang mga borrower nang may collateral na sobra ang halaga.
Panimula
Malaki na ang ipinagbago ng decentralized finance (DeFi) sa nakalipas na ilang taon. Ang mahalagang sektor na ito ng crypto ay nagbibigay sa mga user ng mga platform na transparent, naa-access, at hindi nangangailangan ng pahintulot para sa pag-access sa mga tool sa pananalapi. Gumagamit ka man ng BNB Chain, Ethereum, Avalanche, o iba pang network, available ang napakaraming serbisyo sa pananalapi sa ilang pag-click lang.
Habang nakatuon sa approachability, dali ng paggamit, at mababang bayarin, layunin ng BENQI na gawing demokratiko ang access sa dalawang pangunahing pinansyal na produkto: ang liquid na pag-stake, na isang makabagong pinansyal na produkto para sa pag-unlock ng halaga ng mga naka-stake na coin, at ang pagpapahiram at paghiram.
Ano ang BENQI?
Ang BENQI ay isang protocol ng Decentralized Finance (DeFi) na binuo sa Avalanche network. Ang BENQI ay binubuo ng BENQI Liquid Staking at BENQI Liquidity Market.
Ang BENQI Liquid Staking (BLS) ay isang solusyon sa liquid na pag-stake sa Avalanche kung saan magagamit ng mga user ang naka-lock na kapital na naka-stake sa mga validator sa Avalanche. Nagbibigay ang feature na ito ng karagdagang utility sa kanilang asset na may yield nang walang panahon ng pag-lock o mabusising cross-chain na paglilipat.
Ang BENQI Liquidity Market (BLM) ay ang protocol sa pagpapahiram at paghiram ng BENQI. Ang mga user ay puwedeng magpahiram at manghiram ng mga crypto asset na nakalista sa paraang hindi nangangailangan ng pahintulot gamit ang mga smart contract nang walang sangkot na taong tagapamagitan. Nakakakuha ng yield ang mga user mula sa pagdeposito ng mga asset sa merkado, at isinasagawa ang paghiram nang overcollateralized o may collateral na sobra ang halaga.
Paano gumagana ang BENQI?
BENQI Liquid Staking (BLS)
Ang mga user ay nagse-stake ng AVAX sa BLS at nakakatanggap ng asset na may yield, ang sAVAX, na nakakakuha ng yield na naiipon mula sa mga reward ng validator sa Avalanche. Malayang maililipat, maite-trade, o magagamit ang sAVAX sa mga DeFi application gaya ng mga automated market maker (AMM), protocol sa pagpapahiram at paghiram, at yield aggregator.
Sa pamamagitan ng BLS, ang mga user ay nagse-stake ng AVAX sa C-Chain ng Avalance na compatible sa EVM nang hindi kinakailangang mag-stake sa P-Chain ng Avalanche. Gamit ang mekanismong ito, nakakakuha ang mga user ng mga reward sa pag-validate mula sa P-Chain nang hindi nagpapatakbo ng full node, nagla-lock ng AVAX sa node ng validator, o naaabot ang minimum na threshold sa pag-stake.
Mare-redeem ng mga user ang AVAX asset anumang oras nang walang bayarin sa loob ng 2 linggong panahon ng cooldown sa pag-unstake o puwede nila itong i-swap agad sa pamamagitan ng mga AMM nang may bayad sa palitan.
BENQI Liquidity Market (BLM)
BLM ang protocol sa pagpapahiram at paghiram ng BENQI na dine-deploy sa Avalanche network. Nagbibigay-daan ito sa mga user na walang kahirap-hirap na makapagpahiram, makahiram, at kumita ng interes gamit ang kanilang mga crypto asset. Hindi tulad ng mga tradisyonal na merkado sa pagpapahiram at paghiram, tumatakbo lang ang BLM gamit ang mga smart contract nang walang taong tagapamagitan.
Sa pamamagitan ng mga smart contract, kinakalkula ang yield gamit ang algorithm batay sa supply ng mga nagpapahiram laban sa demand ng mga nanghihiram sa BLM. Nakakakuha ng yield ang mga depositor na nagbibigay ng liquidity sa protocol batay sa algorithm, at makakahiram naman ang mga borrower nang may collateral na sobra ang halaga.
Nakakakuha ng reward na bayad ang mga third party na nagli-liquidate ng mga asset ng mga nanghihiram. Nakabatay ang mga pag-liquidate na ito sa mga parameter na nakatakda sa mga smart contract na ito at sa feed ng presyo ng mga asset na ibinibigay sa mga ito. Kinukuha ng BLM ang mga feed ng presyo na ito mula sa isang desentralisadong oracle network, ang Chainlink, na nagbibigay ng maaasahan at secure na data ng presyo.
Bakit natatangi ang BENQI?
Binibigyang-priyoridad ng BENQI ang approachability, dali ng paggamit, at mababang bayarin. Sa pamamagitan ng pag-deploy sa Avalanche network, makukuha ng mga user ang mga benepisyo ng isang napaka-scalable na platform na parehong desentralisado at may mababang bayarin. Lubos na nakikipagtulungan ang nagtatag na BENQI team sa komunidad ng Avalanche at DeFi para tuloy-tuloy na masuri at mapahusay ang natatanging hanay ng mga protocol ng BENQI na kinabibilangan ng:
BENQI Liquid Staking (BLS)
1. Walang kaproble-problemang karanasan sa pag-stake - nag-aalok ang BLS sa mga user ng walang kaproble-problemang solusyon para makapag-stake ng AVAX. Sa pamamagitan ng pag-stake sa BLS, nalulusutan ng mga user ang mabusising proseso ng pagpapatakbo ng validator sa Avalanche o ang pangangailangang matugunan ang minimum na kinakailangan para sa pag-stake sa P-Chain ng Avalanche.
2. Matataas na antas ng liquidity at integration - Ang mga user na magse-stake ng AVAX sa BLS ay makakatanggap ng token na may yield, ang sAVAX, na lubos na naka-integrate sa mga pangunahing DeFi application sa Avalanche.
3. Utility - Ibinibigay ng veQI token ang QI token utility. Sa pamamagitan ng pag-stake ng QI para sa veQI, ang mga validator sa Avalanche ay direktang makakapag-stake ng mga delegasyon ng AVAX mula sa BLS sa pipiliin nilang validator para makakuha ng mga karagdagang reward sa pag-delegate.
BENQI Liquidity Market (BLM)
Unibersal na pag-access - Kasama sa mga asset na nakalista sa BLM ang karamihan ng mga blue-chip asset, gaya ng wBTC, wETH, AVAX, sAVAX, at iba't ibang stablecoin na maraming gumagamit, kasama na ang BUSD. Sa pamamagitan ng BLM, ang mga user ay madaling makakakuha ng yield sa kanilang mga asset habang nanghihiram nang may collateral na sobra ang halaga.
Malalim na liquidity at pagkakakonekta - Nagbibigay ang BLM sa mga user ng malalim na liquidity para sa paghiram. Ang mga user ay madaling makakahiram at makakapaglipat ng mga asset sa mga nangungunang sentralisadong palitan o makakapag-bridge ng mga hiniram na asset sa mga pangunahing Layer 1 network, kasama na ang BNB Chain, Ethereum, Polygon, Arbitrum, at higit pa.
Ang QI token
Ang QI ay ang native token para sa BENQI na may dalawang pangunahing function: ang governance at utility. Ang QI ay ang governance token ng BENQI na nangangasiwa sa mga pagpapahusay at pagbabago sa BENQI protocol. Kinakailangan ang QI para makapagpasya at makaboto sa mga panukalang inilalabas ng BENQI DAO, na kumokontrol sa direksyon ng protocol. Kasama sa mga pangunahing parameter na ipinapanukala at pinagbobotohan ang mga panukala sa ekonomiya, upgrade sa seguridad, at karagdagang pag-develop ng BENQI protocol.
Makakapag-stake ang mga user ng QI sa BENQI Liquid Staking (BLS) para makatanggap ng veQI, isang bagong utility token na nagbibigay-daan sa mga karagdagang delegasyon ng pag-stake ng AVAX sa mga high-performing na validator sa Avalanche. Ang vote-escrowed QI, o veQI, ay kumakatawan sa kapangyarihan sa pagboto ng isang user para sa mga karagdagang delegasyon ng AVAX mula sa BLS.
Sa pamamagitan ng veQI, makakaboto ang mga user para sa mga partikular na validator ng Avalanche para makatanggap ng mga karagdagang delegasyon ng pag-stake ng AVAX mula sa pool ng AVAX liquidity ng BLS. Nakabatay ang dami ng mga delegasyon sa pinagsama-samang bilang ng boto ng veQI ng validator. 30% ng mga delegasyon mula sa BLS ang bukas sa mga may hawak ng veQI sa kabuuan. Para maging kwalipikado, dapat munang matugunan ng mga validator ang mga minimum na pamantayan ng validator.
Mga pangwakas na pananaw
Nagbibigay ang BENQI ng napakaraming opsyon para sa mga kasalukuyang user ng DeFi o mga user na gustong sumubok sa DeFi nang walang dagdag na problemang dala nito noon. Habang nakatuon sa usability at sa protocol na may malalalim na integration sa iba pang mga platform ng DeFi, ang kailangan lang ng mga user ay web3 wallet, koneksyon sa internet, at kaunting pondo.