TL;DR
Ang Litecoin (LTC) ay isang altcoin na binuo noong 2011 ng dating engineer ng Google na si Charlie Lee. Nilayon nitong maging lite na bersyon ng Bitcoin na nagbibigay-daan sa mga halos agaran at murang pagbabayad. Ginamit ng Litecoin ang code at ilang partikular na feature ng Bitcoin sa blockchain nito, pero binibigyan nito ng priyoridad ang bilis ng pagkumpirma ng transaksyon para magkaroon ng mas mataas na transaksyon bawat segundo (transaction per second o TPS) at mas mabilis na pagbuo ng block.
Dahil sa pagkakatulad nito sa Bitcoin, ginamit ang blockchain ng Litecoin bilang testing ground kung saan mapag-eeksperimentuhan ng mga developer ang mga teknolohiyang gusto nilang ipatupad sa Bitcoin. Hailmbawa, pinatakbo ang Segregated Witness (SegWit) at Lightning Network sa blockchain ng Litecoin bago sa Bitcoin.
May kabuuang supply na 84 na milyon ang Litecoin. Katulad ng Bitcoin, deflationary ito at nakakalahati ito bawat 840,000 block (humigit-kumulang bawat 4 na taon). Inaasahang mangyayari ang susunod na halving sa Agosto 2023. Mabibili ang Litecoin sa iba't ibang palitan ng cryptocurrency, kasama na ang Binance.
Panimula
Ang Litecoin (LTC) ay isa sa mga pinakaluma sa lahat ng altcoin sa merkado. Noong una itong ipinakilala noong 2011, binansagan ang Litecoin bilang “pilak sa ginto ng bitcoin” dahil pangunahing nakabatay ang blockchain nito sa code ng Bitcoin. Bagama't itinuturing ng ilang mamumuhunan sa crypto ang Bitcoin bilang magandang store of value, kadalasang itinuturing ang Litecoin bilang mas magandang opsyon para sa mga peer-to-peer na pagbabayad dahil sa mas mabilis na pagkumpirma at mas mabababang bayarin nito.
Ano ang Litecoin (LTC)?
May limitadong kabuuang supply na 84 na milyon ang Litecoin. Katulad ng Bitcoin, makukuha ang Litecoin sa pagmimina at mayroon itong mekanismo ng halving na nangyayari bawat 840,000 block (humigit-kumulang 4 na taon). Noong Agosto 2019 ang huling halving ng LTC, kung saan nakalahati ang mga block reward mula 25 LTC at naging 12.5 LTC. Inaasahang mangyayari ang susunod na halving sa Agosto 2023.
Paano gumagana ang Litecoin?
Bilang binagong bersyon ng Bitcoin, idinisenyo ang Litecoin para magbigay-daan sa mga mas mura at mas mahusay na transaksyon kaysa sa network ng Bitcoin. Gaya ng Bitcoin, ginagamit ng Litecoin ang mekanismo ng Proof of Work para magbigay-daan sa mga minero na makakuha ng mga bagong coin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga bagong block sa blockchain nito. Gayunpaman, hindi ginagamit ng Litecoin ang SHA-256 algorithm ng Bitcoin. Sa halip, gumagamit ang LTC ng Scrypt, isang algorithm sa pag-hash na makakabuo ng mga bagong block humigit-kumulang bawat 2.5 minuto, habang inaabot nang 10 minuto sa average ang pagkumpirma ng block ng Bitcoin.
Mga Mapaggagamitan ng Litecoin
Bilang isa sa mga unang altcoin, pinahusay ng Litecoin ang code ng Bitcoin para madagdagan ang scalability nito para sa mas mabibilis na transaksyon at mas mabababang bayarin. Bagama't hindi nito kayang makipagsabayan as Bitcoin pagdating sa market cap, may kumpetitibong bentahe ito bilang system ng peer-to-peer na pagbabayad. Sa katunayan, inanunsyo ng Litecoin Foundation noong Nobyembre 2021 na puwedeng gamitin ang LTC bilang paraan ng pagbabayad gamit ang Litecoin VISA debit card sa pamamagitan ng pag-convert ng LTC sa USD nang real-time. Bukod pa rito, idinagdag ng ilang partikular na negosyo ang Litecoin bilang paraan ng pagbabayad, mula sa mga kumpanya ng paglalakbay, convenience store, ahensya ng ari-arian, at online na tindahan.
Paano bumili ng Litecoin sa Binance?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade]. Piliin ang [Classic] o [Advanced] na mode ng pag-trade para magsimula. Sa tutorial na ito, [Classic] ang pipiliin natin.
2. Susunod, i-type ang “LTC” sa search bar para makakita ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade sa Binance. LTC/BUSD ang gagamitin natin bilang halimbawa.


Mga pangwakas na pananaw
Nagpakita ang Litecoin ng tuloy-tuloy na pagsisikap na umunlad para maging “pilak sa ginto ng bitcoin” mula nang lumabas ito noong 2011. Bagama't hindi ito kasingsikat ng Bitcoin o Ethereum (ETH) pagdating sa market capitalization, inaasahan ng komunidad ng Litecoin na magkakaroon pa ng pag-unlad na makakapagbigay ng mga pinahusay na feature at mapaggagamitan.