Isinumite ng Komunidad - May-akda: William M. Peaster
Mula noon, marami nang mga mananaliksik at developer ang nag-aral tungkol sa mga posibilidad ng MW protocol. Bagamat posible, sinasabi ng iba na magiging mahirap ang implementasyon nito sa Bitcoin. Naniniwala si Poelstra at ang iba pa na maaaring balang-araw ay mapaganda ng Mimblewimble ang network na Bitcoin bilang isang sidechain solution.
Paano gumagana ang Mimblewimble
Binabago ng Mimblewimble ang tradisyunal na modelo ng mga transaksyong blockchain. Pinahihintulutan nito ang blockchain na magkaroon ng mas siksik na history, na mas madali at mas mabilis i-download, i-synchronize, at i-verify.
Sa isang MW blockchain, walang nakikita at nauulit na mga address. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga transaksyon ay mukhang random na datos sa mga outsider. Ang datos sa transaksyon ay nakikita lamang ng kanilang mga kalahok.
Kaya naman, ang Mimblewimble na block ay mukhang isang malaking transaksyon imbes na kombinasyon ng marami. Nangangahulugan ito na maaaring maberipika at makumpirma ang mga block, ngunit hindi sila magbibigay ng detalye tungkol sa bawat transaksyon. Walang paraan para iugnay ang mga indibidwal na input sa kanilang mga katumbas na output.
Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa. Nakatanggap si Alice ng 5 MW coins mula sa kanyang nanay at 5 MW coins mula sa kanyang tatay. Ipinadala niya ang 10 coins na ito kay Bob. Naberipika ang mga transaksyon, ngunit hindi nakapubliko ang detalye ng mga ito. Ang tanging alam lamang ni Bob ay nagpadala si Alice sa kanya ng 10 coins, ngunit hindi niya malalaman kung sino ang nagpadala ng mga iyon kay Alice.
Para pagalawin ang mga coin sa isang Mimblewimble na blockchain, dapat magpalitan ng impormasyong magbeberipika ang nagpadala at tatanggap. Kaya kailangan pa ring mag-usap nina Alice at Bob, ngunit hindi kinakailangang sabay silang mag-online para mangyari ang transaksyon.
Dagdag pa rito, gumagamit ang Mimblewimble ng tinatawag na cut-through, na nagpapababa ng block data sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga labis na impormasyon ng transaksyon. Kaya sa halip na itala ang lahat ng input at output (mula sa mga magulang ni Alice papunta sa kanya, at mula kay Alice papunta kay Bob), itatala lamang ng block ang isang pares ng input-output (mula sa mga magulang ni Alice papunta kay Bob).
Mimblewimble kumpara sa Bitcoin
Maliban doon, tinatanggal ng Mimblewimble ang sistemang scripting ng Bitcoin, isang listahan ng mga panuto na nagtatakda ng istruktura ng mga transaksyon. Naging mas pribado at mas scalable ang mga MW na blockchain dahil sa pagtanggal ng script. Mas pribado dahil hindi natutunton ang mga address, at mas scalable dahil mas maliit ang blockchain na datos.
Kaya naman isang mahalagang pagkakaiba ng Bitcoin at Mimblewimble ang laki ng datos ng kanilang mga blockchain - na may kaugnayan sa nauna nang napag-usapang cut-through na katangian. Sa pagtanggal ng mga hindi mahahalagang datos ng transaksyon, mas kaunti ang computational resources na kinakailangan ng Mimblewimble.
Mga benepisyo
Laki ng blockchain
Tulad sa nabanggit, pinahihintulutan ng Mimblewimble ang pagsisiksik ng datos na siyang nagpapababa sa pangkalahatang laki ng blockchain. Mas mabilis na nabeberipika ng nodes ang transaction history gamit ang mas kaunting resources. Bukod dito, mas mabilis para sa mga bagong node ang magdownload at magsynchronize sa isang MW blockchain.
Scalability
Privacy
Mga limitasyon
Throughput ng transaksyon
Napapababa nang malaki ng Kumpidensyal na mga Transaksyon ang throughput ng transaksyon. Kung ikukumpara sa isang hindi pribadong sistema, mas pribado ang blockchain na gumagamit ng KT ngunit mas mababa ang TPS rates (transactions per second). Ganon pa man, masasabi pa ring napupunan ng mas siksik na laki ng MW ang limitasyon nito sa TPS na dulot ng Kumpidensyal na mga Transaksyon.
Hindi quantum resistant
Pangwakas ng ideya
Sa ngayon, may ilang proyektong blockchain na ang nakikipagtulungan sa disenyong Mimblewimble, kabilang na ang grupong Litecoin. Ilan sa mga halimbawa ang Grin at Beam. Kung ang Grin ay isang proyektong pinapatakbo ng komunidad na umaasikaso sa lightweight proof of concept ng MW protocol, tinatangkiilik naman ng Beam ang paraan na tulad ng sa isang startup. Bagamat nakabase sa Mimblewimble ang parehong proyekto, magkaiba pa rin ang mga ito dahil ang bawat isa ay may partikular na paraan sa pag-implementa ng disensyong MW.
Ang hindi pa nasasagot na tanong sa ngayon ay kung kaya bang maabot ng Mimblewimble ang mataas na lebel ng pagiging maasahan at pagtangkilik. Nakakasabik at may pag-asa ang ideyang ito, bagamat masyado pang bago. Dahil dito, sinusuri pa ang mga potensyal na use case nito, at ang kinabukasan ng Mimblewimble ay nananatiling walang katiyakan.