Ang pinaka-ideya ng SegWit ay ang pagsasaayos ng datos ng block para hindi nakakabit ang mga signature ksama. ng datos ng transaksyon. Sumakatuwid, ang upgrade ng SegWit ay naghihiwalay ng mga witness (mga signature) mula sa datos ng transaksyon. Sa paraang ito mas maraming mga transaksyon ang naitatago sa isang block upang mas dumami ang nagagawang transaksyon ng network.
Sa pagsasagawa ng mga 7 transaksyon bawat segundo, matagal minsan bago maisakatuparan ang mga transaksyong Bitcoin. Higit na mabagal yun kaysa sa mga tradisyunal na mga solusyon sa pagbabayad at mga pinansyal na mga network na kayang magproseso ng libo-libong transaksyon bawat segundo.
Ano ang mga pangunahing benepisyo ng SegWit?
Pag-angat ng kapasidad
Isa sa mga pinakamalaking benepisyo ng SegWit ay ang pag-angat ng kapasidad ng block. Dahil inaalis ang datos ng signature mula sa transaksyon input mas maraming mga transaksyon ang pwedeng maitago sa loob ng isang block.
Kung wala ang SegWit, aabot ng 65% ng kapasidad ng block ang kinukuha ng datos ng signature. Kapag may SegWit, ang datos ng signature ay tinatanggal muka sa input ng transaksyon. Magiging sanhi ito ng paglaki ng block size mula 1 MB patungong 4 MB.
Paalala na ang SegWit ay hindi aktwal na paglaki ng laki ng block. Sa halip, ito ay solusyong teknikal upang mapalaki ang pwedeng magamit na espasyo ng block nang hindi pinapalaki ang limitasyon ng laki ng block (na nangangailangan ng fork). Para maging mas malinaw, ang aktwal na laki ng block ay 1 MB pa din pero ang laki ng limitasyon ng block ay 4 MB.
Higit pa, ipinakilala ng SegWit ang ideya ng bigat ng block. Pwedeng ituring ang bigat ng block bilang isang konsepto na pumapalit sa ideya ng laki ng block. Ang bigat ng block ay ang sukat na kasama ang lahat ng datos ng block, kasama ang datos ng transaksyon (1 MB) at ang data ng lagda (hanggang 3 MB), na hindi na parte ng input na field.
Pagbilis ng mga transaksyon
Ang mas mabilis na mga transaksyon ay nagpababa din ng mga bayarin ng transaksyon sa network ng Bitcoin. Bago ang SegWit, hindi mahinang gumastos ka ng higit sa $30 bawat transaksyon. Pinababa ng SegWit ang mga bayarin at mas mababa sa $1 na lang ang bawat transaksyon.
Pag-ayos sa malleability ng transaksyon
Isang matinding isyu ng Bitcoin ay ang abilidad nito na kalikutin ang mga lagda ng mga transaksyon. Kung pinakialaman ang lagda, pwede itong humantong sa pagkasira ng transaksyon sa pagitan ng dalawang gumagamit. Dahil hindi pwedeng baguhin ang datos na nakatafo sa mga blockchain, magiging permanente ang pagtatago ng mga invalid na mga transaksyon sa blockchain.
Ang SegWit at Lightning Network
Ang paggawa ng mga second-layer na mga protocol ay bahagyang pinagana sa pag-ayos ng malleability bug ng transaksyon. Sa madaling sabi, ang mga second layer na mga protocol ay mga bagong plataporma o mga produkto na ginawa sa blockchain, tulad ng Bitcoin. Isa sa mga popular na mga second layer na mga protocol ay ang Lightning Network isang off-chain na micropayment network.
Ang Lightning Network ay isang second layer na protocol na gumagana sa network ng Bitcoin. Ang pinaka-layunin ng Lightning Network ay ang pagbibigay daan sa pagkumpiirma ng mas maraming mga transaksyon sa mas maikling panahon kaya mas mabilis ang mga transaksyon para sa mga user. Kinokolekta ang mga transaksyon off-chain at nakapila para maiproseso sa Bitcoin network mamaya.
SegWit vs SegWit 2x
Ang pinaka-pagkakaiba ng SegWit at SegWit2x ay ang huli ay hindi lang may kasamang pagbabago sa batching ng transaksyon, ito din ay may mas malaking block (mula 1 Mb patungng 2 Mb). Gayunpaman, ang mas malaking block ay magpapalaki din ng pasan sa mga node operator at mga miner, dahil mas madaming datos ang inaasikaso.
Isa pang kapansin-pansin na pagbabago ay ang SegWit na mungkahi ay sinusuportahan at pinapatupad ng komunidad ng Bitcoin. Ang episode na ito ay nagbunga sa konsepto ng UASF na ang ibig sabihin ay user-activated soft fork.
Ang iminungkahing SegWit2x ay malaking pagbabago sa isang pangunahing patakaran na umiiral sa Bitcoin. Ngunit nang hindi magkasundo ang mga developer sa pag-adopt at sa pagpapairal nito, suspendido ang pag-usad ng SegWit2x.
Nested SegWit vs native SegWit (bech32)
Sa madaling sabi, ang Native SegWit (kilala din bilang bech 32) ay ang updated na bersyon ng Nested SegWit. Ang format ng bech32 ay nagbibigay ng mas mabilis na mga transaksyon, mas magaling na pagtukoy ng mga error at mas murang bayarin sa mga transaksyon. Higit pa, nasolusyonan sa bech32 ang maliliit na letra kaya mas madaling basahin ito.
Tandaan na ang mga transaksyong blockchain sa pagitan ng hindi SegWit (legacy), Nested SegWit at Native SegWit (bech32) na mga address ay ganap na compatible. Ngunit hindi lahat ng exchange at mga crypto na wallet ay sinusuportahan ang SegWit kaya hindi mo pwedeng i-withdraw ang iyong pondo nang direkta sa isang SegWit na address.
Pangwakas na Ideya
Ang pagpapairal ng SegWit ay naging yugtoo ng pinakamalaking protocol upgrade ng Bitcoin at dahil suportado ito at pinapairal ng decentralized na komunidad ay mas interesante ito.
Ang pagpapakilala ng SegWit ay isang malaking hakbang pasulong na nagbibigay solusyon sa mga problemang kaugnay ng Bitcoin at iba pang mga network ng blockchain - lalo na ang problema ng pagpapalago. Sa kombinasyon ng SegWit at mga second layer na mga protocol, ang mga blockchain network ay pwede nang humawak ng mas maraming transaksyon nang mas mainam at mas mababa ang bayad.
Bagaman napakalakas at makabago ang solusyong ito, hindi pa lobos na na-adopt ang paggamit ng SegWit. Sa kasalukuyan, nasa 53% pa lang ang porsyon ng mga Bitcoin address na gumagamit ng SegWit.