Paliwanag tungkol sa Ethereum Casper
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Ethereum Casper?
Paano Gumagana ang Casper
Mga Benepisyo ng Casper
Mga Limitasyon
Pangwakas na ideya
Paliwanag tungkol sa Ethereum Casper
Home
Mga Artikulo
Paliwanag tungkol sa Ethereum Casper

Paliwanag tungkol sa Ethereum Casper

Intermediya
Na-publish Aug 4, 2019Na-update Apr 29, 2021
5m

Ano ang Ethereum Casper?

Isinumite ng Komunidad - May-akda: William M. Peaster


Ang Casper ay isang implementasyon na balang araw ay babago sa Ethereum para gawin itong Proof of Stake (PoS) na blockchain (kilala rin na Ethereum 2.0). Bagaman ang Ethereum ay inilunsad noong tag-araw ng 2015 bilang  Proof-of-Work (PoW) na blockchain, nagpaplano na ang mga developer ng isang pangmatagalang transisyon papunta sa staking na modelo. Pagkatapos ng transisyon na ito, hindi na magiging parte ng Ethereum network ang mining.
Sa ngayon, may dalawa nang co-developed na implementasyon ng Casper sa mundo ng Ethereum: Casper CBC at Casper FFG. Unang iminungkahi ng tagapagsaliksik na si Vlad Zamfir ang bersyon nitong CBC. Bagamat unang nakatuon sa PoS protocols para sa mga pampublikong blockchain ang research tungkol sa CBC, nagbago na ito bilang isang mas malawak na larangan ng pag-aaral, habang nakokompromiso ang iba pang pamillya ng modelo ng PoS.

Ang mga pananaliksik tungkol sa Casper FFG ay pinapangunahan ng isa sa mga tagapagtatag ng Ethereum na si Vitalik Buterin. Ang unang iminungkahi ay binubuo ng hybrid na sistemang PoW/PoS, ngunit pinag-uusapan pa ang implementasyon nito, at maaring palitan ito ng mga bagong mungkahi ng modelong PoS lamang.

Matatandaan na ang binabalak na ang Casper FFG ang manguna sa pagpapakilala ng Ethereum 2.0. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi magiging kapaki-pakinabang ang Casper CBC. Sa katunayan, maaari nitong palitan o umakma sa Casper FFG sa hinaharap. 

Bagamat ang parehong bersyon ay binuo para sa Ethereum, ang Casper ay isang modelong PoS na maaaring magamit at iimplementa sa ibang blockchain networks.


Paano Gumagana ang Casper

Binansagang “Serenity” upgrade ang paglipat mula sa Ethereum 1.0 patungong 2.0. Magkakaroon ito ng tatlong magkakaibang yugto. Sa unang yugto (Yugto 0), May bagong blockchain na tatawaging Beacon Chain ang ilulunsad. Ang mga patakaran ng Casper FGG ay maghahatid ng pagkakasunduang mekanismo ng bagong PoS na blockchain na ito.
Hindi tulad ng PoW mining, kung saan nagpapatakbo ng mahal at specialized machines ang mga miner para makalikha at makapagpatunay ng mga bloke ng transaksyon, tatanggalin ng implementasyon ng Casper ang proseso ng mining sa Ethereum. Sa kabilang banda, ang pagpapatotoo at pagpapatunay ng mga bagong bloke ng transaksyon ay isasagawa ng mga validator ng bloke, na pipiliin base sa kanilang pusta.

Sa madaling sabi, tinutukoy ng dami ng ETH na kanilang itinaya ang kapangyarihang bumoto ng bawat validator. Halimbawa, ang isang taong naglagay ng 64 ETH ay magkakaroon ng botong doble sa bigat ng iba na naglagay lamang ng pinakamababang posibleng pusta. Para maging validator ng bloke sa unang bahagi ng Serenity, kakailanganin ng mga user ng pinakamababang pusta na 32 ether (ETH) - ilalagay ito sa espesyal na smart contract base sa dating Ethereum blockchain (1.0). 

Kung maging maayos ang daloy ng lahat, may mga mapipipling komite ng validators na magmumungkahi ng mga bagong block at kalauna'y tatanggap ng block rewards para sa paggawa nito. Posibleng binubuo lamang ng bayad sa transaksyon ang mga block rewards dahil walang block  subsidy

Ganunpaman, mahalagang tandaan na maaring magpresenta ng iba’t ibang pagpapakilala ang bawat implementasyon ng PoS na may iba’t iba ring modelo ng paggantimpala. Nasa proseso pa lamang ng pagbuo ang Casper na modelo, at maraming detalye pa ang kailangang tukuyin. 


Mga Benepisyo ng Casper

Dahil sa staking, isang benepisyo ng Casper ang pagtulong sa Ethereum na maging maganda para sa kalikasan. Pagdating sa kuryente at mga computational na resources, ang mga sistemang nakabase sa PoW ay mas demanding. Iba rito ang modelong PoS na hindi gaanong demanding. Kapag ganap nang naimplementa sa Ethereum ang buong modelong PoS, hindi na kakailanganin pa ng mga miner na protektahan ang blockchain kaya mas kaunti ang kinakailangang mapagkukunan ng mga resources.

May kaugnayan sa seguridad ang isa pang potensyal na benepisyo ng Casper. Magagamit ang Casper bilang tagapili na responsable sa pagsasaayos ng serye ng mga bloke. Sa madaling sabi, magsisilbi itong tagapangalaga ng mga record sa mga ledger ng Ethereum 2.0. Ang multa sa pandaraya sa mga patakaran ay ang pustang ETH ng mga validator, kaya’t magiging mahal ang mga paglabag sa network. Ganunpaman, pinag-uusapan pa ng mga developer ang posibilidad ng 51% attacks.

Panghuli, magbibigay ng mas mataas na antas ng decentralization ang mga taong dedepensa sa Casper. Sa ngayon, pinakamakapangyarihan sa network ang mga may kakayahang magpatakbo ng operasyon ng mining. Sa hinaharap, ang sinumang kayang bumili ng sapat na dami ng ether ay may kakayahang protektahan ang kanyang blockchain.


Mga Limitasyon

Malayo pa ang lalakbayin bago tuluyang mabuo at maimplementa ang Casper. Sa kasalukuyan, hindi pa napatutunayan ang kahusayan at seguridad nito. Marami pang mga detalyeng dapat tukuyin at baguhin. Hanggat hindi pa nailulunsad sa Phase 0 ng Serenity upgrade ang isang bersyon nito, hindi pa tayo makatitiyak kung ano ang magiging hitsura nito at kung paano ito kikilos nang maayos.

Pagdating sa teoretikal na mga limitasyon, hindi kakayanin ng Casper na isa-pinal ang mga bloke kung ma-corrupt ang sistemang pagpapatunay ng Ethereum. Dahil sa kasalukuyang istruktura nito, hindi pa kayang ganap na labanan ng Casper ang 51% attacks. Maliban dito, kinakailangan pa ng pormal na detalye para balangkasin ang mga batas na kakailanganin sa pagdepensa sa mga pag-atake.


Pangwakas na ideya

Mula sa mining, lumalayo na ang Ethereum patungo sa staking kung saan ang mga gumagamit nito ay makakapag-stake ng (ETH) sa isang deposit address para magkaroon ng seguridad ang blockchain. Ginagamit ang teknolohiyang Casper para isa-pinal ang mga block na mangangasiwa sa pagbabagong ito. 

Makatutulong ang Casper sa pagtayo ng pundasyon kung saan nakasalalay ang mga gagawing pag-unlad ng Ethereum 2.0. Nakatakda nitong gawing maayos ang paglipat sa modelong PoS. Dagdag pa rito, ang pagiging bukas ng espasyong blockchain na ang mga tinukoy na benepisyo ng Casper ay maaaring ibenta, baguhin, itatag ng ibang proyekto nang walang limitasyon. 

Kapag pormal nang ipinakilala ang Casper, tatatak ito bilang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Ethereum. Kung pag-uusapan naman kung kailan darating ang Casper, dati nang nabanggit ng mananaliksik sa Ethereum na sii Justin Drake ang posibilidad ng paglunsad ng unang yugto ng Casper sa Enero 3, 2020 (ang ika-11 na kaarawan ng Bitcoin). Ganunpaman, hindi pa tiyak ang petsang ito. Maaaring idaos ang paglulunsad anumang araw sa taong 2020.