Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito, at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance sa anuman sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.
TL;DR
Napakabilis ng paglago ng metaverse. Patuloy na umuunlad at kumokonekta ang mga proyekto para makatulong na mapagsama-sama ang mas marami pang aspekto ng ating digital na buhay. Mahalaga na ang tungkuling ginagampanan ng blockchain sa pag-unlad na ito.
Nasa Binance Smart Chain ang maraming proyekto sa metaverse. Kasama rito ang mga RPG game gaya ng Cyber Dragon at Alien Worlds, ang metaverse universe na SecondLive, at pati na rin ang isang Casino na pagmamay-ari ng player na tinatawag na decentral.games. May lugar din sa metaverse ang mga collectible card game gaya ng TopGoal.
Sa blockchain ng Ethereum, nagbibigay ang Decentraland at Sandbox ng magkatulad na karanasan sa metaverse kung saan ang mga user ay puwedeng gumawa ng digital na pagkakakilanlan, bumili ng lupa, at mag-trade ng mga NFT sa mga marketplace ng NFT. Sa kumbinasyon ng mga ito ng trabaho, buhay, at paglalaro, nakakalahok pa ang mga player sa mga play-to-earn na ekonomiya ng DeFi. Sa pamamagitan ng pakikipag-interact at paglalaro, may potensyal na kumita ang mga user. Nagbibigay ang Bloktopia ng katulad na karanasan na matatagpuan sa 21 palapag ng isang digital skyscraper. Puwedeng mag-trade at umupa ng real-estate space sa bawat palapag ang mga user para kumita.
Bagama't ang proyekto ng Enjin ay hindi pa nag-aalok ng 3D virtual reality universe na puwedeng i-explore, ibinibigay nito ang mga tool para sa paggawa ng mga NFT asset sa laro. Isa pang mahalagang bahagi ng metaverse ang mga NFT dahil nakakagawa ng digital collectibility ang mga ito. Sa pamamagitan ng Enjin, gumagawa ang mga user ng mga liquid NFT na puwedeng paghiwa-hiwalayin sa mga ENJ token sa anumang pagkakataon.
Naging napakamatagumpay ng taong 2021 para sa blockchain at crypto. Mula sa mga meme coin hanggang sa mga bull run at NFT, laging ulo ng balita ang industriya. Nagdala sa atin ang huling kalahati ng taon ng isa na namang trend: ang metaverse. Dahil sa layuning pagsamahin ang ating pakikisalamuha sa totoong buhay, trabaho, at immersive na teknolohiya, napukaw ng metaverse ang imahinasyon ng publiko. Bagama't nag-uumpisa pa lang ang metaverse, napakahalaga na ng tungkuling ginagampanan ng crypto. Talakayin natin ang ilan sa mga proyekto ng blockchain na tumutulong sa pagbuo ng bagong digital na hinaharap na ito.
Para maunawaan kung gaano kahalaga ang
crypto at blockchain para sa metaverse, balikan natin sandali kung ano ang
metaverse. Ang metaverse ay isang nakakonektang online na universe na puwedeng i-explore sa pamamagitan ng mga 3D avatar. Ang mga user ay puwedeng magtrabaho, makisalamuha, gumawa, at matuto sa iisang lugar. Isipin ito bilang susunod na ebolusyon ng karanasan sa internet.
Bagama't nasa web ang PayPal at mga pagbabayad gamit ang card, nasa metaverse ang crypto para makatulong na gumawa ng digital na ekonomiya. Napatunayan na ang
blockchain ay isang kapaki-pakinabang na teknolohiya para sa anim na pangunahing bahagi ng metaverse: ang digital na patunay ng pagmamay-ari, digital collectibility, paglilipat ng halaga,
pamamahala, accessibility, at interoperability. Nagbibigay ang teknolohiya ng blockchain ng transparent at sulit na solusyon, kaya naman angkop ito sa metaverse. Puwede mong i-explore ang anim na bahaging ito nang mas detalyado sa pamamagitan ng pagpunta sa aming artikulong
Ano ang Metaverse?. Tingnan natin kung paano ito inilalapat sa mga proyekto ng metaverse sa iba't ibang blockchain.
Malaki na ang iniunlad ng
Binance Smart Chain pagdating sa metaverse. Ang mga proyekto ay mula sa mga collectible card game na may mga player sa totoong buhay gaya ng Top Goal hanggang sa mga RPG-style universe sa Cyber Dragon at Alien Worlds. Mayroon pa ngang casino na pagmamay-ari ng player, ang decentral.games, at isang classic na proyektong VR sa metaverse na nagho-host ng mga event na tinatawag na SecondLive. Puwede mong basahin ang napili naming
5 Proyekto sa Metaverse ng BSC na Dapat Mong Malaman para malaman ang higit pa tungkol sa maiaalok ng BSC.
Ang
The Sandbox ay isang laro sa blockchain kung saan tinutuklas ng mga user ang isang virtual na mundo na naglalaman ng mga
NFT (non-fungible token), kapaligirang ginawa ng user, at iba pang content. Ang The Sandbox, na binuo bilang mobile game noong 2011, ay naging kumplikadong laro sa
Ethereum na gumagamit ng Ether (ETH), at ng token na SAND para bigyang-kakayahan ang ekonomiya nito sa laro.
Gumagawa ang mga player ng sarili nilang avatar at digital na pagkakakilanlan, na isang pangunahing konsepto para sa metaverse. Puwedeng iugnay ang isang avatar sa isang crypto wallet para pamahalaan ang mga NFT, SAND token, at iba pang asset sa blockchain ng isang player. Puwede pa ngang gumawa ng mga laro at virtual item ang isang player gamit ang mga tool ng VoxEdit at Game Maker. Nakakagawa ang napakahuhusay na program na ito ng mga kumplikado at propesyonal na asset sa video game, na puwede mong gawing mga NFT. Dahil puwedeng i-trade ng mga user ang mga item na ito, nakabuo ito ng
play-to-earn na modelo kung saan puwedeng magkaroon ng dagdag na kita ang mga user sa pamamagitan ng paglalaro ng The Sandbox.
Ang
Decentraland ay isang 3D universe kung saan ang mga player ay nagpapaganda ng mga lote ng lupa nila, nagho-host ng mga event, gumagawa ng content, at lumalahok sa iba pang social na aktibidad. Nakabatay ang pangunahing ekonomiya ng Decentraland sa blockchain para makapagtakda ng mga digital na pagkakakilanlan, pagmamay-ari, at rarity para sa mga natatanging item. Isa ito sa mga pinakasikat at kilalang proyekto bago pinagkaguluhan ang metaverse noong bandang katapusan ng 2021.
Itinatag ito noong 2016, kung kailan kinuha nina Esteban Ordano at Ari Meilich ang isang basic na 2D na laro at ginawa nila itong malaking mundo na may mga NFT na nagkakahalaga ng daan-daang libong dolyar. May sarili ring
ERC-20 utility token ang proyekto, ang MANA.
Paano nabibilang ang Decentraland sa metaverse? Nandito ang marami sa mga kinakailangan sa metaverse: isang 3D na interface, digital na ekonomiya, mga social na elemento, at mga event sa laro. Dahil mas maraming proyekto ang kumokonekta sa Decentraland, may aspekto rin ito ng metaverse hub. Partikular ding sikat ang Decentraland dahil sa virtual real estate NFT nito na tinatawag na LAND. Kasama ng pagbibigay ng kapangyarihang bumoto sa
decentralized autonomous organization (DAO) ng Decentraland, nakaranas ang LAND ng malaking pagtaas ng presyo, kaya sikat ito sa mga trader at namumuhunan.
Ang Enjin ay isang platform ng blockchain na nakatuon sa paggawa ng mga NFT na ginagamit bilang mga item sa laro. Nag-release ang proyekto ng mga software development kit (SDK) para pasimplehin ang pagbuo ng mga Ethereum-based NFT para sa karaniwang user. Dahil ang mga NFT ay naging mahalagang bahagi na ng metaverse, nilayon ng Enjin na makagawa ng mas ligtas na paraan para ma-mint ang mga ito ng mga tao.
Isang karaniwang reklamo sa mga NFT ay puwedeng maging
illiquid ang mga ito. Kailangan mong maghanap ng bibili ng iyong NFT, na puwedeng matagalan. Gayunpaman, puwedeng i-melt ang isang Enjin NFT anumang oras kapalit ng mga ENJ coin. Ibig sabihin nito, laging magkakaroon ng halaga ang mga NFT, hangga't hindi umaabot sa zero ang presyo ng ENJ. Dahil hindi kinakailangang maghintay ng mamimili, makakapagbigay ng agarang liquidity ang pag-convert ng mga NFT sa ENJ. Sa pamamagitan ng pagtulong na suportahan ang digital collectability at scarcity, layunin ng Enjin na maging kapaki-pakinabang na bahagi ng metaverse.
Ang Bloktopia ay isa pang VR metaverse game na matatagpuan sa isang skyscraper na may 21 palapag. Katulad ng Decentraland at The Sandbox, layunin ng Bloktopia na maging isang hub para sa mga event, pakikisalamuha, trabaho, at higit pa. Kinakatawan ng 21 palapag ang maximum na supply ng Bitcoin na 21 milyong BTC. Ginagamit ng proyekto ang blockchain ng
Polygon para suportahan ang apat na pangunahing aspekto nito: ang matuto, kumita, maglaro, gumawa.
1. Matuto - Magsisilbi ang Bloktopia bilang daan para matuto ang mga user tungkol sa blockchain at kung paano ito nakakatulong na patakbuhin ang metaverse. Nagbibigay ito ng mas accessible at interaktibong paraan para matuto tungkol sa crypto.
2. Kumita - Tinatanggap ng Bloktopia ang play-to-earn na modelo gamit ang native token nitong BLOK, virtual real-estate na kilala bilang Reblok, at mga pagkakataong mag-advertise gamit ang Adblok.
3. Maglaro - Dapat magawa ng mga user na makisalamuha sa mga kaibigan online at mag-enjoy sa maraming iba't ibang laro at content na ginawa ng user.
4. Gumawa - Ibinibigay ng Blocktopia ang mga tool para makagawa ang mga gamer nito ng mga kapaligiran at pati ng mga digital na espasyo para sa ad.
Naging mainit na usapin ang play-to-earn sa gaming metaverse. Talagang nakakahimok ang ideya ng pagkita sa paglalaro at pakikipag-interact sa mga laro. Bagama't nagbibigay ang Decentraland at The Sandbox ng simpleng paraan para magbenta ng real estate, hinihigitan pa ito ng Bloktopia. Bawat palapag ng Reblok ay puwedeng parentahan sa mga nangungupahan o kunin para isang event. Puwede ring kumita sa pag-advertise ang mga user habang gumugugol ng oras ang iba pang player sa kanilang palapag.
Malaki pa ang iuunlad ng metaverse. Kung lalaruin mo ang mga proyekto para sa sarili mo, makikita mo na may pagkasimple ang mga patakaran, hitsura, at dating. Marami ang pinaplano pa at hindi pa nga available na masubukan.
Gayunpaman, sigurado na patuloy na dumarami ang mga bagong proyekto. Isa man itong malaking kumpanya ng gaming o maliit na proyekto ng crypto sa metaverse, mabilis na nangyayari ang pag-unlad. Simula pa lang ang mga proyektong binanggit sa itaas, kaya regular na tingnan kung may mga update at balita para makasubaybay sa nagbabagong metaverse.
Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito, at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance sa anuman sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.