TL;DR
Sa ngayon, makatuwirang ipagpalagay na multi-chain ang hinaharap. Malamang na sa halip na isang blockhan ang ganap na mamayani, magkakaroon ng maraming magkakaugnay na network kung saan ang bawat isa ay may mga natatanging katangian, mga trust assumption, performance, at seguridad.
Panimula
Sa wakas, nagsisimula nang magkaroon ng resulta ang pinakahihintay na roadmap ng pag-scale ng Ethereum, at bahagi ng mga pagsisikap na ito ang proyektong Polygon.
Medyo may pagkakatulad dito ang adhikain ng Polygon, pero iniangkop nito ang konseptong ito partikular na para sa ecosystem ng Ethereum. Ang ideya ay madaling mailulunsad ng mga developer ang kanilang mga solusyon sa pag-scale na compatible sa Ethereum o kahit mga stand-alone na blockchain.
Ano ang Polygon (MATIC)?
Ang Polygon ay isang framework sa paggawa ng mga network ng blockchain at solusyon sa pag-scale na compatible sa Ethereum. Mas mailalarawan ang Polygon bilang protocol kaysa isang solusyon. Ito ang dahilan kung bakit ang isa mga pangunahing alok ng ecosystem ay ang Polygon SDK, na nagbibigay-daan sa mga developer na gawin ang mga network na ito na compatible sa Ethereum.
Nag-aalok ang mga sidecahin ng iba't ibang pakinabang – ang pinakakapansin-pansin ay ang pagtaas ng throughput ng transaksyon at mababang bayarin. Kung nagamit mo na ang Polygon Network, alam mong talagang napakabilis nito at may napakababang gastos kumpara sa Ethereum. Gayunpaman, may ilang trade-off na kailangang gawin para sa ganitong performance. Idedetalye pa natin ito mamaya.
Dahil sinusuportahan ng Polygon ang Ethereum Virtual Machine (EVM), madali lang i-port dito ang mga dati nang application. Makakapagbigay ito sa mga user ng maikukumparang karanasan sa Ethereum, sa pamamagitan lang ng mataas na throughput at mababang bayarin na nabanggit kanina.
Ang pag-unlad ng Polygon ay pinapangunahan ng mga founder nito na sina: Jaynti Kanani, Sandeep Nailwal, Anurag Arjun, at Mihailo Bjelic.
Paano gumagana ang Polygon?
Sinusuportahan ng framework ng Polygon ang dalawang pangunahing uri ng mga network na compatible sa Ethereum: mga secured na chain at stand-alone na chain. Ang isang halimbawa ng secured na chain ay ang rollup, habang ang sidechain naman ay isang halimbawa ng stand-alone na chain.
Umaasa ang mga secured na chain sa imprastraktura ng chain kung saan ito naka-attach, kaya hindi nito kailangang gamitin ang sarili nitong modelo ng seguridad. Sa kabaligtaran, ang mga stand-alone na chain ang bahala sa sariling seguridad ng mga ito. Ibig sabihin, madalas na nag-aalok ang mga secured na chain ng mas mataas na antas ng seguridad, habang nag-aalok naman ang mga stand-alone na chain ng higit na flexibility para sa mga partikular na pangangailangan.
Kumusta naman ang Polygon Network? Naka-secure ang sidechain ng Polygon gamit ang sarili nitong hanay ng mga validator (pool ng validator), at kailangan nitong magsumite ng mga checkpoint sa Ethereum paminsan-minsan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng ilang tao na hindi “purong” Layer 2 na solusyon ang mga sidechain. Kailangang magkaroon ng sariling seguridad ang mga ito sa halip na gamitin ang seguridad ng Ethereum. Posibleng mahalagang pagkakaiba ito, at mas idedetalye natin iyan mamaya kapag tinatalakay ang mga rollup.
Mga sitwasyon ng paggamit ng MATIC token
Polygon Bridge
Gayunpaman, kapag kumpleto na ito, mae-enjoy mo ang mababang bayarin at mabibilis na transaksyong maiaalok ng Polygon. Kung hindi, nag-aalok din ang ilang centralized exchange (CEX) ng direktang pag-withdraw sa Polygon Network.
Mga sidechain vs. rollup
Sa pangkalahatan, walang napagkasunduan kung matatawag bang Layer 2 na solusyon ang mga sidechain, sa paraang katulad ng sa rollup. Mahalagang maunawaan ang pagkakaibang ito kung gusto mong i-navigate ang mundo ng multi-chain at isaalang-alang ang iba't ibang trade-off.
Ang lahat ng iyon ay may iba't ibang trust assumption, seguridad, performance, at karanasan ng user at developer. Tulad ng mga secured na chain, ang mga rollup ay isa sa mga may pinakamalaking potensyal na Layer 2 na solusyon sa pag-scale dahil nakuha nito sa Ethereum ang malaking bahagi ng seguridad nito.
Gayunpaman, hindi ganito ang sitwasyon para sa iba pang solusyon tulad ng sidechain ng Polygon. Hindi ibig sabihin niyan na hindi ito ligtas, pero kung magtutulungan ang mga taong may masamang hangarin, puwede (ayon sa teorya) nilang makontrol ang network. Wala pa kaming nakikitang kahit kaunting indikasyon ng ganoong intensyon, pero mahalagang banggiting iyon. May kasamang pagtitiwala ang paggamit ng sidechain, hindi lang pagdating sa mga validator ng network, kundi pati na rin sa nag-uugnay sa dalawang chain.
Mahalaga ring isipin ang tungkol sa iba pang trade-off. Kapag ginagamit mo ang mainnet ng ETH, magbabayad ka ng mas malaking bayarin sa transaksyon at mas mabagal ang transaksyon, pero isaalang-alang din ang garantiya ng pagkakaroon ng pinakamahigpit na seguridad at ang pinakamaliit na tiwalang kinakailangan sa anumang partido.
Kung gagamit ka ng rollup, magbabayad ka nang mas kaunti, may halos katumbas kang seguridad, at mas mabibilis ang transaksyon. Kapag gumagamit ka ng sidechain, mababa lang ang babayaran mo at mas maliit pa ito kumpara sa rollup, pero may mga kompromiso sa seguridad.
Kaya, alin ang mas maganda? Walang simpleng sagot. Mahusay ang lahat ng ito para sa mga partikular na sitwasyon ng paggamit at pinupunan nito ang isa't isa sa paraang nakakabuo ng isang lubos na kapaki-pakinabang na ecosystem.
Halimbawa, kailangan ng sistema ng reputasyon ng social media ng napakaraming throughput ng transaksyon at napakababang bayarin, pero hindi ng mga garantiya ng pinakamataas na antas seguridad dahil hindi naman ito isang mahalagang imprastraktura. Sa sitwasyong ito, baka sulit para sa performance ang pagsasakripisyo sa seguridad.
Sa kabilang banda, ang pag-store sa treasury ng bansa sa isang blockchain ay nangangailangan ng pinakamataas na antas ng seguridad na posible, at sulit na magbayad para doon, lalo na kung hindi kailangan ng napakabibilis na transaksyon.
Mga pangwakas na pananaw
Naglalayon ang Polygon na mag-alok ng mas maraming solusyon sa scalability sa hinaharap, kasama ang mga zk rollup, optimistic rollup, at stand-alone blockchain, na tutulong sa paggawa ng mas masigla at magkakaugnay na Layer 2 na ecosystem para sa Ethereum.