5 Proyekto sa Metaverse ng BSC na Dapat Mong Malaman
Talaan ng mga Nilalaman
Panimula
Ano ang metaverse?
Ang metaverse at blockchain gaming
Ano ang decentral.games?
TopGoal
Ano ang Cyber Dragon?
Alien Worlds
Ano ang SecondLive?
Mga pangwakas na pananaw
5 Proyekto sa Metaverse ng BSC na Dapat Mong Malaman
HomeMga Artikulo
5 Proyekto sa Metaverse ng BSC na Dapat Mong Malaman

5 Proyekto sa Metaverse ng BSC na Dapat Mong Malaman

Baguhan
Published Nov 11, 2021Updated Dec 2, 2021
7m
Disclaimer: Ang artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman. Walang kaugnayan ang Binance sa mga proyektong ito at walang pag-eendorso para sa mga proyektong ito. Ang impormasyong ibinibigay sa pamamagitan ng Binance ay hindi maituturing na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan o pag-trade. Hindi mananagot ang Binance sa anuman sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan. Humingi ng propesyonal na payo bago ka sumugal kaugnay ng pera.


TL;DR

Ang metaverse ay isang online na immersive na space kung saan puwedeng magtrabaho, maglaro, at makisalamuha ang mga user sa isang 3D na environment. Umuunlad pa ang metaverse, pero malaki na ang tungkuling ginagampanan ng teknolohiya ng blockchain. Nasa Binance Smart Chain (BSC) ang maraming proyekto sa metaverse na nag-eeksperimento sa mga play-to-earn na laro sa blockchain at sandbox ng komunidad.

Sa decentral.games, nakakapaglaro at nakakapagpatakbo ang mga user ng sarili nilang casino sa pamamagitan ng mga mekanismo ng pamamahala. Ang Cyber Dragon at Alien Worlds ay parehong nagbibigay ng karanasang parang RPG kung saan may sariling character, mga misyon, at loot ang mga manlalaro. Nauugnay rin ang TopGoal sa gaming pero nakatuon ito sa pangongolekta ng mga Non-Fungible Token (NFT) na kumakatawan sa mga sikat sa sports gaya ng mga trading card.

Iba ang diskarte ng SecondLive sa metaverse. Bagama't mayroon itong mga elemento ng gaming, ang totoong pinagtutuunan ay ang paggawa ng mga komunidad at pagkonekta ng mga proyekto. Nagbibigay ang SecondLive ng 3D na environment para sa pakikisalamuha, pamimili, mga event, at higit pa.


Panimula

Mainit na usapin ang metaverse sa balita at social media pagdating sa hinaharap ng internet, crypto, at teknolohiya. Pinag-uusapan na ng mga bigatin sa teknolohiya gaya ng Facebook at Microsoft ang kanilang mga plano sa metaverse, at hinahanap na ng mga mamumuhunan sa crypto ang susunod na malaking proyekto. Gayunpaman, mahalagang banggitin na nararanasan mo na ang metaverse sa pamamagitan ng paggamit ng mga smart contract sa network ng Binance Smart Chain (BSC) o Ethereum.


Ano ang metaverse?

Ang metaverse ay ang konsepto ng isang 3D na online na space kung saan puwedeng pagkonektahin ng mga tao ang kanilang buhay sa totoong mundo at digital na buhay. Puwedeng makisalamuha, magtrabaho, mag-relax, at mag-explore ang mga user ng iba't ibang platform at larangang katulad ng internet. Sinusubukan ng metaverse na magbigay ng mas immersive pang environment na may mas marami pang makabagong produkto kaysa sa mayroon tayo sa kasalukuyan.

Isang pangunahing salik na nagtutulak sa metaverse ay ang augmented reality kasama ng isang avatar o character. Halimbawa, puwede kang sumali sa iyong mga meeting sa trabaho gamit ang VR headset, pagkatapos, puwede kang manood ng concert ng paborito mong DJ, at sa wakas, puwede kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan.

Ano ba ang eksaktong papel ng crypto rito? Ang blockchain ay may anim na katangian na dahilan kung bakit ito angkop na gamitin sa metaverse:
1. Digital na patunay ng pagmamay-ari: Madali mong mapapatunayan ang pagmamay-ari sa mga digital na produkto at asset na nasa iyong crypto wallet.
2. Digital collectibility: Puwede naming gawing makokolekta ang mga bagay sa digital na paraan gaya ng mga digital na item, art, at kahit mga pisikal na bagay. Kilala ang mga ito bilang mga Non-Fungible Token (NFT).
3. Paglilipat ng halaga: Puwede kang magbayad sa kahit sino sa buong mundo gamit ang crypto sa secure at ligtas na paraan.
4. Pamamahala: Sa blockchain, nakakapagdesisyon ang mga tao sa patas at pantay na paraan sa pamamagitan ng mga mekanismo ng consensus at pagboto.
5. Accessibility: Kahit sino ay puwedeng gumawa ng online na digital na pagkakakilanlan sa loob ng wala pang isang minuto sa pamamagitan ng paggawa ng crypto wallet.
6. Interoperability: Ang teknolohiya ng blockchain ay puwedeng gumawa ng mga platform na nako-customize pero compatible sa isa't isa.
Lahat ng punto sa itaas ay angkop sa paggawa ng digital metaverse. Bagama't may iba pang opsyon, ibinibigay ng blockchain ang mga sagot sa tranparent at sulit na paraan. Pero huwag kalimutan, hindi pa talaga umiiral ang metaverse sa tapos nitong anyo at aabutin ng maraming taon ng pag-develop para magawa ito nang buo. Kung gusto mo pang matuto tungkol sa paksa, basahin ang  Ano ang Metaverse? na artikulo namin.


Ang metaverse at blockchain gaming

Ang gaming at ang metaverse ay isang karaniwang kumbinasyon dahil sa pagbibigay-diin ng mga ito sa mga immersive na 3D na environment. Makikita mo na ang karamihan ng mga proyektong tatalakayin namin ay nauugnay sa blockchain gaming, na kadalasang may mga elemento ng play-to-earn at GameFi.

Iniaalok ng espasyo ng video game ang pinakamalapit na karanasang mayroon tayo sa isang metaverse sa ngayon habang patuloy nitong sinusubukang lampasan ang mga limitasyon ng kayang gawin ng mga 3D sandbox. Halimbawa, maraming laro ang nag-aalok na ngayon ng mga karanasan sa concert at iba pang social event. Pangkaraniwan din ang mga digital na ekonomiya para sa mga item, skin, at iba pang nate-trade na produkto sa laro. Dahil nagbibigay-daan ang teknolohiya ng blockchain sa lahat ng ito, hindi na nakakagulat na naging napakalapit na ng ugnayan ng gaming at metaverse. 

Talakayin natin ang ilan sa mga nangungunang proyekto sa metaverse ng BSC sa ngayon at alamin natin kung paano eksaktong isinasama ng mga ito ang blockchain sa isang immersive na digital na hinaharap.


Ano ang decentral.games?

Ang decentral.games ay isang metaverse casino na pinapamahalaan sa pamamagitan ng isang Decentralized Autonomous Organization (DAO) na nagpapagana rin ng mga 3D na virtual event gamit ang mga NFT. Ang ecosystem ng casino ay pinapagana ng utility token nito (DG). Puwedeng kumita ng mga DG token ang mga manlalaro sa pamamagitan ng paglalaro, pagbibigay ng liquidity sa mga liquidity pool, at paglahok sa mga botohan sa pamamahala sa house funds treasury ng platform.
Ang dgTreasury ay ang pinagmumulan ng bankroll ng casino para sa mga payout. Nangongolekta rin ito ng bayarin sa transaksyon na MANA at DAI na ginagastos ng mga user sa paglalaro ng tulad ng Blackjack at Roulette. Puwedeng magkaroon ng passive na kita at maglaro nang sabay ang mga user, kung saan napagsasama ang dalawa sa mga pangunahing elemento ng isang metaverse. Ang ideya ng pagpapatakbo, pagmamay-ari, at paglalaro sa sarili mong casino ay isang konseptong madaling mapapangasiwaan ng blockchain.


TopGoal

Ang TopGoal ay isang trading card game na opisyal na naglilisensya ng mga football player, club, at iba pang koponan sa sports bilang mga NFT. Makakapaglaro ang mga may-hawak ng fantasy football-style na laro laban sa iba pang manlalaro. Pana-panahong nire-release ang mga trading card na ito sa mga pack sa pamamagitan ng mga airdrop at bentahan. Sa TopGoal, makakabili ka rin ng mga partikular na sandali sa kasaysayan ng sports mula sa mga manlalarong tulad nina Michael Owen, Rivaldo Vítor, at José María Gutiérrez.


Ano ang Cyber Dragon?

Ang Cyber Dragon ay isang online RPG-style game na ginawa ng BinaryX. Kumukuha ng mga NFT hero ang mga manlalaro at naghahanap sila ng mga rare na item at loot. Ang layunin ng laro ay talunin ang Cyber Dragon, isang makapangyarihang boss na may napakaraming kayamanan. Gumagana ang laro nang may system na may dalawang katutubong token: gumagana ang BNX bilang governance token at ang Gold naman bilang currency sa laro.

Ang mga ibinabayad ng mga manlalaro ay ipinapadala sa treasure house ng Cyber Dragon, na nagbibigay-daan para lumago ito sa paglipas ng panahon. Kapag natapos na ang dragon, ibinibigay ang kayamanan bilang reward. Mayroon ding mga dungeon at trabahong dapat kumpletuhin, gaya ng pagmimina at pagtotroso. Ang mga class at attribute para sa mga hero ay nagdaragdag din ng elemento ng diskarte sa laro, kasama ng mga kakayahan sa pamumuhay at pakikipaglaban.


Alien Worlds

Ang Alien Worlds ay isang blockchain NFT game na available sa Binance Smart Chain, blockchain ng Ethereum, at WAX. Ang mga manlalaro ay nagmamay-ari ng lupa, nakikipaglaban, at nangongolekta ng mga NFT sa isang sci-fi galaxy habang nakikipaglaban para makuha ang cryptocurrency na Trilium (TLM). May apat na pangunahing aspekto sa platform:

1. Mga DAO sa Planeta: Puwedeng lumahok ang mga user sa mga eleksyon sa chain at mga mekanismo ng pamamahala kung paano patakbuhin ang planetang kinabibilangan nila. Posibleng kasama rito ang mga pagpapasya kung paano gagastusin ang mga pondo sa treasury ng planeta.
2. Pangongolekta ng Mga NFT: Puwedeng gumamit ng mga NFT ang mga manlalaro ng Alien Worlds para magmina ng TLM, tumapos ng mga quest, at makipaglaban sa iba pang manlalaro. Puwedeng gumawa ng isang deck ng mga NFT na angkop sa diskarte ng manlalaro.
3. Pag-stake: Puwedeng i-stake ng mga may-hawak ng Trilium ang kanilang mga token sa likod ng mga planeta para bumotong dagdagan ang kanilang reward pool at impluwensyahan ang mga eleksyon.
4. Cross-chain bridge: Puwedeng i-bridge ng mga user ang kanilang TLM sa pagitan ng BSC, WAX, at Ethereum.


Ano ang SecondLive?

‌Ang SecondLive ay isang 3D sandbox na nagho-host ng virtual na mundo kung saan magagawa ng mga user na makisalamuha, mamili, magtrabaho, at higit pa. Kahit sino ay puwedeng gumawa ng virtual na avatar at mag-explore sa mga iniaalok na espasyo pati na rin gumawa ng content nang mag-isa. May pagkakataon ding i-monetize ang iyong content na ginawa ng user. Ang SecondLive ay binubuo ng apat na module na magagamit ng mga manlalaro:

1. Avatar Editor: Puwedeng idisenyo ng mga user ang kanilang custom na character ng manlalaro gamit ang editor at gamitin ito bilang kanilang pagkakakilanlan sa environment ng metaverse.
2. Maraming virtual space: Puwedeng mag-explore ang mga user ng mga laro, concert, talk, shopping mall, at higit pa gamit ang kanilang avatar.
3. Scenario Editor: Puwedeng gumawa ang mga content creator ng mga sarili nilang lugar at espasyo gamit ang Scenario Editor nang hindi nangangailangan ng mga kakayahan sa pag-code.
4. SecondLive Marketplace: Puwedeng mag-trade ng mga asset ang sinumang nagmamay-ari ng third-party na digital asset sa pamamagitan ng merkado ng SecondLive.

Nag-host ang SecondLive ng mga event sa Binance Smart Chain, kasama na ang Decentralized Finance (DeFi) Harvest Festival sa DeFi Exhibition Hall ng ecosystem ng BSC. Kasama rin sa event ang $10,000 na pool ng pagmimina at mga reward na NFT para sa mga kalahok.



Mga pangwakas na pananaw

Talagang nagsisimula pa lang ang ecosystem at komunidad ng metaverse ng BSC. Lumalago at dahan-dahang nabubuo ang mga indibidwal na elementong bumubuo sa isang metaverse. Bagama't nasa sentro ng pansin at trending sa Twitter, Telegram, at sa balita ang mga larong tulad ng Axie Infinity, malamang na makikita nating umusbong at gumawa ng inobasyon sa mga bagong paraan ang mga bagong proyekto. Kung gusto mong simulang mag-eksperimento sa mga DApp sa metaverse ng BSC, huwag ding kalimutang kumuha ng kaunting BNB para sa iyong bayarin sa transaksyon.