Ano ang Play-to-Earn at Paano Mag-cash Out?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang mga play-to-earn na laro?
Paano gumagana ang mga play-to-earn na laro? 
Paano ginagawang secure ng teknolohiya ng blockchain ang mga play-to-earn na laro?
Magkano ang kinikita ng mga tao sa mga play-to-earn na laro?
Paano magsimulang maglaro ng mga play-to-earn na laro
Paano mag-cash out mula sa mga play-to-earn na laro? 
Mga pangwakas na pananaw
Ano ang Play-to-Earn at Paano Mag-cash Out?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Play-to-Earn at Paano Mag-cash Out?

Ano ang Play-to-Earn at Paano Mag-cash Out?

Baguhan
Na-publish Oct 15, 2021Na-update Jan 31, 2023
10m

TL;DR

Sa mga play-to-earn na laro, ang mga user ay puwedeng mag-farm o mangolekta ng crypto at mga NFT na maibebenta sa merkado. Sa regular na paglalaro, puwedeng makakuha ng mas maraming item o token ang bawat manlalaro na puwede nilang ibenta para kumita sila. Nasimulan na nga ng ilang manlalaro na dagdagan o palitan ang mga suweldo nila sa paglalaro ng mga blockchain game na ito. Gayunpaman, may sangkot na panganib ang ganitong aktibidad, dahil kadalasan, kailangan mong maglabas ng paunang puhunan para makabili ng mga character at item para makapaglaro.

Nakakatulong ang blockchain na garantiyahan ang collectibility ng mga item na ito at gumawa ng mga gumaganang digital na ekonomiya. Nagbigay-daan ang teknolohiya ng blockchain at mga NFT para makagawa ng mga digital na item na imposibleng i-duplicate. Ito ang gumawa ng konsepto ng digital scarcity.

Para makapag-cash out, kakailanganin mong ideposito ang iyong mga NFT o crypto sa isang marketplace ng NFT o palitan gaya ng Binance. Malabong makapag-convert ka nang direkta sa fiat, kaya magandang ideya na magbenta muna kapalit ng stablecoin.

Kapag naibenta mo na ang iyong mga NFT o token, puwede mo nang i-convert ang stablecoin sa napili mong fiat at puwede ka nang mag-withdraw gamit ang mga available na channel sa iyong bansa. Isa pang opsyon ang paggamit sa stablecoin gamit ang crypto card gaya ng Binance Visa Card.


Panimula

Malayo na ang narating ng mga laro sa blockchain mula sa pag-trade ng mga simpleng Non-Fungible Token (NFT) collectible gaya ng Cryptokitties. Ngayon, may pagkakataon ka nang kumita ng pera sa paglalaro ng mga crypto game, kahit na wala sa wallet mo ang pinaka-rare na NFT.

Nakakahikayat ang ideya, dahil bihirang magkaroon ng pagkakataong kumita sa totoong buhay ang mga gamer sa mga video game sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga digital na asset. Sa bagong modelong ito ng mga play-to-earn na laro, puwede na ngayong kumita ang mga user sa mundo ng crypto.


Ano ang mga play-to-earn na laro?

Sa play-to-earn, nagkakaroon ang mga manlalaro ng regular na mapagkakakitaan ng crypto sa pamamagitan lang ng paglalaro. Puwedeng magkakaiba ang mekanismo ng bawat laro, pero kadalasang nagmumula ang mga reward sa pag-stake, pag-farm ng currency ng isang laro, o pagbuo ng mga nate-trade na NFT item. Sa mga mas lumang laro sa blockchain, pangunahing umasa ang mga user sa mga random na tsansang kumita. Gayunpaman, gumawa ang play-to-earn ng mga ekonomiya sa laro at modelo ng negosyo kung saan puwedeng magtrabaho ang mga manlalaro para kumita.
Ang Axie Infinity sa blockchain ng Ethereum ay isang sikat na halimbawa. Pinagsama ng laro ang mga tradisyonal na elemento at gameplay ng video game at ang lumang modelo ng laro sa blockchain. Halimbawa, nagtatampok ang Axie Infinity ng adventure mode, mga PvP battle, at mga tournament - na kadalasang nakikita sa industriya ng tradisyonal na gaming. Available ang laro para sa Windows, Android, Mac OS, at iOS.


Paano gumagana ang mga play-to-earn na laro? 

Sa kumbinasyon nito ng gaming at pananalapi, nabibilang ang mga play-to-earn na laro sa kategoryang GameFi. Nagbibigay ang bawat laro ng mga pampinansyal na insentibo para maglaro at umusad. Gaya ng nabanggit, karaniwang may aspekto ng pag-grind ng pag-ulit ng mga partikular na pagkilos kung saan kumikita ang mga user sa dalawang pangunahing paraan:
1. Pagkita ng mga cryptocurrency sa laro. Isang halimbawa ang Smooth Love Potion (SLP) ng Axie Infinity, na nakukuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pang-araw-araw na quest o pakikipaglaban sa mga monster at manlalaro.

2. Pagkita o pag-trade ng mga NFT sa laro. Posibleng kumatawan ang bawat NFT sa isang item, character, o iba pang collectible sa laro. Depende sa laro, puwedeng cosmetic lang ito o mayroon itong gamit o layunin sa laro.

Mayroon ding pangatlong alternatibo para kumita sa mga play-to-earn na laro: ang pag-stake. Sa ilang NFT game, puwedeng mag-lock ang mga user ng mga NFT o cryptocurrency sa mga smart contract, kung saan makakakuha naman ng mga reward. Halimbawa, sa pamamagitan ng pag-stake ng mga MBOX token, makakakuha ang mga user ng mga reward na MOMO NFT Mystery Box. Bawat isa ay may lamang random na NFT na may iba't ibang rarity, na puwede namang ibenta sa sekondaryang merkado. Gayunpaman, para makakuha ka ng malalaking reward sa pag-stake, mangangailangan ka ng napakalaking inisyal na deposito.


Paano ginagawang secure ng teknolohiya ng blockchain ang mga play-to-earn na laro?

Hindi bago ang play-to-earn. Maraming online na laro (karaniwang mga MMORPG) na may mga fiat-based na auction house o sekondaryang merkado na pinapanatili ng mga farmer ng ginto. Para sa mga cryptocurrency game, ang napakahalagang pagkakaiba ay nasa mga blockchain ang mga currency na ito. Ang isang blockchain ay may ilang katangiang madaling makakapagpatunay ng pagmamay-ari, pagiging lehitimo, at rarity.

Puwede mong isipin na isang hindi nagbabago at hindi nababagong database ang isang network ng blockchain. Pinapanatili ito ng isang ipinamahaging network ng mga computer (user), na bawat isa ay may hawak na kopya ng data ng blockchain. Ibig sabihin nito, halos imposibleng baguhin, i-duplicate, o i-delete ng isang tao ang data ng blockchain.

Dahil dito, puwedeng i-develop ang mga laro sa blockchain sa paraang pumipigil sa panloloko o korapsyon, gaya ng pag-duplicate ng item, mga pag-hack ng ginto, at iba pang pananamantalang karaniwan sa mga tradisyonal na laro. Ang isang napakahalagang bahagi ng halaga ng isang item sa laro ay ang rarity nito. Sa blockchain, walang pagkopya at pag-paste. Kung natatangi ang isang item, walang paraan para makopya ito. Nakakatulong itong gumawa ng totoong halaga para sa mga item sa laro.


Magkano ang kinikita ng mga tao sa mga play-to-earn na laro?

Hindi karaniwang kilala ang gaming sa pagbibigay ng reward na pera sa average na user. Puwedeng mahirap maunawaan na puwedeng kumita ang mga regular na manlalaro sa isang laro sa blockchain. Sa katunayan, maraming tao ang sumasahod para sa kabuhayan mula sa mga crypto game gaya ng Axie Infinity, lalo na sa mga umuunlad na bansa.

Sa pag-farm, puwedeng magkaroon ng mas regular na kita, kung saan naaayon ang mga kikitain mo sa iyong mga kakayahan at sa tagal ng paglalaro mo. Napatunayang sikat ang ganitong paraan ng pag-farm sa Pilipinas, kung saan naging alternatibo na ang Axie Infinity sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho. Puwedeng kumita ang mga manlalaro ng $200 hanggang $1,000 (USD) buwan-buwan sa pag-farm ng SLP, depende sa market price at tagal ng paglalaro. Kadalasang mas mababa ang mga benepisyo sa pag-farm kaysa sa alternatibo ng pag-trade ng mga NFT creature at item pero mas ligtas ito para sa sinumang nangangailangan ng regular na kita.

Sa mga larong katulad ng Axie Infinity, puwede mo pa ngang gamitin ang iyong mga NFT (Axie) para mag-breed ng mga bago. Gayunpaman, hindi mo tumpak na mahuhulaan ang halaga ng bagong breed na Axie. Mula Oktubre 2021, ang pinakamahal na Axie (Angel) na naibenta ay nagkahalaga ng $131,970 noong Nobyembre 7, 2020, at nakalista na ito ngayon sa halagang 3,000 ETH. Bagama't parang nakakaengganyo ang mga numerong ito, mahirap hulaan ang average na kita para sa isang taong nagbebenta ng mga NFT mula sa mga play-to-earn na laro dahil sa random na katangian ng mga ito.


Paano magsimulang maglaro ng mga play-to-earn na laro

Bawat play-to-earn na laro ay magkakaroon ng iba't ibang kinakailangan para sa mga bagong manlalaro. Sa minimum, mangangailangan ka ng crypto wallet gaya ng MetaMask o Binance Chain Wallet para i-store ang iyong crypto at ikonekta ito sa laro.

Baka kailangan mo rin ng paunang puhunan para makapaglaro, gaya ng pag-set up ng team ng mga character o pagbili ng mga item na gagamitin sa laro. Karaniwang hindi libre ang pagpasok sa isang digital crypto-economy.

Mula Oktubre 2021, nangangailangan ang Axie Infinity ng paunang puhunan na humigit-kumulang $600 para makabili ng tatlong Axie. Bagama't mababayaran ito sa loob ng ilang buwan ng paglalaro, gumagawa pa rin ito ng hadlang sa pagpasok. 

Isa pang opsyon ang maghanap ng mga tinatawag na scholarship, kung saan puwede kang manghiram ng mga Axie mula sa ibang maglalaro nang libre at pagkatapos ay ibabahagi mo ang kikitain mo sa manlalarong iyon (na tinatawag na manager). Sa madaling salita, isang custom na porsyento ng iyong kita ang ibibigay sa manlalarong nagbibigay ng scholarship. Kapag nakagawa ka na ng iyong starter team at nakakumpleto ka na ng mga pang-araw-araw na gawain at hamon, tuloy-tuloy ka nang kikita ng SLP, isang ERC-20 token na puwedeng i-trade sa Binance at iba pang palitan ng crypto.


Paano mag-cash out mula sa mga play-to-earn na laro? 

Kapag naglalaro ng mga NFT game, binanggit namin na may dalawang pangunahing opsyon para kumita: ang paghahanap ng mga NFT na ibebenta o ang paglalaro nang regular para magkaroon ng stream ng cryptocurrency sa laro.

Magbibigay sa iyo ang mga aktibidad na ito ng mga NFT, token, o pareho na maibebenta sa sekondaryang merkado. Depende sa mga eksaktong cryptocurrency at item na mayroon ka, posibleng pareho mong maibenta ang iyong mga NFT at token sa Binance. Madaling maidaragdag ang mga Ethereum at Binance Smart Chain (BSC) NFT sa NFT Marketplace ng Binance, pero kakailanganin mong tingnan kung nakalista ba sa Binance sa iyong bansa ang mga non-fungible token na gusto mong ibenta. Kakailanganin mo ring i-verify ang iyong account sa pamamagitan ng pagkumpleto sa proseso ng KYC.

Pag-cash out ng crypto mula sa mga play-to-earn na laro

Para makapag-cash out ng token gaya ng SLP o SAND, kakailanganin mo ng palitang nag-aalok ng iyong crypto mula sa play-to-earn sa isang pares na puwedeng i-trade. Kung gusto mong gamitin sa totoong buhay ang mga kinita mo, kakailanganin mo ring pag-isipan kung puwede mong ipapalit ang mga token para sa fiat currency (gaya ng US dollar at euro) at i-withdraw ang mga iyon sa iyong bank account. Isa pang opsyon ang paggamit ng crypto card para gastusin ang iyong crypto (hal., ang Binance Visa Card).
Puwede mo ring i-convert ang mga kinita mo sa isang stablecoin, pero mangangailangan ng karagdagang hakbang para ma-convert mo ang mga ito sa fiat. Magiging mas stable ang iyong mga pondo sa coin na katulad ng BUSD kaysa sa volatile na crypto gaya ng SLP, SAND, o Bitcoin (BTC). Tumingin tayo ng mabilisang halimbawa.

Mula sa paglalaro ng The Sandbox, kumita ka ng ilang SAND na gusto mo na ngayong ibenta. Para i-cash out ang iyong SAND, kailangan mo munang ideposito ang mga iyon sa iyong account sa Binance.

1. Kung gumagamit ka ng MetaMask o iba pang crypto wallet, kopyahin ang address sa pagdeposito papunta sa magpapadalang wallet para ilipat ang mga cryptocurrency token. Huwag kalimutan na mangangailangan ka ng crypto para sa iyong bayarin, gaya ng BNB para sa Binance Smart Chain at ETH para sa Ethereum.


2. Pagkatapos, sa view ng palitan, pumili ng angkop na pares ng SAND na ite-trade. Magandang opsyon ang SAND/BUSD, dahil madaling maipapapalit ang BUSD sa mga fiat currency at magagamit ito para i-lock ang mga kinita mo.


3. Susunod, ibenta ang iyong SAND gamit ang anumang uri ng order na gugustuhin mo. Market order ang ginamit namin dito, pero puwede ka ring gumamit ng limit o stop-limit order.


4. Magkakaroon ka ngayon ng BUSD, na puwedeng i-convert sa fiat sa mga merkado ng BUSD gaya ng EUR/BUSD. Kapag nakapagbenta ka na para sa fiat, magbabago ang pag-withdraw ng iyong cash mula sa Binance depende sa bansa kung saan ka nakatira at sa mga available na paraan. Makakakita ka ng higit pang impormasyon sa aming page ng FAQ

Pag-cash out ng mga NFT mula sa mga play-to-earn na laro

Kung nakakuha ka ng mga in-game na NFT item at collectible sa iyong play-to-earn na laro, kakailanganin mong i-trade ang mga iyon sa isang palitan ng NFT para ma-cash out ang mga kinita mo. May feature na pagdeposito ang Marketplace ng Binance NFT, na magbibigay-daan sa iyong ibenta nang direkta sa Binance ang mga NFT mo. Puwede ka ring gumamit ng mga desentralisadong palitan hangga't compatible sa mga iyon ang iyong NFT. 

1. Para maibenta ang iyong mga NFT sa Binance, gumawa ng account sa Binance o mag-log in sa iyong account sa Binance. Kakailanganin mong siguraduhin na ang iyong NFT ay nasa isang wallet na compatible sa Wallet Connect gaya ng Metamask. Kakailanganin mo ring kumpletuhin ang pag-verify na KYC.

2. Susunod, pumunta sa home page ng Binance NFT, i-click ang [User Center], at pagkatapos ay [Magdeposito].


3. Piliin ang BSC o ETH, depende sa network kung nasaan ang iyong NFT. Makikita mo na ang address kung saan mo kakailanganing ipadala ang iyong NFT.


Para sa mas detalyadong mga tagubilin, tingnan kung Paano Magdeposito ng NFT sa Binance. Kapag na-import mo na ang iyong NFT, maibebenta mo na ito sa pamamagitan ng format na Auction o Fixed Price sa maraming iba't cryptocurrency. Magandang opsyon ang BUSD kapag sine-set up mo ang iyong pagbebenta, mababa ang volatility nito at madali itong mako-convert sa fiat. Tingnan kung Paano Magbenta ng NFT sa Marketplace ng Binance NFT para mahanap ang tamang paraan para sa iyo.

Mga implikasyon sa buwis

Kung magpapasya kang gamitin ang Binance para i-cash out ang mga kinita mo, maraming opsyong mapagpipilian depende sa iyong bansa at mga lokal na regulasyon. Gayunpaman, laging mahalagang tingnan ang mga implikasyon sa buwis ng anumang palitang gagamitin mo para mag-cash out. Posible ring nasa legal na hurisdiksyon ka kung saan apektado ang pagiging legal ng crypto, kaya lagi kang magsagawa ng sarili mong due diligence.


Mga pangwakas na pananaw

Ang mga play-to-earn na laro ay isang bagong pag-unlad pagdating sa pagkita sa pamamagitan ng mga cryptocurrency. Sa karamihan ng mga bagong proyekto at ideya, karaniwang kailangan mong mauna sa pila para masulit ang mga iyon. Gayunpaman, sa play-to-earn, naging posibleng kumita ng pera para sa mga gamer. Pero lagi ka dapat mag-ingat, dahil maraming laro ang puwedeng magkaroon ng mataas na panganib at hindi sustainable dahil sa hindi magandang tokenomics, o kahit mga scam.

Kung gusto mo pang i-explore ang GameFi at play-to-earn, pumunta sa page ng Binance NFT. May mga regular na paglulunsad ng Mga NFT Mystery Box mula sa mga katulad ng MOBOX at My Neighbor Alice, na lahat ay naglalaman ng mga NFT na magagamit sa mundo ng gaming na makakatulong sa iyong makapag-set up.