Ano ang Short Squeeze?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Short Squeeze?

Ano ang Short Squeeze?

Intermediya
Na-publish Aug 3, 2020Na-update Jan 31, 2023
7m

Mga Nilalaman

Pinapayagan ng short selling ang mga trader na kumita mula sa pagbaba ng presyo ng isang asset. Karaniwang paraan ito para pangasiwaan ang downside risk, i-hedge ang existing holdings, o simpleng ipakita lamang ang bearish na pananaw sa merkado. 
Ganunpaman, minsan ay nagiging masyadong mapanganib ang shorting bilang istratehiya sa trading. Hindi lang dahil walang limitasyon sa taas ng presyo ng isang asset, kundi dahil din sa short squeezes. Ang short squeeze ay maaaring ilarawan bilang biglaang pagtaas ng presyo. Kapag nangyayari ito, maraming short sellers ang “nata-trap” at nagmamadali sa exit para subukang protektahan ang kanilang mga posisyon.
Kung gusto mong maintindihan kung ano ang short squeeze, dapat mo munang maintindihan kung ano ang shorting. Kung hindi ka pamilyar kung ano ang shorting at kung paano ito gumagana, basahin ang Ano Ang Shorting sa Mga Financial Market?
Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang short squeeze, paano mo ito paghahandaan, maging kung paano ito pagkakakitaan sa isang long na posisyon.


Ano ang short squeeze?

Nangyayari ang short squeeze kapag ang presyo ng isang asset ay biglang tumaas dahil sa maraming short seller na napilitang lumabas sa kanilang mga posisyon.

Tumataya ang mga short seller na bababa ang presyo ng isang asset. Kung sa halip ay tumaas ang presyo nito, mag-uumpisang mag-ipon ng hindi inaasahang pagkatalo ang mga short na posisyon. Nangyayari ito sa pamamagitan ng stop-loss triggers, liquidations (para sa margin at futures contracts). Maaari rin itong mangyari dahil lamang mano-manong isinara ng mga trader ang kanilang mga posisyon para mapigilan ang mas malaking pagkatalo.
Kaya, paano isinasara ng mga short seller ang kanilang mga posisyon? Bumibili sila. Ito ang dahilan kung bakit ang short squeeze ay nagreresulta sa biglang pagtaas ng presyo. Habang isinasara ng mga short seller ang kanilang mga posisyon, bumubuhos ang epekto ng mga buy order na nagpapalala sa sitwasyon. Dahil dito, ang short squeeze ay kadalasang kasama ng katumbas na bilang pagtaas ng trading volume.
Narito ang isa pang dapat na isaalang-alang. Mas malaki ang short interest, mas madali nito nata-trap ang mga short seller at napipilitan silang isara ang kanilang mga posisyon. Sa ibang salita, mas may liquidity sa trap, mas nagkakaroon ng volatility dahil sa short squeeze. Sa ganitong konteksto, ang short squeeze ay ang pansamantalang pagtaas ng demand habang may pagbaba ng supply.

Ang kabaligtaran ng short squeeze ay ang long squeeze – bagamat hindi ito karaniwan. Ang long squeeze ay may parehong epekto na nangyayari kapag nata-trap ang mga long ng bumubuhos na selling pressure, na humahantong sa mabilis na pagbaba ng presyo.


Paano nangyayari ang short squeeze?

Nangyayari ang short squeeze kapag may biglaang pagtaas sa buying pressure. Kung nabasa mo na ang aming artikulo tungkol sa shorting, alam mong ang shorting ay isang istratehiyang posibleng may mataas na panganib. Ganunpaman, partikular na nagiging volatile na kaganapan ang short squeeze dahil sa biglaang pagmamadali para mabilis na maprotektahan ang mga short posisyon (sa pamamagitan ng buy orders). Kabilang dito ang maraming stop-loss order na nauudyok sa malaking price level, at maraming short seller ang mano-manong nagsasara ng kanilang posisyon sa parehong oras.

Maaaring mangyari ang short squeeze sa anumang financial market kung saan maaaring kumuha ng short na posisyon. Ganun din, ang kakulangan ng opsyon para i-short ang market ay maaari ring humantong sa malaking price bubble. Pagkatapos ng lahat, walang magandang paraan para tumaya laban sa isang asset, maaari itong magpatuloy sa pagtaas sa mas mahabang panahon.

Maaaring prerequisite ng short squeeze ang majority ng short na posisyon kaysa sa  long na posisyon. Natural lamang na kung mas nakahihigit ang dami ng mga short na posisyon kaysa sa mga long na posisyon, mas mayroong liquidity para mapalala ang posisyon. Ito ang dahilan kung bakit ang long/short ratio ay kapaki-pakinabang na kasangkapan para sa mga trader na gustong subaybayan ang sentimyento ng merkado. Kung gusto mong tingnan ang real-time long/short ratio ng Binance Futures, maaari mo itong gawin sa page na ito.

Ang ibang mga mas may kasanayang trader ay maghahanap ng potensyal na oportunidad sa short squeeze para pumasok sa long na posisyon at kumita mula sa mabilis na pagbabago ng presyo. Kabilang sa istratehiyang ito ang paglikom ng posisyon bago mangyari ang squeeze at ang paggamit ng mabilis na pagbabago para magbenta sa mas mataas na presyo.



Mga halimbawa ng short squeeze

Karaniwan ang mga short squeeze sa stock market. Kadalasang kasama nito ang mababang sentimyento sa isang kompanya, isang inaasahang mataas na presyo ng stock, at isang malaking bilang ng mga short na posisyon. Kung halimbawa, may lumabas na hindi inaasahang positibong balita, ang lahat nga mga short na posisyon ay mapipilitang bumili na humahantong sa pagtaas ng presyo ng stock. Ganunpaman, ang short squeeze ay isang mas masasabing technical pattern kaysa isang fundamental event.

Ayon sa ilang pagtataya, ang Tesla (TSLA) stock ang isa sa mga pinaka-shorted na stock sa kasaysayan. Ganunpaman, ang presyo ay dumaan na sa maraming bilang pagtaas, kaya nata-trap ang mga short seller.

Karaniwan din ang short squeeze sa cryptocurrency markets, lalo na sa Bitcoin markets. Gumagamit ang Bitcoin derivatives market ng high-leverage na mga position, at ang mga ito ay maaaring ma-trap o ma-liquidate sa mga maliit na paggalaw sa presyo. Dahil dito, ang mga short at long squeeze ay madalas na nangyayari sa Bitcoin markets. Kung gusto mong maiwasang ma-liquidate o ma-trap sa ganitong paggalaw, maingat na isaalang-alang ang laki ng leverage na iyong ginagamit. Dapat ka ring gumamit ng akmang istratehiya sa pangangasiwa ng panganib.
Tingnan sa ibaba ang Bitcoin price range mula noong unang bahagi ng 2019. Ang presyo ay napigilan sa isang ranger pagkatapos ang biglang paggalaw sa downside. Medyo mababa ang sentimyento ng merkado noon, dahil ang mga investor ay maghahanap ng mga short na posisyon, at umaasang magpapatuloy ang downtrend.


Potensyal na short squeeze sa BTC/USD market.


Ganunpaman, mabilis na gumalaw ang presyo sa range kaya ang bahaging ito ay hindi na muling nasubok sa mahabang panahon. Muli itong sinubok pagkatapos ng ilang taon, sa kasagsagan ng coronavirus na pandemya (also known as  “Black Thursday”). Ang mabilis na paggalaw na ito ay posibleng dahil sa pinalawak na short covering.


Pangwakas na ideya

Sa pagbubuod, nangyayari ang short squeeze kapag ang mga short seller ay nata-trap at napipilitang protektahan ang kanilang mga posisyon, na humahantong sa biglang pagtaas ng presyo. 
Nagiging volatile ang short squeezes sa merkadong may mataas na leverage. Kapag maraming trader at investor ang gumagamit ng mataas na leverage, kadalasang nagiging bigla rin ang paggalaw ng presyo, dahil ang pagbuhos ng liquidations ay maaaring humantong sa sang waterfall effect.
Tiyaking naiintindihan ang mga implikasyon ng isang short squeeze bago pumasok sa isang short posisyon. Kung hindi, maaari kang matalo nang malaki. Kung nais mo pang matuto tungkol sa shorting at maraming iba pang trading technique, basahin ang Kumpletong Gabay sa Cryptocurrency Para sa Mga Nagsisimula.
May mga katanungan pa tungkol sa kung paano mag-short ng Bitcoin at cryptocurrencies? Tingnan ang aming Q&A na plataporma, ang Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang inyong mga katanungan.
Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.