Ano ang Kyber Network (KNC)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Kyber Network (KNC)?

Ano ang Kyber Network (KNC)?

Intermediya
Na-publish Jun 20, 2022Na-update May 17, 2024
6m

TL;DR

Ang Kyber Network ay isang desentralisadong protocol na binuo sa Ethereum. Na-deploy ito sa iba't ibang chain na compatible sa Ethereum Virtual Machine (EVM), gaya ng Polygon, BNB, at Avalanche. 

Itinatag nina Loi Luu at Victor Tran, ang Kyber Network ay isang liquidity hub na may layuning gawing mas efficient at mas tipid ang pag-trade sa DeFi. Ang pangunahing produkto ng Kyber Network ay ang KyberSwap, isang decentralized exchange (DEX) na nagbibigay-daan sa mga user na mag-trade ng mga token at kumita ng mga reward sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity.

Pinamamahalaan ng KyberDAO ang protocol, at ang mga proposal ay pinagbobotohan ng mga may hawak ng native na token ng Kyber Network, ang KNC.

Ano ang KyberSwap?

Ang KyberSwap ang flagship na produktong pinapagana ng Kyber Network. Binuo sa Ethereum, ang KyberSwap ay isang multi-chain na decentralized exchange (DEX) na nagbibigay-daan sa mga user na magsagawa ng mga transaksyon sa alinman sa 12 nitong sinusuportahang network, kabilang ang Ethereum, Polygon, BNB, Avalanche, at Optimism.

Isa ring aggregator ang KyberSwap, ibig sabihin, kumukuha ito ng liquidity hindi lang sa sarili nitong mga pool kundi pati sa mahigit 67 DEX sa lahat ng sinusuportahan nitong network. Gaya ng ibang DEX, ang KyberSwap ay isang platform ng pag-trade na hindi nangangailangan ng tiwala, ibig sabihin, may ganap na kontrol ang mga user sa kanilang mga order at pondo. Layunin ng KyberSwap na lutasin ang mga hamon sa liquidity na nararanasan ng marami sa mga trader sa DeFi araw-araw, habang nagbibigay rin ng sapat na mga reward para sa mga liquidity provider (LP).

Sa KyberSwap, puwedeng mag-swap, kumita, at sumali nang walang aberya ang mga user sa DeFi sa bawat isa sa mga sinusuportahang chain. Ang KyberSwap ay isang platform sa pag-trade na desentralisado at hindi nangangailangan ng pahintulot. Ibig sabihin, may ganap na kontrol ang mga user sa kanilang mga order at pondo.

Layunin ng KyberSwap na lutasin ang mga pang-araw-araw na hamon sa liquidity na kinakaharap ng maraming DeFi Trader habang mina-maximize din ang mga reward para sa mga liquidity provider gamit ang mahuhusay na pool na efficient sa kapital.

Paano gumagana ang KyberSwap?

Nahahati ang KyberSwap sa dalawang pangunahing protocol: Classic at Elastic.

Ang Dynamic Market Maker (DMM) protocol ng KyberSwap Classic ay isang binagong bersyon ng tradisyonal na  Automated Market Maker (AMM) model na ginagamit ng UniSwap at iba pang DEX. Ito ang unang market maker protocol ng DeFi na dynamic na nag-a-adjust ng bayarin ng LP batay sa mga kondisyon ng merkado. Kapag masyadong volatile ang merkado, mas tumataas ang bayarin para mas tumpak na maipakita ang mga panganib na kaakibat sa bawat trade. Kapag stable ang merkado at bumaba ang volatility, bumababa ang bayarin. Awtomatikong kinakalkula ulit ng DMM ang bayarin sa pamamagitan ng pagsusuri sa data ng volume na nasa chain para sa bawat liquidity pool.

Ang pangalawang feature ng KyberSwap Classic ay isang “programmable price curve” na tinatawag na Amplification (AMP). Binibigyang-daan nito na gayahin ng isang liquidity pool ang mas matataas na antas ng liquidity nang hindi nangangailangan ng mas maraming token. Puwedeng magtakda ang mga LP ng sarili nilang AMP ayon sa uri ng pares ng token na nasa pool. Magiging mas mataas ang AMP ng mga pares na may mas mabababang deviation, gaya ng mga stablecoin. Sa kabilang banda, mas magiging mababa ang AMP ng mga mas volatile na pares. Ang mga liquidity pool na may AMP na katumbas ng 1 ay mga pool na gagana pa rin ayon sa modelo ng dynamic na bayad pero walang amplification.

Ang pinakabagong protocol ng KyberSwap, na tinatawag na KyberSwap Elastic, ay isang AMM na nakabatay sa tick na may concentrated na liquidity. Puwedeng magdagdag ng liquidity ang mga user sa isang partikular na hanay ng presyo na gusto nila at tumanggap ng NFT na kumakatawan sa kanilang posisyon sa liquidity at sa kanilang bahagi sa pool.

Sa concentrated na liquidity, puwedeng tukuyin ng mga LP ang hanay ng presyo kung saan nila gustong magdagdag ng liquidity. Kinakatawan ng napiling hanay ng presyo ang degree kung saan naiisip ng LP na magfa-fluctuate ang kasalukuyang presyo sa hinaharap. Pagkatapos, pantay na ipapamahagi ang ibinigay na liquidity sa hanay ng presyo na ito. Makakakuha ng bayad ang LP para maproseso sa isang partikular na presyo ang anumang pag-swap (sa madaling salita, sa isang partikular na aktibong tick) sa napiling hanay, na proporsyonal sa liquidity na ibinigay sa presyong iyon (o sa aktibong tick na iyon).

Sa pamamagitan ng isang kumpletong hanay ng presyo, nate-trade ang mga token sa anumang presyo pero puwedeng maging mas mababa ang bayarin kumpara sa concentrated na hanay ng presyo, dahil sa alokasyon ng liquidity sa mga hindi aktibong tick ng presyo.

Awtomatiko ring kino-compound ng KyberSwap Elastic ang bayarin para sa mga LP gamit ang isang Reinvestment Curve. Bukod sa pinapadali nito ang mga bagay-bagay para sa mga LP dahil hindi na nila kailangang magbalik ng liquidity sa pool nang manu-mano, mas malaki rin ang kinikita ng mga LP sa pamamagitan ng hiwalay na pag-compound ng bayarin dahil naiipon ang bayarin bilang dagdag sa na-compound na bayarin.

Bukod pa rito, may iba't ibang tier ng bayad at JIT (Just In Time) Protection ang KyberSwap Elastic para mabigyan ang mga LP ng flexibility at mga tool para iangkop ang mga diskarte sa pagkita nang hindi kinokompromiso ang seguridad.

Puwede ring kumita ng mga reward ang mga LP sa pamamagitan ng mga farm ng pagmimina ng liquidity ng KyberSwap. Dito gumagamit ang KyberSwap ng mga foundation at proyekto ng blockchain para magbigay ng mga alok sa mga LP.

Bukod pa sa mga serbisyo ng liquidity, may mga feature at pro trader tool ang KyberSwap na idinisenyo para tulungan ang mga trader sa DeFi, gaya ng DiscoverDynamic Trade Routing at Pro Live Chart. Ang Discover ay isang maadaling gamiting DeFi tool na tumutulong sa mga user na humanap ng mga potensyal na trending na token gamit ang kumbinasyon ng on-chain na data, dami ng pag-trade, at mga teknikal na indicator. Nagsa-scan ang Dynamic Trade Routing ng iba't ibang DEX at naghahati-hati ng mga trade para mahanap ang pinakaangkop na ruta ng pag-trade para sa anumang pag-swap ng token sa mga sinusuportahang network.

Sa kabilang banda, ang Pro Chart Live ay naka-integrate sa TradingView para tulungan ang mga trader na magmapa at magsagawa ng kumpletong teknikal na pagsusuri.

Bakit natatangi ang KyberSwap? 

Gaya ng nabanggit sa itaas, gumagamit ang KyberSwap Classic ng dalawang magkaibang feature — DMM at Amplification — para matiyak ang magandang liquidity, habang inihahatid naman ng KyberSwap Elastic ang concentrated liquidity, awtomatikong compoundability, iba't ibang tier ng bayad, at JIT protection para tulungan ang mga liquidity provider na ma-maximize ang kanilang mga kita sa paraang ligtas at secure.

Tinitiyak ng liquidity na mabilis na makakabili at makakapagbenta ang mga trader nang walang malalaking pagbabago sa presyo. Nagdudulot ng slippage at pansamantalang pagkalugi ang mababang liquidity. Kung mas volatile ang isang asset, mas malamang na makasama sa mga trader ang mga pagbabago sa presyo nito.

  • Nagaganap ang slippage kapag isinagawa ang isang trade nang mas mababa o mas mataas sa gustong presyo dahil sa mababang liquidity (maninipis na order book).

  • Ang pansamantalang pagkalugi ay ang pagbaba ng presyo na nararanasan ng isang crypto asset pagkatapos mailagay sa isang liquidity pool.

Maituturing ang liquidity na pampaluwag kung saan puwedeng makabili o makapagbenta ang mga trader ng isang asset: pabor sa stability ng presyo ang madadaling trade, at kung mas marami ang kasali, mas mahirap para sa mga iisang entity na maapektuhan ang merkado.

Ano ang Kyber Network Crystal (KNC) token? 

Ang Kyber Network Crystal (KNC) ay ang native na token ng KyberSwap na nagpapagana sa ecosystem ng Kyber Network. Gumagana sa proof-of-stake (PoS) na mekanismo ng consensus, puwedeng sumali sa DAO ang mga may hawak ng KNC at puwede silang bumoto sa lahat ng proposal ng pamamahala na nauugnay sa hinaharap ng network sa pamamagitan ng pag-stake ng kanilang mga KNC asset o pag-delegate ng kanilang boto sa isang platform ng third-party.

Puwede ring i-stake ng mga may hawak ng KNC ang kanilang mga token sa mga kwalipikadong pool ng pag-farm ng Rainmaker para sa mga reward sa pagmimina ng liquidity. Para sa iba pang aktibidad gaya ng Trading Contest, Gleam Giveaway, at mga AMA, bibigyan din ng mga KNC token bilang reward ang mga kasali.

Paano bumili ng KNC sa Binance

Makakabili ka ng KNC sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance. 

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade]-> [Spot].

2. I-type ang “KNC” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Gagamitin natin ang KNC/BUSD bilang halimbawa.

3. Pumunta sa kahong [Spot] at ilagay ang halaga ng KNC na gusto mong bilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng KNC] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit sa iyong Spot Wallet ang nabiling KNC.

Paano gumamit ng KyberSwap

Kung balak mong i-swap ang iyong mga token sa KyberSwap, sundin ang mga hakbang sa ibaba para magsimula.

1. Bisitahin ang KyberSwap

2. Ikonekta ang iyong DeFi wallet. Sinusuportahan ng KyberSwap ang MetaMask, Coin98, WalletConnect, Coinbase Wallet, at Ledger.

3. Piliin ang gusto mong pares ng token. Puwede mong tingnan ang mga detalye ng iyong transaksyon sa ilalim ng “Higit Pang Impormasyon.”

4. Magpatuloy sa pag-swap at kumpirmahin ang transaksyon sa iyong crypto wallet.

Hindi lang mga pag-swap ang uri ng transaksyong puwedeng gawin sa platform. Puwedeng magbigay ng liquidity ang mga user sa pamamagitan ng paggamit sa isa sa mga pool ng KyberSwap o sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong pool. Puwede rin nilang i-stake ang kanilang mga LP token sa isa sa mga kwalipikadong farm.

Mga Pangwakas na Pananaw

Ang Kyber Network ay isang liquidity hub na pinapagana ng KyberSwap, isang DEX na binuo sa Ethereum. Isa itong hub para sa mga desentralisadong serbisyo at lugar kung saan puwedeng gumawa, makipagpalitan, at magpaganda ng crypto space ang mahihilig sa DeFi. Nakatuon ang KyberSwap sa pagpapaganda ng karanasan ng mga LP at trader sa DeFi space.

Disclaimer: Puwedeng magkaroon ng mataas na panganib ang pamumuhunan sa cryptocurrency. Hindi responsable ang Binance sa anuman sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade. Ang mga pahayag sa artikulong ito ay para lang sa pagbibigay ng kaalaman at hindi dapat ituring na pinansyal na payo o rekomendasyon sa pamumuhunan.