Ano ang Initial Game Offering (IGO)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Initial Game Offering (IGO)?

Ano ang Initial Game Offering (IGO)?

Baguhan
Na-publish Jan 7, 2022Na-update Feb 10, 2023
4m

TL;DR

Sa paglabas ng GameFi, sumisikat ang Initial Game Offering (IGO) sa mga namumuhunan sa crypto. Sa IGO, puwede kang mag-prepurchase ng mga NFT o token ng isang laro sa blockchain sa maagang yugto ng pag-develop nito.


Panimula

Karaniwang inaayos ang mga IGO sa pamamagitan ng mga platform ng launchpad. Kadalasan, sa pamumuhunan sa pamamagitan ng mga launchpad, kailangang i-lock ng mga kalahok ang native token ng platform sa loob ng partikular na tagal ng panahon. Depende sa proyekto, puwedeng magkaroon ang mga kalahok ng maagang access sa mga token o NFT ng laro. Sa ilang sitwasyon, ang mga token at NFT na nakuha mula sa mga IGO ay puwedeng i-trade sa labas ng gaming ecosystem sa mga desentralisadong palitan at marketplace ng NFT.


Paano gumagana ang IGO?

Ang Initial Game Offering (IGO) ay isang paraan para makalikom ng kapital ang mga proyekto ng gaming sa blockchain. Katulad ito ng Initial Coin Offering (ICO), pero maliban sa mga cryptocurrency token, ang mga kalahok sa IGO ay puwedeng magkaroon ng maagang access sa mga asset sa laro habang sinusuportahan ang maagang pag-develop ng laro. Kadalasang kasama sa mga asset na iniaalok ng IGO ang mga mystery box, character, skin, accessory, weapon, at iba pang item. Kadalasan, ito ay mga NFT na kinakailangan para ma-access ang laro o makapaglaro nito.
Sa kasalukuyan, may ilang launchpad ng IGO sa merkado, kasama na ang Binance NFT, BSCPad, TrustSwap, at EnjinStarter. Ang iba't ibang launchpad ay may iba't ibang set up para sa isang IGO, pero karaniwang kailangang bilhin ng mga mamumuhunan ang native token ng platform ng launchpad para makalahok sila. Kung titingnan ang mga IGO sa Binance NFT bilang halimbawa, ang mga mamumuhunan ay kailangang may hawak na partikular na dami ng BNB sa kanilang Binance Wallet para maging kwalipikadong sumali.

Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang token, kailangan itong i-lock ng mga kalahok sa isang pool sa loob ng partikular na panahon. Depende sa algorithm ng alokasyon, matatanggap nila ang token o mga NFT ng proyekto batay sa dami ng mga token na na-lock. 

Gumagamit ang Binance NFT ng mekanismo ng subskripsyon para pumili ng mga mananalo ng reward, para magkaroon ang lahat ng kasali ng pantay na pagkakataong makuha ang mga NFT asset mula sa IGO. Kung minsan, kinakailangan ng mga kalahok na hawakan o i-stake ang biniling gaming token o mga NFT sa loob ng partikular na tagal bago nila ito mai-trade sa merkado.


Mga pinagkaiba-iba ng IGO, ICO, IEO, at IDO

May ilang paraan ng fundraising sa mundo ng crypto. Ilan sa mga mas sikat ang Initial Coin Offering (ICO), Initial Exchange Offering (IEO), at Initial DEX Offering (IDO). Lahat ng ito ay magkakatulad na paraan ng crowdfunding, pero may ilang partikular na pagkakaiba-iba sa paraan ng pagtakbo ng mga ito.


Initial Coin Offering (ICO)

Initial Coin Offering (ICO) ang unang diskarte sa fundraising sa crypto. Nagbibigay-daan ito sa mga blockchain-based na team ng proyekto na makalikom ng mga pondo gamit ang mga cryptocurrency. Ginamit ng Ethereum ang paraang ICO noong 2014 at isa itong napakasikat na paraan ng crowdfunding hanggang noong umpisa ng 2018. Ang mga event ng ICO ay puwedeng mag-alok ng epektibong paraan para makakuha ang mga proyekto ng suportang pampinansyal sa mga maagang yugto ng pag-develop. Puwede mong malaman ang higit pa tungkol sa ICO sa Ano ang ICO (Initial Coin Offering)? na artikulo namin.


Initial Exchange Offering (IEO)

Ang pangunahing pinagkaiba ng Initial Exchange Offering (IEO) at ng iba pang alok ay ang IEO ay hindi direktang hino-host ng team ng proyekto, pero naka-host ito sa isang palitan ng cryptocurrency. Sa pakikipagtulungan sa mga mapagkakatiwalaang palitan ng crypto, puwedeng parehong makinabang ang proyekto at ang mga kalahok sa IEO. Kadalasan, kailangang dumaan ang mga proyekto sa mabusising pagsusuri bago ma-host ang mga ito sa isang palitan. Puwede ring lumawak ang abot ng team ng proyekto sa likod ng IEO sa buong user base ng palitan. Isang sikat na halimbawa ng platform ng IEO ang Binance Launchpad.


Initial Dex Offering (IDO)

Ang Initial Dex Offering (IDO) ay isang ICO na naka-host sa isang decentralized exchange (DEX). Ginawa ang mga IDO para tugunan ang mga pagkukulang ng modelong ICO at IEO. Halimbawa, dahil sa DEX inilulunsad ang token ng proyekto, sa pangkalahatan, mas murang mailista ang mga proyekto kaysa sa mga IEO. Nagbibigay rin ang mga IDO ng agarang liquidity ng token, ibig sabihin, puwedeng mailista halos agad-agad ang mga token kapag nakumpleto na ang IDO.

Gayunpaman, dahil sa mga DEX tumatakbo ang mga IDO, hindi laging dumaraan ang mga ito sa mabusising proseso ng due diligence. Dahil dito, puwedeng lumaki ang mga pangkalahatang panganib dahil posibleng magkaroon ng mas mababang kalidad o kaduda-dudang reputasyon ang ilang proyekto sa IDO. Dapat ka ring mag-ingat sa mga rug pull dahil maraming IDO ang lumabas na mga scam na proyekto pala na nagtakbo ng mga pondo ng mga mamumuhunan.


Mga tip sa pagsali sa mga IGO

Tulad sa bawat pamumuhunan, walang garantiya na kikita ang mga IGO. Bago mag-commit sa anumang IGO, lagi ka dapat mag-DYOR at dapat mong pag-isipan ang mga potensyal na panganib.

Halimbawa, puwede mong tingnan ang website o social media ng proyekto ng gaming para malaman kung nagbibigay ito ng malinaw na plano o roadmap ng pag-develop. Makikita mo rin kung sinusuportahan ng sinumang mapagkakatiwalaang mamumuhunan o partner ang proyekto.


Paano lumahok sa isang IGO sa Binance NFT?

Puwede kang lumahok sa mga IGO sa Binance NFT para makakuha ng mga eksklusibong asset sa laro at koleksyon ng NFT mula sa iba't ibang proyekto ng gaming.

Gumagamit ang Binance NFT ng natatanging mekanismo ng subskripsyon para matiyak na lahat ng user ay magkakaroon ng pantay na pagkakataong makalahok sa mga IGO. Ibabatay ang pinal na alokasyon ng NFT sa ganap na pampubliko at mave-verify na algorithm ng pagpili.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa homepage ng Binance NFT. Mag-click sa banner ng proyekto ng IGO kung saan mo gustong lumahok.

2. Mare-redirect ka sa page ng subskripsyon, kung saan mo makikita ang lahat ng detalye ng proyekto. Para maging kwalipikadong sumali, kailangan mong magpanatili ng minimum na hawak na BNB.


3. May apat na yugto sa isang IGO sa Binance: Paghahanda, Pag-subscribe, Pagkalkula, at Pamamahagi. Tingnan itong artikulo ng FAQ para sa higit pang detalye tungkol sa kailangan mong gawin sa bawat yugto.



Mga pangwakas na pananaw

Nag-aalok ang mga IGO ng makabagong paraan para mapondohan ng mga game developer ang kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ng blockchain. Bagama't ang mga IGO ay puwedeng maging magandang paraan para masuportahan ng mga mamumuhunan ang mga proyekto ng gaming sa maagang yugto, malaki rin ang dala nitong pampinansyal na panganib. Lagi ka dapat magsagawa ng due diligence bago mo isugal ang iyong mga pondo.