Ano ang Venus Protocol?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Venus Protocol at paano ito gumagana?
Ang kasaysayan ng Venus Protocol
Ano ang posible sa Venus Protocol?
Bakit natatangi ang Venus Protocol?
Mga pangwakas na pananaw
Iba pang babasahin
Ano ang Venus Protocol?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Venus Protocol?

Ano ang Venus Protocol?

Intermediya
Na-publish Nov 10, 2022Na-update Feb 1, 2023
6m

TL;DR

Ang Venus Protocol ay isang algorithm-based na money market system na nasa BNB Chain. Layunin nitong magbigay-daan sa mga user na magpahiram at manghiram ng cryptocurrency sa desentralisado at secure na paraan.

Hindi nangangailangan ng pahintulot ang protocol, kaya kahit sino ay puwedeng magsimulang gumamit nito sa pamamagitan ng pagkonekta ng mga wallet ng crypto gaya ng MetaMask. Pagmamay-ari at kinokontrol ng Venus Protocol ang protocol sa pamamagitan ng native na governance token nito, ang XVS, na puwedeng i-stake sa Venus Protocol Vault para makakuha ng mga reward na token.

Panimula

Nagsimulang mag-alok ang decentralized finance (DeFi) ng dumaraming serbisyo na karaniwang nauugnay sa tradisyonal na pananalapi. Sa Venus Protocol, makakapagpahiram o makakahiram ang mga user sa isang pool ng mga asset nang hindi nangangailangan ng pahintulot, at puwedeng makinabang ang mga supplier ng collateral sa kanilang mga passive na pondo.

Gayunpaman, sa halip na isang sentralisadong player ang nangangasiwa ng mga transaksyon, ino-automate ng protocol ang proseso gamit ang mga teknolohiya gaya ng mga smart contract.

Ano ang Venus Protocol at paano ito gumagana?

Ang Venus Protocol ay isang algorithmic na money market at synthetic stablecoin protocol. Ayon sa nakasanayan, ang money market ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya na nangangasiwa sa mga pangangailangan sa panandaliang pautang.

Ngayon, gayunpaman, dinadala ng Venus ang pagpapahiram at paghiram ng decentralized finance (DeFi) sa BNB chain. Nagbibigay-daan din ito sa mga supplier ng collateral na i-mint ang mga native na synthetic stablecoin (VAI) ng platform sa pamamagitan ng labis na paglalagay ng collateral sa mga posisyon.

Ang Venus Protocol ay isang fork ng Compound at MakerDAO. Pareho itong Ethereum-based, kung saan ang una ay isang money market protocol at ang pangalawa ay isang protocol ng pag-mint ng stablecoin. Pinag-iisa ng Venus ang mga function na ito, na nagbibigay-daan sa mga user na gamitin ang parehong collateral sa iisang ecosystem, anumang function ang gagamitin nila.

Puwede mong ituring ang Venus Protocol bilang environment ng pagpapahiram na hindi nangangailangan ng pahintulot. Una, nagbibigay-daan ito sa mga user ng BNB Chain na may hindi ginagamit na cryptocurrency na magbigay ng collateral sa network. Pangalawa, ang mga user na nangangailangan pa ay puwedeng manghiram sa pamamagitan ng pangangako ng cryptocurrency na labis na nilagyan ng collateral. Pagkatapos, makakatanggap ang mga nagpapahiram ng mga compounded na taunang rate ng interes, habang nagbabayad ng interes ang mga nanghihiram sa kanilang mga kaukulang pautang.

Ang mga rate ng interes para sa pagpapahiram at paghiram ay itinatakda ng protocol sa isang curve yield na nag-iiba-iba batay sa paggamit. Naka-automate ang mga rate na ito ayon sa mga demand ng partikular na merkado, gaya ng BNB o ETH. Gayunpaman, nagtatakda rin ng mga minimum at maximum na antas ng rate ng interes ang proseso ng pamamahala ng protocol.

Nangyayari ang pag-mint ng synthetic na stablecoin gamit ang mga vToken, mula sa collateral na ibinibigay ng mga user sa Venus Protocol. Kumakatawan ang mga vToken sa idinepositong collateral — halimbawa, makakatanggap ang mga user ng vUSDT para sa pagbibigay ng USDT, na puwede nilang i-redeem sa ibang pagkakataon para sa pinagbabatayang collateral. Puwede ring manghiram ang mga user ng hanggang 50% ng halaga ng collateral na mayroon sila sa protocol mula sa kanilang mga vToken para makapag-mint ng VAI.

Iba ang paraan ng pagtukoy ng Venus Protocol sa mga rate ng interes ng stablecoin kaysa sa mga rate ng interes ng pagpapahiram at paghiram. Fixed ang mga rate ng interes para sa pag-mint at ang proseso lang ng pamamahala ng protocol ang pinapayagang babaan o taasan ang mga rate na ito.

Ang kasaysayan ng Venus Protocol

Itinatag ang Venus Protocol ng isang team ng pag-develop ng produkto mula sa pandaigdigang tagaisyu ng credit card ng cryptocurrency, ang Swipe, at inilunsad ang Venus (XVS) noong 2020. Mula umpisa, nilayon nitong pagdugtungin ang tradisyonal na pananalapi at DeFi sa BNB Chain at bigyan ang mga user ng alternatibong application kung saan hindi nila mararanasan ang mga isyung naranasan nila sa Ethereum.

Bagama't sinuportahan ng Swipe ang pag-develop ng Venus Protocol, walang paunang pagmimina ng XVS token para sa mga developer, o mga founder. Dahil dito, may kumpletong kontrol ang mga may hawak ng XVS sa protocol at token.

Binabago ng Venus Protocol ang mga panuntunan nito ayon sa mga kagustuhan ng komunidad. Halimbawa, kasama sa pag-upgrade ng Venus V2 ang mas matataas na multa sa liquidation ng VAI. Naglagay rin ito ng bayarin para sa pag-mint ng VAI at pag-withdraw sa platform, na parehong idinagdag sa Venus Reserves Treasury. Dagdag pa rito, ang upgrade ay may kasamang airdrop ng native na Venus Reward Token (VRT) sa mga kasalukuyang may hawak ng XVS bilang reward.

Ano ang posible sa Venus Protocol?

Nagbibigay-daan ang Venus Protocol sa mga user na magpahiram at manghiram mula sa isang pool ng mga asset nang hindi nangangailangan ng pahintulot. Puwede ring mag-mint ng mga stablecoin (VAI) ang mga user gamit ang mga posisyong labis na nilagyan ng collateral, at puwede rin silang lumahok sa pamamahala sa protocol.

Pagpapahiram

Puwedeng magpahiram at makakuha ng nagbabagong yield ang mga user sa mga asset na ibibigay nila. Gumagawa ang Venus Protocol ng mga pool ng mga pinautang na cryptocurrency na ito gamit ang smart contract at pana-panahon itong nagpapamahagi ng mga vToken sa mga ito. Sa ganitong paraan, naa-unlock ng protocol ang hindi ginagamit na halaga na nasa BNB Chain na pero walang merkado ng pagpapahiram gaya ng Bitcoin at Litecoin.

Paghiram

Gumagamit ang Venus Protocol ng sistema ng pautang na labis na nilalagyan ng collateral na nag-aatas sa mga nanghihiram na mangako ng collateral bago manghiram. Halimbawa, kung may halaga ng collateral na 50% ang Ethereum, puwedeng manghiram ang mga user ng hanggang 50% ng halaga ng sarili nilang ETH. Pagkatapos, puwede silang magkaroon ng opinyon sa ratio ng collateral sa pamamagitan ng proseso ng pamamahala ng protocol.

Gayunpaman, ayon sa white paper ng Venus Protocol, karaniwang 40% hanggang 75% ang halaga ng collateral. Dapat mag-ingat ang mga user dahil kung magiging masyadong mababa ang halaga ng collateral, mali-liquidate ang kanilang posisyon. 

Pag-mint ng mga stablecoin

Fixed ang pag-mint at pag-redeem ng synthetic stablecoin na VAI sa 1 USD, bagama't puwede pa ring magbago-bago ang presyo nito ayon sa supply at demand. 

Puwedeng i-mint ng mga user ng Venus Protocol ang stablecoin gamit ang natitirang collateral mula sa mga dating pagdeposito ng vToken. Dagdag pa rito, kahit sino ay puwedeng mag-mint ng mga stablecoin nang walang sentral na awtoridad at gumamit ng mga bagong mint na stablecoin para sa mga layuning tulad ng pagkuha ng yield sa iba pang proyekto ng DeFi.

Pamamahala

Puwede ring impluwensyahan ng mga user ang hinaharap ng Venus Protocol. Ang protocol ay lubusang kinokontrol ng komunidad sa pamamagitan ng governance token nitong XVS, na isang BEP-20 token na magagamit para sa pagboto.

Puwedeng bumoto ang mga user sa ilang isyung may kaugnayan sa protocol, kasama na ang mga pagpapahusay, pagdaragdag ng mga bagong token sa protocol, pag-adjust ng mga rate ng interes, at pagrereserba ng mga paglalaan ng iskedyul ng pamamahagi. Plano rin ng Venus Protocol na gumawa ng produktong tinatawag na Venus Vault na magbibigay-daan sa mga user na mag-lock ng mga governance token para mapahusay ang kakayahan ng protocol laban sa panganib at makapagpamahagi ng mga reward sa pag-stake.

Bakit natatangi ang Venus Protocol?

Tumutulong ang Venus Protocol na magdala ng mga karaniwang serbisyo sa pagpapahiram ng pera sa mga blockchain-based na desentralisadong protocol, bagama't hindi ito ang unang gumawa noon — may mga Ethereum-based na DeFi application na may mga asset na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar na naka-lock sa mga ito.

Gayunpaman, may mga karaniwang problema ang mga application na ito, gaya ng mataas na gastusin, mabagal na network, at kakulangan ng mga cryptocurrency mula sa iba pang blockchain (hal., XRP at Litecoin). Naiiba ang Venus Protocol sa marami pang ibang money market protocol dahil nagbibigay-daan ito sa paggamit ng ibinigay na collateral hindi lang para sa paghiram, pero para na rin sa pag-mint ng mga stablecoin.

Dagdag pa rito, puwedeng makakuha ng yield ang mga user mula sa mga na-mint na token, kumpara sa iba pang protocol na nagla-lock ng mga nasabing token sa mga smart contract, nang walang pakinabang mula sa mga pinagbabatayang asset. Tinatanggal ng Venus Protocol ang pangangailangang alisin ang mga sariling asset ng isang tao sa isang money market para makapag-mint ng mga stablecoin.

Hindi tulad ng maraming kilalang stablecoin, ang mga synthetic stablecoin ng Venus Protocol ay hindi sinusuportahan ng mga tradisyonal na pinansyal na asset o fiat pero sinusuportahan ito ng isang grupo ng iba pang cryptocurrency. Higit pa rito, pinapabilis at ginagawang mas mura ng BNB Chain ang mga transaksyon habang nagbibigay ng network ng mga wrapped token at liquidity.

Mga pangwakas na pananaw

Pinagsasama ng Venus Protocol ang money market at pagbuo ng stablecoin sa iisang protocol, kung saan makikinabang ang crypto ecosystem sa pamamagitan ng pag-unlock ng collateral. Dagdag pa rito, dahil sa bilis at mababang gastusin sa transaksyon ng BNB Chain, nagiging bukas ang mga pinansyal na produktong ito sa sinumang nagmamay-ari ng cryptocurrency wallet. Ngayon, ang mga tao sa buong mundo ay puwedeng manghiram laban sa, kumita ng interes sa, at magbigay ng collateral, pati na rin mag-mint ng mga stablecoin on demand.

Iba pang babasahin