TL;DR
Ginagamit ng mga custodian ng crypto ang mga audit ng Proof of Reserves (PoR) para ipakita na hinahawakan nila nang buo ang mga pondo ng mga user. Ang Binance ay nagsasagawa at nagpa-publish sa publiko ng mga internal na pag-audit, kung saan tumutulong ang mga third-party auditor na i-verify ang mga ito gamit ang mga cryptographic na diskarte para patunayan na secure na hinahawakan ang mga pondo ng mga user sa mga reserba ng kumpanya. Puwede ring hiwalay na i-verify ng mga user ng Binance na kasama sa mga pag-audit na ito ang mga balanse ng account nila.
Panimula
Pinapangasiwaan ng mga cryptographic na patunay na gumagamit ng teknolohiya ng blockchain ang transparency ng mga pinansyal na transaksyon ng mga palitan ng crypto. Mas pinapaigting pa ng Proof of Reserves (PoR) ang transparency na ito sa pamamagitan ng paggawa ng awtorisadong framework para sa pag-audit ng mga custodian ng crypto.
Gayunpaman, bagama't nakakalamang ito, kailangan pa rin ng PoR ng mga pagpapahusay para maging mas transparent at mapagkakatiwalaan ang ecosystem.
Ano ang Proof of Reserves (PoR)?
Ang audit ng PoR ay naglalayong siguraduhin na hawak ng mga custodian nang buo ang mga pondo ng kanilang mga kliyente. Gumagamit ng mga audit ng PoR ang mga custodial na negosyo sa cryptocurrency para patunayan sa mga nagdedeposito at sa publiko na tumutugma ang kanilang mga deposito sa mga balanse nila. Isinasagawa ang mga pag-audit na ito ng mga independent na third party para mawala ang posibilidad na mapeke ang data ng reserba.
Mahalaga ang PoR sa ilang dahilan. Una, nagbibigay-daan ito sa mga user na i-verify na ang mga hawak nilang balanse sa isang palitan ng cryptocurrency, bilang halimbawa, ay may siguradong pansuportang asset. Pangalawa, nagtutulak ito sa mga negosyo na tumugon sa mga pamantayan sa transparency, na nagpapahirap para sa kanila na makisangkot sa mga kaduda-duda o ilegal na pinansyal na aktibidad.
Dapat makinabang sa PoR ang mga user at negosyo. Pinoprotektahan nito ang mga user sa pamamagitan ng pagbawas sa mga panganib sa seguridad at pag-iingat laban sa masasamang loob. Gayundin, nakakatulong ito sa mga negosyo na magpanatili ng mga user dahil ginagawa sila nitong mas mapagkakatiwalaan.
Nagiging mas transparent ang ecosystem ng crypto dahil sa kakayahang mag-audit ng mga palitan ng crypto. Halimbawa, pinipigilan ng PoR ang mga palitan na kumilos bilang mga bangko na nagpapautang ng mga idinepositong asset sa mga third party.
Gayundin, hindi makakagamit ng mga deposito ang mga palitan para mamuhunan sa iba pang protocol o negosyo. Sa madaling salita, dahil sa PoR, nawawala ang panganib na ma-maximize ng mga kumpanya ang yield at iba pang posibleng return mula sa mga hawak na asset ng customer.
Sa PoR, mapapatunayan ng sinumang entity na hawak ng isang palitan ng crypto ang lahat ng deposito ng mga user nito. Samakatuwid, natural na hinihikayat ang mga palitan na huwag gamitin nang mali ang mga balanseng ito dahil masisira nito ang tiwala sa kanila ng mga user at makakaapekto ito sa pagpapatuloy nila.
Ano ang ginagawa ng pag-verify ng PoR?
Sa pag-verify ng PoR, vine-verify ng auditor ang pagkakasama ng balanse ng bawat account gamit ang cryptography. May ilang pangunahing hakbang kung paano ito gumagana.
Una, kinukunan ng snapshot ng auditor ang lahat ng balanse ng account. Pagkatapos, kino-convert nito ang data ng pondo sa isang Merkle tree, na ginagamit para mag-ayos ng malalaking data para mas diretsahang pagproseso.
Hina-hash ang data ng balanse ng user sa isang "dahon". Pagkatapos, isang grupo ng "mga dahon" na ito ang hina-hash para makabuo ng "sanga", at isang grupo ng "mga sanga" ang hina-hash para mabuo ang "ugat".
Susunod, puwedeng gumamit ang auditor ng iba't ibang paraan para mapatunayan ang pagmamay-ari sa address ng user. Halimbawa, sa Binance, may tatlong paraan ang isang auditor para matukoy ang pagmamay-ari. Kapag pinapatakbo ng palitan ang proseso ng pag-extract para sa impormasyong ito, vine-verify rin ito ng mga auditor.
Cryptographic na pagpirma ng mensahe: Bibigyan ng isang auditor ang palitan ng isang natatanging mensahe na pipirmahan sa cryptographic na paraan gamit ang kanilang (mga) nauugnay na pribadong key.
Paggalaw ng mga pondo ayon sa tagubilin: Aatasan ang palitan na magsagawa ng “paggalaw ng mga pondo ayon sa tagubilin”, kung saan maglilipat ang pamunuan ng isang partikular na halaga mula sa isang pampublikong key/address sa isang partikular na oras at kukunin nila ang hash ng transaksyon para i-verify ang transaksyon ayon sa tagubilin sa kaukulang blockchain.
Maghanap ng mga address sa isang blockchain explorer: Puwede ring hanapin ng auditor ang (mga) address ng ETH at BSC (sa sitwasyon ng Binance) sa Etherscan at BscScan, ayon sa pagkakasunod-sunod, para matiyak na na-tag na nabibilang sa palitan ang mga address.
Kung tumutugma ang mga balanse mula sa mga anyong ito ng pagtuklas, na-verify na ng palitan ang PoR at naipakita na nito na hawak nito ang lahat ng naidepositong asset sa kabuuan.
PoR: Mga limitasyon at potensyal na pagpapahusay
Nagbabago ang mga balanse ng isang palitan ng crypto habang nagpapasok at naglalabas ng mga asset ang mga user. Ang isyu sa PoR ay vine-verify lang nito ang pagiging tama ng mga balanse ng reserba sa tinukoy na oras ng pag-audit. Posible itong maging problema dahil baka huli na bago pa lumabas ang anumang isyu at baka gamitin pa ng isang custodian ang pagkakataong ito para magtago ng impormasyon.
Mahalaga ring tandaan na mga third-party na negosyo ang nagsasagawa ng mga pag-audit, na nangangahulugan na posibleng nakadepende ang mga resulta ng pag-audit sa kakayahan ng bawat auditor o kung naiimpluwensyahan ba sila ng mga panlabas na interes.
Pero paano mapapahusay ng isang palitan ng crypto ang mga audit nito ng PoR para makabuo at makapagpanatili ng tiwala ng mga user? Puwede itong magsimula sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga agwat sa pagitan ng mga pag-audit para matiyak na walang kahina-hinalang pinansyal na aktibidad sa pagitan ng mga cycle. Puwede ring gumamit ang isang palitan ng mapagkakatiwalaang third-party na kumpanya na walang pinansyal na interes dito o sa mga kaugnay nitong grupo.
Gumagamit ng PoR ang mga palitan ng crypto para makapagbigay pa ng transparency, na mahalaga sa mga panahon ng kaguluhan sa pananalapi. Dahil gumagamit ito ng matematika at cryptography sa halip na tiwala at komunikasyon lang gaya ng ginagawa ng tradisyonal na sistema ng pagbabangko, makakapag-alok ang teknolohiya ng blockchain ng mas maganda pang paraan para i-audit ang pinansyal na merkado.
Pag-verify na na-audit ang iyong account
Puwede ring ikaw mismo ang mag-verify ng pagkakasama ng iyong account sa Binance sa huling audit ng PoR. Sundin lang ang mga tagubilin sa ibaba.
Mag-log in sa iyong account sa Binance at itapat ang cursor mo sa "Wallet." Susunod, piliin ang tab na "Mga Audit".
Makikita mo ang lahat ng kamakailang audit kung saan na-verify ng proseso ng PoR ang balanse ng iyong account.
Pumili ng partikular na audit kung saan gusto mo ng higit pang impormasyon. Puwede mo ring i-download doon ang Merkle tree.
Mga pangwakas na pananaw
Puwede mong i-access ang isang audit ng PoR para malaman kung hawak ng isang custodian ng crypto ang lahat ng reserba ng mga pondo mo at ng iba pang mga user. Ang mga pag-audit ay dapat makapigil sa mga palitan ng crypto na pamahalaan sa maling paraan ang mga pondo ng mga user at tumulong na paigtingin ang transparency sa mundo ng crypto.
PoR ang unang hakbang sa pagbawi at pagpapanatili sa tiwala ng mga user ng crypto. Nagtatakda rin ito ng mas maraming kinakailangan para sa mga palitan, na sana ay maging dahilan para maging priyoridad ang mga pondo ng mga user at maging mas ligtas at mas transparent ang industriya para sa lahat.