TL;DR
Nasaksihan ng Binance Smart Chain (BSC) ang medyo tuloy-tuloy na paglago ng on-chain na aktibidad at paggamit. Pero ano ang ibig sabihin nito kaugnay ng mga numero? Ang kagandahan ng isang pampublikong blockchain ay… well, pampubliko ito. Puwede mong subaybayan mismo ang mga pagbabago.
Gusto mo bang subaybayang mabuti ang mga sukatan ng BSC pero hindi mo alam kung saan magsisimula? Walang problema, nasa amin ang perpektong gabay sa pagsisimula sa block explorer na BscScan. Sa ganitong paraan, masusubaybayan mong mabuti ang paglaki ng Binance Smart Chain.
Makikita mo ang karamihan sa mga feature na tatalakayin sa artikulong ito sa page na [Mga Chart at Istatistika] na makikita mo sa pamamagitan ng pag-hover sa [Mga Mapagkukunan] sa toolbar. Kasama rito ang mga pang-araw-araw na transaksyon, natatanging wallet address, nangungunang token, at marami pa. Maganda rin ang BscScan sa pag-alam kung valid ba ang mga smart contract at pagtingin sa mga pinakabagong NFT na koleksyon.
Panimula
Madalas nating pinag-uusapan kung paano hindi nangangailangan ng pahintulot ang mga blockchain, ibig sabihin, puwedeng makipag-interaksyon sa mga ito ang sinumang may address. Pero alam mo bang hindi rin nangangailangan ng pahintulot ang pag-develop sa mga blockchain? Ang sinumang may nauugnay na kasanayan ay puwedeng i-deploy ang kanilang DApp sa isang blockchain, at walang makakapigil sa kanila.
Kung nagpaplano kang i-access ang on-chain na data na ito, ang isang blockchain explorer gaya ng BscScan ang pinakamadaling paraan para hanapin ang lahat ng kailangan mo.
Ano ang BscScan?
1. Maghanap ng mga transaksyon at tingnan ang pag-usad ng mga ito.
2. Tingnan ang mga pinakabagong block na naidagdag sa blockchain.
3. Tingnan ang balanse ng mga wallet at anumang transaksyong ginawa nila.
4. Maghanap, magbasa, at makipag-interaksyon sa mga smart contract na na-deploy sa blockchain.
5. Alamin ang supply ng mga token at iba pang cryptocurrency.
Bakit ako kailangang gumamit ng BscScan?
Ang BscScan ay nagmula sa pinagkakatiwalaang team na nag-develop ng EtherScan, isang sikat na block explorer ng Ethereum. Higit sa reputasyon nito, matutulungan ka ng BscScan na i-navigate ang blockchain. Sa ilang batayang kaalaman sa kung paano ito gamitin, madali mong mato-troubleshoot ang mga batayang problema at tanong.
Paano ako maghahanap ng mga farm ng yield ng Binance Smart Chain?


Paano ko mahahanap ang average na gas price sa Binance Smart Chain?
Una, mag-hover sa [Mga Mapagkukunan], i-click ang [Mga Chart at Istatistika], at pagkatapos ay i-click ang [Chart ng Average na Gas Price].


Gaya ng nabanggit namin, relatibong mas mababa ang bayarin sa BSC. Sa BSC, ang 1 gwei ay 10-9 o 0.000000001 BNB. Sa average na gas price na humigit-kumulang 6.5 gwei, gagastos ka nang wala pang sampung sentimo sa pagpapadala ng 10 BNB. Sa katunayan, kung magpapadala ka ng sampu o kahit isang daang beses ng halagang iyon, hindi pa rin lalampas sa 20 sentimo ang gagastusin mo.

Mula sa kasaysayan ng transaksyon, makikita natin na nagbayad ang mga tao ng mas matataas na bayarin sa transaksyon kumpara sa karaniwan. Posibleng nadala ng ilang user ang mga luma nilang nakagawian mula sa Ethereum o iba pang blockchain. Hindi naman talaga ito kailangan. Malayo pang ma-congest ang Binance Smart Chain, kaya kung mananatiling stable ang mga kondisyon ng network, sapat na dapat ang 6.5 gwei para sa isang simpleng transaksyon.
Paano ko mahahanap ang bilang ng natatanging address sa Binance Smart Chain?

Ibig sabihin ba nito na kung may 100 natatanging address ang isang blockchain, mayroon itong 100 natatanging user? Siyempre hindi! Puwedeng gumawa ng maraming address ang sinuman. Pero salamat sa cryptography, kahit na gawin nila ito, hindi tayo mauubusan ng address sa loob ng mahabang panahon. At kahit na, medyo mahirap malaman kung ang mga address na iyon ay pag-aari ng iisang entity.
Ngayon, alam na natin na puwedeng gumawa ng maraming address ang sinuman, at ang sukatang ito ay sobrang pagtatantya sa dami ng user. Pero kahit na, binibigyan tayo ng bilang ng natatanging address ng pagtatantya sa paglaki ng network.
Paano ko mahahanap ang halaga ng pang-araw-araw na transaksyon sa Binance Smart Chain?

Ano ang mga nangungunang BEP-20 token?

Ang isang bagay na dapat tandaan dito ay ang impormasyon ng token. Maa-update ng may-ari ng token/contract ang impormasyon ng kanilang token sa BscScan para bigyan ka ng higit pang detalye tungkol sa token. Kung hindi na-verify ng team ng BscScan ang contract address ng token, posibleng hindi ito mapagkakatiwalaan.
Sa pamamagitan ng pag-wrap, nagagamit ang mga coin at token na wala sa BSC sa DeFi ecosystem ng Binance. Halimbawa, kung may hawak kang LINK at gusto mong gamitin ang iyong LINK para mag-farm sa BSC, madali lang sa iyo na tumawid gamit ang teknolohiya ng pag-wrap.
Kung gusto mong sumubok ng mga token ng pag-wrap, basahin ang Binance Bridge Project. Tandaan na bagama't relatibong madali ang pag-wrap ng coin, hindi mo ito kailangang gawin palagi. Puwede kang mag-trade na lang ng mga token na naka-wrap na para hindi mo na alalahanin ang proseso ng pag-wrap.
Ano ang mga nangungunang ERC-721 token?
Bilang default, sino-sort ang listahan ayon sa bilang ng mga paglilipat sa nakalipas na 24 na oras.

Compatible ba ang BscScan sa mga NFT?

Kung kokopyahin natin ang contract address nito (0x0a8901b0E25DEb55A87524f0cC164E9644020EBA) sa search bar ng BscScan, makakakita tayo ng maraming impormasyon tungkol sa series:

Para magbanggit ng ilan, puwede tayong tumingin sa anumang paglilipat ng mga NFT sa series na ito, aling mga wallet address ang humawak sa mga ito, at ilang wallet ang may mga ganito. Gayunpaman, hindi mo makikita ang litrato, kanta, file, o asset na naka-attach sa NFT. Hindi ito sino-store sa blockchain. Kadalasang ituturo ng metadata ng NFT ang isang website o file hosting service ng third-party kung saan mo masisiyasat at artwork o naka-attach na file.
Paano ako maghahanap ng mga validator sa Binance Smart Chain?
Sa simpleng paliwanag, ang mga validator ay ang tumitiyak na patuloy na gagana ang BSC. Sa pamamagitan ng pag-stake ng BNB, nagpoproseso sila ng mga transaksyon at nagkukumpirma ng mga bagong block. Bilang kapalit ng kanilang serbisyo, kumikita sila ng bayarin sa transaksyon na nagmumula sa aktibidad sa network.

Sino ang puwedeng maging validator? Well, kahit sino naman, pero medyo mataas ang mga kinakailangan. Siyempre, dahil seguridad ng network ang nakasalalay. Kung gusto mong magbasa nang higit pa tungkol sa kung paano maging isang validator sa Binance Smart Chain, basahin ang gabay na Mga Dokumento ng Binance Chain.
Paano mag-verify ng mga smart contract sa BscScan?
Puwedeng maglagay ang mga user ng BscScan ng anumang contract address para i-verify ito at malaman kung ang naka-compile na code ay kapareho ng gumagana sa blockchain na ito. Madali lang itong makita - makakakita ka ng berdeng tick sa tabi ng kontrata sa toolbar at abisong [Na-verify ang Source Code ng Kontrata].

Mga pangwakas na pananaw
Ikaw man ay beterano na sa DeFi o baguhan pa lang sa pag-farm ng yield sa BSC network, ang pag-alam kung paano gamitin ang BscScan ay makakatulong sa iyo na mas maunawaan ang isang blockchain. Gayunpaman, tandaan na ang mga merkado ay irasyonal, mahirap hulaan, at bulnerable sa mga panahon ng matinding volatility. Mahalaga ang pagsasagawa ng sarili mong pananaliksik para magtagumpay sa pag-trade o yield farming. Posibleng kasama rito ang pagtingin kung sertipikado ba ng team ng BscScan ang isang token, kung open-source ba at na-audit ang kontrata, at ang pagpunta sa blog o mga social media account ng proyekto para malaman ang higit pa. Tiyaking nauunawaan mo ang mga panganib ng pagsali sa DeFi bago ka pumasok.