TL;DR
Ang MetaMask ay isang crypto wallet app at browser extension na pangunahing nakikipag-interaksyon sa mainnet ng Ethereum. Para i-download ang extension, puwede mong bisitahin ang opisyal na website ng MetaMask.
Bukod sa Ethereum, puwede ring makipag-interaksyon ang Metamask sa iba pang network gaya ng Fantom. Para gawin ito, kakailanganin mong magbigay ng ilang impormasyon sa MetaMask. Kasama rito ang isang custom na RPC URL, chain ID, at pangalan ng network. Pagkatapos, makakapagdagdag ka na ng mga token ng Fantom kapag na-import mo na ang address ng token.
Ang pagdaragdag ng mga bagong blockchain sa MetaMask ay isang mahalagang kaalaman sa crypto na nalalapat sa iba pang EVM network gaya ng Binance Smart Chain.
Panimula
Pag-install at pag-set up ng MetaMask

2. Kapag na-download at na-install mo na ang extension, i-click ang [Magsimula] sa welcome page ng MetaMask.

3. Para sa mga bagong user ng wallet, i-click ang [Gumawa ng Wallet]. Kung may wallet ka na, puwede mo itong i-import gamit ang seed phrase sa opsyong [i-import ang wallet].

4. Itatanong sa iyo ng MetaMask kung gusto mong makatulong sa pagpapahusay sa extension sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anonymous na data ng paggamit. Ang pagtanggap o pagtanggi rito ay hindi makakaapekto sa karanasan mo sa MetaMask.

5. Gumawa ng secure na password. Gagamitin ito para mag-log in sa iyong wallet. Tandaan na ang iyong password ay hindi ang seed phrase mo. Pinoprotektahan ng password ang iyong wallet mula sa sinumang gumagamit ng device mo. Nagbibigay-daan sa iyo ang seed phrase na ma-access ang iyong crypto kahit na malimutan mo ang password mo.

6. Ngayong nagawa mo na ang password mo, magbibigay ang MetaMask ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong seed phrase. Kung bago ka sa mga crypto wallet, tiyaking basahin ang seksyong ito at panoorin ang video bago magpatuloy.

7. Pagkatapos, i-click ang lock para matanggap ang iyong seed phrase na may 12 salita. Isulat ang mga salita sa tamang pagkakasunod-sunod at itabi ito sa isang ligtas na lugar (maganda kung offline). Huwag ibahagi ang iyong seed phrase sa iba. Kung mawawalan ka ng access, ang seed phrase ay ang huling backup sa account mo. I-click ang [Susunod] para magpatuloy.

8. Kumpirmahin ang iyong seed phrase sa pamamagitan ng pagpili sa mga salita sa ibaba ng screen sa tamang pagkakasunod-sunod. Kapag nakumpleto na, i-click ang [Kumpirmahin].

9. Nakumpleto mo na ang pag-set up sa iyong MetaMask wallet. Para simulang gamitin ang iyong wallet, i-click ang [Tapos na Lahat].

10. Para sa mabilis na access, i-click ang puzzle na icon sa Chrome browser para i-pin ang MetaMask sa iyong toolbar. Bilang default, sa Ethereum lang nakakonekta ang Metamask. Sa susunod na seksyon, matututuhan mo kung paano ikonekta ang MetaMask sa Fantom.

Pag-configure ng wallet
1. Kakailanganin mong magbigay ng ilang detalye ng network para magdagdag ng suporta sa Fantom sa iyong MetaMask wallet. Una, buksan ang MetaMask at i-click ang dropdown na menu ng network.

2. I-click ang [Magdagdag ng Network] sa pop-up.

3. Sa page na [Magdagdag ng network], ilagay ang mga sumusunod na detalye. I-click ang [I-save] kapag tapos ka na.
Pangalan ng Network | Fantom |
Bagong RPC URL | Pumili ng alinman sa mga sumusunod: |
Chain ID | 250 |
Simbolo ng Currency | FTM |
URL ng Block Explorer | https://ftmscan.com/ |

4. Matagumpay ka nang nakakonekta sa network ng Fantom.
Pagdaragdag ng mga token ng Fantom sa MetaMask
Para magdagdag ng mga token ng Fantom bukod pa sa FTM, kakailanganin mo itong manu-manong gawin. Makakatanggap pa rin ang iyong wallet ng mga token na hindi na-import.

2. Bumalik sa MetaMask at i-click ang [Mag-import ng mga token].

3. Kopyahin at i-paste ang address ng kontrata ng token, at awtomatikong pupunan ng MetaMask ang iba pang detalye. Manu-manong ilagay ang mga ito kung hindi mapupunan ang impormasyon. I-click ang [Magdagdag ng Token] para tapusin ito.

4. I-click ang [Mag-import ng Mga Token].

5. Lalabas na sa wallet mo ang token na idinagdag mo kasama ang tamang balanse.
