Paano Idagdag ang Avalanche sa MetaMask?
Home
Mga Artikulo
Paano Idagdag ang Avalanche sa MetaMask?

Paano Idagdag ang Avalanche sa MetaMask?

Baguhan
Na-publish Jan 18, 2022Na-update Nov 11, 2022
6m

TL;DR

Ang MetaMask ay isang cryptocurrency wallet na puwedeng i-download sa Chrome at Firefox bilang browser extension o bilang App sa mga iOS at Android device. Nagbibigay-daan ito sa mga user na mag-store ng crypto at makipagtransaksyon gamit ito sa pamamagitan ng simpleng interface. 

Nagbibigay-daan ang MetaMask sa mga user na makipag-interact sa mga ecosystem ng DeFi sa Ethereum at iba pang network ng blockchain, gaya ng Binance Smart Chain, Polygon, at Avalanche. Ituturo sa iyo ng gabay na ito kung paano ikonekta ang MetaMask mo sa network ng Avalanche.

Kung ginagamit mo na ang network ng Avalanche, tandaan na ang C-Chain wallet lang ang compatible sa MetaMask. Kaya para maglipat ng AVAX mula sa iyong Avalanche wallet, kailangang nasa C-Chain wallet mo ang iyong mga token. Puwede mo ring ilipat ang iyong AVAX sa MetaMask mula sa isang exchange wallet na may naka-integrate na C-Chain, gaya ng Binance.


Panimula

Para makipag-interact sa blockchain at mga DApp ng Avalanche, kailangan mo ng compatible na cryptocurrency wallet, gaya ng MetaMask. Pero bago ka makagamit ng mga Avalanche token sa MetaMask, kailangan mong idagdag ang network ng Avalanche sa iyong wallet. Ipapakita sa iyo ng gabay na ito kung paano iyon gawin.


Paano i-set up ang MetaMask?

Kung may MetaMask wallet ka na, pumunta sa susunod na seksyon para malaman kung paano ikonekta ang iyong wallet sa Avalanche at magdagdag ng mga AVAX token. Kung wala ka pang MetaMask wallet, sundin ang mga hakbang na ito para i-set up ito.

1. I-download at i-install ang extension ng MetaMask sa Chrome, iOS, o Android sa pamamagitan ng opisyal na website ng MetaMask. Siguraduhin na ang opisyal na website ang ginagamit mo bago mo i-download ang extension.


2. Dapat mong makita ang fox ng MetaMask sa screen ng pagbati pagkatapos mag-install. I-click ang [Magsimula].


3. I-click ang [Gumawa ng Wallet] para gumawa ng MetaMask wallet mo, o i-click ang [Mag-import ng wallet] para mag-import ng lumang wallet gamit ang iyong seed phrase.


4. Tatanungin ka kung gusto mong magbahagi ng anonymous na data ng paggamit sa MetaMask para matulungan silang pagandahin ang extension. Anuman ang pipiliin mo, hindi ito makakaapekto sa paggamit mo sa MetaMask.


5. Ngayon, gumawa ng secure na password para sa wallet mo.


6. Bago ka magsimula, kailangan mong i-back up ang seed phrase ng iyong wallet. Ito ang magbibigay-daan sa iyong i-restore ang wallet mo kung mawawalan ka ng access sa iyong device o makakalimutan mo ang iyong password. Kung hindi ka pamilyar kung paano gumagana ang isang crypto wallet, siguraduhing panoorin ang video at basahin ang impormasyon. Kapag handa ka na, i-click ang [Susunod].


7. Susunod, matatanggap mo ang iyong seed phrase. I-click para ipakita ang mga salita at isulat ang mga ito sa tamang pagkakasunod-sunod. Dapat mong itabi ang iyong seed phrase sa ilang secure na offline na lokasyon at huwag na huwag mo itong ibabahagi kahit kanino.


8. Para masiguradong na-back up mo nang tama ang seed phrase, kailangan mo itong ulitin sa pamamagitan ng pagpili sa mga salita sa ibaba sa tamang pagkakasunod-sunod. I-click ang [Kumpirmahin] para magpatuloy.


9. Handa na ngayong magamit ang MetaMask wallet mo. I-click ang [Tapos na Lahat] para pumunta sa iyong wallet.


10. Puwede mong i-pin ang iyong MetaMask wallet sa Chrome browser mo para madali mo itong ma-access. I-click ang icon ng puzzle at pagkatapos ay ang icon ng pin sa tabi ng [MetaMask] para i-pin ito sa toolbar.


Paano ikonekta ang Avalanche sa MetaMask?

Bilang default, nakakonekta ang MetaMask wallet sa Ethereum mainnet. Para maidagdag ang Avalanche sa wallet mo, kailangan mong idagdag ang mga detalye ng network nito sa extension.

1. Buksan ang iyong wallet extension at i-click ang dropdown na menu ng network.


2. I-click ang [Magdagdag ng Network].


3. Ire-redirect ka sa page na [Magdagdag ng network]. Kopyahin at i-paste ang mga sumusunod na detalye at i-click ang [I-save].

Pangalan ng Network

Network ng Avalanche

Bagong RPC URL

https://api.avax.network/ext/bc/C/rpc 

Chain ID

43114 o 0xa86a

Simbolo ng Currency

AVAX

URL ng Block Explorer

https://snowtrace.io/ o https://cchain.explorer.avax.network/ 


4. Nakakonekta na ngayon ang MetaMask wallet mo sa network ng Avalanche.


Paano magpadala ng mga AVAX token sa MetaMask?

Pagkatapos ikonekta ang network ng Avalanche, puwede mo nang ipadala sa MetaMask ang iyong mga Avalanche token (AVAX) mula sa isa pang Avalanche wallet.

May 3 blockchain sa network ng Avalanche: ang Exchange Chain (X-Chain), ang Contract Chain (C-Chain), at ang Platform Chain (P-Chain). 

Tandaan na ang C-Chain lang ang compatible sa MetaMask, ibig sabihin, ang C-Chain lang ang puwede mong gamitin para maglipat ng AVAX sa iyong MetaMask wallet. Mag-ingat! Kung maling chain ang pipiliin mo, baka mawala sa iyo ang mga token mo.

1. Mag-log in sa iyong Avalanche wallet at tingnan kung nasaan ang mga AVAX token mo mula sa kahong [Balanse] sa itaas.


Kung nasa X-Chain wallet mo ang iyong mga AVAX token, kailangan mong ilipat ang mga iyon sa iyong C-Chain bago mo maipadala ang mga iyon sa MetaMask.

1.1. I-click ang [Cross Chain] sa kaliwang menu bar.


1.2. Piliin ang [C Chain] bilang destinasyong chain. Pagkatapos, ilagay ang halagang gusto mong ilipat mula sa iyong X-Chain wallet at i-click ang [Kumpirmahin]. Tandaan na kakailanganin mong magbigay ng maliit na bayad sa transaksyon.


2. Ngayon, pumunta sa [Magpadala] mula sa kaliwang menu bar. 


3. Piliin ang [C] bilang pagmumulang chain. Ilagay ang halagang gusto mong ipadala sa MetaMask.


4. Ngayon, pumunta sa iyong MetaMask wallet at kopyahin ang address.


5. Bumalik sa iyong Avalanche wallet, hanapin ang field na [Patutunguhang Address], at i-paste ang address ng MetaMask wallet. Tingnan ang bayad sa gas at i-click ang [Kumpirmahin] para maglipat. Kapag nakumpirma na ang transaksyon, makikita mo ang AVAX sa iyong MetaMask wallet.


Paano magpadala ng mga AVAX token sa MetaMask mula sa Binance?

Puwede ka ring magpadala ng AVAX mula sa palitan ng Binance papunta sa MetaMask.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Pangkalahatang-ideya ng Wallet]. I-click ang [Mag-withdraw].


2. Piliin ang [AVAX].


3. Pumunta sa iyong MetaMask wallet at kopyahin ang address.


4. Ngayon, bumalik sa Binance at i-paste ang MetaMask address sa field na [Address]. Pagkatapos, piliin ang network at ilagay ang halagang ililipat. Siguraduhing pipili ka ng compatible na network, kung hindi, baka mawala ang mga asset mo. I-click ang [Mag-withdraw] para magpatuloy.


5. Kailangan mong kumpirmahin na nauunawaan mo ang mga potensyal na panganib na nauugnay sa mga pag-withdraw ng mga asset bago magpatuloy. Basahin at lagyan ng check ang kahon bago mo i-click ang [Kumpirmahin].


6. May makikita kang pop-up na window na may mga detalye ng iyong pag-withdraw. Dapat mong tingnan nang mabuti ang mga detalye bago ka magpatuloy.


7. Susunod, ipapa-verify sa iyo ang paglilipat mo gamit ang mga 2FA device. I-click ang [Isumite] at ipapadala ang iyong AVAX sa MetaMask wallet mo.



Mga pangwakas na pananaw

Bagama't noong umpisa, binuo ang MetaMask para sa Ethereum, magagamit mo na ito ngayon sa maraming network ng blockchain, kasama ang Avalanche, Binance Smart Chain, Polygon, at iba pa. Kapag natutunan mo kung paano idagdag ang bawat network nang manu-mano, mae-explore mo ang iba't ibang platform ng DeFi at DApp ng bawat ecosystem ng blockchain, gaya ng PancakeSwap, Uniswap, SushiSwap, at OpenSea.