Ang Pinakamagagandang Crypto Wallet para sa BNB Smart Chain (BSC)
Home
Mga Artikulo
Ang Pinakamagagandang Crypto Wallet para sa BNB Smart Chain (BSC)

Ang Pinakamagagandang Crypto Wallet para sa BNB Smart Chain (BSC)

Baguhan
Na-publish Jul 30, 2021Na-update Dec 28, 2022
7m

TL;DR

Depende sa iyong mga pangangailangan ang pagpili ng crypto wallet. Ang seguridad, kustodiya, at paggamit ng mga smart contract ay mahahalagang puntong dapat isaalang-alang. Puwede mo ring i-access ang iyong wallet sa iba't ibang device.

Para sa mga browser extension wallet, magagandang opsyon ang MetaMask, MathWallet, at Binance Chain Wallet. Kung mas gusto mo ng karanasan sa mobile, available ang MetaMask, MathWallet, Trust Wallet, at SafePal para sa iOS at Android. Desentralisado ang mga ito at sino-store ng mga ito sa device mo ang iyong pribadong device. Nag-aalok din ang SafePal ng cold storage na hardware wallet para sa sinumang naghahanap ng pinakamataas na seguridad. Maliban sa bersyong hardware, libreng gamitin ang lahat ng nabanggit na crypto wallet.


Panimula

Bago-bago pa ang BNB Smart Chain (BSC), kaya hindi lahat ng wallet ay sumusuporta sa mga BEP-20 token. Kapag nakahanap ka ng wallet na sumusuporta sa BSC, may ilang uri at opsyon na mapagpipilian. Mahalagang isaalang-alang ang kustodiya, seguridad, at kakayahang magamit, at ang lahat ay may mga priyoridad na inuuna. Medyo magkakaiba ang limang wallet sa ibaba, kaya ang pinakamainam mong gawin ay subukan ang mga iyon at tingnan kung ano ang gusto mo.

cta1


Anong uri ng crypto wallet ang dapat kong gamitin?

Bago ka pumili ng partikular na wallet, pag-isipan kung ano ang kailangan mo. Hindi lang isang uri ng wallet ang mayroon. Hindi custodial ang karamihan ng mga BSC wallet, ibig sabihin, may kontrol ka sa iyong pribadong key. Ang mga BSC wallet ay karaniwang mga hot wallet kung saan mabilis kang makakakonekta sa mga DApp o makakapagsimulang mag-stake. May mga bentahe at kahinaan ang bawat uri.

1. Custodial - Hawak ng wallet provider ang iyong pribadong key. Ganito ang sitwasyon sa iyong mga digital asset sa wallet ng isang palitan. Kung hindi mo pagmamay-ari ang iyong pribadong key, hindi mo kontrolado nang buo ang iyong wallet. Malamang na hindi ka rin makakakonekta sa mga DApp. Halimbawa, kung gusto mo lang mag-spot trade ng mga BSC token at iba pang cryptoasset, makatwirang opsyon ang custodial wallet. Pero mag-ingat. Bagama't ligtas itong gawin sa Binance, hindi mo dapat ipagkatiwala ang iyong mga pondo sa anumang custodial wallet o palitan. 

2. Hindi custodial - Ikaw ang nagmamay-ari sa iyong mga pribadong key. Ito ang pinakaligtas na opsyon para sa karamihan ng mga trader at namumuhunan, hangga't pag-iingatan nila ang kanilang mga key at seed phrase. Ang mga wallet na tatalakayin namin mamaya ay puro mga hindi custodial na opsyong magbibigay-daan sa iyong gumamit ng mga DApp.

3. Mga hot wallet - Ang mga crypto wallet na ito ay nakakonekta sa internet at kadalasang hindi custodial (maliban na lang kung gumagamit ka ng sentralisadong palitan). Maginhawang gamitin ang mga hot wallet para sa pagsasagawa ng mga transaksyon pero may mga kasamang panganib sa seguridad ang mga ito. Hinahawakan ang iyong pribadong key online kasama ng pampublikong key mo at kadalasang naa-access ito gamit ang password na itinakda ng user. Gaya ng anumang serbisyong protektado ng password, puwede kang ma-hack o ma-phish. Para mabawasan ang mga panganib, dapat ka ring gumamit ng mga paraan ng two-factor authentication (2FA).

4. Cold wallet - Iso-store mo ang iyong pribadong key offline sa espesyal na hardware. Ang opsyong ito ang pinaka-secure na paraan ng paghawak sa iyong mga BSC token, pero kadalasang ito ang pinaka-hindi praktikal na paraan para sa pagsasagawa ng mga transaksyon at paggamit ng mga DApp.

Madali kang makakagamit ng kumbinasyon ng mga nasa itaas para mapagsama-sama ang mga kalakasan ng mga ito. Gayunpaman, para sa mga pang-araw-araw na transaksyon at DeFi application, mahusay at naiaangkop na opsyon ang hindi custodial na hot wallet. Tingnan natin ang ilan sa mga pinakasikat na opsyon.


MetaMask

Ang MetaMask ay isang browser extension at mobile app crypto wallet na sumusuporta sa BSC at iba pang blockchain, kasama na ang Ethereum, Polygon, at Binance Chain. Binuo ang MetaMask noong 2016 ng ConsenSys, isang kilalang kumpanya ng blockchain. Sa loob ng maraming taon, ang extension lang ng MetaMask ang iniaalok nito, kaya naman ito pa rin ang pinakasikat nilang produkto. 

Nagbibigay-daan sa iyo ang browser extension ng MetaMask na magsagawa ng mga transaksyon at gumamit ng mga smart contract at DApp.

metamask


Gamit ang MetaMask, makakakonekta ka rin sa iba't ibang network ng blockchain (puwede kang magdagdag ng mga custom na mainnet). Magbibigay-daan din ito sa iyong pumirma ng mga transaksyon, pamahalaan ang iyong mga pampubliko at pribadong key, at nag-aalok ito ng serbisyo ng Swaps na nagbibigay ng pinakamagagandang presyo mula sa maraming Decentralized Exchange (DEX). Ang MetaMask ay isang sikat na opsyon para sa mga user ng BSC dahil simple at madali itong gamitin.


Binance Chain Wallet 

Ang Binance Chain Wallet ay isang opisyal na browser extension wallet mula sa Binance. Sa kasalukuyan, sinusuportahan ng wallet ang Binance Chain, BSC, at Ethereum. Kumpara sa iba pang wallet na tatalakayin, isa ang Binance Chain Wallet sa mga pinaka-basic. Kung pangunahin kang humahawak ng crypto sa palitan ng Binance pero gumagamit ka ng mga DApp paminsan-minsan, posibleng makatulong ang feature nito na Wallet Direct.

wallet connect


Sa pamamagitan ng pagkonekta ng iyong account sa Binance sa Binance Chain Wallet, puwede kang maglipat ng mga crypto-asset gaya ng Binance Coin (BNB) o ETH sa pagitan ng dalawa nang hindi manu-manong naglalagay ng mga address. Kung interesado ka, tingnan ang Paano Gamitin ang Binance Chain Wallet.

bcw cta


Trust Wallet

Ang Trust Wallet ay isang open-source na mobile wallet app na available para sa iOS at Android. Ito rin ang opisyal na desentralisadong wallet ng Binance at sinusuportahan nito ang mga nangungunang blockchain ng ecosystem ng Ethereum, BSC, Binance Chain, at higit pa. Mayroon ka ring kumpletong access sa iyong mga pribadong key gamit ang isang seed phrase. May ilang karagdagang naka-built in na functionality ang app, kasama na ang pagbili ng crypto gamit ang credit o debit card at isang non-fungible token (NFT) wallet. Ang bersyon sa Android ay mayroon ding browser para sa mga DApp.

Ang Trust Wallet ay may utility at governance token, ang TWT. Sa pamamagitan ng paghawak ng token, puwede kang sumali sa pagdedesisyon, gaya ng pagdaragdag ng suporta sa bagong blockchain at pag-integrate ng mga bagong token. Puwede ka ring makakuha ng mga diskwento sa DEX at mga pagbili ng crypto gamit ang TWT.

trustwallet

Kung magpapasya kang subukan ang Trust Wallet, gamitin ang aming tutorial na Pagkonekta ng Trust Wallet sa BNB Smart Chain (BSC) para makapagsimula.


MathWallet

Nag-aalok ang MathWallet ng isang cryptocurrency wallet browser extension, isang web-based wallet, at isang mobile app para sa mga iOS at Android device. Sinusuportahan ito ng halos 40 iba't ibang blockchain at isa ito sa unang sumuporta sa BSC. Ang foundation na ito ay itinatag ng MATH Global Foundation noong 2017, at nakalikom na ito ng $12 milyon sa isang Series B na round ng pagpopondo na pinamunuan ng Binance Labs.

Kung gusto mong gamitin ang iisang wallet sa maraming device, napaka-flexible ng MathWallet. Madaling magpalipat-lipat sa iyong mobile device, browser extension, at web-based wallet, depende sa iyong mga pangangailangan.

math wallet


SafePal

Ang SafePal ay isang hardware wallet provider na mayroon ding desentralisadong mobile wallet app. Ang functionality nito ay katulad ng Trust Wallet na may dagdag na seksyong Decentralized Finance (DeFi). May mga link ang seksyong ito sa mga sikat nang platform ng DeFi at DApp, pati na rin browser. Kung gusto mong mag-access ng mga DApp nang hindi lumilipat ng app sa iyong device, ang SafePal ay isang naaangkop na opsyon para sa iOS at Android. Mayroon ding utility token na SFP ang proyekto na ginagamit para sa mga diskwento at bonus.

SafePal S1 Hardware Wallet

Ang SafePal S1 hardware wallet ay isang mas abot-kayang opsyon kung ihahambing sa isang Trezor device o Ledger Nano. Kung gusto mong i-store ang iyong mga BSC token offline, mas secure ito kaysa sa anumang hot wallet hangga't papanatilihin mong ligtas ang iyong device. Gayunpaman, para makagamit ng mga DApp, kakailanganin mong ilipat ang iyong mga token sa SafePal hot wallet mo.

cta2


Mga pangwakas na pananaw

Priyoridad dapat ng lahat ng may hawak ng crypto ang pagkakaroon ng wallet na mapagkakatiwalaan at stable. Ang limang wallet na binanggit dito ay pinagkakatiwalaan sa komunidad ng blockchain at may milyon-milyong user sa BSC sa buong mundo. Mas kaunti ang mga opsyon pagdating sa BSC, pero iyon din ang mga pangunahing punto: interaksyon sa DApp, kustodiya, kakayahang magamit, at pagkamaaasahan. Nakadepende rin ang lahat ng ito sa iyong user profile.

Para sa aktibong trader, ang hindi custodial na hot wallet ang pinakamabilis na paraan para makapag-trade at manatiling secure. Matutuwa ang mga nagfa-farm sa DeFi sa pagiging kapaki-pakinabang ng isang browser-extension wallet para sa mas malawak na kontrol sa pagkonekta sa mga DApp sa desktop. Kung nagho-HODL ka lang, posibleng angkop ang simpleng karanasan sa mobile.

Libreng gamitin ang mga inirekomenda naming BSC wallet maliban sa opsyong hardware. Puwede kang pumili depende sa antas ng seguridad na kailangan mo at siguraduhing gumagana ang iyong wallet sa maaasahang paraan. Pinakamahalaga sa lahat, kung nasa iyo ang mga pribadong key mo, panatilihing ligtas at secure ang mga ito.