Ano ang Harmony (ONE)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Harmony (ONE)?

Ano ang Harmony (ONE)?

Intermediya
Na-publish Mar 3, 2022Na-update Dec 28, 2022
7m

TL;DR

Ang Harmony ay isang layer-1 blockchain na gumagamit ng pag-shard at Effective Proof of Stake para magkaroon ng scalability, seguridad, at desentralisasyon. Inilunsad ang network noong 2019 at nagtatampok ito ng mga cross-chain bridge na hindi nangangailangan ng tiwala at apat na shard, na nagpoproseso ng mga transaksyon nang sabay-sabay. Hinihikayat ng Effective Proof of Stake ang desentralisasyon ng mga validator, at ipinapamahagi ng pag-shard ang load ng network sa mga validator, delegator, at user.

Ang native token nitong ONE ay ginagamit para sa bayarin sa transaksyon, pamamahala, at pag-stake. Makakabili ka ng ONE sa Binance gamit ang credit o debit card o puwede mo itong i-trade kapalit ng ibang cryptocurrency. Kapag nakabili ka na nito, puwede kang mag-store ng ONE sa mga wallet na compatible sa EVM gaya ng MetaMask at Binance Chain Wallet.


Panimula

Posibleng maging magandang ideya ang pag-explore ng iba't ibang proyektong altcoin kung naghahanap ka ng mga bagong pagkakataon o paggagamitan ng crypto. Baka napansin mo na ang network ng Harmony o nabalitaan mo na ito sa crypto media. Para matulungan kang mas maunawaan pa ang proyekto, ibinalangkas namin ang background nito, mga pangunahing punto, at ilang paraan kung paano ka makakasali.


Ano ang blockchain ng Harmony?

Ang Harmony ay isang Effective Proof of Stake (EPoS) na blockchain na itinatag noong 2018 ni Stephen Tse na may mainnet na inilunsad noong 2019. Gaya ng karamihan ng mga network pagkatapos ng Ethereum, sinasabi nito na nilulutas nito ang trilemma ng blockchain sa desentralisasyon, scalability, at seguridad. Ang sagot ng Harmony sa problema ay pag-shard at ang Effective Proof of Stake na mekanismo ng consensus nito.

Isa pang pangunahing feature ng platform ng Harmony ay ang modelo nito ng Cross-Chain Finance. Tumindi ang kasikatan ng mga cross-chain at multi-chain na kakayahan, at nagbibigay nito ang Harmony. Nag-aalok ang blockchain ng mga serbisyo sa pag-bridge sa pagitan ng BNB Smart Chain (BNB), Ethereum (ETH), Bitcoin (BTC), at iba pang network.

Nakumpleto ng Harmony ang 2019 IEO nito sa pamamagitan ng Binance Launchpad. Nakasalalay ang pangunahing pananaw ng Harmony sa pag-scale ng Web3 sa mga patunay na hindi nangangailangan ng impormasyon at mga Decentralized Autonomous Organization (DAO).


Paano gumagana ang pag-shard sa Harmony?

Isa sa mga susi ng Harmony sa pagbibigay ng seguridad, scalability, at desentralisasyon ang pag-shard. Sa pag-shard ng Harmony, hinahati ang network sa apat na seksyon na gumagana nang sabay-sabay. Mapipili ng mga user ang shard na gusto nila, na nagpapamahagi ng workload ng network. Hiwalay na ginagawa ang pag-validate, mga transaksyon, paggawa ng block, at pag-stake sa bawat shard. Kapaki-pakinabang ang pag-shard para sa Harmony dahil:

1. Hindi kailangan ng validator na magpanatili ng kumpletong kopya ng buong kasaysayan ng transaksyon ng blockchain.

2. Random na itinatalaga ang mga taga-validate sa mga shard para mapigilan ang mga mapaminsalang pag-take over sa shard. Pagkatapos ng bawat Epoch, malamang na lilipat ang mga validator sa bagong shard, at iikot ang mga pinuno.
Sa kasalukuyan, ang Harmony ay may limitasyong 250 slot ng mga validator sa bawat shard na kilala bilang mga BLS Key. Kung kinakailangan, puwedeng tumaas ang bilang ng mga shard at validator para matugunan ang demand ng network sa hinaharap. Ang shard 0 ay ang Beacon Chain at nagsisilbi itong tagapasa ng impormasyon sa pagitan ng shard 1, 2, at 3. Anumang shard ang gagamitin, humigit-kumulang dalawang segundo ang tagal ng transaksyon. 
Sa kasalukuyan, sa Beacon Chain nangyayari ang karamihan ng mga aktibidad. Hindi pa ganap na nade-develop ang buong cross-shard na pagpapatupad pero nasa plano na ito. Sa hinaharap, magbibigay-daan ang cross-shard na komunikasyon para gumana ang mga smart contract sa iba't ibang shard sa pamamagitan ng direktang pagpapadala ng mga mensahe sa pagitan ng mga node.


Paano gumagana ang Effective Proof of Stake?

Katulad ang Effective Proof of Stake (EPoS) sa karaniwang Proof of Stake (PoS) na modelo ng validator at delegator. Nagse-stake ang mga validator ng ONE (native token ng Harmony) para magpatakbo ng node at posibleng magproseso ng mga transaksyon sa pamamagitan ng proseso ng pagpili. Ise-stake ng mga delegator ang kanilang ONE sa likod ng isang validator kapalit ng isang porsyento ng mga reward ng block at bayarin sa transaksyon sa hinaharap. Kapag napili at natalagahan ng shard, gagawa ang validator ng mga block at ibabahagi niya ang kanyang mga reward sa mga delegator.

Ang pamamahagi ng reward ng EPoS ang dahilan kaya ito naiiba. Pinagsasama-sama ng karamihan ng mga PoS system ang mga reward at kapangyarihan sa likod ng maliit na bilang ng mga validator. Kung mas marami kang ise-stake, mas malaki ang kikitain at iva-validate mo. Sa kabaliktaran, binabawasan ng EPoS ang mga reward at pinaparusahan nito ang mga validator na masyadong maraming sine-stake sa iisang node. Sa totoo lang, ang mga node na may mas maliliit na stake ay nakakatanggap ng mas magagandang reward kaugnay ng laki ng mga ito, na nanghihikayat sa malalaking validator na maging desentralisado. Nakakatulong din ang ganitong sistema para maiwasan ang mga isang punto ng pagpalya.

Bukod sa pag-aalok ng secure na paraan para sa pag-validate ng mga transaksyon, nagbibigay ang EPoS ng mababang bayarin sa gas. Kaya naman isa itong nakakahikayat na alternatibo sa mataas na bayarin sa gas ng Ethereum o mga isyu sa scalability ng Bitcoin sa Proof of Work (PoW).


Ano ang ONE?

Ginagamit ang native token na ONE ng protocol ng Harmony para sa:

1. Pagbabayad ng bayarin sa transaksyon sa network.

2. Pag-stake bilang delegator o validator kapalit ng mga reward ng block.

3. Pakikilahok sa bukas na mekanismo ng pamamahala ng Harmony.

Nagbibigay ang Harmony ng regular na reward sa mga validator ng 441 milyong ONE taon-taon. Binu-burn ang bayarin sa transaksyon na may pangwakas na layuning gumawa ng net-zero state, na mag-o-offset sa ONE na ibinibigay para sa mga reward ng block.


Saan ako makakabili ng ONE?

Makakabili ng ONE sa Binance sa ilang paraan. Una, puwede kang bumili gamit ang credit o debit card gamit ang mga piling fiat currency. Pumunta sa page na [Bumili ng Crypto gamit ang Debit/Credit Card], piliin ang currency na gusto mong gamitin sa pagbabayad, at pagkatapos ay piliin ang ONE sa field na [Tumanggap]. I-click ang [Magpatuloy] para sundin ang mga tagubilin para sa pagbabayad mo.


Puwede ka ring mag-trade ng iba pang cryptocurrency kapalit ng ONE. Sa pamamagitan ng pagpunta sa view ng Palitan at pag-type ng ONE sa field para sa paghahanap ng pares sa pag-trade, makakakita ka ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paggamit sa trading view, pumunta sa Paano Gamitin ang TradingView sa Website ng Binance. Puwede ka ring bumili ng ONE sa mga decentralized cryptocurrency exchange (DEX) at marketplace gaya ng SushiSwap.


Paano ako magse-stake ng ONE?

Makakapag-stake ka ng ONE sa blockchain ng Harmony bilang validator o delegator. Ang pinakasimpleng opsyon ay mag-stake bilang delegator, kung saan kailangang makahanap ng validator na magde-delegate ng iyong mga token.

1. Para simulang mag-stake, pumunta sa Harmony Staking Explorer at pumili ng validator sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan niya.


2. I-click ang button na [I-delegate].


3. Pagkatapos, hihilingin sa iyong mag-sign in. Mapipili mong gumawa ng bagong address ng wallet sa Harmony o gumamit ng dati nang address ng wallet, gaya ng MetaMask mo. 

4. Kapag naka-log in ka na, i-click ulit ang button na [I-delegate] at piliin ang halagang gusto mong i-stake. Kung mapipili ang validator na napili mo, magsisimula na kayo ng iba pang delegator na makatanggap ng isang bahagi ng kanilang mga reward ng block.

5. Para makapag-stake bilang validator, kinakailangang magpatakbo ng node, na isang mas kumplikadong proseso. Makakakita ka ng higit pang detalye tungkol dito sa mga dokumento ng Harmony.


Paano ako magso-store ng ONE?

Dahil ang Harmony ay isang network ng blockchain na compatible sa EVM, simple lang itong idagdag sa iyong MetaMask o Binance Chain Wallet. Kung gumagamit ka ng ibang extension wallet na nagbibigay-daan sa iyong magdagdag pa ng mga network ng EVM (Ethereum Virtual Machine), magagamit mo rin iyon sa Harmony. Puwede mong sundin ang aming gabay na Pagkonekta ng MetaMask sa BNB Smart Chain at gamitin ang impormasyon ng mainnet sa ibaba:

Pangalan ng Network

Mainnet ng Harmony

Bagong URL ng RPC (Gamitin lang ang URL na naka-italics)

Shard 0: https://api.harmony.one
Shard 1: https://s1.api.harmony.one
Shard 2: https://s2.api.harmony.one
Shard 3: https://s3.api.harmony.one

ID ng Chain (Gamitin lang ang numerong naka-italics)

Shard 0: 1666600000
Shard 1: 1666600001
Shard 2: 1666600002
Shard 3: 1666600003

Simbolo ng Currency

ONE

URL ng Block Explorer

https://explorer.harmony.one/


Huwag kalimutan na binubuo ng maraming shard ang Harmony. Dapat mong gamitin ang tamang pares ng URL ng RPC at ID ng Chain kapag kumokonekta ka sa isang partikular na shard. Dapat mong gamitin ang Shard 0 para sa pakikipagtransaksyon sa mga palitan, pag-stake, o paggamit ng mga smart contract hanggang sa maging mas aktibo ang shard 1, 2, at 3.


Mga pangwakas na pananaw

Isa ka mang namumuhunan, user ng DeFi DApp, o staker, ang Harmony ay may mahusay na ecosystem na puwedeng i-explore at salihan. Kahit sa kasalukuyan nitong yugto sa roadmap, maraming puwedeng gamitin at tuklasin. Dahil mas maraming cross-shard na kakayahan ang darating sa hinaharap, siguraduhing subaybayan ang pag-usad ng Harmony sa kanilang website.