Paano Idagdag ang Polygon sa MetaMask?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Pag-install at pag-set up ng MetaMask
Pag-configure ng wallet
Pagdaragdag ng mga Polygon token sa MetaMask
Mga pangwakas na pananaw
Paano Idagdag ang Polygon sa MetaMask?
HomeMga Artikulo
Paano Idagdag ang Polygon sa MetaMask?

Paano Idagdag ang Polygon sa MetaMask?

Baguhan
Na-publish Jan 14, 2022Na-update Sep 1, 2022
5m

TL;DR

Ang MetaMask ay isang crypto wallet app at browser extension na nakakonekta sa mainnet ng Ethereum bilang default. Makikita mo ang extension sa opisyal na website ng MetaMask, na magdidirekta sa iyo sa tamang lugar para i-download ito.

Para kumonekta sa ibang network tulad ng Polygon, kakailanganin mong magdagdag ng ilang pangunahing impormasyon ng blockchain sa MetaMask. Kasama rito ang isang custom na RPC URL, chain ID, at pangalan ng network. Para magdagdag ng mga Polygon token, dapat may ma-import na address ng token.

Ang pag-alam kung paano magdagdag ng bagong blockchain sa MetaMask ay isang kakayahang magagamit mo rin sa iba gaya ng pagdaragadag ng iba pang EVM na network tulad ng Binance Smart Chain.


Panimula

Ang paggamit sa Polygon blockchain ay nangangailangan ng compatible na crypto wallet tulad ng MetaMask. Gayunpaman, bilang default, hindi nakasama ang Polygon sa MetaMask bilang network. Simple lang ang pag-set up sa browser wallet mo para kumonekta sa Polygon at magagawa ito sa loob lang ng ilang minuto.


Pag-install at pag-set up ng MetaMask

Available na i-download at i-install ang MetaMask sa Chrome, iOS, o Android sa pamamagitan ng website ng MetaMask. Palaging tingnan kung ginagamit mo ang opisyal na website para matiyak na dina-download mo ang totoong MetaMask extension.


Pagkatapos i-download at i-install ang extension, babatiin ka ng welcome page ng MetaMask. I-click ang [Magsimula] para magsimula.


Kung gumagawa ka ng bagong wallet, i-click ang button na [Gumawa ng Wallet]. Puwede ka ring mag-import ng lumang wallet gamit ang seed phrase sa pamamagitan ng opsyong [Mag-import ng wallet].


Tatanungin ka ng MetaMask kung gusto mong magbahagi ng anonymous na data ng paggamit sa kanila para tumulong na mapahusay ang extension. Ang pagtanggap o pagtanggi rito ay hindi makakaapekto sa paggamit mo ng MetaMask.


Pumili ng secure na password para mag-log in sa iyong wallet mula sa browser mo. Tandaang hindi ito ang seed phrase mo. Ang password ay isang hakbang na panseguridad para mapigilan ang sinumang gumagamit sa iyong device na ma-access ang wallet mo. Kung makalimutan mo ang iyong password, puwede mong ma-access ang iyong crypto gamit ang seed phrase mo anumang oras.


Pagkatapos piliin ang password mo, magpapakita sa iyo ang MetaMask ng impormasyon tungkol sa seed phrase ng wallet mo. Tiyaking basahin ito kung hindi ka pamilyar sa paggana ng crypto wallet.


Ipapakita na sa iyo ang seed phrase mo. I-click ang lock para tingnan ang mga salita at isulat ang mga ito sa tamang pagkakasunod-sunod. Panatilihin ang phrase sa isang secure na lugar (mas maganda kung offline) at huwag na huwag itong ibahagi sa iba. Ang string na ito ng mga numero ay ang pinal na backup ng iyong wallet at ng mga content nito. I-tap ang [Susunod] para magpatuloy.


Kailangan mo na ngayong ulitin ang iyong seed phrase sa pamamagitan ng pagpili sa mga salita sa ibaba ng screen sa tamang pagkakasunod-sunod. I-click ang [Kumpirmahin] kapag tapos na ito.


Handa na ngayong gamitin ang iyong MetaMask wallet. I-click ang [Tapos na Lahat] para tingnan ang iyong wallet.


Para ma-access nang madali ang MetaMask, puwede mo itong i-pin sa iyong Chrome browser sa pamamagitan ng pag-click sa icon na puzzle at pag-pin ng MetaMask sa toolbar. Pagkatapos ng unang pag-set up, sa Ethereum lang ikokonekta ang MetaMask. Susunod, aalamin natin kung paano ikonekta ang MetaMask sa Polygon.


Pag-configure ng wallet

Ang pagdaragdag ng suporta ng Polygon sa iyong wallet ay may kasamang pagdaragdag ng ilang detalye ng network sa extension. Una, buksan ang MetaMask at i-click ang dropdown na menu ng network.


Ngayon, i-click ang [Magdagdag ng Network] sa pop-up.


Kakailanganin mong idagdag ang mga sumusunod na detalye sa bubukas na page na [Magdagdag ng network]. I-click ang [I-save] kapag tapos ka na.

Pangalan ng Network

Polygon

Bagong RPC URL

Pumili ng alinman sa mga sumusunod:

https://polygon-rpc.com

Chain ID

137

Simbolo ng Currency

MATIC

URL ng Block Explorer

https://polygonscan.com/


Nakakonekta ka na sa network ng Polygon.


Pagdaragdag ng mga Polygon token sa MetaMask

Para lumabas sa UI ng wallet ang mga Polygon token bukod pa sa MATIC, kakailanganin mong manu-manong idagdag ang mga iyon. Tandaan na puwede pa ring makatanggap ang iyong wallet ng mga token na hindi pa nai-import.

Una, pumunta sa PolygonScan at hanapin ang kontrata ng token at mga detalye ng token na gusto mong idagdag. Kung wala sa PolygonScan ang token, tiyaking kunin ang address ng kontrata sa opisyal na website ng proyekto o mga channel sa social media. Mag-ingat sa mga pekeng kontrata na ginawa ng mga scammer.


Bumalik sa MetaMask at i-click ang [Mag-import ng mga token].


Kopyahin ang address ng kontrata ng token at dapat awtomatikong punan ng MetaMask ang iba pang detalye. Kung hindi, manu-manong idagdag ang mga iyon. Para tapusin, i-click ang [Magdagdag ng Custom na Token].


I-click ang [Mag-import ng Mga Token].


Ipapakita na ngayon ng wallet mo ang balanse ng idinagdag na token.



Mga pangwakas na pananaw

Kapag na-set up ang Polygon sa MetaMask, malaya kang makakapagsimulang gumawa ng mga transaksyon, mangolekta ng mga NFT na gumagamit ng mga DeFi DApp, at mamahala ng iyong crypto. Puwede ka pang mag-swap ng mga token nang hindi umaalis sa extension. Ang MetaMask ay hindi lang para sa network ng Ethereum at Polygon; sinusuportahan nito ang buong ecosystem ng blockchain ng Ethereum Virtual Machine (EVM), kasama ang Binance Smart Chain. Sa pagsunod sa aming gabay, naka-set up ka na ngayong magdagdag ng mas marami pang chain at magsimulang mag-explore.