Ano ang Mga Crypto Card at Paano Gumagana ang Mga Ito?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Mga Crypto Card at Paano Gumagana ang Mga Ito?

Ano ang Mga Crypto Card at Paano Gumagana ang Mga Ito?

Baguhan
Na-publish Sep 27, 2021Na-update Jun 9, 2023
8m

TL;DR

Ang isang karaniwang crypto card ay nagbibigay-daan sa iyong makakuha ng mga reward na crypto o ma-convert agad ang iyong crypto sa fiat currency para magbayad ng mga produkto at serbisyo. Parehong nag-iisyu ng mga crypto card ang Mastercard at Visa, na nangangahulugang magagamit mo ang iyong crypto sa milyon-milyong lokasyon sa buong mundo.

Ang prepaid crypto card ay katulad ng debit card dahil kailangan itong lamanan ng crypto na gagastusin. Puwede kang kumuha ng crypto card mula sa isang lisensyadong nag-iisyu gaya ng palitan ng crypto o bangko. Gayunpaman, may panganib pa rin ang mga crypto card. Puwede pa ring mawalan ng market value ang iyong mga pondong naka-store sa card, at malamang na mabuwisan ang anumang transaksyong gagawin mo gamit ang iyong card.

Gumagana ang mga crypto credit card nang mas katulad ng mga karaniwang credit card na may mga reward na crypto. Puwede mong bayaran ang bill ng iyong credit card gamit ang fiat cash pero makakatanggap ka ng mga bonus na crypto sa perang gagastusin mo. 

Nag-aalok ang Binance ng Binance Visa Card para sa mga customer na na-verify sa pamamagitan ng KYC at AML. Makukumpleto mo ang proseso ng pag-sign up sa loob lang ng ilang minuto at wala kang bayarin sa pangangasiwa o transaksyon, at makakakuha ka ng iba pang benepisyo.


Panimula

Bagama't kalakhan ng interes sa crypto ay nasa potensyal nito sa pamumuhunan, may gamit pa rin ito sa paglilipat ng halaga. Hindi ginawa ni Satoshi Nakamoto ang Bitcoin para gawing bilyonaryo ang mga tao. Gayunpaman, idinisenyo ito bilang pandaigdigang system ng mga digital na pagbabayad. Isang paraan para makamit ang layuning ito ay sa pamamagitan ng mga crypto card. Nakakatulong ngayon ang paraan ng pagbabayad na ito sa mga tao na gumamit ng crypto at mga digital asset sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at makatanggap din ng mga reward na crypto.


Ano ang crypto card?

Ang karaniwang crypto card ay gumagana katulad ng iyong debit card. Puwede kang magbayad ng mga item o serbisyo na tumatanggap sa provider ng card. Bagama't parang direkta kang nagbabayad sa isang vendor gamit ang mga digital currency, hindi ito mismo ang nangyayari. Fiat cash at hindi crypto ang natatanggap ng vendor sa kanilang account. Kinukuha ng crypto card mo ang cryptocurrency sa iyong naka-link na account, kino-convert ito sa lokal na currency kung saan ka nagbabayad, at pagkatapos ay ginagamit ang cash na ito para magbayad. Ipapaliwanag namin ito gamit ang isang halimbawa mamaya.

Parehong nag-aalok ang Visa at Mastercard ng mga crypto card sa mga partner na kumpanyang mag-a-apply para sa lisensya. Ito ang dalawang pinakakaraniwang ginagamit na provider ng pagbabayad sa buong mundo, kaya naman tinatanggap na ng halos lahat ng retailer ang mga crypto card. Ang ilang crypto card ay nag-aalok lang ng mga reward na crypto sa perang ginagastos gamit ang card. Ang mga card na ito ay karaniwang mga credit card na nangangailangan ng pagsusuri sa credit para makapag-sign up para dito.


Paano gumagana ang crypto card?

Gaya ng nabanggit namin, hindi naman binabayaran ng crypto card ang vendor gamit ang crypto. Madali nitong kino-convert ang iyong crypto sa cash na magagastos mo sa vendor sa pamamagitan ng card. 

Halimbawa, isipin mong mayroon kang $500 (US dollars) na halaga ng BNB sa Funding Wallet ng iyong Binance Card. Sa isang restaurant, babayaran mo ang $100 na bill gamit ang iyong crypto card. Kapag naipasok mo na ang iyong card at sumang-ayon ka sa pagbabayad, magbebenta ang Binance ng $100 na halaga ng BNB at ilo-load nito ang fiat sa card. Pagkatapos, mababayaran ng $100 ang restaurant, at may matitirang $400 na halaga ng BNB sa iyong Funding Wallet. Nangyayari ang lahat ng ito sa loob ng ilang segundo ng paggamit sa iyong crypto card.

Puwede ka ring gumamit ng mga crypto card para sa mga pag-withdraw sa ATM kung sinusuportahan ito ng iyong service provider. Ginagamit ang parehong paraang nasa itaas para i-withdraw ang iyong pisikal na cash.


Ano ang mga pinagkaiba ng crypto card at credit o debit card?

May ilang bahagyang pagkakaiba ang mga credit at debit card at mga crypto card. Sa pangkalahatan, pareho ang paggana ng mga ito pagdating sa pagbabayad. Ang pinakamalaking pinagkaiba ng crypto card sa credit/debit card ay maglo-load ka ng mga cryptocurrency sa iyong karaniwang crypto card. Ang debit card ay paunang nilalamanan ng mga fiat currency, at binabayaran ang mga transaksyon ng credit card sa ibang pagkakataon gamit ang fiat.

Kapareho ng tradisyonal na debit card ang paggana ng prepaid crypto card. Nasa account mo dapat ang mga pondo bago mo magastos ang mga iyon. Hindi ka puwedeng mag-load ng fiat cash sa iyong mga card; crypto lang ang puwede mong i-load dito. Kapag nagbayad ka, iko-convert agad ang iyong mga pondo sa crypto wallet mo.

Sa kabilang banda, nagbibigay ang mga crypto credit card ng linya ng credit na nagbibigay-daan sa iyong bumili ngayon at magbayad sa ibang pagkakataon. Ang Gemini at BlockFi ay parehong nag-release ng mga crypto credit card na may crypto cashback. Puwedeng bayaran ang bill ng iyong credit card sa normal na fiat currency, ibig sabihin, parang rewards credit card ang crypto credit card.

Para mag-order ng card, kailangang isa kang customer sa isang kumpanyang nagbibigay na ng crypto card, gaya ng isang palitan ng crypto o bangkong sumusuporta sa crypto. Kasama sa proseso ang pagkumpleto ng mga pamamaraan ng Know Your Customer (KYC) at Anti-Money Laundering bago ka makapag-order ng crypto card mo, tulad na lang ng anumang regular na credit o debit card. Sa crypto credit card, kakailanganin mo ring pumasa sa pagsusuri sa credit.


Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng crypto card?

Ang pangunahing benepisyo ng prepaid crypto card ay ang kakayahang gamitin ang iyong crypto para sa mga pagbili sa araw-araw. Karaniwang mahirap itong gawin maliban na lang kung direktang tumatanggap ng crypto ang isang nagbebenta. Sa kabila noon, puwedeng abutin nang 30 minuto bago makumpirma ang isang transaksyon sa ilang coin gaya ng Bitcoin. Volatile din ang presyo, ibig sabihin, posibleng mas malaki o mas maliit ang babayaran mo kaysa sa inaasahan.

Maraming crypto card ang may kasama ring mga benepisyo gaya ng mga cashback reward o diskwento sa ilang partikular na subskripsyon gaya ng Spotify o Netflix. Hinihikayat ka ng mga benepisyong ito papunta sa isang partikular na provider ng card at katulad ang mga ito ng mga iniaalok sa mga karaniwang debit/credit card. Siguraduhing ihambing kung ano ang iniaalok ng bawat card para mahanap ang pinakamagagandang benepisyo para sa iyo. Huwag ding kalimutang abangan ang posibleng bayarin sa palitan na baka kailangan mong bayaran sa proseso ng pag-convert.


Mayroon bang anumang panganib ang mga crypto card?

Kasama rin sa pagkakaroon ng crypto card ang lahat ng parehong panganib sa paghawak ng crypto. Kung nag-load ka ng Bitcoin (BTC) o Ether (ETH) sa iyong account, laging magbabago ang fiat value ng account mo. Ibig sabihin nito, posibleng hindi ang mismong naiisip mo ang eksaktong halaga ng perang nasa iyong account, depende sa mga rate ng palitan.
Dapat mo ring tandaan na sa maraming hurisdiksyon ng buwis, ang paggastos ng crypto ay nabubuwisan. Hindi mahalaga kung ilang dolyar lang ang gagastusin mo sa pagbili ng kape o libo-libong dolyar ang gagastusin mo sa pagbili ng kotse. Kung may kinita o nalugi ka sa iyong crypto bago mo ito gamitin para bumili ng isang bagay gamit ang crypto card, kakailanganin mong bayaran o ikaltas ang naaangkop na nabubuwisang halaga.
Maiiwasan mo ang problemang ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga stablecoin na gagamitin sa iyong crypto card, dahil napakabihirang magbago ng presyo mula sa naka-peg na halaga nito.


Ano ang Binance Card?

Ang Binance Card ay isang Visa debit card na nakakonekta sa iyong account sa Binance. Sa pamamagitan ng paglalagay ng laman sa Funding Wallet ng iyong card, puwede kang gumastos ng crypto saan man tinatanggap ang Visa. Gumagana ito katulad ng mga prepaid crypto debit card na binanggit sa itaas.


Saang mga bansa available ang Binance Card?

Available lang ang Binance Card sa mga user na mula sa mga piling bansa, kasama na ang: 

Austria, Belgium, Bulgaria, Croatia, Republic of Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Gibraltar, Greece, Hungary, Iceland, Ireland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, at Sweden.


Paano mag-apply para sa Binance Card

Simple lang kumuha ng card kung mayroon ka nang account sa Binance at nakatira ka sa kwalipikadong bansa. Kung hindi ka pa nakarehistro sa Binance, puwede mong sundin ang aming Gabay para sa Baguhan sa Binance at makakapag-set up ka sa loob lang ng ilang minuto. Kakailanganin mong kumpletuhin ang lahat ng nauugnay na proseso ng KYC at AML bago ka matagumpay na makapag-apply para sa Binance Card.
Para ma-order ang iyong card, siguraduhing naka-log in ka at pumunta sa page ng Binance Card. Puwede ka ring pumunta sa page na ito sa pamamagitan ng pag-hover sa [Pananalapi] sa homepage ng Binance at pag-click sa [Binance Visa Card].


Susunod, i-click ang [Magsimula], pagkatapos ay [Mag-order ng Card]. May makikita ka na ngayong ilang impormasyon sa KYC at isang kasunduang kailangang kumpirmahin.


Pagkatapos magkumpirma, mapupunta ka sa page para sa Pag-order ng Card. Mapipili mo rito ang format ng iyong pangalan na lalabas sa card. Kapag nakumpirma mo na ang napili mo, i-click ang [Magpatuloy].



Makikita mo ang iyong mga detalyeng paunang nailagay gayundin ang kulang na impormasyon na kailangan mong punan. Bilang pangwakas, sumang-ayon sa Patakaran sa Privacy, Mga Tuntunin ng Paggamit, at Kasunduan para sa May-ari ng Card bago i-click ang [I-order ang Iyong Binance Card].

Kapag na-order mo na ang iyong card, magkaka-access ka rin sa virtual card na magagamit mo bago dumating ang iyong pisikal na card. Puwede mong idagdag ang card na ito sa Google Pay Send, at puwede mo rin itong gamitin sa mga online na pagbili. Kung mas gusto mong gamitin ang Binance mobile app, puwede mo ring i-order ang card mo roon. Para sa mga higit pang detalye kung paano mag-order ng Binance Card, pumunta sa aming FAQ.


Mga benepisyo ng paggamit ng Binance Card

Maliban sa pagbibigay-daan sa iyong gastusin ang crypto mo sa mga tindahan, sa mga restawran, at sa mga tumatanggap ng VISA sa buong mundo, may ilan ding natatanging benepisyo at perk ang Binance Card.

1. Walang Bayarin - Libre ang Binance Visa Card para sa sinumang user ng Binance. Walang bayarin sa pangangasiwa, bayarin sa pagproseso, o taunang bayarin sa Binance, pero posibleng magkaroon ka ng bayarin sa third party paminsan-minsan.
2. Puwede mong patuloy na hawakan ang iyong crypto - Hindi kailangang ipapalit ang iyong crypto sa fiat bilang paghahanda sa pagbili ng isang bagay. Kino-convert ito ng Binance kung kailan mo ito mismo kailangan, na nangangahulugang posible pa ring kumita sa merkado ang iyong crypto. 
3. Hanggang 8% cashback - Depende sa iyong buwanang average na balanse sa BNB, makakakuha ka ng hanggang 8% cashback sa lahat ng pagbili mo. Ibibigay sa iyo ang cashback na ito sa BNB sa account mo sa Binance. Puwede kang magbasa pa ng mga detalye tungkol sa programa sa cashback dito.
4. Ligtas ang mga pondo - Ang iyong mga pondo sa crypto ay SAFU at protektado ng Binance. Mataas ang antas ng kaligtasan ng Binance at gumagamit ito ng mahuhusay na pamantayan sa seguridad.


Mga pangwakas na pananaw

Kung mayroon kang kaunting crypto na ayaw mo nang i-HODL, pinapasimple ng crypto card ang pag-convert sa fiat. Kung hindi ka gagamit ng crypto card, kakailanganin mong dumaan sa proseso ng pag-convert at ilipat ang fiat nang manu-mano sa iyong bank account. Puwedeng abutin nang ilang araw para magawa ito, depende sa iyong bangko at palitan ng cryptocurrency. Tunay na isa ang crypto card sa pinakamabibilis na paraan para magamit ang iyong crypto sa pagbili ng mga bagay at isa itong tanggap na pag-unlad. Gayunpaman, laging siguraduhin na magpapanatili ka ng mga talaan ng mga ginagastos mo para sa buwis.