TL;DR
Sa maraming bansa, napapailalim sa buwis ang mga cryptocurrency. Madalas na nabubuwisang mga event ang pag-trade, paggastos, o pagbebenta ng iyong crypto. Para kalkulahin ang iyong mga buwis, kakailanganin mong isaalang-alang ang mga kita at pagkalugi ng kapital mo. Posibleng kailangan mo ring magbayad ng mga income tax kung tatanggap ka ng crypto bilang bayad.
Iba-iba ang bawat hurisdiksyon, kaya tiyaking kumonsulta sa isang tagapayo sa buwis. Madalas na nakikipagtulungan ang mga awtoridad sa pagbubuwis sa mga palitan ng crypto para subaybayan ang mga transaksyon sa crypto. Kung susubukan mong takasan ang pagbabayad ng buwis, puwede kang singilin ng multa o maharap sa mas matitinding parusa.
Panimula
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang ilang batayang prinsipyong nalalapat sa pagbubuwis ng crypto sa pangkalahatan. Dahil nag-iiba-iba ayon sa bansa ang panregulasyong balangkas para sa pagbubuwis ng mga cryptocurrency, palagi naming inirerekomenda ang pagkonsulta sa isang propesyonal sa lokal na buwis.
Kailangan ko bang magbayad ng mga buwis kapag bumibili o nagbebenta ng crypto?
Walang iisang sagot sa tanong na ito. Nakadepende ang iyong mga buwis sa iyong lokasyon, gaano mo na katagal hawak ang iyong crypto, ang uri ng aktibidad na ginagawa mo, at iba pang salik. Sa pangkalahatan, malamang na kailangan mong magbayad ng mga buwis o magbawi ng mga pagkalugi kapag nagbebenta, pero hindi kapag bumibili.
Hindi palaging simple ang mga buwis sa mga cryptocurrency. Bilang isang asset na medyo bago, bumubuo pa lang ng mga regulasyon sa crypto ang mga awtoridad sa pagbubuwis. Gayunpaman, responsibilidad mong subaybayan ang mga nabubuwisang kita at pagkalugi at bayaran ang tamang halaga ng buwis, alinsunod sa panregulasyong balangkas ng iyong bansa.
Ano ang nabubuwisang event?
Sa isang nabubuwisang event, puwedeng magkaroon ng kita ang kapital mo (tubo), o puwede itong magkaroon ng mga pagkalugi. Kung tataas ang presyo ng asset na hinahawakan mo at ite-trade mo ito nang may tubo, kikita ang iyong kapital. Kung magte-trade o magbebenta ka nang palugi, magkakaroon ng pagkalugi ang kapital mo.
Muli, nakadepende sa iyong lokal na awtoridad sa pagbubuwis kung isa bang nabubuwisang event ang mga kita ng kapital. Puwede kang magkaltas ng mga pagkalugi ng kapital mula sa mga kita ng kapital mo para mabawasan ang iyong mga buwis. Ang kabuuang halaga ng buwis ay pangunahing nakadepende sa kabuuan ng dalawang ito. Para makatulong sa pagkalkula nito, dapat tandaan ng mga nagbabayad ng buwis ang petsa, cost basis (presyo ng pagbili), value ng benta, at bayaring nauugnay sa lahat ng transaksyon sa pag-trade.
Ano ang mga nabubuwisan at hindi nabubuwisang event?
2. Pag-trade ng cryptocurrency kapalit ng ibang cryptocurrency (hal., BTC kapalit ng ETH).
3. Paggastos ng mga cryptocurrency. Sa mga hurisdiksyon kabilang ang US, UK, Canada, at Australia, puwedeng buwisan ang direktang paggastos sa iyong crypto sa mga produkto o serbisyo kung kikita ka.
1. Pagbili ng cryptocurrency gamit ang fiat currency (maliban sa mga pagkakataon kung saan mas mababa ang presyo ng pagbili kumpara sa fair market value ng nabiling coin).
3. Pagreregalo ng cryptocurrency nang may partikular na limitasyon.
4. Paglilipat ng cryptocurrency mula sa isang wallet na pag-aari mo papunta sa isang wallet na pag-aari mo.
Paano binubuwisan ang cryptocurrency?
Ang opisyal na klasipikasyon ng Bitcoin at mga cryptocurreny sa loob ng isang bansa ang tutukoy kung paano ito bubuwisan. Karaniwang itinuturing ng mga awtoridad sa pagbubuwis ang crypto bilang kapital na asset sa halip na currency. Kung walang naipasang partikular na batas sa pagbubuwis sa crypto ang iyong bansa, asahan mong mabubuwisan ang iyong mga kita sa crypto ayon sa opisyal nitong designasyon (kung mayroon). Mas simple ang pamamaraan sa ilang hurisdiksyon. Sa Germany, halimbawa, hindi binubuwisan ang crypto na hinawakan nang lampas isang taon. Napakaluwag din ng mga patakaran sa pagbubuwis sa crypto sa Malaysia, Portugal, at Singapore.
Puwede ring ituring na income tax ang iyong kita sa Bitcoin o crypto. Kung isa kang full-time na empleyado, freelancer, o trader ng crypto na binabayaran sa crypto, malamang na kailangan mong magbayad ng income tax sa mga kinita mong crypto. Muli, ang rate ng income tax ay madalas na nakadepende sa halagang kinita mo.
Sa ilalim ng isang partikular na limitasyon sa kita, posibleng wala kang bayarang buwis sa iyong kita. Kadalasan, may makikita kang iba't ibang bracket ng kita, kung saan pataas nang pataas ang mga rate ng buwis habang tumataas ang mga bracket. Kung mula sa pag-trade ang pangunahin mong kita, alamin kung napapailalim ka sa mga buwis sa mga kita ng kapital o sa income tax.
Paano ko kakalkulahin ang aking mga buwis?
Kung bumili ka ng crypto, nag-HODL, at pagkatapos ay nagbenta nito, madaling makakalkula ang pananagutan mong buwis. Tingnan natin ang isang simpleng halimbawang nakabatay sa US. Una sa lahat, dapat nating malaman sa US dollars ang mga kita o pagkalugi ng ating kapital. Narito ang formula:
Fair market value - Cost basis = Kita / Pagkalugi ng kapital
Kunwari ay bumili ka ng 2 BTC sa halagang $10,000 at pagkatapos ay ibinenta mo ang mga ito pagkalipas ng dalawang taon sa halagang $30,000. Nagkaroon ka ng $40,000 na kita ng kapital:
$60,000 (fair market value) - $20,000 (cost basis) = $40,000 (mga kita ng kapital)
Sa USA, nakadepende ang buwis sa mga kita ng kapital sa iyong kabuuang nabubuwisang kita, status sa pag-file ng buwis, at tagal ng panahong hinawakan mo ang asset. Kung hinawakan mo ang iyong crypto nang lampas isang taon, napapailalim ka sa buwis para sa mga pangmatagalang kita ng kapital.
Ang halagang babayaran mo ay nakadepende sa kabuuan mong nabubuwisang kita. Kabilang sa numerong ito ang mga kita ng kapital mo. Kung mayroon ka nang $50,000 na nabubuwisang kita, ang kabuuan mong nabubuwisang kita ay magiging $90,000, kasama ang mga kita ng kapital mo. Ayon sa chart ng Internal Revenue Service sa ibaba, magbabayad ka ng 15% buwis sa mga kita ng kapital para sa mga kita mo sa cryptocurrency.
Status ng pag-file ng buwis | 0% | 15% | 20% |
Single | Wala pang $40,400 | $40,401 - $445,850 | Lampas $445,850 |
Kasal at magkasamang nagfa-file | Wala pang $80,800 | $80,801 - $501,600 | Lampas $501,600 |
Kasal at hiwalay na nagfa-file | Wala pang $40,400 | $40,401 - $250,800 | Lampas $250,800 |
Pinuno ng sambahayan | Wala pang $54,100 | $54,101 - $473,750 | Lampas $473,750 |
Petsa | Aktibidad sa Pag-trade |
Peb 17, 2021 | Bumili ng 1 BNB sa halagang $150 |
Peb 21, 2021 | Bumili ng 1 BNB sa halagang $300 |
Abril 2, 2021 | Bumili ng 1 ETH sa halagang $2,000 |
Abril 11, 2021 | Nag-trade ng 1 BNB (halagang $500 sa spot market noong araw na iyon) sa halagang 0.24 ETH |
Sa halimbawa natin, itinuturing na nabubuwisang event ang pag-trade mo ng BNB sa ETH, kaya dapat mong kalkulahin ang mga kita at pagkalugi ng kapital mo. Ang mga kita ng kapital mo ay ang fair market value ($500) na binawasan ng cost basis. Pero aling transaksyon ang gagamitin natin bilang cost basis? Pagkatapos bumili ng BNB sa dalawang magkaibang presyo, kailangan mong magdesisyon.
Gumagamit ang mga accountant ng dalawang magkaibang paraan para kalkulahin ito: First-in, First-Out (FIFO) at Last-In, First-Out (LIFO). FIFO ang karaniwan para sa karamihan ng mga bansa, habang karaniwan lang na ginagamit ang LIFO bilang alternatibong paraan sa U.S. Sa FIFO, ang asset na una mong binili ay ang unang ibinebenta o tine-trade. Sa sitwasyon natin, una nating ibebenta ang 1 BNB na nabili sa halagang $150.
Gamit ang FIFO, ang cost basis para sa ating nabubuwisang event ay $150. Dahil dito, mayroon tayong $350 na kita ng kapital na dapat bayaran ayon sa ating formula:
$500 (fair market value) - $150 (cost basis) = $350 (mga kita ng kapital)
Sa LIFO, ang pinakabagong nabiling asset ay ang unang ibinebenta o tine-trade. Sa LIFO, gagamitin ang pagbili ng 1 BNB sa halagang $300 bilang cost basis. Sa sitwasyong ito, magiging $200 ang mga kita ng kapital mo.
$500 (fair market value) - $300 (cost basis) = $200 (mga kita ng kapital)
Puwede mong ibawas sa mga kita ng kapital mo ang mga pagkalugi ng kapital mo para malaman kung magkano ang dapat mong bayaran sa taon ng buwis. Sa maraming bansa, hiwalay na binibilang ang mga panandaliang kita at pagkalugi ng kapital (kadalasan, mga hinahawakan nang wala pang isang taon) mula sa mga pangmatagalang kita at pagkalugi.
Paano malalaman ng mga awtoridad sa pagbubuwis ang tungkol sa aking cryptocurrency?
Nakikipagtulungan at nakikipagpalitan din ng data ang IRS at iba pang awtoridad sa pagbubuwis sa iba pang ahensya ng pamahalaan, pang-akademikong institusyon, at internasyonal na pamahalaan para magpalitan ng impormasyon tungkol sa paggamit ng cryptocurrency.
Ano ang mangyayari kung hindi ko ifa-file ang aking mga buwis sa cryptocurrency?
Sa maraming bansa, hinihingi sa iyo ng mga awtoridad sa pagbubuwis ang regular na pagfa-file ng iyong mga buwis. Posibleng kailangan mo pa rin itong gawin kahit na wala kang buwis na dapat bayaran o kailangan mo ng refund. Kung hindi ka magfa-file, puwede itong humantong sa bayarin, mga multa, interes, pagkumpiska sa mga refund, mga audit, at maging pagkakakulong.
Tool sa Pag-uulat ng Buwis sa API ng Binance
Mga pangwakas na pananaw
Mahalaga na tama ang iyong mga buwis. Kaya naman inirerekomenda namin ang paghingi ng propesyonal na tulong sa pagkalkula ng bayarin mong buwis kung mayroon kang anumang pagdududa. Posibleng ganito ang sitwasyon kung nagte-trade ka rin at hindi ka lang basta namumuhunan. Higit na mas kumplikado ang mga implikasyon sa buwis kapag regular na nagte-trade. Pero ang pinakamahalaga, ang iyong sitwasyon pagdating sa buwis ay lubos na nakadepende kung saan ka nakatira. Tiyaking isaalang-alang iyon kapag ginagamit ang aming impormasyon.
Disclaimer
Hindi nagbibigay ng payo sa buwis ang Binance. Depende sa balangkas sa buwis ng bansa, kapag nag-trade ka ng mga commodity at nagresulta ito sa mga kita (o mga pagkalugi) ng kapital, posibleng kailangan mong magbayad ng mga buwis. Nag-iiba-iba ayon sa bansa ang panregulatoryong balangkas ng pagbubuwis sa mga cryptocurrency, kaya naman lubos naming inirerekomendang makipag-ugnayan ka sa iyong personal na tagapayo sa buwis para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga personal na sitwasyon pagdating sa buwis. Personal mong responsibilidad ang pagpili sa tamang hurisdiksyon sa buwis na nalalapat sa iyo.