TL;DR
Ang pag-trade sa responsableng paraan ang dapat na nangunguna mong priyoridad kapag bumibili o nagbebenta ng crypto. Malaking bahagi ng pag-trade sa responsableng paraan ang nagmumula sa pagpaplano nang maayos. Makakatulong kung gagawa ka ng plano sa pag-trade para manatili kang responsable sa mga pagkilos mo sa paglaon.
Sa pamamagitan ng pagdedesisyon nang hindi magulo ang isip, maiiwasan mong maapektuhan ng emosyon ang iyong mga trade. Dapat mo ring pag-isipang magsagawa ng sarili mong pananaliksik, mag-diversify, gumamit ng mga stop-limit order, at umiwas sa FOMO kapag posible.
Kung nagte-trade ka gamit ang leverage, siguraduhing naiintindihan mo nang mabuti ang mga sangkot na panganib. Nagsama rin ang Binance ng mga feature para bigyan ka ng dagdag na kontrol sa halagang tine-trade mo, gaya ng Panahon ng Pahinga. Nagbibigay-daan sa iyo ang opsyong ito na i-lock ang futures account mo sa loob ng nakatakdang yugto ng panahon.
Panimula
Kahit magkano pa ang tine-trade mo, pinakamahusay na kagawiang siguraduhin na ginagawa mo iyon sa responsableng paraan. Sa pamamagitan ng mga simpleng tip at paraan, mababawasan mo ang mga hindi kinakailangang panganib at masisigurado mo na ang ite-trade mo lang ay ang kaya mong mawala sa iyo. Para sa ilang tao, puwedeng madali silang madala at mawalan ng kontrol. Kung gusto mong malaman kung paano mo mapapamahalaan nang mas mabuti ang iyong pag-trade, basahin ang aming gabay para matukoy ang iyong mga tamang limitasyon at mapahusay ang pangkalahatang responsibilidad mo.
Ano ang responsableng pag-trade?
Ang pag-trade ng crypto sa responsableng paraan ay hindi lang pagbabantay kung magkano ang binibili at ibinebenta mo. Dapat kontrolado mo ang iyong gawi sa pag-trade sa halip na kumilos ka batay sa emosyon. Dapat mo ring akuin ang responsibilidad at maintindihan kung angkop ba talaga sa iyo ang ginagawa mong aktibidad sa pag-trade.
Iiwasan ng mga responsableng trader ang mga gawi at aktibidad na puwedeng humantong sa mga iresponsableng pag-trade. Malaking bahagi ng responsableng pag-trade ng crypto ang pagkilala kapag posibleng may negatibong nakakaimpluwensya sa iyong pagpapasya. Kailangan ng panahon at karanasan para magkaroon ng ganitong kakayahan, at karaniwan para sa mga bagong trader na mag-trade nang pabigla-bigla o umasa sa kutob o pakiramdam. Kung mas iiwasan mo ito, mas mabuti.
Paano nakakatulong ang Binance sa mga tao na mag-trade sa responsableng paraan?

8 tip para matulungan kang mag-trade ng crypto sa responsableng paraan
Sa pag-trade ng mga cryptocurrency, kinakailangan mong mamahala ng maraming aspekto ng iyong gawi sa pag-trade. Hindi ito nagsisimula at nagtatapos sa button na bumili o magbenta . Subukang magsama ng marami sa mga tip sa ibaba hangga't maaari sa iyong routine. Posibleng napakarami nitong payo, pero makakatulong ang mga ito na mapahusay ang iyong mga kakayahan sa pag-trade.
Gawing secure ang iyong account at wallet sa pag-trade
Gumawa ng plano sa pag-trade
Dapat ibalangkas ng iyong plano ang uri ng mga trade na gusto mong gawin, ang mga kondisyon para sa pag-trade, at ang iyong mga layunin sa pag-trade. Tutukuyin ng iyong profile ng panganib at istilo ng pag-trade kung ano ang mga limitasyon mo. Dapat mong gawin ang iyong plano sa pag-trade nang hindi magulo ang iyong isip at dapat kang maging masayang sundin sa kalaunan ang napagdesisyunan mo. Puwedeng kabilang sa iyong plano sa pag-trade:
- Kung gaano kalaking leverage ang gusto mong gamitin kung gagamit ka nga nito
Ang entry at exit price para sa mga partikular na trade
Ang maximum na halaga ng pamumuhunan bilang porsyento ng kabuuang kapital
- Kung gaano ka-diversified ang iyong portfolio
Ang alokasyon ng iyong crypto asset
Kung kailan titigil sa pag-trade (oras, dami, atbp.)
Ang mga maximum na pagkalugi
Ang mga produkto o asset na tine-trade mo
Gumamit ng mga stop-limit order
Madali kang makakagamit ng mga stop-limit order sa Binance para sa karagdagang kontrol sa iyong pag-trade. Hindi puwedeng 24/7 kang nakatutok sa screen, at dahil napaka-volatile ng crypto, puwede kang magkaroon ng mga hindi inaasahang pagkalugi. Hindi responsableng paraan ng pag-trade ang pag-iiwan ng malalaking halaga ng crypto nang walang anumang proteksyon laban sa volatility. Kapag nakapag-set up ka na ng plano sa pag-trade, madali kang makakagamit ng mga stop-limit order para sumunod dito.
Una mong itatakda ang stop price sa $32,000. Ito ang presyong magti-trigger sa iyong limit order. Pagkatapos, itatakda mo ang limit price sa $30,000, ibig sabihin, maibebenta ang iyong 1 BTC sa halagang $30,000 o mas mataas kung maaabot ang stop price.
Sa pamamagitan ng pag-iiwan ng agwat sa pagitan ng stop price at limit price, may pinakamalaking tsansang mapunan ang iyong stop-limit order. Kung walang agwat, posibleng maging mas mababa kaysa sa iyong limit price ang market price nang hindi napupunan ang iyong order.
Magsagawa ng sarili mong pananaliksik
I-diversify ang iyong portfolio
Iwasan ang FOMO
Bagama't puwede kang magsaliksik at maghanap ng magagandang pagkakataon sa pamumuhunan online, dapat mong laging bantayan ang pag-shill. Ipo-promote ng mga user na may ibang motibong pinansyal ang kanilang mga coin o proyekto, anuman ang aktwal na halaga ng mga ito. Sasamantalahin ng mga shiller ang FOMO at mamanipulahin nila ang mga emosyon ng mga trader. Kung magsisimula kang makaramdam na para bang may napapalampas kang pagkakataong hindi mo pa naririnig noon, maglaan ng oras para manaliksik nang mabuti tungkol sa proyekto bago mo isugal ang iyong pera.
Maraming bagay na puwedeng magsanhi ng FOMO. Kung makikilala mo ang mga ito, maiisip mo ang mga trigger ng mga ito.
- Social media: May mga tsismis, maling impormasyon, at shiller sa Twitter, Telegram, Reddit, at iba pang social platform. Lagi ka dapat mag-DYOR. Maraming influencer ang binabayaran para mag-promote ng mga proyekto at altcoin, at posibleng samantalahin ng mga scammer ang iyong FOMO para manakaw ang mga pondo mo.
- Mga Kita: Kung sunod-sunod ang pagkapanalo mo, posibleng nakakatuksong magpadalos-dalos sa mga kinita mo. Posibleng sumobra ang kumpiyansa mo sa iyong mga kakayahan at hindi maging maganda ang mga pagpili mo. Kahit na malaki-laki ang kinita mo, puwedeng tumindi ang iyong FOMO sa iba pang “malalaking” pagkakataon sa pamumuhunan.
- Mga Pagkalugi: Sa pagsubok na mabawi ang mga pagkalugi, puwedeng tumindi ang iyong FOMO. Puwede ka pa ngang pumasok sa isang posisyon, lumabas pagkatapos malugi, at pagkatapos ay pumasok ulit sa posisyon dahil sa FOMO. Parehong puwedeng humantong ang mga ito sa mas malalaking pagkalugi.
- Mga sabi-sabi at tsismis: Kung makakarinig ka ng impormasyon mula sa iba pang trader o sa internet, puwedeng magmukhang nakakatukso ang isang pamumuhunan. Gayunpaman, hinding-hindi dapat pumalit sa matibay na pananaliksik at pagsusuri ang mga tsismis, payo sa pamumuhunan, o rekomendasyon para sa isang sikat na cryptocurrency.
- Volatility: Sa malalaking pagbabago-bago ng presyo sa magkabilang direksyon, nagkakaroon ng mga pagkakataong kumita. Namumuhunan ka man at umaasang tataas ang presyo o magsho-short sa merkado ng cryptocurrency sa downturn, puwedeng maging madaling madala at mawalan ng kontrol. Posible ring ituring mo ang bearish market bilang magandang pagkakataong mamuhunan pero mauuwi ka lang sa pagkakaroon ng falling knife.
Maunawaan ang leverage
Posibleng nakita mo na ang leverage bilang isang multiplier gaya ng 10x, na nagmu-multiply ng iyong inisyal na kapital sa 10. Ang $10,000 na na-leverage nang 10x ay magbibigay sa iyo ng $100,000 na puwedeng i-trade, at gagamitin ang iyong inisyal na kapital para masaklawan ang mga pagkalugi mo. Kapag naubos na ang iyong kapital, ili-liquidate ng palitan ang posisyon mo.