Komprehensibong Gabay ng Pag-trade sa Binance Futures
HomeMga Artikulo

Komprehensibong Gabay ng Pag-trade sa Binance Futures

Baguhan
2h ago
14m

Mga Nilalaman


Paano magbukas ng account sa Binance Futures

Bago magbukas ng. account sa Binance Futures, kailangan mo muna ng regular na Binance account. Kung wala ka pa nito, magpunta sa Binance at i-click ang Magrehistro sa itaas na kanang bahagi ng iyong screen. Pagkatapos, sundan lang ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Ilagay ang iyong email address at gumawa ng ligtas na password. Kapag mayroon kang referral ID, ilagay ito sa referral ID na kahon. Para sa 10% na diskwento sa singil sa spot/margin trading, maaari mong gamitin ang link na ito.



  2. Kapag handa ka na, i-click ang Gumawa ng account.
  3. Makakatanggap ka agad ng verification email. Sundan ang mga panuto sa email para makumpleto ang pagrehistro.

Sunod dito, mag-log in sa iyong Binance account, igalaw ang iyong mouse papunta sa hilera sa pinakamataas na bahagi ng iyong pahina, at pindutin ang Futures.



Kapag ikaw ay nasa pahina na ng Binance Futures, dapat nakikita mo na ang unang dalawang letra ng iyong email address na kaugnay ng iyong account sa kanang itaas na sulok.



Pindutin ang Buksan ngayon na button para i-activate ang iyong Binance Futures account. Ayan na! Handa ka nang mag-trade!



Kung hindi ka pa pamilyar sa pag-trade ng mga futures contract, inirerekomenda naming basahin ang mga artikulo naAno Ang Mga Forward at Futures Contract?, at Ano Ang Mga Perpetual Futures Contract? bago magsimula.

Maaari ka ring sumangguni sa Binance Futures FAQ para magkaroon ng pangkalahatang ideya sa mga detalye ng contract. 

Kung gusto munang subukan ang plataporma nang hindi gumagamit ng totoong pondo, maaari mong subukan ang Binance Futures testnet


Paano pondohan ang iyong Binance Futures account

Maaari kang magpalipat-lipat ng iyong pondo sa pagitan ng iyong Exchange Wallet (ang wallet na ginagamit mo sa Binance) at ng iyong Futures Wallet (ang wallet na ginagamit mo sa Binance Futures).

Kung wala kang pondo na nakadeposito sa Binance, nirerekomenda namin na basahin mo muna ang Paano magdeposito sa Binance.

Para ilipat ang iyong pondo sa Futures Wallet, pindutin ang Paglilipat sa kanang ibabang sulok ng iyong Binance Futures na pahina. Itakda ang halaga na nais mong ilipat at pindutin ang Kumpirmahin. Makikita mo maya-maya din ang balanse na madadagdag sa iyong Futures Wallet.



Hindi lamang ito ang paraan para pondohan ang iyong Futures Wallet. Maaari mo ring gamitin ang iyong mga pondo sa iyong Exchange Wallet bilang garantiya at humiram ng USDT para sa futures trading mula sa iyong Balanse ng Futures Wallet na page. Sa ganitong paraan, hindi mo na kinakailangang maglipat ng pondo direkta sa iyong Futures Wallet. Siyempre, kinakailangan mong ibalik ang hiniram na USDT.


Gabay sa Futures interface



1. Sa kaliwang banda ng bahaging ito, itapat ang cursor sa Impormasyon, para makakuha ng access sa malawak na uri ng mga detalyadong data sa merkado, biswalisasyon, at ang madalas na katangungan sa Futures. Maaari mong makita ang mga kasaysayan ng Rate ng Pagpopondo, bukas na interes, long/short na ratio, kasalukuyang balanse ng Pondo ng Insurance, at iba pang data ng merkado. Pindutin ang Spot para magpunta sa Binance spot exchange.


2. Sa kanang banda ng bahaging ito ay kung saan mo naa-access ang iyong Binance account, kabilang ang iyong Dashboard. Madaling mo matitignan ang balanse ng iyong mga wallet sa kabuuan ng mundo ng Binance sa pamamagitan ng pagpindo sa Wallet at Mga Order. Maaari mo ring tignan ang mga kompetisyon sa trading sa pamamagitan ng pag-click sa Labanan.


Dito ka maaaring:

  • Pumili ng contract sa pamamagitan ng pagtapat ng cursor sa kasalukuyang pangalan ng contract (BTCUSDT ang unang itinakda).
  • I-check ang Mark Price (mahalagang subaybayan ito dahil nangyayari ang mga liquidation base sa Mark Price).
  • I-check ang inaasahang Rate ng Pagpopondo at ang bilang ng nalalabing oras hanggang sa susunod na round ng pagpopondo.
  • Tingnan ang iyong kasalukuyang chart. Maaari kang lumipat mula sa Orihinal o sa pinagsama-samang TradingView chart. Magkakaroon ka ng real-time na display ng lalim ng kasalukuyang libro ng order sa pamamagitan ng pagpindot sa Lalim.
  • Makita ang data ng libro ng order kasama ang biswalisasyon ng lalim ng order. Maaari mong baguhin ang kawastuan ng libro ng order sa dropdown na pagpipilian sa kanang itaas na sulok ng bahaging ito (0.01 ang unang itinakda)
  • Tingnan ang live feed ng mga nakaraang naisakatuparang trade sa plataporma.

Tuwing may makikita kang arrow sa kanang ibabang sulok ng module, nangangahulugan ito na maaari mong baguhin ang sukat ng elementong iyon. Sa ganitong paraan, madali kang makagagawa ng sarili mong sinadyang interface layout!



3. Dito mo maaaring subaybayan ang iyong sariling aktibidad sa trading. Maaari kang magpalipat-lipat sa mga tab para makita ang mga kasalukuyang estado ng iyong mga posisyon at ang mga kasalukuyan bukas at nakaraang naipatupad mong order. Maari mo ring makuha ang kabuuang trading at kasaysayan ng transaksyon sa loob ng itinakdang panahon. 

Dito mo rin masusubaybayan ang iyong mga posisyon sa auto-deleverage na pila sa ilalim ng ADL (mahalagang pagtuunan ito ng pansin tuwing mga yugto ng mataas na volatility).


4. Dito mo maaaring tignan ang mga asset na mayroon ka, mga deposito, at bumili pa ng crypto. Dito mo rin makikita ang mga impormasyon kaugnay ng kasalukuyang contract at iyong mga posisyon. Tiyakin na sinusubaybayan mo ang Ratio ng Margin para maiwasan ang mga liquidation. 

Sa pamamagitan ng pag-click sa Pag-transfer, maaari mong ilipat ang mga pondo sa pagitan ng iyong Futures Wallet at sa nalalabing mundo ng Binance.


5. Ito ang lagayan ng iyong order. Tignan ang aming detalyadong paliwanag tungkol sa mga tipo ng order na mayroon sa artikulong ito. Dito ka rin maaaring lumipat sa pagitan ng Cross Margin at Isolated Margin. Isaayos ang iyong leverage sa pamamagitan ng pagpindot sa kasalukuyang laki ng leverage (2x ang unang default).


Paano isaayos ang iyong leverage

Pinapahintulutan ka ng Binance Futures na mano-manong isaayos ang iyong leverage sa bawat contract. Para pumili ng contract, magpunta sa kanang itaas na bahagi ng pahina at itapat ang cursor sa kasalukuyang contract (BTCUSDT ang unang itinakda) 

Para isaayos ang leverage, magpunta sa lagayan ng order at pindutin ang kasalukuyang halaga ng leverage (20x ang unang itinakda). Ilagay ang halaga ng iyong leverage sa pamamagitan ng pagsasaayos ng slider, o sa pagta-type nito, at pindutin ang Kumpirmahin.



Mahalagang tandaan na mas malaki ang sukat ng posisyon, mas maliit ang halaga ng leverage na maaari mong gamitin. Ganun din, mas maliit ang sukat ng posisyon, mas malaki ang leverage na maaari mong gamitin.

Tandaan na ang paggamit ng mas malaking leverage ay may dalang mas malaking panganib ng liquidation. Ang mga baguhang trader ay dapat maingat sa pagsasaalang-alang ng halaga ng leverage na kanilang gagamitin. 


Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Mark Price at Last Price?

Para maiwasan ang mga biglaang pagtaas at hindi kinakailangang liquidation sa kasagsagan ng mga yugto ng mataas na volatility, gumagamit ang Binance Futures ng Last Price at Mark Price.

Madaling intindihin ang Last Price. Nangangahulugan ito ng Last Price kung saan nai-trade ang contract. Sa ibang salita, ang huling trade sa kasaysayang ng trade ang naglalarawan sa Last Price. Ito ang ginagamit sa kalkulasyon ng iyong realized PnL (Profit at Loss).

Dinesenyo ang Mark Price para maiwasan ang manipulasyon ng presyo. Ang kalkulasyon nito ay gumagamit ng kombinasyon ng data ng pagpopondo at ang basket ng data ng presyo mula sa ilang mga exchange. Ang kalkulasyon ng iyong mga liquidation price at unrealized PnL ay base sa Mark Price.



Tandaan na maaaring mag-iba ang Mark Price at Last Price.

Kapag nagtatakda ka ng tipo ng order na gumagamit ng stop price bilang trigger, maaari kang pumili kung anong presyo ang gusto mong gamitin bilang trigger - ang Last Price o ang Mark Price. Para gawin ito, piliin ang price na nais mong gamitin bilang Trigger sa dropdown na pagpipilian sa ibaba ng lagayan ng order.


Anong tipo ng mga order ang makikita at kailan gagamitin ang mga ito?

May anim na tipo ng mga order na maaari mong gamitin sa Binance Futures:


Limit na Order

Ang limit na order ay isang order na nagaganap sa libro ng order sa itinakdang limitasyon ng presyo. Kapag naglagay ka ng limit na order, ang iyong trade ay maisasakatuparan lamang kung ang presyo ng merkado ay umabot sa iyong limitasyon ng presyo (o mas maganda pa). Samakatuwid, maaari kang gumamit ng mga limit na order para bumili sa mas mababang presyo, o magbenta sa mas mataas na presyo kaysa sa kasalukuyang presyo ng merkado.


Market na Order

Ang market na order ay isang order para bumili o magbenta sa pinakamagandang mayroong kasalukuyang presyo. Isinasakatuparan ito laban sa mga limit na order na dati nang nailagay sa libro ng order. Kapag naglalagay ng market na order, magbabayad ka ng mga singil bilang taker ng merkado.


Stop-Limit na Order

Ang pinakamadaling paraan para maintindihan ang stop-limit na order ay ang paghihimay nito sa stop price, at limit price. Ang stop price ay ang presyo na nag-trigger sa limit na order, at ang limit price ay ang presyo ng limit na order na natrigger. Nangangahulugan ito na oras na naabot ang iyong stop price, ang iyong limit na order ay agad na ilalagay sa libro ng order.

Bagamat maaaring pareho ang stop at limit price, hindi ito kinakailangan. Sa katunayan, magiging mas ligtas para sa iyo na itakda ang stop price (trigger price) nang mas mataas nang kaunti sa limit price para sa mga order na bumili, o mas mababa kaysa sa limit price para sa mga order na magbenta. Pinapataas nito ang tiyansa na mapunan ang iyong limit na order pagkatapos maabot ang stop price.


Stop-Market na Order

Pareho sa stop-limit na order, ang stop-market na order ay gumagamit ng stop price bilang trigger. Ganunpaman, kapag naabot na ang stop price, sa halip ay nati-trigger nito ang market na order.


Take-Profit-Limit na Order

Kung naiintindihan mo kung ano ang stop-limit na order, madali mong maiintindihan kung ano ang take-profit-limit na order. Pareho sa stop-limit na order, may kinalaman ito sa trigger price, presyo na nagtrigger ng order, at limit price, ang presyo ng limit na order ay idinadagdag ngayon sa libro ng order. Ang pangunahing kaibahan sa pagitan ng stop-limit na order at sa take-profit-limit na order ay ang take-profit-limit na order ay magagamit lamang para mapababa ang mga bukas na posisyon. 

Ang mga take-profit-limit na order ay maaaring maging kapaki-pakinabang na kasangkapan para pangasiwaan ang mga panganib at isara ang kita sa itinakdang lebel ng presyo. Maaari rin itong gamitin kasabay ng ibang mga tipo ng order, tulad ng stop-limit na mga order, para mas magkaroon ka ng kontrol sa iyong mga posisyon.

Tandaan na ang mga ito ay hindi mga OCO order. Halimbawa, kung ang iyong stop-limit na order ay tinamaan habang mayroon ka ring aktibong take-profit-limit na order, ang take-profit-limit na order ay nananatiling aktibo hanggang sa kanselahin mo ito.

Maaari mong itakda ang take-profit-limit na order sa ilalim ng Stop-Limit na pagpipilian sa bahaging lagayan ng order.


Take-Profit-Market na Order

Pareho sa take-profit-limit na order, ang take-profit-market na order ay gumagamit ng stop price bilang trigger. Ganunpaman, kapag naabot na ang stop price, sa halip ay nati-trigger nito ang market na order.

Pwede mong itakda ang take profit market order sa ilalim ng Stop Market na opsyon kung saan pwedeng ilagay ang order. 


Paano gamitin ang Binance Futures calculator

Ang video tsutoryal ay makikita rito


Maaari mong makita ang calculator sa itaas ng lagayan ng order. Pinahihintulutan ka nito na kalkulahin ang mga halaga bago pumasok sa long o short na posisyon. Maaari mong isaayos ang leverage slider sa bawat tab para gamitin ito bilang basehan ng iyong mga kalkulasyon.

May tatlong tab ang calculator:

  • PNL – Gamitin ang tab na ito para kalkulahin ang iyong Initial Margin, Profit and Loss (PnL), at Return on Equity (ROE) base sa itinakdang entry at exit na presyo, at laki ng posisyon.
  • Presyo ng Target – Gamitin ang tab na ito para kalkulahin kung anong presyo ang kakailanganin mo para mag-exit sa iyong posisyon at para maabot ang ninanais na porsyento ng balik sa puhunan.
  • Presyo ng Liquidation – Gamitin ang tab na ito para kalkulahin ang iyong tinatayang presyo ng liquidation base sa iyong balanse sa wallet, iyong itinakdang presyo ng entry, at laki ng posisyon.


Paano gamitin ang Hedge na Mode

Sa Hedge na Mode, maaari mong parehong hawakan ang long at short na mga posisyon nang sabay para sa isang contract. Bakit mo gugustuhing gawin ito? Sabihin nating bullish ka sa presyo ng Bitcoin sa mas mahabang termino, kaya mayroon kang bukas na long position. Ganun din, maaaring gusto mong kumuha ng mga mabilis na short na posisyon sa mas mababang itinakdang oras. Pinapayagan ka ng Hedge na Mode na gawin ito – sa kasong ito, ang iyong mga mabilis na short na posisyon ay hindi makaaapekto sa iyong mga long na posisyon.

Ang unang itinatakdang mode ng posisyon ay One-Way Mode. nangangahulugan ito na hindi ka maaaring magbukas ng parehong long at short na mga posisyon nang sabay sa iisang contract. Kapag sinubukan mo itong gawin, kakanselahin ng mga posisyon ang isa’t isa. Kaya, kung gusto mong gamitin ang Hedge na Mode, kailangan mo itong gawin nang mano-mano. Ganito mo iyon gagawin.

  1. Itapat ang cursor sa iyong account icon sa kanang itaas na bahagi, at piliin ang Preference.
  2. Piliin ang Hedge na Mode.


Tandaan na kapag wala kang mga bukas na order o posisyon, hindi mo maaaring isaayos posisyon ng iyong mode.


Ano ang Rate ng Pagpopondo, at paano ito tingnan?

Ang Rate ng Pagpopondo ang tumitiyak na ang presyo ng isang perpetual futures na contract ay nananatiling malapit sa presyo ng underlying asset (spot). Sa pagbubuod, nagbabayad sa isa’t isa ang mga trader depende sa kanilang mga bukas na posisyon. Ang nagdidikta kung anong panig ang babayaran ay tinutukoy ng pagkakaiba sa pagitan ng presyo ng mga perpetual futures at ng spot price.

Kapag positibo ang Rate ng Pagpopondo, ang mga long ang nagbabayad sa mga short. Kapag negatibo ang Rate ng Pagpopondo, ang mga short ang nagbabayad sa mga long.

Kung nais pang magbasa tungkol sa kung paano gumagana ang prosesong ito, tignan ang Ano Ang Mga Perpetual Futures Contract?.

Ano ang ibig sabihin nito para sa iyo? Depende sa iyong mga bukas na posisyon at sa mga Rate ng Pagpopondo, maaari kang magbayad o makatanggap ng mga bayad sa pagpopondo. Sa Binance Futures, ang mga bayad sa pagpopondo na ito ay binabayaran kada walong oras. Maaari mong tignan ang oras at tinatayang Rate ng Pagpopondo sa susunod na yugto ng pagpopondo sa itaas na bahagi ng pahina, katabi ng Mark Price.

Kung gusto mong tignan ang nakaraang mga Rate ng Pagpopondo sa bawat contract, itapat ang cursor sa Impormasyon at piliin ang Kasaysayan sa Rate ng Pagpopondo.


Ano ang Post-Only, Time in Force at Reduce-Only?

Kapag gumamit ka ng mga limit na order, maaari kang magtakda ng mga karagdagang panuntunan kasama ng iyong mga order. Sa Binance Futures, maaari itong Post-Only o Time in Force na mga panuntunan, at tinutukoy nila ang mga karagdagang katangian ng iyong mga limit na order. Maaari mong i-access ang mga ito sa baba ng iyong ng lagayan ng order na bahagi.

Nangangahulugan ang Post-Only na ang iyong mga order ay laging unang idadagdag sa libro ng order at hindi kailanman isasakatuparan laban sa umiiral na order sa libro ng order. Kapaki-pakinabang ito kung nais mo lamang magbayad ng mga singil na maker.

Ang mga TIF na panuntunan ay pinapayagan kang magtakda ng oras kung gaano katagal mananatiling aktibo ang iyong mga order bago ito maisakatuparan o mawalan ng bisa. Maaari kang pumili sa isa sa mga pagpipilian na ito sa mga TIF na panuntunan:

  • GTC (Good Till Cancel): Mananatiling aktibo ang order hanggang sa ito ay mapunan o kanselahin.
  • IOC (Immediate Or Cancel): Agad isasakatuparan ang order (maaaring ganap o bahagya). Kung bahagya lamang itong isinakatuparan, ang hindi napunang bahagi ng order ay makakansela.
  • FOK (Fill Or Kill): Dapat agad mapunan ang order. Kung hindi, hindi ito isasakatuparan.

Kapag ikaw ay nasa One-Way Mode, ang pagpili sa Reduce-Only ay titiyak na ang mga bagong order na iyong itatakda ay bababa lamang, at hindi dadagdag sa iyong mga kasalukuyang bukas na posisyon.


Kailan nasa panganib na ma-liquidate ang iyong mga posisyon?

Nangyayari ang liquidation kapag ang iyong Balanse ng Margin ay bumagsak nang mas mababa sa iyong kinakailangan na Maintenance Margin. Ang Balanse ng Margin ay ang iyong balanse sa Binance Futures account, kabilang ang iyong unrealized PnL (Proft and Loss). Kaya, ang iyong mga kita at talo ay magdudulot ng pagbabago ng iyong halaga ng Margin na Balanse. Kapag gumagamit ka ng Cross Margin na mode, ang balanseng ito ay naibabahagi sa lahat ng iyong mga posisyon. Kung gumagamit ka ng Isolated Margin na mode, ang balanse ito ay mailalaan sa bawat indibidwal na posisyon.

Ang Maintenance Margin ay ang minimum na halaga na kailangan mo para panatilihing bukas ang iyong mga posisyon. Nag-iiba ito ayon sa laki ng iyong mga posisyon. Ang mga mas malalaking posiyon ay nangangailangan ng mas mataas na Maintenace Margin.

 Maaari mong tignan ang iyong kasalukuyang Ratio ng Margin sa kanang ibabang sulok. Kapag ang iyong Ratio ng Margin ay umabot sa 100%, ang iyong mga posisyon ay mali-liquidate.

Kapag nangyari ang liquidation, ang lahat ng iyong mga bukas na order ay makakansela. Mas makabubuti kung nasusubaybayan mo ang lahat ng iyong mga posisyon para maiwasan ang auto-liquidation, na may kaakibat na karagdagang singil. Kung ang iyong posisyon ay malapit nang ma-liquidate, mas makabubuting pag-isipan ang mano-manong pagsasara ng iyong mga posisyon kaysa antayin ang auto-liquidation.


Ano ang auto-deleveraging at paano ka nito maaapektuhan?

Kapag ang laki ng account ng trader ay mas mababa sa 0, ang Pondo ng Insurance ay ginagamit para sagutin ang mga pagkatalo. Ganunpaman, sa ilang mga hindi pangkaraniwang volatile na merkado, maaaring hindi kayanin \ng Pondo ng Insurance na pangasiwaan ang mga pagkatalo, at ang mga bukas na posisyon ay kinakailangang ibaba para masagot ang mga ito. Nangangahulugan ito na sa ganitong mga panahon, ang iyong mga bukas na posisyon ay maaari ring mapababa.

Ang pagkakasunod-sunod ng pagbaba ng mga posisyong ito ay tinutukoy ng isang pila, kung saan ang mga pinaka-kumita at may pinakamataas na leverage na mga trader ay nasa unahan ng pila. Maaari mong tignan ang iyong posisyon sa pila sa pamamagitan ng pagtapat ng cursor sa ADL sa Positions na tab.



Pangwakas na ideya

Ang mga futures contract ay mga derivative na nagbibigay sa mga trader ng obligasyon para bumili o magbenta ng asset sa hinaharap. Ngunit di tulad ng mga tradisyonal na futures contract, ang mga perpetual futures contract ay walang petsa ng pagbabayad.

Ganunpaman, ang mga derivative ay maaaring nakalilito para sa mga trader na walang karanasan, kaya mahalagang maintindihan kung paano gumagana ang mga contract na ito bago lumusong sa pinansyal na panganib. Tulad ng nabanggit, maaari mong ma-access ang Binance Futures testnet para subukan ang platform na hindi gumagamit nang totoong pondo.