Mga Use Case ng Blockchain: Remittance
Home
Mga Artikulo
Mga Use Case ng Blockchain: Remittance

Mga Use Case ng Blockchain: Remittance

Baguhan
Na-publish Aug 12, 2019Na-update May 25, 2022
5m
Kontribusyon ng Komunidad - May Akda: Igor Davidov


Sa madaling salita, pwedeng ituring ang remittance bilang pag-transfer ng pera sa malayong lokasyon na kadalasan ay pagitan ng mga indibidwal na nakatira sa ibang bansa. Madalas, galing ang mga remittance mula sa mga imigrante na nagtatrabaho sa ibang bansa at pinapadala ang pera sa kanilang bansang sinilangan.

Sa ngayon, remittance ay kumakatawan sa pinakamalaking daloy ng pagpopondo papunta sa papaunlad na mundo at lagpas pa nito ang mga direktang dayuhang pamumuhunaan at mga opisyal na tulong sa pagpapaunlad. Ayon sa World Bank Group, ang industriya ng remittance ay maunlad na umusbong sa mga nakaraang taon hanggang 8.8% noong 2017 at 9.6% noong 2018.

Ilang mga umuunlad na mga ekonomiya ay mabigat ang pagdedepende sa papel na pera na mula sa ibang bansa kaya mabigat na parte ng kanilang ekonomiya ang remittance. Dahil dito, ang mga transfers ng dayuhang imigrante ay isa sa kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita para sa maraming bansa. Halimbawa, tumanggap ang Haiti ng mga internasyonal na remittance na kumakatawan sa halos 29% ng GDP nito noong 2017. Tumaas ang porsyentong ito sa 30.7% noong 2018.


Ang problema

Tinatantiya ng World Bank na ang kasalukuyang gastos sa pagpapadala ng $200 na remittance ay nasa 7% (pandaigdigang average). Kung isasaalang-alang ang mga remittance sa buong mundo na umabot sa $689 na bilyon noong 2018, ang 7% nito na nasa $48 bilyon ay napunta sa gastos ng pagpapatakbo.

Dagdag pa sa matataas na mga bayarin, marami sa mga solusyong remittance ay gumagamit ng mga third-party na serbisyo at mga pinansiyal na institusyon. Dahil umaaasa sa maraming tagapamagitan, hindi mahusay ang kasalukuyang sistema. Hindi lang dahil mahal ang mga serbisyo, ngunit dahil umaaabot din sa ilang araw o ilang linggo ang pag-transfer.

Sa kontekstong ito, ang teknolohiyang blockchain ay nagbibigay ng mas mahusay na alternatibo sa industriya ng remittance. Ang artikulng ito ay nagpapakilala ng ilan sa mga posibilidad at mga umiiral na solusyon, kasama na ang ilang halimbawa ng mga kumpanya na tinatrabaho ito.


Blockchain ba ang solusyon?

Ang pangunahing layunin ng mga kumpanyang nasa blockchain remittance ay ang pagpapa-simple ng proseso at pagtanggal ng mga tagapamagitan. Ang ideya ay pagbigay ng isang walang sagabal at napakabilis na solusyon sa pagbabayad. Hindi tulad ng mga tradisyunal na mga serbisyo, hindi umaasa ang blockchain network sa mabagal na proseso sa pagapruba ng mga transaksyon na kadalasan ay dumadaan sa madaming tagapamagitan at nangangailangan ng mano-manong paggawa.

Sa halip, kayang gumawa ng mga pinansyal na transaksyon ang sistema ng blockchain base sa distributed na network ng mga kompyuter. Ibig sabihin, maraming kompyuter ang kalahok sa proseso ng pagberipika at pagpapatunay ng mga transaksyon- at kaya itong gawin sa paraang decentralized at ligtas. Kung ikukumpara ito sa tradisyunal na sistema ng pagbabangko, mas mabilis at mas maaasahan na solusyon sa pagbayad anf binibigay ng teknolohiyang blockchain sa mas mababang halaga.

Sa ibang salita ang teknolohiyang blockchain ay pwedeng lumutas ng ilan sa mga pinakamabigat na problema na kinakaharap ng industriya ng remittance, gaya ng mataas na bayarin at matagal na proseso ng transaksyon. Ang gastos sa pagpapatakbo ay pwedeng higit na bumaba sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang tagapamagitan.


Mga use case

Mobile Application

Maraming kumpanya ang nageeksperimento gamit ang teknolohiyang blockchain upang makapagbigay ng mga solusyon sa pagbabayad. May ilang mobile na mga crypto wallet ay nagbibigay paraan para makapagpadala at makatanggap ng mga digital asset sa buong mundo at upang madaling magpalit ng fiat at crypto na mga currecny.

Coins.ph ang isang halimbawa ng mobile wallet na app na may maraming features. Pwede ito sa mga internasyonal na remittance, pag-asikaso ng mga bayarin bumili ng mga game credits, o mag-trade ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency. Higit pa, ilan sa mga serbisyong pinansyal ay hindi nangangailangan ng bank account.


Mga digital na plataporma

May ilang kumpanya na nagpapatakbo ng imprastraktura na direktang nakikipag-ugnayan sa tradisyunal na pinansyal na sistema. Halimbawa, BitPesa ay isang online na plataporma na nagde-deploy ng teknolohiyang blockchain sa Africa. Itinatag noong 2013, nagbibigay ito ng solusyong pinansyal at exchange ng currency sa mas mababang halaga at mas mabilis na transaksyon.

Ang Stellar na protocol ay isa pang halimbawa ng platapormang blockchain na nagbibigay serbisyo sa industriya ng remittance. Ito ay itinatag noong 2014 na may layuning itaguyod ang access pang-pinansyal, pag-ugnay ng mga tao at mga pinansyal na institusyon sa buong mundo.

Ang Stellar network ay bumibilang gamit ang isang distributed na ledger na may sariling currency na tinatawag na Stellar lumens (XLM). Ang kanilang native na token ay pwedeng gamitin bilang bridge currency na nagpapadali ng pandaigdigang mga trade sa pagitan ng fiat at mga cryptocurrency na mga asset. Katulad ng sa BitPesa, pwedeng gamitin ng mga user at mga pinansyal na institusyon ang Stellar na plataporma para magpadala at tumanggap ng pera sa mas mababang halaga.


Mga ATM

Kasama ng mga mobile na application at mga online na plataporma ang paggamit ng mga ATM ay nagbibigay ng mas interesanteng solusyon sa pagpapadala at pagtanggap ng pera sa buong mundo. Ang paraang ito ay pwedeng makatulong sa mga hindi gaanong maunlad na mga lugar na walang magandang koneksyon sa internet o sistema ng pagbabangko.

Ang mga kumpanya tulad ng Bit2Me at MoneyFi ay gumagawa ng mga bagong sistema ng remittance na nagsasama ng teknolohiyang blockchain at ng mga ATM. Ang kanilang layunin ay mag-isyu ng mga prepaid card na sumusuporta sa maraming mga functionality. 

Ang kumbinasyon ng paggamit ng mga blockchain ledger at ng mga ATM ay may potensyal sa pag-iwas sa pag-asa sa mga tagapamagitan. Hindi kailangan ng bank account ng user at ang mga kumpanya ng ATM ay maaaring humingi ng maliit na bayad sa pagproseso.


Kasalukuyang mga pagsubok at mga limitasyon

Bagaman nakikita na maraming mga kalamangan ang teknolohiyang blockchain sa industriya ng remittance, marami pa pwedeng gugugulin. Narito ang ilan sa mga potensyal na hadlang at pinakamabigat na limitasyon, kasama na ang mga posibleng solusyon.

  • Crypto-fiat na conversion. Ang pandaigdigang ekonomiya ay base pa din sa mga fiat na currency at ang pag-convert sa pagitan ng crypto at fiat ay hindi laging madaling gawin. Sa maraming pagkakataon, kailangan pa ng bank account. Pwedeng tanggalin ng mga peer-to-peer (P2P) na mga transaksyon ang pangangailangan ng bangko ngunit maaaring kailangang mag-convert ang user mula fiat papuntang crypto para magamit ang pera.
  • Pagsalalay sa mobile at internet. Milyong milyong mga tao na namumuhay sa mga hindi pa gaanong maunlad na mga bansa ay walang masyadong access sa internet at marami ang walang smart phone. Tulad ng sinabi, pwedeng maging solusyon ang mga ATM na compatible sa blockchain.

  • Regulasyon. Ang regulasyon ng cryptocurrency ay nasa maagang yugto pa lang. Hindi pa ito malinaw at hindi pa naipapakilala sa maraming bansa lalo na sa mga bansa na umaasa sa dating ng banyagang pera. Ang higit na pagtanggap ng teknolohiyang blockchain ay tutulong sa pag-usad ng regulasyon dito.

  • Pagka-komplikado. Nangangailangan ng teknikal na kaalaman ang paggamit ng cryptocurrency at teknolohiyang blockchain. Marami sa mga user ay umaasa sa third-party na tagabigay ng serbisyo dahil ang pagpapatakbo ng blockchain mag-isa ay hindi madaling gawin. Higit pa, maraming crypto wallet at mga exchange ay kulang sa gabay para sa mga user at hindi madaling gamitin ang kanilang mga plataporma.
  • Pabago-bago. Hindi pa lubos na ganap ang mga merkado ng cryptocurrency at napapailalim pa ito sa mabigat na pabago-bago. Dahil dito, hindi sila magandang gamitin sa pang-araw-araw dahil madaling magbago ang halaga sa merkado. Bukod dito, hindi mainam ang mga currency na madaling magbago para sa mga taong gusto lang na mag-transfer ng pera. Hindi gaanong abala ang problemang ito at sinosolusyunan ito ng mga stablecoins.


Pangwakas na ideya

Matindi ang paglago ng industriya ng remittance sa huling sampung taon at inaasahan itong lumago pang lalo sa susunod na mga taon. Ang tumataas na rate ng immigration ng mga taong naghahanap ng trabaho at oportunidad sa edukasyon ay maaaring isa sa mga dahilan nito. Ayon sa World Migration Report 2018, tinatantiyang nasa 244 milyon ang mga internasyonal na mga migrante noong 2015 - nasa mga 57% na higit sa 155 milyon na tantiya noong taong 2000.

Ngunit hinaharap pa din ng remiitance na industriya ang mga problema tulad ng inefficiency at mga limitasyon. Bunga nito, mas maraming kumpanya ngayon ang gumagamit ng teknolohiyang blockchain para magbigay ng mas mahusay na alternatibo at mas makikita natin ang higit na paggamit ng mga nagtatrabahong migrante sa hinaharap.