Mga Nilalaman
- Ano ang cryptoeconomics?
- Ano ang mga problemang nalulutas ng cryptoeconomics?
- Ang papel ng cryptoeconomics sa Bitcoin mining
- Paano pinagaganda ng cryptoeconomics ang seguridad sa Bitcoin?
- Ang cryptoeconomic circle
- Pangwakas na ideya
Ano ang cryptoeconomics?
Sa simpleng depinisyon, nagbibigay ang cryptoeconomics ng paraan para pangasiwaan ang pagkilos ng mga kalahok sa network sa pamamagitan ng pagsasama ng cryptography sa economics.
Sa mas partikular na depinisyon, isang bahagi ng computer science ang cryptoeconomics na naglalayong malutas ang problema sa pangangasiwa ng mga kalahok sa mga digital ecosystem sa pamamagitan ng mga cryptography at economikong mga insentibo.
Sa halip na mapasailalim sa tradisyonal na ekonomics, ang cryptoeconomics ay magkahalong game theory, disenyo ng mekanismo, mathematics, at iba pang metodolohiya mula sa iba’t ibang larangan ng economics. Ang pangunahing layunin ay maintidihan kung paano pinopondohan, dinidisensyo, binubuo, at pinapangasiwaan ang pagpapatakbo ng mga decentralized na network.
Tatalakayin ng artikulong ito ang pinagmulan ng cryptoeconomics at ang papel nito sa disenyo ng Bitcoin at ibang decentralized na network.
Anong mga problema ang nilulutas ng cryptoeconomics?
Ang pagiging isa ng galaw ng mga cryptographic protocol sa mga ekonomikong insentibo ang nagbibigay-daan sa isang bagong ecosystem ng mga decentralized network na matatag at ligtas.
Ang papel ng cryptoeconomics sa Bitcoin mining
Layunin ng Bitcoin na makagawa ng value transfer network na tiyak na biniberipika ang mga palitan ng value, at dapat ay hindi nababago at nalalabanan ang censorship.
Kaugnay ng proseso ng mining ang paglutas sa mahihirap na mathematical problem base sa isang cryptographic hash algorithm. Sa kontekstong ito, ginagamit ang mga hash para itali ang bawat block sa kasunod na block, kaya’t nakagagawa ng inorasang tala ng mga aprubadong transaksyon na tinatawag na blockchain.
Ang mga panuntunang teknolohikal na ito na may kaugnayan sa mining ay kaisa ng mga requirement sa seguridad ng Bitcoin network, kabilang na ang pagpigil sa pagkontrol ng mga kahina-hinalang tao.
Paano napapaganda ng cryptoeconimics ang seguridad sa Bitcoin?
Cryptoeconomics ang isa sa mga dahilan kung bakit matagumpay ang Bitcoin. Nagpatupad si Satoshi Nakamoto ng mga assumption para mahikayat ang ilang insentibo para sa iba’t ibang klase ng mga kalahok sa network. Nakadepende ang garantiya ng seguridad ng sistema sa pagiging epektibo ng mga assumption na ito tungkol sa kung ano ang magiging reaksyon ng mga kalahok sa mga partikular na ekonomikong insentibo.
Base sa cryptoecomic assumptions, ang magandang relasyon sa pagitan ng mga miner at ng Bitcoin network ay nagbibigay ng dahilan para pagkatiwalaan ito. Ganunpaman, hindi ito garantiya na magpapatuloy ang sistema sa hinaharap.
Ang cryptoeconomic circle
Ang cryptoeconomic circle ay isang buong modelo ng cryptoeconomics. Inilathala ito ni Joel Monegro at inilalarawan ang ipinagpalagay na daloy ng value sa iba’t ibang klase ng kalahok sa isang peer-to-peer na ekonomiya.

Ipinapakita ng modelong ito ang three-sided market sa pagitan ng mga miner (supply na bahagi), mga user (demand na bahagi), at mga investor (kapital na bahagi). Ang bawat grupo ay nagpapalitan ng value sa isa’t isa gamit ang limitadong cryptoeconomic resource (ang token).
Sa relasyon ng miner at user, sinasahuran ang mga miner para sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng token na ginagamit ng mga user. Nagtatakda ng iisang batayan sa prosesong ito ang patakaran sa consensus ng network, habang kino-kontrol ng cryptoeconomic na modelo kung paano at kailan binabayaran ang mga miner.
Kanais-nais ang pagbuo ng arkitektura ng isang network na pinapanatili ng isang distributed na supply na bahagi (mga miner) hanggat mas maraming benepisyo kumpara sa mga limitasyon. Madalas kasama sa mga benepisyo ang paglaban sa censorship, borderless na mga transaksyon, at mataas na reliability. Ngunit, may tiyansang mas mababa ang performance ng mga decentralized system kung ikukumpara sa mga centralized na modelo.
Gumagawa ang mga trader ng liquidity para sa token para maibenta ng mga miner ang mga nakuha nilang token at mabayaran ang gastos sa pagpapatakbo, habang namumuhunan ang mga holder sa paglago ng network sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga presyo ng token. Gumagana ang relasyon ng miner at trader sa isang direktang daloy ng value, habang mga relasyon ng mga miner at holder ay sa isang hindi direktang daloy ng value.
Nangangahulugan lamang ito na ang lahat ng kalahok sa ganitong ekonomiya ay nakadepende sa isa’t isa para maabot ang kanilang mga economic goal. Ang disensyong ito ay gumagawa ng isang matatag at ligtas na network. Mas maraming benepisyo sa indibidwal na kalahok ang pagsunod sa mga panuntunang may insentibo kaysa sa kahina-hinalang aktibidad - dahilan kung bakit nagiging matatag ang network.
Pangwakas na ideya
Bagamat bago ang konseptong ito na umusbong sa pagsilang ng Bitcoin, mahalagang pundasyon ang cryptoeconomics sa pagdisenyo ng mga decentralized na network.
Ang isa-isang pagkilala sa mga papel ng sa cryptoeconomic na modelo ay makatutulong sa pagsusuri sa mga gastos, insentibo, at daloy ng value sa bawat grupo ng kalahok. Makatutulong din ang pagsasaalang-alang sa kaugnay na kapangyarihan at pagtukoy sa potensyal na mga punto ng centralization, na mahalaga para makadisenyo ng mas balanseng pamamahala at modelo ng distribusyon ng token.
Ang larangan ng cryptoeconomics at ang paggamit ng cryptoeconomic na modelo ay may malaking benepisyo sa pagpapaunlad ng hinaharap ng mga network. Sa pamamagitan ng pag-aral sa mga cryptoeconomic na modelo na subok na sa totoong buhay, ang mga network sa hinaharap ay maaaring idisenyo para mas maging mahusay at madaling panatilihin, na siyang magreresulta sa isang mas matatag na ecosystem ng mga decentralized na ekonomiya.