Ano Ang Tulip Mania?
Home
Mga Artikulo
Ano Ang Tulip Mania?

Ano Ang Tulip Mania?

Baguhan
Na-publish Dec 23, 2018Na-update Dec 12, 2022
4m

Itinuturing ng marami ang Tulip Mania bilang unang naitalang kwento ng isang financial bubble, na sinasabing naganap noong 1600s. Bago talakayin kung isa nga ba talagang financial bubble o hindi ang Tulip Mania, tignan muna natin ang mga karaniwang salaysay na nagsasabing isa itong tunay na bubble.


Ang Tulip Mania Bubble

Naganap ang Tulip Mania sa Netherlands, sa kasagsagan ng Dutch Golden Age. Naitala ng bansa noong panahong iyon ang pinakamataas na per capita income sa mundo dahil sa lumalago nitong pandaigdigang komersyo at mas malawak na trading operations.

Nakatulong ang paglago ng ekonomiya sa marami para makamit ang pagyaman at pag-unlad, na siya namang nagpatakbo sa merkado ng luxury goods. Sa kontekstong ito, isa sa mga inaasam na produkto ang tulips, partikular na ang mga sumailalim sa mutation kaya’t lalong nagmumukhang nakamamangha kumpara sa mga ordinaryong bulaklak. Ang mga natatanging bulaklak na ito ay ibang-iba kumpara sa ibang pagpipilian, kaya ginusto ng lahat na ipagmayabang ito dahil sa kakaibang mga kulay at pattern.

Depende sa klase, ang presyo ng isang bulaklak ay lagpas sa sahod ng isang skilled worker o maging ng presyo ng isang bahay. Ang pagkakalikha sa futures contract ang nagtulak lalo sa mga presyo na tumaas dahil hindi kinakailangan ng pisikal na palitan ng mga bulaklak. Sinasabing nagkaroon din ng epekto ang Bubonic Plague sa merkado dahil mas nagkainteres ang mga tao para sumugal sa pamumuhunan.

Ngunit dahil sa padami na nang padami ang mga magsasakang nagtatanim ng bulaklak, masyadong tumaas ang supply, at naabot ng tulip market ang kanyang peak noong Pebrero 1637. Biglang nagkaroon ng kakulangan ng mga mamimili, at pagkatapos ng isang bigong subasta ng tulip sa Harlem, mabilis na lumaganap ang takot at pagkagulo, na siyang nagdulot ng pagputok ng bubble matapos lamang ang ilang araw.

Hindi tiyak ang mga mananalaysay kung ang mga pagkalugi ay nangyari dahil sa Tulip Mania dahil bihira ang mga financial record sa panahong iyon, ngunit ang pagbagsak ay tiyak na nagdulot ng mga malaking pagkatalo sa mga namumuhunan na may hawak na tulip contracts. Ngunit ano ba ang kinalaman nito sa Bitcoin?


Tulip Mania Kumpara sa Bitcoin

Itinuturing ng marami ang Tulip Mania bilang pangunahing halimbawa ng pagputok ng bubble. Ang popular na kwento ay naglalarawan ng panahong ng kasakiman at kasabihan na nagtulak sa presyo ng mga tulip nang malayo sa katanggap-tanggap na lebel. Bagamat ang mga wais ay maagang nakalabas dito, ang mga nahuli ay nagpanic selling matapos magsimula ang free fall, kaya’t maraming mga namumuhunan at service provider ang nawalan ng malaking pera.

Madalas marinig na ang Bitcoin ay isa ring halimbawa ng isang financial bubble. Ngunit ang pag-uugnay ng Tulip Mania sa Bitcoin ay bigong isaalang-alang ang kaibahan ng klase ng asset at kalagayan ng merkado. Ang kasalukuyang financial environment ay ibang-iba at di hamak na may mas maraming kalahok kaysa sa tulip market noong 17th century. Dagdag pa rito, natatangi ang cryptocurrency markets kumpara sa mga tradisyunal na merkado.


Mga pangunahing kaibigan

Isa sa mga pinakamalalaking kaibahan ng tulips at Bitcoins ay ang potensyal na magsilbi bilang store of value. May limitadong buhay ang tulips, at halos imposibleng masabi ang eksaktong klase o anyo ng bulaklak kung titignan lamang ito. Itatanim lang ito ng mga negosyante at umasang lalabas ang parehong sa uri ng kanilang pinaglagyan ng puhunan, lalo kung nagbayad sila para sa isa sa mga bihirang kuulay. Bukod doon, kung gugustuhin nilang maglipat ng tulips, kinakailangan nila ng paraan para ligtas itong maipadala sa destinasyon na kaakibat ang iba’t ibang gastos. Hindi rin nababagay na ibayad ang mga tulip dahil imposibleng itong hatiin sa mas maliliit na bahagi, at posible pang ikamatay ng halaman. Dagdag dito, madaling mananakaw ang mga bulaklak mula sa taniman o mula sa isang tindahan, kaya’t mahirap silang protektahan.

Salungat naman dito, digital ang Bitcoin at maaaring ilipat sa loob ng isang pandaigdigang peer-to-peer na network. Isa itong digital na currency na binibigyan ng seguridad ng cryptographic techniques, kaya nalalabanan nito ang mga pandaraya. Hindi maaaring kopyahin o sirain ang Bitcoin, at madali rin itong hatiin sa maraming mas maliliit na unit. Dagdag pa rito, mas kaunti ang supply nito na limitado lamang sa maximum na 21 million units. Totoong may ipinapakitang mga panganib ang cryptocurrencies, ngunit ang pagsunod sa general security principles ay magbibigay ng kaligtasan sa iyong pondo.


Tunay nga bang bubble ang Tulip Mania?

Noong 2006, inilathala ng ekonomistang si Earl A. Thompson ang artikulong pinamagatang “The tulipmania: Fact or artifact?” kung saan niya tinalakay kung bakit walang kaugnayan ang Tulip Mania sa market frenzy, kundi sa hindi hayagang pag-convert ng gobyerno ng mga tulip futures contract para maging options contracts. Ayon kay Thompson, ang kaganapang ito ay hindi maituturing na bubble dahil “nangangailangan ang bubble ng umiiral na napagkasunduang presyo na lagpas sa pangunahing batayan,” na masasabing hindi nangyari sa Tulip Mania.

Noong 2007, inilathala ni Anne Goldgar ang librong may pamagat na “Tulipmania: Money, Honor, and Knowledge in the Dutch Golden Age,” kung saan niya inilatag ang maraming ebidensya na ang kilalang kwento ng Tulipmania ay puno ng kathang-isip. Base sa malawakang pananaliksik sa mga tala, sinasabi sa argumento ni Goldgar na ang parehong pagtaas at pagputok ng tulip bubble ay mas maliit kaysa sa pinapaniwalaan ng marami. Sinabi niyang masyadong maliit ang naging epekto sa ekonomiya at ganun din ang bilang ng mga taong may kaugnayan sa tulip market.


Pangwakas na ideya

Financial bubble man o hindi ang Tulip Mania, tiyak na hindi makatuwirang ikumpara ang tulips sa Bitcoins (o sa ibang cryptocurrency). Ang pangyayari ay naganap halos 400 taon na ang nakalipas sa ganap na naiibang konteksto ng kasaysayan, at ang mga bulaklak ay hindi maaaring ihalintulad sa digital currency na binibigyang seguridad ng cryptographic techniques.
Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.