Ano ang Mga Blockchain na Nangangailangan at Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Mga Blockchain na Nangangailangan at Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?
Maikling Kasaysayan at Background
Mga Pangunahing Katangian
Mga Bentahe at Disbentahe
Dapat Ba Akong Gumamit ng Blockchain na Nangangailangan ng Pahintulot, o Blockchain na Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?
Mga Pangwakas na Pananaw
Iba pang Babasahin
Ano ang Mga Blockchain na Nangangailangan at Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Mga Blockchain na Nangangailangan at Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?

Ano ang Mga Blockchain na Nangangailangan at Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?

Intermediya
Na-publish Feb 20, 2023Na-update Mar 23, 2023
6m

TL;DR

Bukas ang mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot para magamit ng lahat. Puwede ka pa ngang sumali sa kanilang mga mekanismo ng consensus, hangga't natutugunan mo ang mga partikular na kinakailangan. Ang Bitcoin, Ethereum, at BNB Chain ay mga halimbawa ng mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot, na kadalasan ay transparent at desentralisado.

Sa kabilang banda, nangangailangan ng mga imbitasyon ang mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot para makasali. Madalas na ginagamit ang mga ito sa mga setting ng negosyo at iniangkop para sa ilang partikular na paggagamitan. Limitado ang kapangyarihan sa maliit na grupo ng mga validator na siyang gumagawa ng karamihan sa mga desisyon sa network. Posibleng limitado ang transparency, pero madalas na malaki ang improvement pagdating sa bilis ng pag-upgrade sa network at scalability.

Panimula

Nakonsidera mo na ba ang uri ng blockchain na ginagamit mo maliban sa proof-of-work (PoW) versus proof-of-stake (PoS)? Ang bawat blockchain ay puwedeng maikonsidera bilang nangangailangan o hindi nangangailangan ng pahintulot. Sa pag-unawa sa dalawang kategoryang ito, puwede kang matuto pa tungkol sa mga katangian ng isang blockchain at kung gaano ito ka-fluid.  

Ano ang Mga Blockchain na Nangangailangan at Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?

Hindi lang isa ang uri ng blockchain. Ang isa sa mga pinakamahalagang pagkakaiba ay kung nangangailangan ba ng pahintulot o hindi ang isang blockchain. Malamang ay pamilyar ka na sa uri na hindi nangangailangan ng pahintulot, kung saan puwede itong magamit at mapagana ng lahat. Bukas din sa lahat ang paggamit sa network at pagsali sa proseso ng validation. Ang Bitcoin, BNB Chain, at Ethereum ay mga halimbawa ng mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot.

Sa blockchain na nangangailangan ng pahintulot, kailangang bigyan ng pahintulot ang mga kasali para makasali. Karaniwang ginagamit ang mga blockchain na ito sa mga pribadong setting, gaya ng sa loob ng isang organisasyon o negosyo. Halimbawa, puwedeng gamitin ng isang kumpanya ang Hyperledger Fabric blockchain framework para gumawa ng blockchain na nangangailangan ng pahintulot para sa supply chain system nito. Kung gusto mong sumali sa network, kailangang aprubahan ng isang admin ang access mo.

Maikling Kasaysayan at Background

Mababalikan ang teknolohiya ng Blockchain sa Bitcoin whitepaper ni Satoshi Nakamoto. Ang teknolohiyang nakasaad sa whitepaper ay isang blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot kung saan bubuo ng consensus ang mga hindi aligned na user. Nagpatuloy ang ganitong trend na hindi nangangailangan ng pahintulot bilang modelo ng Bitcoin at nakaimpluwensya ito sa maraming henerasyon ng blockchain. Ang mga pagpapahalaga at katangian ng Bitcoin at ng mga sumunod dito ay angkop sa mga pampublikong blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot.

Napatunayan din na nakakaengganyo para sa mga pribadong paggamit ang mga katangian ng blockchain. Ang immutability, transparency (sa ilang aspekto), at seguridad nito ang lumikha ng kagustuhan sa mga blockchain na nag-aalok ng karanasang mas nangangailangan ng pahintulot. 

Para matugunan ang kagustuhang ito, gumawa ang mga blockchain developer ng mga framework na nangangailangan ng pahintulot o mga custom na blockchain para sa paggamit ng third-party. Gaya ng nauna nang nabanggit, Hyperledger Fabric ang isa sa mga ganitong framework. Nagbibigay rin ang Quorum, MultiChain, at Ethereum Geth ng mga pribadong istruktura para sa mga pangangailangan sa negosyo.

Mga Pangunahing Katangian

Ang mga katangian sa ibaba ay hindi palaging nalalapat sa bawat blockchain na nangangailangan o hindi nangangailangan ng pahintulot. Gayunpaman, sa pangkalahatan, makikita mo na pasok ang karamihan sa mga ito sa mga nakasaad na kategorya.


Nangangailangan ng Pahintulot

Hindi Nangangailangan ng Pahintulot 

Transparency

Limitado 

Bukas

Mga User

Imbitado

Puwedeng sumali

Mga digital asset / token

Rare

Karaniwan

Proseso ng consensus ng upgradability

Maikli

Matagal

Scalability

Mabilis pamahalaan

Madalas na mahirap

Awtoridad sa network

Desentralisado

Mga Bentahe at Disbentahe

Mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot: Mga bentahe

  1. Potensyal sa desentralisasyon. Hindi lahat ng blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot ay desentralisado, pero kadalasan ay mataas ang potensyal ng mga ito na maging lubos na desentralisado. Ang sinuman ay puwedeng sumali sa mekanismo ng consensus o gumamit ng network na hindi nangangailangan ng pahintulot kung gusto at may mga resource sila na gawin ito.

  2. Consensus ng grupo. Puwedeng aktibong makiisa at magpasya sa mga pagbabago sa mga network ang mga user. Puwede ring ipakita ng mga validator at user ng network ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pananatili o pag-alis (foot voting), at ang mga hindi popular na pagbabago ay puwedeng humantong sa mga forked na bersyon ng isang network.

  3. Dali ng access. Puwedeng gumawa ng wallet at sumali sa isang network na hindi nangangailangan ng pahintulot ang sinuman dahil madaling i-access ang mga network na ito at relatibong mas kaunti ang mga balakid para makapasok sa mga ito.

Blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot: Mga disbentahe

  1. Mga hamon sa scalability. Kailangang pangasiwaan ng mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot ang malalaking user base at mabigat na trapiko. Dapat pumasa sa consensus ng grupo ang mga pag-upgrade sa network para maipatupad ito nang epektibo.

  2. Masasamang-loob. Dahil puwedeng sumali ang sinuman sa mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot, palaging may panganib ng masasamang-loob sa mga naturang network.

  3. Sobra-sobrang transparency. Karamihan sa mga impormasyong nasa mga blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot ay puwedeng makita ng sinuman, na posibleng magdulot ng mga potensyal na alalahanin sa privacy at seguridad.

Mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot: Mga bentahe

  1. Scalability. Ang isang blockchain na nangangailangan ng pahintulot ay karaniwang pinapatakbo ng isang entity na may antas ng kontrol sa mga validator. Ibig sabihin, mas madali ang pagpapatupad ng mga upgrade.

  2. Madaling pag-customize. Puwedeng gawin ang isang blockchain na nangangailangan ng pahintulot para sa isang partikular na layunin, kaya efficient ito sa isang partikular na function. Kung kailangang may baguhin, mabilis mako-customize ang blockchain.

  3. Kontroladong antas ng transparency. Matutukoy ng operator ng isang blockchain na nangangailangan ng pahintulot ang naaangkop na antas ng transparency para sa network, depende sa gamit nito.

  4. Mga imbitado lang ang makakasali. Makokontrol mo kung sino mismo ang puwede at hindi puwedeng sumali sa blockchain.

Mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot: Mga disbentahe

  1. Sentralisasyon. Malamang ay kontrolado ng isang sentral na entity o maliit na grupo ng mga validator na pinili ng may-ari ng blockchain ang kapangyarihan. Ibig sabihin, posibleng hindi kasali sa mga desisyon sa network ang lahat ng stakeholder.

  2. Kahinaan sa mga pag-atake. Kadalasan ay mas kaunti ang mga validator sa mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot, kaya mas mahina ang consensus mechanism nito laban sa mga pag-atake.

  3. Panganib ng censorship. May panganib ng censorship sa sabwatan sa network o mga update na ipinatupad ng operator ng blockchain. Kung sasang-ayon ang sapat na dami ng mga actor, puwedeng mapalitan ang impormasyon sa blockchain.

Dapat Ba Akong Gumamit ng Blockchain na Nangangailangan ng Pahintulot, o Blockchain na Hindi Nangangailangan ng Pahintulot?

Simple lang ang sagot sa tanong na ito. Kung gusto mong magbigay ng serbisyong bukas para sa lahat, blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot ang kailangan mo. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng isang blockchain na hindi nangangailangan ng pahintulot ay hindi nangangahulugang kailangan mong sundin ang standard na hanay ng mga prinsipyo at layunin. Sa katunayan, puwedeng sabay na sentralisado at hindi nangangailangan ng pahintulot ang chain mo. Puwede ka ring maglagay ng higit pang element ng privacy kung gusto mo.

Kung balak mong gumamit ng blockchain sa isang pribadong environment, gaya ng setting sa negosyo o pamahalaan, mas magiging akma ang blockchain na nangangailangan ng pahintulot. Muli, hindi kailangan ng blockchain mo na sundin ang mga karaniwang katangiang nauugnay sa mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot; puwede itong maging ganap na transparent at bukas para makita ng publiko.

Mga Pangwakas na Pananaw

Bagama't malamang na mga blockchain lang na hindi nangangailangan ng pahintulot ang makikita mo bilang isang namumuhunan sa crypto o trader ng crypto, kapaki-pakinabang ang pag-unawa sa kung paano naiiba ang mga ito sa mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot. Madaling magkaroon ng nag-iisang pagtingin sa distributed ledger technology (DLT) na akma sa transparent, pampubliko, at desentralisadong modelo ng crypto. Pero puwedeng mabago ang mga parameter na ito — sa katunayan, maraming pribadong negosyo ang gumagamit ng mga blockchain na nangangailangan ng pahintulot na hindi pasok sa mga karaniwang katangian ng mga naturang blockchain.

Iba pang Babasahin