TL;DR
Nakukuha ng Bitcoin ang halaga nito sa maraming iba't ibang katangian. Sa pangkalahatan, parehong may halaga ang mga crypto at fiat currency dahil sa tiwala. Hangga't naniniwala ang lipunan sa sistema ng fiat, patuloy na magkakaroon ng halaga ang pera. Masasabi rin natin iyon sa Bitcoin: may halaga ito dahil naniniwala ang mga user na may halaga ito, pero marami pang dapat isaalang-alang.
Hindi tulad ng fiat, walang bangko sentral ang Bitcoin, at nagbigay-daan ang desentralisadong istruktura nito sa paggawa ng natatanging sistema ng pananalapi. Nag-aalok ang teknolohiya ng blockchain ng mataas na antas ng seguridad, gamit, at iba pang benepisyo. Nagbigay rin ito ng makabagong paraan ng pangangasiwa sa paglilipat ng halaga sa buong mundo. Sa maraming paraan, puwede ring magsilbing store of value ang Bitcoin katulad ng ginto.
Panimula
Isa sa pinakamalalaking hamon sa mga baguhan sa crypto ay ang pag-unawa kung paano at bakit nagkakahalaga ang cryptocurrency gaya ng Bitcoin (BTC). Digital ang coin, wala itong pisikal na asset na sumusuporta rito, at puwedeng maging sobrang nakakalito ang konsepto ng pagmimina. Kung tutuusin, sa pagmimina, nakakagawa ng mga bagong bitcoin mula sa wala. Pero ayon sa kasanayan, kailangan ng napakalaking puhunan para matagumpay na makapagmina. Pero paano magiging mahalaga ang BTC dahil sa lahat ng ito?
Bagama't may mga kapansin-pansing pagkakaiba, may mga pagkakatulad ang BTC, bilang isang digital na anyo ng pera, sa fiat na pera na nakasanayan nating lahat. Kaya naman, talakayin muna natin ang halaga ng fiat na pera bago natin pag-usapan ang ecosystem ng cryptocurrency.
Bakit may halaga ang pera?
Sa madaling salita, dahil sa tiwala kaya nagkakaroon ng halaga ang pera. Sa pangkalahatan, ang pera ay isang tool na ginagamit para magpalitan ng halaga. Kahit anong bagay ay puwedeng gamitin bilang pera, hangga't tinatanggap ito ng lokal na komunidad bilang bayad sa mga produkto at serbisyo. Sa mga unang panahon ng sibilisasyon ng tao, may iba't ibang uri ng bagay na ginagamit bilang pera - mula sa mga bato hanggang sa mga kabibe.
Ano ang fiat na pera?
Noon, puwedeng pumunta sa bangko ang mga tao para ipapalit ang kanilang perang papel sa ginto o iba pang precious metal. Noong panahong iyon, sinisigurado ng mekanismong ito na nauugnay ang halaga ng mga currency gaya ng U.S. dollar sa katumbas na halaga ng ginto. Gayunpaman, tinalikuran na ng karamihan ng mga bansa ang pamantayan sa ginto at hindi na ito ang batayan ng ating mga sistema ng pera.
- Iniisyu ito ng sentral na awtoridad o pamahalaan.
- Wala itong likas na halaga. Hindi ito sinusuportahan ng ginto o ng anupamang commodity.
- Walang limitasyon ang potensyal na supply nito.
Bakit may halaga ang fiat?
Bakit may halaga ang crypto?
Pagdating sa Bitcoin, puwede natin itong limitahan sa anim na feature na tatalakayin natin nang mas detalyado mamaya: ang gamit, desentralisasyon, pamamahagi, mga sistema ng tiwala, scarcity, at seguridad.
Ano ang likas na halaga?
Malaking bahagi ng talakayan tungkol sa halaga ng Bitcoin ay kung mayroon ba itong anumang likas na halaga. Pero ano ang ibig sabihin nito? Kung titingnan natin ang isang commodity gaya ng langis, mayroon itong likas na halaga sa paggawa ng enerhiya, mga plastic, at iba pang materyal.
Sa tradisyonal na sistema ng pananalapi, maraming opsyon sa pamumuhunan na may likas na halaga, mula sa mga commodity hanggang sa mga stock. Hindi kasama rito ang mga merkado ng Forex dahil mga fiat currency ang pinapangasiwaan ng mga ito, at kadalasang kumikita ang mga trader sa mga panandalian o may katamtamang tagal na pagbabago sa rate ng palitan. Pero paano naman ang Bitcoin?
Bakit mahalaga ang Bitcoin?
Ang halaga ng Bitcoin ay isang subjective na paksa kung saan maraming iba't ibang opinyon. Siyempre, puwedeng sabihin ng isang tao na ang market price ng Bitcoin ay ang halaga nito. Gayunpaman, hindi talaga noon sinasagot ang tanong natin. Ang mas mahalaga ay kung bakit kasi ito may halaga para sa mga tao. Talakayin natin nang mas mabuti ang ilan sa mga katangiang dahilan kung bakit mahalaga ang Bitcoin.
Halaga ng Bitcoin sa gamit

Halaga ng Bitcoin sa desentralisasyon
Halaga ng Bitcoin sa pamamahagi
Sa pamamagitan ng pagbibigay-daan para makasali ang maraming tao hangga't maaari, pinapaigting ng network ng Bitcoin ang pangkalahatang seguridad nito. Kung mas maraming node ang nakakonekta sa ipinamahaging network ng Bitcoin, mas marami itong makukuhang halaga. Sa pamamahagi ng ledger ng mga transaksyon sa iba't ibang user, hindi kailangang umasa sa iisang pinagmumulan ng katotohanan.
Kung walang pamamahagi, puwede tayong magkaroon ng maraming bersyon ng katotohanan na mahirap i-verify. Pag-isipan ang isang dokumentong ipinadala sa email na ginagawa ng isang team. Habang ipinapadala ng team ang dokumento sa mga sarili nila, gumagawa sila ng iba't ibang bersyon na may iba't ibang katayuan na puwedeng maging mahirap subaybayan.
Gayundin, mas madaling maapektuhan ng mga cyber-attack at pagkawala ng serbisyo ang isang sentralisadong database kaysa sa isang ipinamahaging database. Pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng mga isyu sa paggamit ng credit card dahil sa isang isyu sa server. Ang isang cloud-based na system gaya ng sa Bitcoin ay pinapanatili ng libo-libong user sa buong mundo, kaya naman mas epektibo at mas secure ito.
Halaga ng Bitcoin sa mga sistema ng tiwala
Ang tiwala ay isang mahalagang bahagi ng anumang mahalagang item o commodity. Kalunos-lunos ang mawalan ng tiwala sa isang bangko sentral para sa currency ng isang bansa. Gayundin, para makagamit ng mga internasyonal na paglilipat ng pera, kailangan nating pagkatiwalaan ang mga sangkot na institusyon sa pananalapi. Mas maraming tiwala ang kasama sa mga pagpapatakbo ng Bitcoin kaysa sa iba pang sistema at asset na ginagamit natin araw-araw.
Gayunpaman, hindi kailangang magtiwala ng mga user ng Bitcoin sa isa't isa. Kailangan lang nilang magtiwala sa teknolohiya ng Bitcoin, na napatunayan nang lubos na maaasahan at secure, at bukas ang source code para makita ng kahit sino. Ang Proof of Work ay isang transparent na mekanismo na mave-verify at matitingnan ng kahit sino. Madaling makita ang halaga rito sa pagbuo ng consensus na halos laging walang error.
Halaga ng Bitcoin sa scarcity

Halaga ng Bitcoin sa seguridad
Pagdating sa pagpapanatiling ligtas ng iyong mga ipinuhunang pondo, wala masyadong ibang opsyong nagbibigay ng seguridad na kasing-igting ng seguridad na ibinibigay ng Bitcoin. Kung susundin mo ang pinakamahuhusay na kagawian, napaka-secure ng iyong mga pondo. Sa mauunlad na bansa, madali mong mababalewala ang seguridad na iniaalok ng mga bangko. Pero para sa maraming tao, hindi maibibigay sa kanila ng mga institusyon sa pananalapi ang proteksyong kailangan nila, at puwedeng maging napakadelikado ng paghawak ng malalaking halaga ng cash.
Ang mga tanging totoong banta sa pag-store ng iyong BTC ay ang:
- Panloloko at mga pag-atake ng phishing
- Pagkawala ng iyong pribadong key
- Pag-store ng iyong BTC sa nakompromisong custodial wallet kung saan hindi ikaw ang nagmamay-ari ng pribadong key
Bitcoin bilang store of value
- Tibay: Hangga't mayroon pa ring mga computer na nagpapanatili sa network, 100% matibay ang Bitcoin. Hindi masisira ang BTC gaya ng pisikal na cash at sa katunayan, mas matibay pa ito kaysa sa mga fiat currency at precious metal.
- Portability: Bilang digital currency, napaka-portable ng Bitcoin. Ang kailangan mo lang ay koneksyon sa Internet at ang iyong mga pribadong key para ma-access ang mga hawak mong BTC mula kahit saan.
- Divisibility: Bawat BTC ay nahahati sa 100,000,000 satoshi, na nagbibigay-daan sa mga user na gumawa ng lahat ng sukat ng transaksyon.
- Fungibility: Maipapalit ang bawat BTC o satoshi sa isa pang BTC o satoshi. Dahil sa aspektong ito, magagamit ang cryptocurrency bilang palitan ng halaga sa ibang tao sa buong mundo.
- Scarcity: Hanggang 21,000,000 BTC lang ang iiral, at milyon na ang nawala habambuhay. Di-hamak na mas limitado ang supply ng Bitcoin kaysa sa mga inflationary na fiat currency, kung saan nadaragdagan ang supply sa paglipas ng panahon.
- Pagtanggap: Malawakan na ang paggamit sa BTC bilang paraan ng pagbabayad para sa mga indibidwal at kumpanya, at patuloy lang na lumalago ang industriya ng blockchain araw-araw.
Mga pangwakas na pananaw
Sa kasamaang palad, walang isa at malinaw na sagot kung bakit may halaga ang Bitcoin. Nasa cryptocurrency ang mga pangunahing aspekto ng maraming asset na may halaga, gaya ng mga precious metal at fiat, pero hindi ito pasok sa isang kahong madaling matutukoy. Gumagana ito tulad ng pera nang walang pagsuporta ng pamahalaan at may scarcity na tulad ng commodity kahit na digital ito.