Ano ang Risk/Reward Ratio at Paano Ito Gamitin?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang risk/reward ratio?
Paano kalkulahin ang risk/reward ratio
Risk kumpara sa reward
Pangwakas na ideya
Ano ang Risk/Reward Ratio at Paano Ito Gamitin?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Risk/Reward Ratio at Paano Ito Gamitin?

Ano ang Risk/Reward Ratio at Paano Ito Gamitin?

Baguhan
Na-publish Aug 21, 2020Na-update Nov 16, 2022
8m

Dapat ko bang itaya ang oras ko para makakuha ng impormasyon mula sa artikulong ito?

Sinasabi ng risk/reward ratio kung gaano kalaking panganib ang sinusuong mo para sa potensyal na gantimpala.

Pinipiling maigi ng mga magaling na trader at investor ang kanilang mga taya. Hinahanap nila ang pinaka mataas na potensyal na benepisyo na may pinaka mababang potensyal na kawalan. Kung ang investment ay magbibigay ng parehong kita sa isa, ngunit mas kaunti ang panganib, maaaring mas magandang tayaan ito.

Interesadong matuto kung paano ang kalkulasyon nito? Magbasa pa tayo.


Panimula

Kung ikaw man ay  day trader o  swing trader, may ilang pangunahing konsepto tungkol sa panganib na dapat mong maintindihan. Ito ang basehan ng iyong pag-intindi sa merkado at magbibigay sa iyo ng pundasyon para gabayan ka sa mga aktibidad sa trading at mga desisyon sa investment. Kung hindi, hindi mo mapoprotektahan at mapalalago ang iyong trading account.
Natalakay na natin ang pangangasiwa ng panganib, kalkulasyon ng posisyon, at pagtatakda ng stop-loss. Ganunpaman, kung aktibo ang iyong istratehiya sa trading, may mahalaga kang dapat maintindihan. Gaano kalaking panganib ang iyong sinusuong kaugnay ng potensyal na gantimpala? Gaano kalaki ang potensyal na pakinabang kumpara sa potensyal na kawalan? Sa madaling salita, ano ang iyong risk/reward ratio?

Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano kalkulahin ang risk/reward ratio para sa iyong mga trade.


Ano ang risk/reward ratio?

Ang risk/reward ratio (R/R ratio o R) ay ang kalkulasyon kung gaano kalaking panganib ang sinusuong ng trader para sa potensyal na gantimpala. Sa ibang salita, ipinapakita nito ang iyong mga potensyal na gantimpala sa bawat $1 na itinaya sa isang investment.

Simple lamang ang mismong kalkulasyon. I-divide mo ang iyong maximum risk gamit ang net target profit. Paano mo ito gagawin? Una, tingnan kung saan mo gustong ipasok ang trade. Pagkatapos, magpasya kung saan mo gustong kunin ang kita (kung matagumpay ang trade), at kung saan mo ilalagay ang stop-loss (kung natalo sa trade). Mahalaga ito kung gusto mong maayos na pangasiwaan ang iyong panganib. Ang mga magaling na trader ay nagtatakda ng profit target at stop-loss bago pumasok sa trade.

Ngayong mayroon ka nang parehong entry at exit target, ibig sabihin ay maaari mo nang kalkulahin ang risk/reward ratio. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagdivide ng iyong potensyal na panganib gamit ang iyong potensyal na gantimpala. Mas mababa ang ratio, mas malaki ang makukuhang potensyal na gantimpala kada “unit” ng panganib. Tingnan natin kung paano ito magagamit sa isang sitwasyon.


Paano kalkulahin ang risk/reward ratio

Sabihin nating gusto mong pumasok sa isang long na posisyon sa Bitcoin. Gagawa ka ng pagsusuri at matutukoy na ang iyong take profit order ay 15% ng iyong entry price. Ganun din, itatanong mo ang mga sumusunod. Saan mai-invalidate ang iyong ideya sa trade? Doon mo dapat itakda ang iyong stop-loss order. Sa kasong ito, magpapasya ka na ang iyong invalidation point ay 5% mula sa iyong entry point.

Sa pangkalahatan, mahalagang tandaan na hindi dapat nakabase ang mga ito sa gawa-gawang percentage. Dapat mong tukuyin ang profit target at stop-loss base sa iyong pagsusuri ng mga merkado. Maaaring makatulong ang mga technical analysis indicator.

Kaya naman, ang profit target natin ay 15% at ang potential loss ay 5%. Ano ang ating risk/reward ratio? Ito ay 5/15 = 1:3 = 0.33. Ganun kasimple. Nangangahulugan ito na sa bawat unit ng panganib, ang potensyal na panalo ay tatlong beses na higit sa gantimpala. Sa ibang salita, para sa bawat dolyar ng panganib, maaari tayong kumita ng tatlo. Kaya kung may posisyon tayo na may halagang $100, may panganib na mawala ang $5 at potensyal na kitang $15.

Maaari nating ilapit ang stop loss sa ating entry para mapababa ang ratio. Ganunpaman, tulad ng nabanggit, ang entry at exit points ay hindi dapat kalkulahin base sa gawa-gawang numero. Dapat silang kalkulahin base sa ating pagsusuri. Kung ang trade setup ay may mataas na risk/reward ratio, posibleng hindi sulit na subukan o “ilaro” ang mga numero. Maaaring mas makabubuting umusad at maghanap ng ibang setup na may magandang risk/reward ratio.

Tandaan na ang mga position na may magkakaibang sizing ay maaaring magkaroon ng parehong risk/reward ratio. Halimbawa, kung may posisyon tayong nagkakahalaga ng $10,000, may panganib na matalo ng $500 para sa potensyal na $1,500 na kita (1:3 pa rin ang ratio). Nagbabago lamang ang ratio kung binago ang relatibong posisyon ng ating target at stop-loss.


Ang reward/risk ratio

Mahalagang tandaan na maraming trader ang nagsasagawa ng kalkulasyon nang pabaliktad, at sa halip ay kinakalkula ang reward/risk ratio. Bakit? Ito’y simpleng pagkakaiba lamang ng kagustuhan. Mas madali itong intindihin para sa iba. Ang kalkulasyon ay simpleng kabaliktaran lamang ng risk/reward ratio formula. Dahil dito, ang ating reward/risk ratio sa halimbawa sa itaas ay 15/5 = 3. Tulad ng inaasahan, ang mas mataas na reward/risk ratio ay mas maganda kaysa sa mababang reward/risk ratio.


Halimbawa ng trade setup na may reward/risk ratio na 3.28.



Risk kumpara sa reward

Sabihin nating tayo ay nasa zoo at tayo ay tumaya. Magbibigay ako sa iyo ng 1 BTC kung pumuslit ka sa isang birdhouse at nagpakain ng parrot gamit ang iyong kamay. Ano ang potensyal na panganib? Dahil gumagawa ka ng ipinagbabawal, maaari kang hulihin ng mga pulis. Sa kabilang banda, kung nagtagumpay ka, makakakuha ka ng 1 BTC.

Ganun din, mayroon akong alternatibo. Bibigyan kita ng 1.1 BTC kung pupuslit ka sa kulungan ng tigre at magpapakain ng hilaw na karne sa tigre gamit lamang ang iyong kamay. Ano ang potensyal na panganib dito? Oo, maaari kang hulihin ng pulis. Ngunit may tiyansang atakihin ka ng tigre at saktan nang malala. Sa kabilang banda, mas malaki ang pakinabang dito kaysa sa pustahan sa parrot, dahil makakakuha ka ng mas maraming BTC kung ikaw ay nagtagumpay.

Alin ang mas magandang kasunduan? Sa teknikal na pananaw, parehong hindi maganda ang kasunduan, dahil hindi ka dapat pumuslit nang ganoon. Ganunpaman, mas malaki ang sinusuong mong panganib sa pustahan sa tigre para lamang sa mas maliit na dagdag sa potensyal na gantimpala.

Sa parehong paraan, maraming trader ang maghahanap ng mga trade setup kung saan maaari sila kumita nang mas malaki kaysa sa maaaring mawala. Ito ang tinatawag na asymmetric opportunity (ang potensyal na pakinabang ay mas malaki sa potensyal na kawalan).
Mahalagang banggitin dito ang iyong win rate. Ang win rate ay ang bilang ng iyong naipanalong mga trade na na-divide ng bilang ng iyong natalong mga trade. Halimbawa, kung mayroon kang 60% win rate, kumikita ka ng 60% sa iyong mga trade (humigit-kumulang). Tingnan natin kung paano mo ito magagamit sa pangangasiwa ng panganib.
Magkaganunman, may ibang mga trader na kumikita nang malaki sa kabila ng mababang winning rate. Bakit? Dahil pinupunan ito ng mga risk/reward ratio sa kanilang mga indibidwal na trade setup. Kung kinukuha lamang nila ang mga trade setup na may risk/reward ratio na 1:10, maaari silang matalo sa siyam na magkakasunod na trade at magkaroon pa rin ng break-evensa isang trade. Sa kasong ito, kailangan lamang nilang manalo sa dalawa sa sampung trade para kumita. Ganito nagiging makapangyarihan ang kalkulasyon ng risk kumpara sa reward.


Pangwakas na ideya

Nakita natin kung ano ang risk/reward ratio at kung paano ito magagamit ng mga trader sa kanilang plano sa trading. Mahalaga ang kalkulasyon ng risk/reward ratio pagdating sa risk profile ng anumang istratehiya sa pangangasiwa ng pera.
Isa pang dapat isaalang-alang pagdating sa panganib, ay ang pagtatago ng trading journal. Sa pagdokumento ng iyong mga trade, makakukuha ka ng mas tamang larawan ng performance sa iyong mga istratehiya. Dagdag pa rito, maaari mo silang magamit sa iba’t ibang sitwasyon sa merkado at klase ng asset.
May mga tanong pa tungkol sa kalkulasyon ng risk at reward? Bisitahin ang aming plataporma sa Q&A, ang Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.