TL;DR
Bilang sukatan, pinaghahambing ng real yield ng crypto ang iniaalok na yield ng isang proyekto at ang kita nito. Kung mas malaki ang mga return sa pag-stake sa usaping real kaysa sa ibinigay na interes, dilutionary ang mga emission. Ibig sabihin, ang yield ng mga ito ay hindi sustainable, o sa madaling sabi, “real” o totoo. Hindi naman sinasabing mas maganda ang real yield kaysa sa mga dilutionary na emission, na kadalasang ginagamit para sa marketing. Gayunpaman, posibleng maging kapaki-pakinabang ang indicator na ito bilang tool para sa pagtantya sa mga pangmatagalang posibilidad sa pagkakaroon ng yield ng isang proyekto.
Panimula
Talagang nakakaintriga para sa maraming namumuhunan ang malalaking APY na kadalasang nakikitang iniaalok sa mundo ng decentralized finance (DeFi). Pero kung nakakita ka na ng mga 100% o kahit nga 1000% return sa isang pagkakataon sa pag-stake, patas na kwestyunin kung masyado ba itong maganda para maging totoo. Isang sikat na paraan para sa pagsusuri sa mga ipinapangakong yield ay ang pagkalkula sa real yield ng isang proyekto. Makakatulong sa iyo itong simple, mabilis, at may pagkaepektibong kalkulasyon na i-assess ang posibilidad ng mga pangako ng isang proyekto sa isang sulyap at tantyahin kung gaano nga ba ka-“real” o katotoo ang yield nito.
Ano ang Pag-farm ng Yield sa DeFi?
Sa pag-farm ng yield, nakakakuha ang mga user ng mga reward na cryptocurrency para sa pag-lock ng kanilang mga asset sa mga pool na may yield. May iba't ibang pagkakataon para mag-farm ng yield, kasama na ang mga liquidity pool, pag-stake sa native na network, at mga protocol sa pagpapahiram. Ang pagkakapare-pareho ng lahat ng ito ay kumikita rito ang mga user sa kapalit ng paggamit sa pondo ng user na ito. Karaniwan para sa mga nagfa-farm ng yield na gumamit ng mga protocol na nagma-maximize sa mga return ng mga ito, na kilala bilang mga yield optimizer. Ililipat-lipat din ng mga nagfa-farm ng yield ang kanilang mga pondo, sa paghahanap sa pinakamatataas na return na available sa merkado.
Habang lalo pang sumikat ang DeFi, maraming protocol ang nagsimulang mag-alok ng mas matataas na reward bilang mga insentibo para sa mga nagse-stake. Gayunpaman, kadalasan ay humantong ito sa napakatataas at hindi sustainable na APY, ang ilan ay lampas 1000% pa. Noong bumaba na ang mga APY na ito bilang resulta ng pagkaubos ng mga treasury ng proyekto, kadalasang bumabagsak ang mga presyo ng token dahil dali-daling ibinenta ng mga user ang na-farm na token. Lumabas na sinusuportahan ng mga emission ang demand para sa mga ganitong token, sa halip na ng gamit ng mga ito.
Sa dami ng matataas na APY sa mundo ng DeFi, paano natin matatantya ang totoong halaga ng mga proyekto at ang potensyal ng mga ito na magkaroon ng interes? Isang opsyon ang tingnan ang real yield ng crypto ng proyekto.
Real at Sustainable Yield vs Mga Dilutionary na Emission
Kapag inilarawan natin ang yield bilang totoo o “real,” ang pinag-uusapan natin ay ang sustainability nito. Kung nasasaklawan ng mga kita ng proyekto ang halaga ng mga token na ipinapamahagi sa mga nagse-stake, hindi nauubos ang mga sariling pondo nito. Ayon sa teorya, puwedeng mapanatili ng proyekto ang parehong APY sa usaping real sa loob ng hindi tiyak na tagal ng panahon kung hindi magbabago ang mga kita.
Gayunpaman, karaniwan din ang makakita ng mga dilutionary na emission – na isang sitwasyon kung saan nagpapamahagi ng APY ang isang proyekto sa paraang hindi sustainable sa katagalan, pinakakaraniwang sa pamamagitan ng pag-ubos sa treasury nito. Kung hindi lalaki ang kita ng proyekto, magiging imposibleng panatilihin ang parehong antas ng APY. Kadalasan, ipinapamahagi ang ganitong APY sa native token ng proyekto, dahil madaling makukuha ang malaking supply nito.
Posibleng fina-farm din ng mga nagse-stake ang mga token na ito at ibinebenta nila ito sa bukas na merkado, kaya naman bumababa ang presyo ng mga ito. Puwede itong lumikha ng paulit-ulit na proseso kung saan mas maraming native token ang kailangang ibigay para maialok ang parehong APY, na mas mabilis na makakaubos sa treasury.
Tandaan na bagama't mas mainam kung ibibigay ang “real yield” sa mga blue-chip token, posible rin itong magawa ng isang proyektong namamahagi ng native token nito.
Ano ang Real Yield ng Crypto Bilang Sukatan?
Ang sukatang real yield ng crypto ay isang mabilis na paraan para masuri ang iniaalok na yield ng isang proyekto kumpara sa kita nito. Magbibigay-daan ito sa iyong makita kung ilan sa mga reward ng proyekto ang dilutionary, o pangunahing sinusuportahan ng mga emission ng token sa halip na pinopondohan ng kita. Tumingin tayo ng simpleng halimbawa.
Sa loob ng isang buwan, ipinamahagi ng proyekto X ang 10,000 ng mga token nito sa average price $10, kaya naman umabot sa $100,000 ang kabuuang halaga ng mga emission nito. Sa loob ng parehong panahon, kumita ng $50,000 ang proyekto. Dahil $50,000 lang ang kita pero $100,000 ang ibinayad sa mga emission, may real yield deficit na $50,000. Samakatuwid, malinaw na lubos na nakasalalay ang iniaalok na APY sa mga dilutionary emission sa halip na sa totoong paglago. Hindi isinasaalang-alang sa simpleng halimbawa natin dito ang gastusin sa pagpapatakbo, pero makatuwiran pa rin itong pagtatantya na magagamit kapag sinusuri ang yield.
Baka napansin mo na ayon sa konsepto, pareho ang real yield sa mga dibidendo sa stock market. Halatang hindi magiging sustainable ang isang kumpanyang nagbabayad ng mga dibidendo sa mga stockholder na hindi sinusuportahan ng kaukulang kita. Para sa mga proyekto ng blockchain, karaniwang nanggagaling ang kita sa bayarin mula sa isang iniaalok na serbisyo. Sa sitwasyon ng isang automated market maker (AMM), puwedeng ito ay bayarin sa transaksyon sa liquidity pool, habang puwedeng ibahagi ng isang yield optimizer ang bayad sa performance nito sa mga may hawak ng governance token nito.
Paano Siguraduhing Totoo o Real ang Iyong Yield sa DeFi?
Una, kakailanganin mo munang makahanap ng mapagkakatiwalaang proyekto na nag-aalok ng pinagkakatiwalaan at ginagamit na serbisyo. Ibibigay nito sa iyo ang pinakamagandang pagsisimulan para makakuha ng sustainable na yield. Susunod, tingnan ang potensyal sa yield ng proyekto at kung paano ka eksaktong lumalahok. Baka kailangan mong magbigay ng liquidity sa isang protocol o i-stake ang governance token nito sa isang pool. Karaniwan ding mekanismo ang pag-lock ng mga native token.
Para sa maraming naghahanap ng yield, maganda ang pag-payout ng yield sa mga blue-chip token dahil sa nakikitang mas mababang volatility ng mga nasabing asset. Kapag nakahanap ka ng proyekto at naunawaan mo ang mekanismo nito, tandaang suriin ang real yield ng proyekto gamit ang formula sa itaas. Tingnan natin ang isang modelo ng yield na may real yield na nakatanim sa tokenomics nito – pati na rin kung paano ito suriin gamit ang ating sukatan.
Ang protocol ng automated market maker ay nag-aalok ng yield sa dalawang paraan. Una, sa mga may hawak ng governance token nito, ang ABC, at pangalawa, sa mga may hawak ng XYZ, ang liquidity provider token nito. Ayon sa disenyo, pinapanatili ang sampung porsyento ng kita ng platform para sa treasury, at ang natitira ay hinahati nang 50/50 sa mga may hawak ng dalawang token sa mga kaukulang pool ng reward ng mga ito at binabayaran sa BNB.
Ayon sa iyong mga kalkulasyon, kumikita ng $200,000 ang proyekto buwan-buwan. Batay sa tokenomics ng proyekto, $90,000 na BNB ang ipinapamahagi sa mga nagse-stake sa pool ng mga reward ng ABC at $90,000 sa mga nagse-stake sa pool ng mga reward ng XYZ. Puwede nating kalkulahin ang real yield gaya ng sumusunod:
$200,000 – ($90,000 X 2) = $20,000
Ipinapakita ng ating kalkulasyon na may surplus na $20,000, at sustainable ang modelo ng yield. Ginagarantiyahan ng modelo ng tokenomics para sa pamamahagi ng yield na hinding-hindi lalampas sa kita ang mga emission. Mahusay ang pagpili ng proyekto ng DeFi na may sustainable na modelo ng pamamahagi para makahanap ng real yield nang hindi kinakailangang ikaw mismo ang umalam sa mga numero.
Nagiging Mas Mahusay ba ang DeFi Kapag Umasa sa Real Yield?
Sa madaling sabi, hindi naman. Matagumpay na gumana ang mga emission noon para sa ilang proyekto para makakuha ang mga ito ng mga user. Kadalasan, unti-unting binabawasan ng mga proyektong ito ang mga emission ng mga ito at lumilipat ang mga ito sa mga mas sustainable na modelo. Mali kung sasabihin natin na talagang mas mahusay ang pagsisikap na magkaroon ng real yield at talagang hindi sustainable ang pag-asa sa mga emission. Pero, sa katagalan, mayroon lang puwang para sa mga modelo ng mga proyekto ng DeFi na kumikita at may mga totoong mapaggagamitan.
Mga Pangwakas na Pananaw
Sa mga natutuhan natin sa mga dating cycle ng DeFi, makikinabang ang DeFi kung makikita natin ang mas maraming protocol na matagumpay na makapagpatupad ng mga feature na humihimok sa paggamit at sustainable na paraan para kumita. Sa mga emission, malinaw rin ang mensahe: mainam kung mauunawaan ito ng mga user batay sa kung ano ang mga ito, pati na rin ang tungkulin ng mga ito sa pagpapalawak ng user base ng mga proyekto at potensyal na pagkakaroon ng sustainability.