Ano ang Crypto Index Fund?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang Tradisyonal na Index Fund?
Mga Bentahe at Kahinaan ng mga Tradisyonal na Index Fund
Ano ang Crypto Index Fund?
Paano Naiiba ang Crypto Index Fund?
Mga Pangwakas na Pananaw
Iba pang Babasahin
Ano ang Crypto Index Fund?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Crypto Index Fund?

Ano ang Crypto Index Fund?

Intermediya
Na-publish Dec 9, 2022Na-update Feb 9, 2023
5m

TL;DR

Kinukuha lang ng crypto index fund ang ideya ng tradisyonal na index fund — isang paraan ng pamumuhunan na idinisenyo para subaybayan ang performance ng isang nakalaang market index — at pinapalitan nito ang mga pinagbabatayang asset gamit ang mga crypto token sa halip na mga share sa kumpanya.

Panimula

Para maunawaan ang mga crypto index fund, kailangang maging pamilyar sa mga market index. Sa madaling sabi, ang market index ay isang paraan ng paggamit ng data para subaybayan at sukatin ang performance ng isang stock market, o ng isang tinukoy na grupo ng mga kumpanya at ang mga kaugnay na stock ng mga ito.

Kinukuha lang ng crypto index fund ang ideya ng tradisyonal na index fund at pinapalitan nito ang mga pinagbabatayang asset gamit ang mga cryptocurrency token sa halip na mga share sa kumpanya. Gayunpaman, bago pang development ang mga crypto index fund, at iilan lang ang kasalukuyang available.

Ano ang Tradisyonal na Index Fund?

Bago tingnan ang mga crypto index fund, pinakamainam na magkaroon ng pangunahing pag-unawa tungkol sa mga tradisyonal na index fund. Sa pinakasimpleng salita, ang index fund ay isang portfolio ng pamumuhunan na idinisenyo para subaybayan ang isang tinukoy na basket ng mga pinagbabatayang asset. 

Sa mas partikular, karaniwang inilalarawan ang tradisyonal na index fund bilang isang uri ng mutual fund na binuo para tumugma sa komposisyon at performance ng isang partikular na pinansyal na market index, gaya ng S&P 500 o Dow Jones Industrial Average.

 Pero ano ang mutual fund? At ano ang pinansyal na market index? 

Ang mutual fund ay isang pinansyal na instrumento para mai-pool ng mga tao ang kanilang pera sa isang pinapamahalaang pondo, na naglalayon namang kumita para sa mga kasali sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga asset gaya ng mga stock at bond. Naka-set up ang portfolio ng isang mutual fund para tumugma sa ilang layunin sa pamumuhunan na itinakda ng pondo at ng manager nito. 

Samantala, ang market index, ay isang paraan ng paggamit ng data para subaybayan at sukatin ang performance ng isang stock market o seksyon ng stock market. Ang S&P 500, Dow Jones Industrial Average, at FTSE 100 ay pawang mga halimbawa ng mga market index.

  • Sinusubaybayan ng S&P 500 ang stock performance ng 500 malalaki at mahahalagang kumpanya na pampublikong tine-trade sa US.

  • Sinusubaybayan ng Dow Jones Industrial Average ang stock performance ng 30 partikular na prominenteng kumpanya na nakalista sa US.

  • Sinusubaybayan ng FTSE 100 ang stock performance ng 100 pinakamalalaking kumpanya ayon sa market capitalization sa London Stock Exchange.  

At kaya naman, sa sitwasyon ng index fund, naka-set up ang portfolio ng pamumuhunan para gayahin ang komposisyon ng isang tinukoy na market index (gaya ng itinalaga ng pondo). Ang layunin ng pondo ay tapatan lang ang performance ng market index sa kabuuan.

Kung ihahambing, sa mutual fund idinidisenyo ang portfolio ng isang fund manager batay sa kanyang mga pananaw sa kung saan dapat aktibong mamuhunan — sa layuning malamangan ang merkado pagdating sa performance.

Mga Bentahe at Kahinaan ng mga Tradisyonal na Index Fund

Kilala ang mga index fund bilang passive na diskarte sa pamumuhunan na nagbibigay ng mga return na naaayon sa mas malawak na bahagi ng stock market. Ang layunin ay hindi talunin ang mga paggalaw ng merkado, kung hindi ay gayahin lang ang mga paggalaw ng market index. Ayon sa mga pag-aaral, malamang na mas mahusay ang pangmatagalang performance ng mga passive na pondo kaysa sa mga aktibong pondo.

Dahil dito, isa sa mga pangunahing bentahe ng index fund ay iniisip na nag-aalok ang mga ito ng mas magagandang pangmatagalang resulta kumpara sa mga pondong aktibong pinapamahalaan. Halimbawa, ang average na annualized return ng S&P 500 mula noong 1957 (noong unang pinalawak ang index para mapabilang ang 500 stock) hanggang sa katapusan ng 2021 at 11.88%. 

Dina-diversify din ng index fund ang mga portfolio dahil pangunahin itong binubuo ng maraming maliliit na hati ng bawat kumpanyang nasa index. Ibig sabihin, hindi nakasalalay ang iyong pamumuhunan sa tagumpay ng isang kumpanya, pero sinusubaybayan nito ang performance ng index sa kabuuan. Sa madaling sabi, nag-aalok ang index fund ng mas malawak na exposure sa merkado. 

Dagdag pa rito, dahil ginagaya lang ng index fund ang komposisyon ng index na sinusubaybayan nito, bihirang magbago ang nilalaman ng iyong portfolio, na humahantong sa mas mababang gastusin sa pagpapatakbo at pag-trade, at mas mababang bayarin.

Gayunpaman, ang disbentahe ay napakababa ng flexibility. Puwedeng alisin ng aktibong pinapamahalaang pondo ang mga stock na hindi mahusay ang performance, at sa mahusay na pamamahala, kaya nitong ungusan ang mas malawak na bahagi ng merkado. Kung bababa ang index, maghahatid din ng pagkalugi ang isang index fund, samantalang ang isang aktibong pinapamahalaang pondo ay makakapaghatid pa rin ng mga kita kapag may downturn.

Ano ang Crypto Index Fund?

Ngayong alam mo na kung ano ang tradisyonal na index fund, napakadaling maunawaan kung ano ang crypto index fund. Maraming development sa crypto ang maituturing na mga update ng Web3 sa mga tradisyonal na merkado at produkto, at hindi bukod dito ang crypto index fund. Kinukuha lang nito ang ideya at istruktura ng tradisyonal na index fund at pinapalitan nito ang mga pinagbabatayang asset gamit ang mga cryptocurrency token sa halip na mga share at bond sa kumpanya.

Halimbawa, ipinupuhunan ng isang S&P 500 Index Fund ang naka-pool na pera na inilagay rito sa isang basket ng mga stock na kumakatawan sa 500 kumpanya sa S&P 500 market index. Samantala, ipupuhunan ng crypto index fund ang pondong inilagay rito sa isang basket ng iba't ibang crypto.

Sa madaling sabi, ang crypto index fund ay isang paraan ng pamumuhunan kung saan puwede kang mamuhunan sa isang pondo, na mamumuhunan naman ng perang iyon sa isang partikular na index ng mga cryptocurrency. Sa pamamagitan noon, nagbibigay ang crypto index fund ng access sa diversified na portfolio ng mga digital asset nang hindi mo kinakailangang bilhin ang bawat token sa pondo nang paisa-isa.

Paano Naiiba ang Crypto Index Fund?

Siyempre, ang pangunahing pinagkaiba ng tradisyonal na index fund at crypto index fund ay ang uri ng mga asset kung saan namumuhunan ang mga ito. 

Isa pang pangunahing pingkaiba ay puwedeng makaranas ng mas mataas na volatility ang mga merkado ng crypto kaysa sa mga tradisyonal na merkado. Ang resulta ay posibleng makaranas ang mga crypto index fund ng mas malalaking paggalaw ng presyo kaysa sa mga tradisyonal na index fund, kaya ang isang taong namumuhunan sa isang crypto index fund ay posibleng kumita nang mas malaki pero posible ring makaranas ng mas malalaking pagkalugi.

Maliban sa mga posibleng mas matataas na panganib at reward, isa pang pagkakaibang dapat tandaan sa pagitan ng mga tradisyonal at crypto index fund ay ang dami ng mga produktong available at pangunahing dali ng accessibility para sa mga consumer. Kung hindi man libo-libo, may daan-daang tradisyonal na index fund na available, na sumusubaybay sa lahat ng uri ng iba't ibang market index. Gayunpaman, bago-bago pang development ang mga crypto index fund, at iilan lang ang kasalukuyang available sa pangkalahatang publiko.

Mga Pangwakas na Pananaw

Habang patuloy na humuhusay at lumalago ang crypto, malamang na makikita nating magkaroon ng mas maraming crypto index fund bilang mga pagkakataon sa pamumuhunan para sa mga karaniwang user. Sikat ang mga pondong ito sa tradisyonal na pag-trade at naaangkop ang mga ito sa maraming iba't ibang trader. Ang crypto ay patuloy na umaabot sa mga bagong larangan at nakakaengganyo ng mga bagong user, kaya ang mga may gusto sa ideya ng pag-trade ng mga index fund ay malamang na magsulong na maging mas pangkaraniwan ang mga crypto-based na index fund.

Iba pang Babasahin