TL;DR
Ang THORChain ay isang desentralisadong protocol ng liquidity na nagbibigay-daan sa mga user na mag-swap ng mga asset sa isang setting na hindi nangangailangan ng pahintulot. Nagbibigay-daan ito sa palitan ng mga native layer-1 asset gaya ng BTC sa pamamagitan ng pagkilos bilang vault manager. Para i-secure ang network nito, ginagamit ng THORChain ang Tendermint at Cosmos-SDK. Gumagamit din ito ng Threshold Signature Schemes (TSS) para sa pangunahing vault nito na walang pinuno.
Panimula
Paano gumagana ang THORChain?
May apat na pangunahing uri ng mga user sa ecosystem ng THORChain:
- Mga swapper na gumagamit ng mga liquidity pool para mag-swap ng mga asset.
- Mga liquidity provider na nagdaragdag ng liquidity sa mga pool at nakakakuha ng mga reward.
- Mga node operator na nagbibigay ng mga bond at binabayaran para i-secure ang system.
- Mga trader na sumusubaybay at nagre-rebalance sa mga pool nang may intensyong kumita.
Hindi tulad ng iba pang cross-chain protocol, hindi nagra-wrap ng mga asset ang THORChain bago mag-swap. Sa halip, gumagamit ito ng mga native asset sa THORChain para magsagawa ng mga autonomous at transparent na pag-swap ng asset.
Ang mga node operator, na tinatawag na mga THORNode, ay independent at nakikipag-ugnayan sa isa't isa para makabuo ng cross-chain na network ng pag-swap. Kapalit ng pag-secure sa network, makakatanggap sila ng mga reward sa anyo ng bayarin para sa bawat pag-swap na ginawa. Bago maging node operator, kailangang magbigay ng bond na RUNE ang isang user. Hinahawakan ang mga bond na ito bilang collateral para matiyak na kikilos ang mga node operator para sa pinakaikabubuti ng THORChain. Kailangang doble ng na-pool na RUNE ang laki ng kabuuang na-bond.
Kapag nagsa-swap ng asset, ipapadala ng mga swapper ang kanilang mga asset sa THORChain at makakatanggap sila ng ibang asset. Halimbawa, kapag nagsa-swap ng BTC sa ETH, ipapadala ng mga swapper ang kanilang BTC sa THORChain. Kapag pumasok ang BTC sa network, magkakaroon ng pag-swap ng BTC sa RUNE at pagkatapos ay pag-swap ng RUNE sa ETH. Pagkatapos, magpapadala ng ETH sa swapper mula sa isang vault ng THORChain. Sa prosesong ito, makakapagsagawa ang THORChain ng mga native na pag-swap nang hindi nagra-wrap ng mga asset.
Sa modelong ito ng liquidity pool, natutukoy ng THORChain kung magkano ang halaga ng anumang asset sa anupamang asset sa pamamagitan lang ng paggamit ng mga balanse sa pool. Dahil dito, kumikilos ang THORChain bilang vault manager na sumusubaybay sa mga pagdeposito at pag-withdraw habang gumagamit ng mga ratio ng pool para magpresyo ng mga asset. Nakakatulong itong gumawa ng desentralisadong liquidity, at inaalis nito ang mga sentralisadong tagapamagitan.
Bakit natatangi ang THORChain?
Ang THORChain ay isang DEX na hindi nangangailangan ng pag-wrap para sa mga pag-swap ng asset. Kasama sa iba pang benepisyo ng THORChain ang mga sumsunod:
Ang mga swapper at trader ay
May kakayahang mag-swap ng mga layer-1 native asset sa maraming blockchain.
Hindi kinakailangang nakarehistro – kahit sino ay puwedeng magpadala ng transaksyon at ipapatupad ng THORChain ang pag-swap.
Hindi kailangang mag-wrap ng kanilang mga asset – ginagamit ng THORChain ang mga vault nito ng mga native asset para magsagawa ng mga pag-swap.
Nakakapag-access ng mga transparent at patas na presyo nang hindi umaasa sa mga sentralisadong third party o oracle.
Makakuha ng liquidity on demand anumang oras.
Ang mga liquidity provider ay
Nakakakuha ng yield sa mga hindi gumagalaw na asset gaya ng native BTC, ETH, BNB, at LUNA.
- Magkaroon ng proteksyon laban sa pansamantalang pagkalugi (impermanent loss o IL) na hanggang 100% pagkatapos nilang makasali sa pool nang 100 araw.
Hindi napapailalim sa mga panahon ng pag-lock.
Hindi kinakailangang nakarehistro.
Hindi kinakailangang humarap sa mga third party.
Ang mga node operator ay
Nakakakuha ng mga reward kapag na-secure nila ang network.
Hinihikayat na manatiling anonymous para madagdagan ang desentralisasyon.
Hindi kinakailangang nakarehistro.
Ano ang RUNE?
Ang RUNE ay ang native coin ng THORChain. Sa loob ng network, gumagana ito bilang batayang pares para makapag-swap ng RUNE ang mga user kapalit ng anupamang sinusuportahang asset. Mayroon itong supply na 500 milyon at apat na pangunahing paggagamitan: settlement, seguridad, pamamahala, at mga insentibo.
RUNE bilang settlement asset
RUNE ang settlement asset para sa lahat ng liquidity pool, na nangangasiwa sa mga pag-swap sa pagitan ng dalawang tool. Kailangan ng 1:1 na ratio ng RUNE:ASSET para sa bawat pool. Halimbawa, ang isang pool na may $100,000 na halaga ng BTC ay kailangang humawak ng $100,000 na halaga ng RUNE.
RUNE para sa seguridad
Para matiyak ang seguridad, kailangang mag-bond ang mga node operator ng dami ng RUNE na doble ng halagang idinagdag nila sa isang pool. Hinahawakan ang mga bond na RUNE bilang collateral para matiyak na kikilos ang mga node operator para sa pinakaikabubuti ng network.
RUNE para sa pamamahala
Mapipili ng mga may hawak ng RUNE kung aling asset o token ang gusto nilang bigyan ng priyoridad. Gagawin nila iyon sa pamamagitan ng pagboto gamit ang kanilang liquidity. Halimbawa, ang isang pool na may pinakamaraming naka-commit na RUNE ay magkakaroon ng mas mataas na priyoridad.
RUNE para sa mga insentibo
Binabayaran ang mga reward ng block at bayarin sa pag-swap sa mga liquidity provider at node operator sa RUNE sa isang nakatakdang iskedyul ng emisyon. Puwede ring gamitin ang RUNE para magbayad ng bayarin sa gas.
Ang pinakamaliit na denominasyon ng RUNE, na tinatawag na Tor, ay walong decimal point. Layunin ng RUNE na magkaroon ng nahuhulaang deterministic na halaga. Ayon sa disenyo, sa pinakamababa, ang market cap ng RUNE ay katumbas dapat ng tatlong beses ng kabuuang halaga ng mga asset na hindi RUNE sa mga liquidity pool ng ecosystem.
Paano bumili ng RUNE sa Binance?
Makakabili ka ng RUNE sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.