TL;DR
Ang Yield Guild Games (YGG) ay isang gaming guild na nakatuon sa mga play-to-earn na laro sa blockchain. Isa itong komunidad na namumuhunan sa mga NFT asset at nagkokone-konekta ng mga blockchain gamer sa buong mundo. Layunin nilang bumuo ng network ng mga manlalaro at namumuhunan na nagtutulungan para makapagsimula at lumago sila sa mundo ng NFT gaming.
Panimula
Ano ang Yield Guild Games (YGG)?
Dahil nauunawaan niyang posibleng maging kapaki-pakinabang na tool ang blockchain gaming para sa mga nakatira sa mga bansang umuunlad, sinimulang ipahiram ni Dizon ang kanyang mga Axie sa iba pang manlalarong hindi kayang bumili ng sarili nilang mga Axie. Nagbigay ito sa kanya ng inspirasyong samahan si Beryl Li sa pagtatatag ng Yield Guild Games noong 2020 para tulungan ang mga gamer na magtagumpay sa mundo ng mga NFT at blockchain gaming.
Paano gumagana ang Yield Guild Games?
Binubuo ang YGG ng maraming SubDAO, na binubuo ng mga grupo ng mga manlalaro mula sa isang partikular na NFT game o heograpikong lokasyon. Bawat SubDAO ay may sariling hanay ng mga panuntunan para mapamahalaan ang mga aktibidad at asset ng kaukulang play-to-earn na laro.
Nagbibigay-daan ang modelong ito sa mga manlalaro ng parehong NFT game na magtulungan para ma-maximize ang kanilang mga kita sa laro. Nagbibigay-daan din ito sa mga miyembro ng guild na rentahan at gamitin ang mga NFT asset na pagmamay-ari ng komunidad para makakuha ng mga reward sa laro. Bilang kapalit, ang mga magpapahiram ng kanilang mga NFT sa pamamagitan ng DAO ay puwedeng makihati sa kikitain ng mga gamer.
Sa YGG, naka-store ang lahat ng NFT at digital asset sa YGG Treasury, na kinokontrol ng komunidad. Ibinibigay ng treasury ang mga NFT sa bawat SubDAO, at kasama rito ang mga P2E asset mula sa maraming laro sa blockchain.
Mga Scholarship ng YGG
Para ma-maximize ang halaga at gamit ng mga gaming NFT, gumagamit ang YGG DAO ng programa sa pagrenta ng NFT na kilala bilang mga scholarship. Unang ipinakilala ng komunidad ng Axie Infinity ang ideya para parehong makinabang ang mga may-ari ng NFT at play-to-earn gamer.
Sa Axie Infinity, puwedeng hiramin ng mga may-ari ng Axie ang kanilang mga gaming asset para matulungan ang mga bagong manlalaro na makapagsimula kapalit ng porsyento ng kanilang mga reward sa laro. Isinasagawa ang proseso sa pamamagitan ng mga smart contract sa blockchain sa paraan kung saan magagamit lang ng mga scholar ang mga NFT sa laro. Ang manager (may-ari) lang ang makakapag-trade o makakapaglipat ng mga NFT.
Gayundin, nagbibigay ang YGG ng mga scholarship sa mga bagong manlalaro sa isang modelo ng pagbabahagi ng kita, kung saan puwede silang kumuha ng mga NFT asset para makapagsimulang maglaro at makakuha ng mga reward sa laro. Hindi kailangang mamuhunan ng pera agad-agad ang mga scholar, pero ibabahagi nila ang isang parte ng kikitain nila sa kanilang mga manager. Maliban sa mga NFT, makakatanggap din ang mga bagong manlalaro ng training at patnubay mula sa mga manager ng komunidad.
Mga SubDAO
Gaya ng nabanggit, ang YGG DAO ay pangunahing binubuo ng mga SubDAO. Puwede mong ituring ang mga SubDAO bilang mga isinalokal na komunidad sa pangunahing YGG DAO. Ang mga lokal na komunidad na ito ay binubuo ng mga manlalaro mula sa isang partikular na P2E na laro o lokasyon. Halimbawa, may SubDAO na para lang sa mga manlalaro ng Axie Infinity, isang SubDAO para sa mga manlalaro ng The Sandbox, isa pang SubDAO para sa mga manlalaro sa Southeast Asia, at iba pa. Sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga manlalaro sa iba't ibang SubDAO, puwede silang magtalakayan tungkol sa mga diskarte sa paglalaro at magtulungan para ma-maximize ang performance.
Pinapamahalaan ng bawat SubDAO ang mga aktibidad at asset ng kaukulan nitong laro alinsunod sa sarili nitong hanay ng mga panuntunan at kondisyon, pero nag-aambag pa rin ang mga ito ng kita sa YGG DAO. Sa isang SubDAO, may pinuno ng komunidad, wallet, at token ng SubDAO. Puwedeng makihati ang mga may-hawak ng token sa mga yield na nabuo mula sa gameplay batay sa mga kontribusyon nila. Puwede rin silang magmungkahi at bumoto sa mga desisyon sa pamamahala kaugnay ng SubDAO, halimbawa, kung bibili pa ba ng mga NFT, o kung paano pamahalaan ang kanilang mga asset.
Ano ang YGG token?
Bilang native token ng platform, ginagamit ang YGG para magbayad ng mga serbisyo sa network. Puwede rin itong i-stake para makakuha ng mga reward sa mga vault ng YGG o gamitin para makapag-unlock ng eksklusibong content sa Discord channel ng YGG. Dagdag pa rito, ang mga may-hawak ng YGG ay puwedeng magsumite ng mga panukala at bumoto sa mga desisyon tungkol sa teknolohiya, mga produkto, mga proyekto, pamamahagi ng token, at pangkalahatang istruktura ng pamamahala ng guild. Bibigyan ng reward na mga YGG token ang mga mananalong suhestyon na maipapatupad sa DAO.
Vault ng YGG
Plano ring bumuo ng YGG ng all-in-one super index vault na kumakatawan sa lahat ng aktibidad sa ecosystem nito na bumubuo ng yield. Bibigyan ng reward ng vault na ito ang mga nagse-stake batay sa kita ng guild mula sa mga subskripsyon, merchandise, rental, paglago ng treasury, at index performance ng SubDAO.
Paano bumili ng YGG sa Binance?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade]. Piliin ang classic o advanced na mode ng pag-trade para magsimula.
3. Pumunta sa kahong [Spot] sa kanan at ilagay ang halaga ng YGG na bibilhin. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng YGG] para kumpirmahin ang iyong order, at ike-credit ang biniling YGG sa Spot Wallet mo.
Mga pangwakas na pananaw
Sa pamamagitan ng natatanging modelo ng pagbabahagi ng kita, bumubuo ang YGG ng isang desentralisadong komunidad sa totoong buhay. Nag-aalok ito sa mga kalahok ng pagkakataong magtagumpay sa mga virtual na mundong ito sa pamamagitan ng makabagong ekonomiya ng gaming. Habang dumarami ang mga proyekto sa metaverse, puwedeng makinabang ang mga NFT guild gaya ng Yield Guild Games sa pagdagsa ng mga baguhan at mahilig sa crypto na gustong i-explore ang mga play-to-earn NFT game para magkaroon ng alternatibong mapagkakakitaan.