Ano ang Band Protocol (BAND)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Band Protocol (BAND)?

Ano ang Band Protocol (BAND)?

Intermediya
Na-publish Jul 27, 2022Na-update Oct 18, 2022
4m



TL;DR

Ang Band Protocol (BAND) ay isang platform ng oracle ng data na nagbibigay ng mga serbisyo sa maraming proyekto sa iba't ibang blockchain. Gumagamit ito ng mekanismo ng consensus na Delegated Proof-of-Stake kung saan sine-stake ng mga delegator, validator, at node ang native token na BAND para makalahok sila.

Ang mga kahilingan para sa impormasyon sa labas ng chain ay iniipon ng mga validator, kino-commit sa chain, at pagkatapos ay ipinapamahagi sa mga humihiling na DApp.

Panimula

Binago ng Blockchain at Decentralized Finance (DeFi) ang status quo ng sistema ng pananalapi sa mundo sa loob ng sampung taon. Gayunpaman, isang malaking balakid na kinakaharap ng mga developer ng Decentralized Application (DApp) ang pag-access ng maaasahan at tumpak na data sa totoong mundo. Ang mga mapagkukunan ng data na ito ay nasa labas ng blockchain at dapat i-integrate sa chain. Para subukang lutasin ang isyung ito, naging pangkaraniwan na ang mga oracle tulad ng Band Protocol sa ecosystem ng crypto.

Ano ang Band Protocol?

Ang Band Protocol (BAND) ay isang cross-chain na platform ng oracle ng data na nagsasama-sama ng data sa totoong mundo at nagkokonekta nito sa mga API at smart contract. Itinatag ang Band Protocol noong 2017 at nagbibigay-daan ito sa palitan ng data sa pagitan ng mga mapagkukunan ng data sa loob at labas ng chain para sa mga DApp. Orihinal na binuo ang protocol sa Ethereum (ETH) blockchain, at lumipat ito sa Cosmos network noong Hunyo 2020 para mapababa ang bayarin sa gas at ma-optimize ang gastusin. 

Bilang network ng oracle, ang Band Protocol ay tagapamagitan sa totoong mundo, data sa labas ng chain, at mga blockchain. Nagbibigay-daan ang serbisyo nito para maipatupad ang mga smart contract batay sa mga aktwal na event at impormasyon sa labas ng chain. Kung walang maaasahang oracle, nahihirapang tumakbo ang mga DApp sa pinagkakatiwalaan at desentralisadong paraan nang may mga transparent na mapagkukunan ng impormasyon.

Paano gumagana ang Band Protocol work?

Ginagamit ng Band protocol ang independent na BandChain blockchain na binuo gamit ang Cosmos SDK. Puwedeng gamitin ng mga developer ang BandChain para mag-develop ng mga nako-customize na script ng oracle na nagbibigay ng totoong data sa labas ng chain para sa mga DApp at smart contract. Kasama sa mga nako-customize na script ng oracle ang data, ang mapagkukunan ng data, ang dami ng mga validator na kailangan para maiulat ang data, at ang pamamaraan para sa pagsasama-sama ng data.

Sinisimulan ng pagpapatupad ng script ng oracle ang sumusunod na daloy:

1. Isang DApp ang hihiling ng data ayon sa naka-customize na script ng oracle nito.

2. Ang kahilingang ito ay matatanggap ng isang naka-randomize na grupo ng mga validator, na sasagot sa pamamagitan ng pagkuha ng data mula sa tinukoy na mapagkukunan ng data.

3. Ang mga ulat sa data mula sa iba't ibang validator ay pinagsasama-sama ayon sa mga naka-customize na script ng oracle.

4. Permanenteng iso-store ang pinal na pinagsama-samang data na ito sa BandChain, at gagawa ng patunay ng data ng oracle.

5. Ililipat ang na-validate na data ng oracle sa mga DApp o blockchain na humiling.

Anong mekanismo ng consensus ang ginagamit ng Band Protocol?

Ginagamit ng Band Protocol ang native na BAND token ito at isang mekanismo ng consensus na Delegated Proof-of-Stake para ma-secure ang oracle network nito. Sa kasalukuyan, ang BandChain ay may mahigit 90 propesyonal at pangkomunidad na operator ng node na nagtatrabaho sa blockchain. Bawat operator ng node ay dapat mag-stake ng mga BAND token sa network para mapigilan ang mapaminsalang gawi. Bilang reward para sa matagumpay na pagproseso ng mga kahilingan sa data, nakakakuha ang mga validator ng parte sa bayarin sa query at mga reward ng block.

Bilang may hawak ng BAND token, may dalawang paraan para lumahok sa network: bilang validator o delegator. Ang mga validator sa BandChain ay kinakailangan ding mag-stake ng mga BAND token para matiyak ang accountability sa data.

Puwedeng i-stake o italaga ng mga may hawak ng token ang kanilang mga token sa mga validator para makakuha ng mga reward sa pag-stake at nakolektang bayarin sa paghiling ng data. Dagdag pa rito, ginagamit din ang mga BAND token para sa mekanismo ng pamamahala ng protocol.

Ano ang mga pangunahing layunin ng Band Protocol?

Nagmumula ang karamihan ng mga nakakahimok na katangian ng Band Protocol sa paglipat ito sa Cosmos mula sa Ethereum. Ginawa ang proyekto nang may tatlong layunin sa disenyo:

1. Bilis at scalability - Pagtugon sa maraming kahilingan sa data nang may napakakaunting latency.

2. Cross-chain na compatibility - Pagiging blockchain-agnostic at kakayahang maghatid sa karamihan ng mga blockchain na available sa publiko.

3. Flexibility sa data - Pagsuporta sa iba't ibang paraan ng pagkuha at pagsama-sama ng data gamit ang pangkalahatang system.

Paano sinusubukan ng Band Protocol na makamit ang mga layuning ito?

Ang natatanging protocol na IBC (Inter-Blockchain Communication) ng Cosmos network ay nagbibigay ng mabilis na interoperability at autonomy para sa mga blockchain. Nagbibigay-daan ang feature na ito sa Band Protocol na magbigay ng serbisyo at makipag-partner sa mga proyektong binuo sa iba't ibang network, kasama na ang Ethereum, Fantom, Avalanche, at marami pang iba. 

Ang Band Standard Dataset ay may kasamang koleksyon ng mahigit 80 feed ng data mula sa lumalaking bilang ng mga mapagkukunan ng data. Sa pamamagitan ng mga desentralisadong feed ng data na ito, ang mga developer ng DApp ay nagiging malikhain, maagap, at flexible kapag nagde-develop at nagde-deploy sa network ng blockchain.

Mga pangwakas na pananaw

Ang Band Protocol ay isang lumalagong provider ng solusyon sa oracle na may nakapirming pagtuon sa pagbibigay-daan sa Web3. Ang layunin nitong magkaroon ng mabilis, puwedeng i-scale, nako-customize, at interoperable na serbisyo ay dapat makahikayat sa mga developer na gustong maging bahagi ng ecosystem ng Web3.