Ano ang Ripple(XRP)?
Talaan ng Nilalaman
Mga pangwakas na pananaw
Home
Mga Artikulo
Ano ang Ripple(XRP)?

Ano ang Ripple(XRP)?

Intermediya
Na-publish Dec 24, 2018Na-update Feb 9, 2023
5m

Ang Ripple, na dating kilala bilang OpenCoin, ay isang pribadong hawak na kumpanya na bumubuo ng isang network ng pagbabayad at palitan (RippleNet) batay sa isang distributed ledger database (XRP Ledger). Ang pangunahing layunin ng Ripple ay pagkone-konektahin ang mga bangko, provider ng pagbabayad, at palitan ng digital asset, na nagbibigay-daan sa mga pandaigdigang pagbabayad na mas mabilis at mas sulit. 


Kasaysayan

Unang binuo ang konsepto ng Ripple noong 2004 ni Ryan Fugger, na nag-develop ng unang prototype ng Ripple bilang desentralisadong digital na system ng pera (RipplePay). Naging live ang system noong 2005 at nilayon ito para magbigay ng mga secure na solusyon sa pagbabayad sa isang pandaigdigang network.

Noong 2012, ipinasa ni Fugger ang proyekto kina Jed McCaleb at Chris Larsen at magkasama nilang itinatag ang US-based na kumpanya ng teknolohiya, ang OpenCoin. Mula sa puntong iyon, sinimulang buuin ang Ripple bilang isang protocol na nakatuon sa mga solusyon sa pagbabayad para sa mga bangko at iba pang pinansyal na institusyon. Noong 2013, nag-rebrand ang OpenCoin bilang Ripple Labs, na nag-rebrand naman kalaunan bilang Ripple, noong 2015.

https://www.binance.com/en/buy-sell-crypto?channel=hzBankcard&fiat=USD&utm_source=BinanceAcademy


Ang XRP Ledger (XRPL)

Batay sa gawa ni Fugger at binigyang-inspirasyon ng paggawa ng Bitcoin, na-deploy ng Ripple ang Ripple Consensus Ledger (RCL) noong 2012 - kasama ng native cryptocurrency nito na XRP. Kalaunan, pinalitan ang pangalan ng RCL at ginawa itong XRP Ledger (XRPL).

Gumagana ang XRPL bilang isang distributed economic system na hindi lang nagso-store ng lahat ng impormasyon ng accounting ng mga kalahok sa network, pero nagbibigay rin ng mga serbisyo ng palitan sa maraming pares ng currency. Ipinepresenta ng Ripple ang XRPL bilang isang open-source na distributed ledger na nagbibigay-daan sa mga real-time na pinansyal na transaksyon. Ang mga transaksyong ito ay sine-secure at vine-verify ng mga kalahok ng network sa pamamagitan ng isang mekanismo ng consensus. 

Gayunpaman, hindi tulad ng Bitcoin, hindi nakabatay ang XRP Ledger sa isang Proof of Work na consensus algorithm at samakatuwid, hindi ito umaasa sa isang proseso ng pagmimina para mag-verify ng mga transaksyon. Sa halip, nagkakaroon ng consensus sa network sa pamamagitan ng paggamit ng sarili nitong naka-customize na consensus algorithm – na dating kilala bilang Ripple Protocol Consensus Algorithm (RPCA).

Pinapamahalaan ang XRPL ng isang network ng mga independent na taga-validate na node na laging naghahambing ng mga rekord ng transaksyon nito. Magagawa ng kahit sino hindi lang ang mag-set up at magpatakbo ng taga-validate na node sa Ripple, pero pati na rin ang pumili kung aling mga node ang pagkakatiwalaan bilang mga validator. Gayunpaman, inirerekomenda ng Ripple sa mga kliyente nito na gumamit ng listahan ng mga natukoy at pinagkakatiwalaang kalahok para i-validate ang kanilang mga transaksyon. Kilala ang listahang ito bilang Unique Node List (UNL).

Ang mga UNL node ay nagpapalitan ng data ng transaksyon hanggang sa magkasundo ang lahat ng ito tungkol sa kasalukuyang katayuan ng ledger. Sa madaling sabi, ang mga transaksyong napagkasunduan ng supermajority ng mga UNL node ay itinuturing na valid at nagkakaroon ng consensus kapag inilapat ng lahat ng node na ito ang parehong hanay ng mga transaksyon sa ledger.

Ayon sa opisyal na website ng Ripple, ang Ripple ay isang pribadong hawak na kumpanya na nagpasimula ng pag-develop sa XRPL bilang isang open-source na distributed ledger. Ibig sabihin nito, kahit sino ay makakapag-ambag sa code at makakapagpatuloy ang XRPL kahit mawala na ang kumpanya.


RippleNet

Kumpara sa XRPL, eksklusibo ang RippleNet sa kumpanya ng Ripple at binuo ito batay sa XRPL bilang isang network ng pagbabayad at palitan.

Sa kasalukuyan, nag-aalok ang RippleNet ng isang hanay ng tatlong produkto na idinisenyo bilang sistema ng solusyon sa pagbabayad para sa mga bangko at iba pang pinansyal na institusyon. Sa kasalukuyan, may tatlong pangunahing produkto ang RippleNet: ang xRapid, xCurrent, at xVia.


xRapid

Sa madaling sabi, ang xRapid ay isang on-demand na solusyon sa liquidity na gumagamit ng XRP bilang pandaigdigang bridge currency sa pagitan ng maraming fiat currency. Parehong umaasa ang XRP at xRapid sa XRP Ledger, na nagbibigay-daan sa mas mabilis na pagkumpirma at mas mababang bayarin kumpara sa mga tradisyonal na paraan.

Tingnan natin ang isang simpleng halimbawa. Si Bob na taga-Australia ay gustong magpadala ng $100 kay Alice na nasa India. Inilipat ni Bob ang pera sa pamamagitan ng isang pinansyal na institusyon na tinatawag na FIN. Para maisagawa ang transaksyon, ginamit ng FIN ang solusyong xRapid para gumawa ng koneksyon sa mga palitan ng asset sa pinagmulan at destinasyong bansa. Sa ganitong paraan, mako-convert ng kumpanya ang $100 ni Bob sa XRP, na magbibigay ng kinakailangang liquidity para sa panghuling pagbabayad. Sa loob lang ng ilang segundo, mako-convert ang XRP sa Indian Rupees at mawi-withdraw ni Alice ang pera mula sa palitan ng asset na nasa India.


xCurrent

Ang xCurrent ay isang solusyong idinisenyo para magbigay ng agarang settlement at pagsubaybay sa mga cross-border na pagbabayad sa pagitan ng mga miyembro ng RippleNet. Hindi tulad ng xRapid, hindi nakabatay ang solusyon ng xCurrent sa XRP Ledger at hindi nito ginagamit ang XRP cryptocurrency bilang default. Binuo ang xCurrent batay sa Interledger Protocol (ILP), na idinisenyo ng Ripple bilang isang protocol para sa pagkone-konekta ng iba't ibang ledger o network ng pagbabayad. 


Ang apat na pangunahing bahagi ng xCurrent ay ang:

  1. Messenger - Nagbibigay ang xCurrent messenger ng peer-to-peer na komunikasyon sa pagitan ng magkakakonektang pinansyal na institusyon ng RippleNet. Ginagamit ito para magpalitan ng impormasyon kaugnay ng panganib at pagsunod, bayarin, mga rate ng FX, mga detalye ng pagbabayad, at inaasahang oras ng paghahatid ng mga pondo.

  2. Validator - Ginagamit ang Validator para kumpirmahin sa cryptographic na paraan kung nagtagumpay o pumalya ang isang transaksyon at para na rin asikasuhin ang paglilipat ng mga pondo sa Interledger. Puwedeng magpatakbo ang mga pinansyal na institusyon ng sarili nilang validator o puwede silang umasa sa isang third-party na validator.

  3. ILP Ledger - Ipinapatupad ang Interledger Protocol sa mga kasalukuyang banking ledger, na gumagawa sa ILP Ledger. Gumagana ang ILP Ledger bilang sub-ledger at ginagamit ito para subaybayan ang mga credit, debit, at liquidity sa mga partidong nagtatransaksyon. Sine-settle ang mga pondo nang atomically, ibig sabihin, sine-settle ang mga ito agad-agad o hindi talaga ito nase-settle.

  4. FX Ticker - Ginagamit ang FX ticker para tumukoy ng mga rate ng palitan sa pagitan ng mga nagtatransaksyong partido. Sinusubaybayan nito ang kasalukuyang katayuan ng bawat naka-configure na ILP Ledger.

Bagama't pangunahing idinisenyo ang xCurrent para sa mga fiat currency, sinusuportahan din nito ang mga transaksyon sa cryptocurrency.


xVia

Ang xVia ay isang API-based na standardized interface na nagbibigay-daan sa mga bangko at iba pang provider ng pinansyal na serbisyo na mag-interact sa iisang framework - nang hindi kinakailangang umasa sa maraming integration sa network ng pagbabayad. Nagbibigay-daan ang xVia sa mga bangko na gumawa ng mga pagbabayad sa pamamagitan ng iba pang partner sa pagbabayad na nakakonekta sa RippleNet at nagbibigay-daan din ito sa kanila na mag-attach ng mga invoice o iba pang impormasyon sa kanilang mga transaksyon.


Mga pangwakas na pananaw

Bagama't kilala ang Bitcoin bilang unang cryptocurrency at kinikilala ang Ethereum dahil sa paggawa ng isang platform para sa mga smart contract, puwede nating ituring ang Ripple network bilang isang sistema ng palitan ng currency na nakatuon sa mga pandaigdigang solusyon sa pagbabayad para sa mga bangko at iba pang pinansyal na institusyon.

Puwedeng ipatupad ang RippleNet batay sa kasalukuyang imprastruktura ng pagbabangko bilang paraan para madagdagan at mapahusay ang tradisyonal na sistema ng pagbabayad. Nagbibigay-daan ang xCurrent sa mga sulit na real-time na pagbabayad sa iba't ibang pinansyal na institusyon, ginagamit ng xRapid ang XRP bilang walang hangganang bridge currency para makapagbigay ng mga on-demand na liquidity pool, at pinapangasiwaan ng xVia ang pag-integrate at pakikipag-ugnayan ng lahat ng kalahok sa RippleNet.

Tumutok lang para sa mas marami pang content at huwag kalimutang panoorin ang aming mga video sa Binance Academy!