TL;DR
Ang mga pamantayan ng token ay mga hanay ng mga panuntunan at kumbensyon para sa pamamahala kung paano gumagana ang isang crypto token. Kasama sa mga sikat na pamantayan ang ERC-20, BEP-20, ERC-721, at ERC-1155.
Panimula
Bagama't may libo-libong cryptocurrency, baka masorpresa ka kapag nalaman mo na binuo ang karamihan ng mga ito gamit ang parehong blueprint. Inilalarawan ng mga blueprint na ito, na tinatawag na mga pamantayan ng token, ang ilan sa mga pangunahing functionality at property ng mga blockchain token.
Bakit Dapat Gumamit ng Mga Pamantayan ng Token?
Interoperability
Tinitiyak ng mga pamantayan ng token na puwedeng mag-interact o gumana nang magkakasama ang lahat ng produktong binuo gamit ang pamantayang iyon. Kung ang isang proyekto ay mag-iisyu ng isang token na binuo ayon sa isang pamantayan ng token, mananatiling compatible ang bagong token sa mga kasalukuyang platform at application gaya ng mga wallet. Halimbawa, interoperable ang mga ERC-20 asset sa iba pang produkto at serbisyo na na-develop gamit ang parehong pamantayan ng token.
Ito rin ang dahilan kung bakit mo puwedeng i-trade ang iyong ERC-20 token kapalit ng isa pa. Kung walang pamantayan ng token, magiging lubos na mas mahirap na mag-trade ng maraming cryptocurrency. Kakailanganin mo ring gumawa ng mga partikular na token sa halip na gumamit ng wallet na kayang humawak ng maraming cryptocurrency.
Pagiging Composable
Sa programming, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng system na composable, magagamit ulit ng mga developer ang mga kasalukuyang component para gumawa ng mga bagong produkto. Nalalapat din ito sa paggawa ng token – sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamantayan ng token, mas kaunting oras ang ginugugol sa pangunahing functionality, kaya mas maraming oras ang mga developer na mag-eksperimento at gumawa ng bago.
Efficiency
Pinapangasiwaan din ng mga pamantayan ng token ang interaksyon sa pagitan ng mga smart contract. Pagkatapos sundin ng mga smart contract ang mga pamantayan ng token at pagkatapos nitong mag-deploy ng mga token, posibleng gamitin ang mga ito para subaybayan ang mga ginawang token.
Ang mga pamantayan ng token tulad ng ERC-20 at BEP-20 ay may mahahalagang function, kasama ang pagkuha ng address at mga balanse ng token, na nagbibigay-daan sa mga smart contract na subaybayan ang mga token sa mas mahusay na paraan. Halimbawa, para inspeksyunin ang isang ERC-20 token, puwedeng gumamit ang isang developer ng interface na tinatawag na Contract Application Binary Interface (ABI) para subaybayan ang mga paglilipat ng data at iba pang data.
Mga Karaniwang Pamantayan ng Token sa Crypto at DeFi
BEP-20
Ang BEP-20 ay isang pamantayan ng token sa BNB Smart Chain (BSC). Binuo ito bilang teknikal na detalye para sa BSC, at nagbibigay-daan ito sa mga developer na maglunsad ng iba't ibang token, kasama na ang mga peggy coin, utility token, stablecoin, at higit pa. Nagpapakilala rin ang pamantayan ng BEP-20 ng mga feature tulad ng pag-blacklist, pag-mint, at pag-pause ng mga pag-burn ng token.
Nasa ibaba ang mga pangunahing function ng pamantayan ng token na BEP-20:
TotalSupply: tumutukoy sa kabuuang supply ng token ng isang partikular na BEP-20 token.
BalanceOf: tumutukoy sa balanse ng token.
Transfer: nagbibigay-daan sa mga user na ilipat ang pagmamay-ari ng token sa iba.
TransferFrom: nagbibigay-daan para mailipat ang isang token sa iba sa ngalan ng isang user sa pamamagitan ng smart contract.
Approve: tumutukoy ng limitasyon sa dami ng mga token na puwedeng i-withdraw ng isang smart contract.
Allowance: tumutukoy ng mga external address na may pahintulot na gumastos ng mga token.
ERC-20
Noong 2015, iminungkahi ni Fabian Vogelsteller ang ERC-20, na isang pamantayan ng token na sa paglaon ay siyang magiging pangunahing balangkas para sa pagdidisenyo ng mga developer ng sarili nilang mga token, kasama na ang mga virtual token, token para sa pag-stake, at mga virtual currency.
Ang ERC-20 ay isang pamantayan ng token para sa pag-develop ng mga asset na sumusunod sa mga karaniwang panuntunan at napagpapalit-palit ang mga ito (ibig sabihin, fungible). Kaya kung gagawa ka ng 1,000 unit ng isang ERC-20 token, magkakaroon ng parehong functionality ang bawat unit.
Kaparehong-kapareho ang pamantayan ng BEP-20 sa pamantayan ng ERC-20. Gayunpaman, tandaan na bahagi ang mga ito ng mga natatanging network ng blockchain. Ginagamit ang pamantayan ng token ng ERC-20 sa Ethereum blockchain, habang ang BEP-20 ay nasa Binance Smart Chain (BSC).
ERC-721
Alam mo ba na marami sa mga non-fungible token (NFT) sa Ethereum ay may iisang pamantayan ng token, ang ERC-721? Isa man itong limited edition na NFT o Proof of Attendance Protocol (POAP), malamang na ginawa ang iyong NFT gamit ang parehong blueprint. Bakit natatangi ang mga NFT? Ayon sa isa sa mga alituntunin, para maging ERC-721 token, dapat magkaroon ang isang asset ng tokenId na natatangi sa buong mundo.
Kasama sa mga functionality ng ERC-721 ang paglilipat ng token, kasalukuyang balanse, kabuuang supply, at gaya ng nabanggit, pagiging natatangi sa buong mundo.
ERC-1155
Habang nagbabago ang mga pamantayan ng token, may lalabas na isang alituntuning sumasaklaw sa pangangailangan ng industriya na magkaroon ng maraming uri ng token. Ang ERC-1155 ay isang pamantayan para sa maraming token na nagbibigay-daan sa paggawa ng iba't ibang uri ng mga digital asset, kasama na ang mga utility token gaya ng BNB at mga NFT.
Kasama sa iba pang feature, nag-aalok ang ERC-1155 ng mga maramihang functionality ng token, kasama na ang:
Maramihang paglilipat: kung saan puwedeng ilipat ang maraming asset nang sabay-sabay.
Maramihang balanse: kung saan puwedeng kunin ang mga balanse ng maraming asset sa isang hakbang.
Maramihang pag-apruba: kung saan puwedeng aprubahan sa isang address ang lahat ng token.
Suporta sa NFT: kung saan itinuturing na NFT ang isang token kapag 1 lang ang supply.
Mga Limitasyon ng Mga Pamantayan ng Token
Bagama't ang mga token na ginawa na may mga parehong pamantayan ay magkatugma sa mga pangunahing functionality at maayos na nakakapag-interact sa isa't isa, malabong mangyari iyon para sa mga token na may magkakaibang pamantayan. Dahil may iba't ibang panuntunan na pamamahala sa mga pamantayan ng token sa industriya, hindi na nakakagulat na hindi laging compatible ang mga ito sa isa't isa. Posibleng ang ibig sabihin nito ay posibleng wala sa iisang platform ang mga token na na-develop gamit ang iba't ibang pamantayan, o posibleng hindi magagawang makipag-ugnayan o i-trade ang mga ito sa isa't isa. Kung nagmamay-ari ka ng maraming cryptocurrency, posibleng naranasan mo na ang pagkadismaya na hindi mo magamit ang iyong BTC sa Ethereum. Para matugunan ang limitasyong ito, nakaisip ang industriya ng bagong genre ng mga token na tinatawag na mga wrapped token.
Mga wrapped token
Ang mga wrapped token ay mga cryptocurrency na naka-peg sa halaga ng isa pa. Kadalasan, inilalagay ang orihinal na asset sa isang digital vault na tinatawag na wrapper, at gumagawa ng wrapped na bersyon nito sa ibang blockchain, gaya ng avatar.
Mga Pangwakas na Pananaw
Ang mga pamantayan ng token ay parang mga blueprint para sa pagdidisenyo at paglulunsad ng mga blockchain-based na token. May ilang pamantayan ng token sa industriya sa kasalukuyan, at ang mga makabagong solusyon gaya ng mga blockchain bridge at mekanismo ng pag-wrap ay makakatulong na ayusin ang mga isyu sa incompatibility sa pagitan ng mga token na ito.