TL;DR
Ang metaverse ay isang online at immersive na espasyong nagkokonekta sa digital at tunay na buhay ng mga user. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga teknolohiya gaya ng augmented reality (AR), virtual reality (VR), at blockchain, nag-aalok ang metaverse ng mga bagong digital na paraan para magtrabaho, makisalamuha, at mag-relax.
Nag-eeksperimento na ang mga proyekto gaya ng Decentraland at SecondLive ng mga play-to-earn na laro at iba pang blockchain application, na nagbibigay-daan sa mga komunidad para makapagsama-sama, makapagtrabaho, at makaabot ng mga pangkalahatang layunin. Bilang karagdagan, gumagawa ang mga tech giant ng kanilang mga metaverse para makasabay sa trend.
Bagama't posibleng maraming maging metaverse, makikinabang ang lahat ng ito kung magiging konektado ang mga ito sa isa't isa. Nag-aalok ang teknolohiya ng blockchain ng natatanging paraan para sa interoperability ng metaverse. Posible nitong mabigyan ng kakayahan ang mga user na makapaglipat ng mga cryptocurrency, item, at iba pang digital asset sa pagitan ng mga metaverse.
Panimula
Metaverse ang isa sa mga salitang binabanggit ng mga tao kapag kinokonsidera ang hinaharap ng teknolohiya, mga cryptocurrency, at Internet. Hindi pa ganap na narito ang metaverse, pero kapansin-pansin na may maliliit na proyekto at mga pandaigdigang kumpanya na nagsisikap na buuin ang kinabukasan ng mga digital space.
Ano ang metaverse?
Ang metaverse ay isang konsepto ng magkakakonektang virtual na universe na puwedeng tuklasin gamit ang mga 3D avatar. Puwede mo itong ipagpalagay bilang susunod na ebolusyon ng Internet, kung saan may mga mas immersive at interactive na online na karanasan.
Pinagsasama ng metaverse ang mga teknolohiya gaya ng augmented reality (AR), virtual reality (VR), at blockchain. Habang ine-enable ng AR ang mga user na mag-morph ng mga digital na visual na element sa tunay na mundo gamit ang isang camera, gumagawa ang VR ng mga computer-generated na virtual na environment na tinutuklas ng mga tao gamit ang mga VR headset. Ine-enable naman ng teknolohiya ng blockchain ang mga property ng digital na pruweba ng pag-aari, digital na collectibility, at paglilipat ng halaga.
Nag-aambag din ang mga NFT platform gaya ng Marketplace ng Binance NFT sa pagbuo ng gaming metaverse sa pamamagitan ng pagbibigay ng link sa pagitan ng mga proyekto ng gaming at mga komunidad ng crypto. Bukod pa rito, nagho-host din ng iba't ibang metaverse na proyekto ang BNB Smart Chain (BSC) na pinapatakbo ng komunidad. Nakapag-develop din ang Fortnite ng metaverse platform na nagkonekta ng mahigit 350 milyong player sa virtual nitong mundo.
Bagama't kasalukuyan pa lang na dine-develop ang metaverse, malamang na mag-e-expand ito hindi lang sa mga gaming platform. Halimbawa, ang mga aplikasyon sa digital na pagkakakilanlan, remote na pagtatrabaho, at desentralisadong pamamahala ang ilan lang sa mga potensyal na sektor na puwedeng makinabang sa metaverse.
Ano ang puwedeng gawin sa metaverse?
Gumagawa ang metaverse ng mga virtual space na para sa lahat kung saan pinagsasama ang pisikal at digital. Halimbawa, puwedeng gamitin ng mga negosyo ang metaverse para sa pag-host ng mga mixed reality meeting gamit ang mga VR headset o para sa paglagda ng mga kontrata nang hindi kailangang magkakasama sa isang pisikal na lugar.
Puwede ka ring mag-grocery sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon sa mga virtual na aisle, ipakita ang iyong mga koleksyon ng NFT sa mga virtual na kaibigan, at bumisita sa mga art exhibition nang hindi umaalis ng bahay mo.
Napatunayan na ng mga play-to-earn game gaya ng Axie Infinity at mga tool sa pakikisalamuha sa trabaho gaya ng Gather.town na posible ang mga epektibong aspekto ng mga virtual na mundo. Iniimbitahan ng mga ito ang mga user na mag-enjoy, makisalamuha sa mga tao, makipagtransaksyon gamit ang mga digital currency, at kumita.
Sa kabilang banda, ang Decentraland ay isang online na digital na mundo na matagumpay na pinaghahalo ang mga social na elemento at mga cryptocurrency at NFT, na kumakatawan sa kahit na ano mula sa mga cosmetic na collectible hanggang sa virtual na real estate. Halimbawa, puwedeng gamitin ng isang player ang native na cryptocurrency ng Decentraland, ang MANA, para bumili ng 16x16 na metrong lote ng lupa na iniisyu bilang mga NFT (non-fungible token) sa Ethereum blockchain.
Bilang panghuli, binibigyang-daan ng metaverse na makapagsama-sama ang mga grupo ng mga tao para sa iisang interes. Halimbawa, sumikat ang pag-host ng Fortnite sa virtual na Astronomical concert ni Travis Scott na may mahigit 12 milyong tagapakinig sa buong mundo. Hindi gaya ng isang regular na concert, puwedeng makipag-interaksyon ang mga gamer sa sikat na rapper gamit ang kanilang mga avatar at ma-enjoy ang mga animated at 3D na visual.
Iisa lang ba ang metaverse?
Iminumungkahi ng metaverse ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang virtual na ground na pinaghahatian ng lahat. Pero gaya ng nakikita natin, puwedeng magkaroon ng iba't ibang metaverse na magkakahiwalay sa isa't isa.
Ibig sabihin, ang bawat metaverse ay may partikular na function sa kolektibo ng mga metaverse. Sa parehong paraan na nakakapagbigay ng mga partikular na serbisyo ang bawat social media platform, nag-aalok din ng magkakaibang virtual na posibilidad ang mga metaverse. Gaya ng mga naunang halimbawa, puwedeng pagtuunan ng isang metaverse ang gaming habang ang iba naman ay nakatuon sa mga meetup o concert.
Ang mga proyekto ng crypto metaverse gaya ng Axie Infinity, Decentraland, at SecondLive ay may kanya-kanyang natatanging diskarte sa pagbuo ng metaverse. Bukod pa sa mga metaverse na nakabatay sa blockchain, isinusulong ng mga dambuhalang tech ang metaverse narrative. Halimbawa, pinalitan ng Facebook ang pangalan nito sa Meta at namuhunan ito ng bilyon-bilyong dolyar sa pag-develop ng metaverse content, software, at mga AR at VR headset. Gumagawa rin ang malalaking kumpanya gaya ng Microsoft, Google, at Tencent ng metaverse at pumapasok na sila sa larangan sa pamamagitan ng pag-develop ng mga bagong teknolohiya.
Sa pinakamainam, dapat maging interoperable ang iba't ibang metaverse. Ang ibig sabihin ng metaverse interoperability ay mabilis na makakapagtransaksyon at makakapagpalitan ng data ang isa o higit pang metaverse. Sa pamamagitan ng mga interoperable na metaverse, makakapaglipat ng mga asset ang mga user mula sa isang metaverse papunta sa isa pa, kabilang ang mga NFT at cryptocurrency.
Marami sa mga developer at protocol ang umaasang ang teknolohiya ng blockchain ang magkokonekta sa mga metaverse. Una, dahil ito ay desentralisado at transparent. At pangalawa, dahil kaya nitong mag-alok ng digital na pruweba ng pag-aari, authenticity, paglilipat ng halaga, at accessibility.
Halimbawa, kung interoperable at binuo sa parehong blockchain ang dalawang play-to-earn game, puwedeng magpalipat-lipat sa pagitan ng mga ito ang mga player, at puwedeng mapatunayan at ma-secure sa parehong laro ang kanilang mga virtual na item. Sa madaling salita, magagamit ng mga user ang kanilang mga armas, skin, at iba pang item sa laro sa parehong virtual na mundo. May posibilidad din ng paggamit ng mga blockchain bridge para maglipat ng mga cryptocurrency at iba pang digital asset sa iba't ibang network ng blockchain.
Ang web ng mga metaverse sa hinaharap
Nasa maagang yugto pa lang ng pag-unlad nito ang metaverse. Walang nakakaalam kung ano ang magiging hitsura nito sa hinaharap, pero walang duda na isa itong sektor ng teknolohiyang umaakit ng kapital at atensyon ng mga developer. Gaya ng nabanggit, malamang na bubuuin ang metaverse ng iba't ibang indibidwal na metaverse. Gayunpaman, malamang na magiging malaki ang papel ng mga teknolohiya gaya ng blockchain at mga cryptocurrency sa pagkonekta sa iba't ibang virtual na mundo.
Sa pangmatagalan, puwedeng magsama-sama sa iisang metaverse ang iba't ibang metaverse na may iba't ibang layunin. Puwede ring humikayat ng dagdag na paggamit ang paggawa ng web ng iba't ibang metaverse.
Mga pangwakas na pananaw
Patuloy ang paglago ng metaverse habang dumarating sa merkado ang mga bagong proyekto at nagde-develop ng mga bagong functionality at serbisyo ang mga dati nang proyekto. May mga matagumpay nang proyekto ng metaverse ang mundo ng crypto, kabilang ang mga native sa blockchain gaya ng Decentraland, pati na mga player mula sa mga tradisyonal na merkado gaya ng Fortnite at Meta. Sa pag-unlad ng AR, VR, blockchain, at iba pang teknolohiya, malamang na masaksihan natin ang pag-usbong ng mga kapana-panabik, bago, virtual, at walang limitasyong metaverse.